OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 57: HIS SIDE STORY
DASURI
Ilang araw na rin ang lumipas mula nang huling beses na paguusap namin ni Kai. Sinubukan ko syang kontakin pero out-of-coverage ang phone nya. Maski sa school hindi na rin sya pumapasok. Bumalik na yung dati naming professor sa subject nya kaya ayon back to normal na naman ang buhay estudyante.
Sinubukan ko rin naman syang puntahan sa dorm nila kaso nahihiya ako sa mga kamyembro nya baka kasi galit rin ang mga ito sa akin dahil sa ginawa kong pagsisinungaling. Si Sehun naman, nagbabakasyon mag-isa kaya di ko na rin maistorbo.
Napamulat ako nang mata nang marinig ang pagtawag sa akin ni Mama. Mukhang sumisigaw ito mula sa sala. Sa totoo lang, tanghaling tapat na pero mas pinili kong manatili dito sa loob ng kwarto ko. Wala kong lakas para lumabas. "Dasuri, Iha! Lumabas kana dyan sa kwarto mo. May bisita kang nanghihintay dito sa sala."
Napabalikwas ako nang marinig ang sinabi nya. "Kai.." bulalas ko sabay takbo palabas ng kwarto.
Halos magkandarapa pa ko dahil sa sobrang pagmamadali. Hindi ko alam pero sya agad ang pumasok sa isip ko nang sabihin ni mama na may naghihintay sa'kin sa sala. Kahit walang kasuklay-suklay ang buhok ko. At kahit gusot-gusot na ang aking damit dahil sa pagkakahinga. Hindi ko na ininda iyon ang mahalaga ay makita ko ang asawa ko.
"L. joe? Bakit ka nandito?" May halong pagkadismaya kong pahayag nang makita ang tinutukoy ni mama na bisita ko.
"You look disappointed to see me. Halatang hindi ako ang gusto mong makita rito." Medyo natauhan ako nang marinig ang sinabi nya. Lumapit ako rito habang inaayos ang sarili.
"Hindi naman sa ganon. Ano lang... nagulat lang ako. Hindi ko kasi inaasahan na pupunta ka dito. See? Ang gulo-gulo ng ayos ko." I smiled awkwardly.
Sinagot naman nya 'yon ng matamis na ngiti, "No need to impress me. Lagi ka namang maganda sa paningin ko kahit ano pa ang maging ayos mo."
"Ashush. Nambola pa. Pero seryoso, bakit ka nandito?" Umupo ako sa sofa katabi nya.
Tumikhim naman ito bago magsalita, "Can you go out with me?"
Napataas ang kilay ko nang marinig iyon. Tinitigan ko sya't pilit inaalam kung nagbibiro ba ito.
"Hey! Pinagtitripan mo ba ko?"
Last time I remember, pinagtutulakan na nya ko pabalik kay Kai tapos ngayon aayain nya kong mag date? Is this some kind of a joke?
He looks into my eyes and answered, "No, I'm freaking serious Dasuri."
"Go on a date with me. Just for the last time." He begged.
I breathe heavily habang pababa nang hagdan. Hindi ko alam kung tama pa ba 'tong gagawin ko. Pero nung makita ko ang pagmamakaawa sa mga mata ni L. joe, wala kong nagawa but to say yes. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa nang makalapit ako sa kanya. Nakapaskil sa mukha nya ang napakatamis na ngiti.
"You never stop to amaze me. You're so beautiful." Saad nito habang nakatitig sa akin.
Napasulyap naman ako sa kabuuan ko. Wearing my simple pink dress. Natuon ang atensyon ko sa munting umbok sa tyan ko. Hinawakan ko iyon at pinakiramdaman.
"You have a cute baby bump." Komento ni L. joe.
Napangiti naman ako. "Thank you."
"Iho, aware ka naman siguro sa kondisyon ng anak namin. Hindi sya pwedeng gabihin, kailangang maiuwi mo sya rito bago mag ala-sais ng gabi." Pahayag ni Papa habang nakaupo sa sala. Sabay kaming napalingon ni L. joe sa kanya. "I promised, Sir." Yumuko si L. joe at kinuha ang kamay ko. Nagpaalam kami kila mama at papa.
Bakas parin sa mukha nila ang pagaalala. Hindi dahil sa paglabas namin ni L. joe kundi sa nararamdaman ko. Alam kong sobra pa rin silang nagaalala mula nang iwan ako ni Kai. Alam kong kaya nila ko pinapayagan sa mga ginagawa ko ngayon ay ayaw nilang mabaliw ako sa lungkot.
Matapos naming lumabas ng bahay. Bahagya kong kinuha ang aking kamay mula sa pagkakahawak nya rito. Napatingin sya rito pero mas pinili na lang ni L. joe na manahimik.
"So, umm, saan na tayo pupunta?" Tanong ko nang hindi ko makita ang sasakyan nya. Maski nga anino ng motor nito ay di ko nakita.
"May balak ka bang puntahan?" Tanong kong muli.
He smiles at me then simply answered, "Yeah, I want to go back on the past."
"Eh?" He holds my hand again and lead us our way.
After an hour, dinala nya ko sa isang lugar na malapit sa SME building. Nagtataka ako sa pinuntahan namin. Ganito ba sya makipagdate? Weird.
"Anong ginagawa na'tin dito?" Hindi na ko nakatiis. I asked him. Pero imbes na sumagot, tinanong lang din ako ng mokong,
"Do you remember this place?"
Hindi sya nakatingin sa'kin. Diretsyo lang ang kanyang mga mata sa aming dinaraanan. Lumingon-lingon ako sa paligid.
"Oo naman. Madalas ako rito e. Malapit lang kasi 'to sa building ng asawa ko." Nakangiti kong pahayag. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad.
"June 3, 20**. Friday at 3:45 pm. Exactly six months today. My first day since I landed my feet here in Korea again. Naglalakad ako sa kaparehong kalsadang nilalakaran natin ngayon. The difference is kasabay ko na sa paglalakad 'yung babaeng sinusundan ko lang noon." He glance at me then smile.
"Sinundan mo ako noon?!" I ask surprisingly.
Seryoso ba sya? Ba't di ko 'yon napansin??
"Yeah, but you're too busy to monologue kaya di mo ko napansin." Bahagyang kumunot ang noo ko.
"Talaga? Pero bakit di mo ko kinausap agad?"
Huminto ko sa paglalakad at humarap sa kanya. Hindi namin alintana ang mga nagdaraanang tao sa paligid. Tanging sa kanyang mukha lang nakatuon ang aking atensyon. Gaya nang ginagawa nya sa akin.
"You really want to know why?" He asked. I nodded.
Ipinasok nya ang dalawa nyang kamay sa magkabila nitong bulsa bago lumingon sa bandang kanan nya. Sinulyapan ko rin 'yung tinitignan nito dahilan upang mamangha ako sandali.
"Because of him," pareho kaming nakatitig sa larawan ng Exo na nakakabit sa pader. Marami silang naroroon pero tanging sa iisang tao lang nakatuon ang aming atensyon. Kumabog ang dibdib ko habang nakatitig rito.
I miss him... badly.
"Since I met you, sya na ang karibal ko. Sa atensyon at pwesto dyan sa puso mo. Tanggap ko na naman 'yon, pero sumubok parin ako. Akala ko kasi posible, akala ko kapag nanatili ako sa tabi mo. Naging sandigan mo, you can eventually forget Kai and fall for me."
"But I was wrong. Late ko na kasi na-realized wala pala talaga kong panama dyan sa asawa mo." I saw him smirked but his eyes, I can feel the pain.
"L. joe..." sinubukan kong pagaangin yung nararamdaman nya. Sinubukan ko syang lapitan pero pinigilan na nya agad ako.
"Nah, don't do that. I don't like drama. Let's go." Kinuha na naman nya ang kamay ko at hinila ko palakad.
"Yah! Maghinay-hinay ka naman. Buntis kaya 'tong kasama mo." Singhal ko rito. Nginitian lang ako ng loko.
"I know, kaya nga hawak-hawak ko ang kamay mo." Inirapan ko lang ang loko.
"Ewan ko sa'yo. Saan na naman ba tayo pupunta? Para namang hindi 'to date. Kinakaladkad mo lang ako kung saan e." Nakasimangot kong pahayag. Tumawa naman sya ng mahina.
"Sorry to disappoint you, but this is the kind of date I want." Ngumisi pa ang loko. Hinila nya ko paakyat sa isang bus. Pinaupo nya ko sa tabi ng bintana at saka naupo sa tabi ko.
"Sabagay, ano bang maeexpect ko from you? Nuknukan ka ng kasweetan. Tsk." Wag kana kasing magassume Dasuri. Masasaktan ka lang. Idinantay ko yung ulo ko sa bintana ng bus at nagnilay-nilay.
Sa totoo lang, ramdam ko naman e. Ramdam ko kung gaano ko kamahal ni L. joe. Kung gaano ko kaimportante sa kanya. Kaya nga kahit hindi tama, unti-unti ko na rin syang nagugustuhan. Kahit pa, kasal na ko kay Kai.
L. JOE
Dasuri is sitting beside me. Nakadantay ang ulo nito sa bintana habang pinagmamasdan ang labas. Ang sarap talaga nyang titigan. Minsan naiisip ko, bakit nga ba ko nainlove sa babaeng 'to? Kung meron na namang nagmamay-ari sa kanyang iba?
"Lee Byung Hun." I face her when she whisper my name.
"Sabi mo nakita mo ko nung naglalakad ako sa gangnam street. Yun din ba yung araw na nagustuhan mo ko? Pero bakit? Parang hindi naman ikaw 'yung klase ng tao na la-love at first sight." Nakatingin parin sya sa labas pero patuloy ang pagtatanong.
Napangiti ko nang maalala ang nakaraan, "You're right. Hindi nga ko na-love at first sight sayo. Dahil bago man tayo magkita roon, I already like you..."
She faces me with a surprise face, "Tama ba ang pagkakarinig ko? Y-You already like me? But how?"
Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Ngumiti ako at bumalik sa nakaraan.
*First year, Second semester at college. My class just ended kaya ipinasya kong magtungo sa field para hintayin ang bestfriend ko. We're in different class but in the same year and course. We agreed to meet here after each class. Nakatayo lang ako habang nakasandal sa pader at nakikinig ng music. Natuon ang atensyon ko sa babaeng may dala-dalang libro habang naglalakad papunta sa garden. Kasunod non ay ang pagsulpot ng kaibigan kong si Chunji. Ngunit imbes na puntahan ako, he went to that girl and help her. They're both laughing. This is the first time I saw Chunji talking with a girl. I just smirked and leave the place.
Two days after, mas napapadalas ang pagtatagpo namin nung babae. Kung hindi sa cafeteria, sa gym, sa hallway at maski sa field ay madalas ko syang napapansin. Unlike her, na wala paring kaide-ideya sa existence ko.
I never ask Chunji about her. Wala naman kasi akong balak kilalanin sya. She was just a girl who always cross on my path.
2nd year, First Semester. Irregular ako and once in a blue moon lang pumasok sa klase. I'm a type of student na walang pakialam sa mga kaklase nya. I go on my class whenever I feel to. But most of the time nagkacutting class ako. Isang araw nang mapagtripan kong pumasok. Nagkaroon ng open forum ang klase namin. They shared their stories to us. Nakaubo-ob lang ako sa desk at walang balak makinig. Not until, someone gets my attention. Bukod kasi sa namumukaan ko sya, sya lang 'yung bukod tanging babae na nakita kong napakaganda parin kahit umiiyak.
Makikita mo sa mga mata nya ang sobrang sakit pero kahit ganon naggagawa nya paring ngumiti na parang wala lang. Thats the time when she gets my full attention. Mula rin sa araw na 'yon lagi akong nakasunod sa kanya. Tinutulungan sya kahit hindi nya nakikita. Ibinibigay ko ang libro ko sa tuwing makakalimutan nya 'yung sa kanya. Save her on every recitation that she can't answer. Show to her the right direction whenever she lost. And send her home every late night. Ginawa ko 'yung mga bagay na never kong naisip na magagawa ko para sa isang babae. I did cheesy things even I hate it. Nagdidikit ako ng mga sticky notes sa locker nya na may nakasulat na inspirational words just to see her smile. Nageeffort ako kahit pa hindi nya ko nakikita. Ginawa ko 'yon hanggang sa pareho kaming makaabot sa 4th year.
"Sticky Note Boy?" Napangiti ako nang muli nyang banggitin ang nick name na binigay nya sa'kin. Nanlaki pa ang mga nito dahil sa sobrang gulat.
Pinindot ko 'yung button sa gilid namin to stop the bus. Muli kong hinawakan 'yung kamay ni Dasuri at inalalayan sya pababa. Nagtuloy kami sa paglalakad patungo sa condo ko. Tahimik lang sya habang sumunsunod sa akin kaya minabuti kong magsalita.
"Do you want to ask me some questions?" Nilingon ko sya gaya nang pagsulyap nya sa'kin.
"Kung ikaw talaga si Sticky Note Boy. Bakit hindi ka aagad nagpakilala sa akin? Bakit nagtago ka sa mahabang panahon?" Naguguluhan nitong pahayag. Pumasok kami sa lobby at nagdire-diretsyo sa elevator. Pinindot ko 'yung 5th floor button. pagkasara nito.
I faced him then answered, "Actually, I tried."
*4th year 1st sem. Before the semester end. Faculty members decided to have a grand ball as a celebration for school's achievement. Noong panahon ring 'yon napagdesisyunan kong magpakita na sa babaeng nakakuha ng buong atensyon ko. 1 week before the ball, I posted a note on her locker asking her to be my date. Hindi ko na hinintay 'yung sagot nya. Naghanda na lang ako para sa araw na 'yon. I don't like socializing so I never went on parties before. *
"That was the first time.... just for you." I glance on Dasuri. Nakita kong taimtim syang nakikinig sa mga kwento ko.
"Pero nag-iwan ako ng note 'don. Sinagot ko 'yung tanong mo. Di mo ba nabasa?" Nalulungkot nitong pahayag.
*Maaga kong pumunta sa venue. May inayos pa kasi akong set ng candlelights dinner sa rooftop ng building. I want that night to be so special for us. I want to give her the fantasy na hindi naibigay sa kanya ng dati nyang asawa. Excited din akong magtungo sa place na napupuno na nang tao. Umupo ako sa sulok habang may dala-dalang rosas na pula. I waited for hours. 1 hour.. 2 hours.. 3 hours hanggang sa maguwian na ang iba pero maski anino ng babaeng hinihintay ko ay di ko nakita. I was angry and dissapointed that time. Umaasa ko sa wala. Bago pa man tuluyang matapos ang party I decided na puntahan ang locker nya. Madilim sa paligid dahil wala naman nang mga estudyanteng naroroon. Ngunit may nagiisang ilaw ang nakabukas sa tapat ng locker nya. Dahilan para mapansin ko ang isang papel na nakadikit rito. Lumapit ako't kinuha iyon. It was a blue paper that is folded to four. Binuksan ko 'yon at binasa nang maigi. "Sticky Note Boy. I really want to see you tonight. I really want to personally thank you for everything you did for me. You have a special place on my heart but... today is my flight too. Yes! You read it right. I will be going back to Korea and meet my husband again. When he went here because of work, our path cross again. We talked about everything, our relationship to be specific. We make up and promise to be together again. Maybe this is not the right time for us to meet but don't worry, I know someday... it will :) See you Soon Sticky Note Boy. Love lots. Daseul :*"
Habang binabasa ko 'yon, I didn't realize that my tears are already falling from my both eyes. Ang sikip-sikip ng dibdib ko 'non. Sinipa ko 'yung locker pero hindi pa ko nakuntento. I smash it with my bare hands. Dumugo ito pero hindi ko ininda yung sakit. Nilukot ko 'yung papel na nabahiran narin ng dugo. Tinapon ko 'yon sa basurahan bago umalis roon.
"Fuck it!"*
"Thats the time when I promised to myself not to fall in-love again. Wala naman kasing naidudulot ng maganda ang pagmamahal, sa mga magulang ko, pati na sa akin." Ngumiti ako kay Dasuri bago lumabas sa elevator na sinasakyan namin. Ngunit sya, halata mong nababagabag sa mga narinig.
"L. joe sorry, di ko naman alam na ano e. Hindi ko sinasadya na di ka siputin non. Talagang nagkataon lang na yun din yung araw ng flight ko." Pahayag nito pagkarating namin sa tapat ng pinto ng rooftop.
"I know, kaya nga gusto kong balikan 'yung araw na 'yon.... to make things right." Binuksan ko 'yung pinto at pumasok roon.
Madilim na rin nang makarating kami rito. Saktong-sakto para sa ayos ng mga kandilang nilagay ko roon. I used those candles to form a letter I and U with a heart shape on the middle. Sa loob nang heart nandoon 'yung blanket na nilalagyan ng mga pagkain at inumin para sa amin.
Kitang-kitang ko ang pagkamangha sa mukha ni Dasuri nang makita 'yon. Napatakbo pa ito papalapit rito. Nakangiti akong sumunod sa kanya.
"Woah, ang ganda dito. Sobra. Candle light Dinner under the stars? God! Isa sa mga dream date ko." Bulalas pa nya.
Kinuha ko 'yung jacket sa tabi at ipinatong 'yon sa likod nya.
"I'm happy to hear that. Pero bago ka matuwa ng sobra, wear this jacket para di ka lamigin pati na si baby." I glance at her tummy. Sinunod naman nya ko.
I open the music player and play a song.
"Dasuri, can I dance you?" Napalingon sya sa akin matapos marinig ang sinabi ko. Napatulala pa sya sandali bago dahan-dahang inabot sa akin ang kanyang kamay. I put her hands on my shoulders then goes to her waist. We both smile when our eyes met. Napansin ko pa ang bahagyang pagpula ng magkabilang pisngi nito. "Hey! Daseul, Umm. I am L. joe, your sticky note boy. And you know what? You are like a kryptonite for me. Every time I tried to go near you, my knees get weak." Dasuri grin.
Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Ohh, nice meeting you L. joe. I'm so lucky to have a cute sticky note boy like you." We both laugh in unison.
Kasabay nang pagsayaw namin sa saliw ng tugtog. Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa mukha ng babaeng kaharap ko ngayon. It feels like we go back on the past. "Dasuri..." I hushed.
"Yes?" Nakangiti nyang tugon.
"Pwede bang sabihin ko sa'yo ngayon 'yung mga bagay na di ko nasabi noon?" I begged. Hindi naman kalaunan ay sumagot ito.
"Sure, go ahead."
"I stalk you for almost 3 years but I didn't really know the reason why. Ewan ko kung bakit sa dinami-rami ng mga tao sa paligid ko. Ikaw 'yung nakakuha ng atensyon ko. I don't have interest on girls not because I'm gay. It just that they can't give me the reason why I should give them a damn."
"But now that I'm looking at you. Alam ko na 'yung sagot." I put my arm around her waist at saka sya hinatak papalapit sa akin.
"You look like my mom. The way you smile. The way you cry, I can clearly see my mom inside you. Kaya siguro nung makita kitang umiiyak. Ginusto kong lapitan ka, ginusto kong punasan 'yung mga luha mo, yakapin ka nang mahigpit habang sinasabi ko sa'yong..."
I lean beside her ears and whisper, "Be mine and I'll make you my queen."
"But unlike my mom, hindi ako 'yung taong talagang makakapagpasaya sa'yo. Di ako 'yung pinaka kailangan mo. Kaya kahit ano mang gawin ko, di ko mapapantayan si Kai sa puso mo." I gasped when I felt hot liquid forming inside my eyes. "Argh. Damn it!" I hugged Dasuri tightly para di nya mapansin ang pamumuo nang luha sa aking mga mata.
"I really want to ask you this question, kung sakali bang hindi ka bumalik ng Korea nung araw na 'yon. Kung nagkita tayo that night, maari kayang 'Yes' ang maging sagot mo if I ask you to be my girl?" Bahagyang lumayo sa akin si Dasuri upang harapin ako.
She holds my face and softly touch it. But the thing that really shook me is, when she leans on me and put her lips on mine.
Ilang segundo nang nakalapat ang mga labi ni Dasuri sa akin. Nakapikit ang mga mata nito pero I don't feel anything. Ramdam ko kasi na may mali.
Hindi na ko nakatiis at hinawakan ang magkabilang balikat nito. I gently push her away. The question 'WHY' is written all over her face. Hindi ako tanga para hindi mapansin ang ginagawa nya.
"Mukhang mali ang pagkakaintindi mo sa mga ginagawa ko ngayon. I brought you here to correct the past. Itama 'yung pagkakamali ko. At 'yon 'yung muntikan ko nang sirain ang buhay mo. Kaya kung may pinaplano kang iba. I'm sorry but my answer is NO."
Yes, I want her to know how much I love her. Pero hanggang doon na lang 'yon. Hindi ako magmamakaawang gustuhin nya rin ako. Lumayo ako sa kanya at pinatay 'yung music player. Sinimulan ko na ring salansanin 'yung mga gamit sa sahig. "But I like you..." sagot naman nito.
Bahagya akong napatigil sandali. I slowly face her and answer, "Maybe you are. Pero hanggang doon na lang 'yon dahil nandyan pa ang asawa mo. Stop fooling yourself Dasuri. Lalo ka lang masasaktan"
Ayoko nang umasa pa. Tanggap ko na naman na di talaga kami para sa isa't-isa. Ibinalik ko ang atensyon ko sa pagliligpit. Hinayaan ko syang marealize ang mga sinabi ko.
Ngunit gaya ko, hindi rin nagpapigil si Dasuri sa pagpipilit sa gusto nyang mangyari. Nilapitan ako nito at niyakap mula sa aking likuran.
"Bakit hindi natin subukan? Mahal mo naman ako diba? At gusto kita. Kung susubok tayo, malay mo naman mag-work diba?" I took a deep breathe bago ko s'ya muling harapin. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang pagkalito. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Dasuri? You are asking me to cheat with you. Inuutusan mo kong gaguhin ang asawa mo. You are not like this. Hindi na ikaw 'yung Dasuri na kilala ko." saad ko bago lumayo rito. Why is it hard for her to understand? I'm letting her go now. Ngayong nakokontrol ko pa ang mga nararamdaman ko.
"Nakakainis naman oh! Pati ba naman ikaw? Lahat na lang ba kayo ipagtatabuyan ako?! Lahat na lang kayo iniiwan ako, kung kailan pinaka kailangan ko ng masasandalan." Sigaw nito out of frustration. Rinig ko rin ang mga paghikbi nito. "Pero sige, kung talagang ayaw mo na rin sa akin. Naiintindihan ko. Hindi ko na pagpipilitan 'yung sarili ko. Kaya ko naman 'to mag-isa e. Kakayanin ko." She wipes her tears and started to walk. Napapikit naman ako habang humihinga ng malalim.
Argh. Dasuri. Why are you making this hard for me?
Napailing na lang ako bago naglakad pabalik sa kanya. Hinablot ko ang braso nya't hinarap sa akin. I saw her crying. Hindi ko na kinaya. I hugged her tight and whisper, "Fine, let's go back to America together."
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report