The Perfect Bad Boy
Chapter 31 Hindi ko alam

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko kay Trixie. Tuluyan ng dumami ang tao papasok ng auditorium. Iniisip ko pa din kung bakit pinalayo sa akin ni Glen si Trixie. Kailan pa?

Ngumisi si Trixie. Yung ngisi niya na parang ang saya-saya niya. "Pumasok na tayo, Julia.." nakangiting sabi niya.

Nagtataka man ako ay pumasok nalang ako sa loob kasama siya. Nilibot ko pa nga ang paningin ko para hanapin kung nasan si Glen. Medyo kumalma kasi ako kaya parang nagsisisi ako na sabihin ko na hate ko siya. Yes, I hate him. Pero mas mahal ko siya. Nasasaktan lang kasi ako sa nangyayari ngaun.

Wala naman kasi akong maintindihan. Bigla bigla nalang diba? Puro pasaring ang nangyayari sa akin. Bakit hindi nalang kasi ako diretsuhin para maintindiham ko.

Mahirap ba iyon?

Umupo kami sa pinaka unang row sa auditorium. Bahagya pa akong napayakap sa sarili dahil sa sobrang lamig.

Nag-dim ang ilaw sa loob kaya kumalma ako ng ka onti. Hinahanap pa din ng mata ko si Glen pero hindi ko makita kung nasaan siya.

"Magsisimula na." Trixie said excitedly. Lalo akong nagtaka sa kinikilos niya. Bakit parang ala lang sa kanya yung nangyari kanina?

"Oh--- excited na ako.." Napatalon ako ng nagdatingan sila Kristele. Oh- geez! Naupo sila sa kabilang side na Trixie at pare parehong tutok sa harap. Uncomfortable ang feeling ko ngaun. Basta, may iba akong kutob na nadadama. Umakyat sa stage si Mrs. Catindig kaya nagpalakpakan ang mga tao sa loob. Nakaayos na ang set ng Westbound sa gitna ng stage.

"Goodafter noon, students.." Bungad ni Mrs. Catindig. Lahat ng studyante ay nagsigawan kaya napatakip ako ng tainga. "To start the program, Let us all welcome our dear President to give us the opening remarks.. Mr. Glen Aviel Silverio.." May kung anong nagtambulan sa puso ko ng marinig ko ang pangalan niya. Pangalan palang niya ang naririnig ng sistema ko ay halos maghurumentado na ako. Parang ang bagal ng oras habang umaakyat si Glen sa itaas ng stage. I'm so proud of him. Sa batang edad niya ay nabigyan siya ng mabigat na tungkulin pero kinakaya niya. Matipuno at makisig siya habang naglalakad paakyat ng stage. Very intimadating talaga ang awra ni Glen. Sinusundan ko lang ang bawat hakbang niya hanggang makalapit na siya sa mic. I smiled bitterly when I realized the big differences between us. Naisip ko tuloy kung paano ako minahal ng kagaya niya. Bigla akong nakaramdam ng tabang sa sarili ko. Hindi ako ang tao na puno ng insecurities. Pero nung nakilala ko si Glen? Lunod na lunod ako sa dami ng insecurities na nadadama ko.

"Goodafter noon, everyone.." Malamig ang boses niya at nag uumapaw sa otoridad kaya napapikit ako. How I missed his voice. Tahimik lang ang lahat. Para bang takot na gumawa ng kahit na anong ingay. Napatingin pa ako kay Kristele na mahinang natawa habang may binubulong kay Trixie.

"To start the program. I would like to share the people behind the success of this university.. My ancestors.."

Dumilim ang paligid. May ilaw na bumukas galing sa taas. It's like a huge projector. Yung parang nanonood ka ng sine. Tahimik kaming lahat ng biglang napasinghap ang mga tao sa lumabas sa screen. Ako naman ay biglang nanlamig. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig.

Panay na ang bulungan ng tao. Si Glen naman ay tulala at gulat na gulat sa nangyari.

"OMG! You fucking whore!" Dumagundong ang boses ni Kristele sa buong auditorium. Isa isa nang nagpatakan ang luha ko.

Video iyon nung gabi na nakilala ko si Simon bilang Mr. A. at putol ang video! The only thing na nakita ay nagsalita ako ng mahal na mahal at tsaka ako hinalikan ni Simon sa noo.

"Stop this fucking thing!" Galit na galit na sigaw ni Glen. Bumukas na ang ilaw sa auditorium. Iyak lang ako ng iyak. Sino ang may gawa nito? Bakit may ganito?

Napatayo si Kristele at hinarap ako.

"You bitch! Magkapatid pa ang tinuhog mo? Ang landi mo! Nakadiri ka!" Halos magwala si Kristele sa pag sigaw. Ang mga tao naman sa loob nagsimula ng magbato ng kung ano ano at sumigaw ng masasakit na salita. Napapapikit nalang ako sa sobrang gulat. Takot. Hindi iyon ang totoong nangyari, pero kung mapapanuod mo ang video ay parang may relasyon kami ni Simon.

Malandi ka, Julia..

Haliparot na babae!

Sabi na gold digger yan eh!!

Kapal ng mukha mo Julia!!

Pok pok ka!!

Iyak lang ako ng iyak. Kung ano ano na ang tinatawag sa akin ng mga tao. Hindi ako makagalaw.

"Mabuti nalang at lumayo seyo si, Trixie! Salot ka!" Sigaw ng mga alipores ni Kristele.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Wala akong inintindi. Gusto ko nalang biglang maglaho ako. Ano ba nangyari?

"Tayo, Julia.." Napa angat ako ng tingin ng lumapit sa akin si Glen. Ang daming emosyon ng mata niya na hindi ko mabasa. Pero isa ang nangibabaw na nakita ko. Nasasaktan siya. Hindi pa di ako makagalaw. Manhid ang pakiramdam ko. Tuluyan akong nakatayo ng hilahin ako ni Glen.

"What? Are you crazy, Glen? Niloko ka niya!" Sigaw ni Kristele. Nag igting ang panga ni Glen. Mahigpit pa din ang kapit niya sa kamay ko. Unti unting tumahimik ang mga tao. "Yeah, I'm crazy right now so don't push me to make things even more crazier." Nakatakot ang tono ng boses ni Glen.

"I can't believe you." Maktol ni Kristele. Bahagya akong nahimasmasan pero lutang na lutang ako.

"Tanga ka!" Galit na usal ni Kristele.

Huminga si Glen ng malalim at nag igting ulit ang panga. "Hindi ako tanga, mahal ko lang talaga siya.." Seryosong sabi niya tsaka ako kinaladkad palabas ng auditorium. Ganon pa din ang kabog ng puso ko. Hindi ako makapaniwala na nagyayari sakin ito.

Paglabas namin ay madaming nagbubulungan. Inakbayan ako ni Glen at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Para bang pinoprotektahan niya ako sa lahat ng masasakit na binabato ng tao.

"Do you wanna go home?" Binitawan ako ni Glen. May blood shot ngaun ang mata niya at bahagyang namumula. Nakatulala lang ako sa kanya.

"Kaya ba iniwasan mo ako? dahil alam mo na yung sa video?" Utas ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Hanggang ngaun parang nanaginip ako. Umiwas ng tingin si Glen. I smiled bitterly. Alam na niya.. Now It made sense kung bakit niya ako iniiwasan.

"Hindi iyon ang nagyari, Glen. Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag." Napahikbi ako. Bakit ba nagkaganito? Hindi naman dapat talaga. Ala naman akong ginawa. Bakit kailangan ko magpaliwanag? "Hindi kita niloko, Glen." Tuloy tuloy na naman ang pag agos ng luha ko. Kaya pala umiwas siya bigla. Sino naman ang nagvideo at edit nung pangyayari na yun? Hindi ko talaga maintindihan.

"Hindi mo ako niloko? You lied, Julia.." Pulang pula ang mata ni Glen. Nasa parking kami ng university. I don't care kung may tao. " Sabihin na natin na hindi mo ako niloko pero nagsinungaling ka. You break me, Julia. I thought you were different. I guess I was wrong.." Puno ng pait ang salita ni Glen. I'm shattering now by his words. Paano ko ipapaliwanag lahat sa kanya? Paano ko ipapaintindi ang video na nakita niya?

Ngumiti siya ng mapaet. " You never let me go to your house pero si Simon nakarating na? What do want me to think? Tell me, Julia. Kasi hirap na hirap na din ako, eh. May parte sa akin na ayaw maniwala. Na ayokong paniwalaan. Pero, fuck! May video eh. He kissed you! He fucking kissed you right infront of your house!" Damang dama ko ang sakit sa bawat salita niya. I can't say anything. Gusto kong alisin ang sakit na nadadama niya. Pero paano?

"And these.." Nalaglag ang panga ko sa pinakita niya ang mga statement of account ni Simon. Yung nadedebit sa pera niya ay nandun yung mga bayad sa kuryente namin. Oh! Nangyayari ba talaga sa akin ito?

Bakit ayaw gumana ng utak ko? Mali si Glen eh. Ala naman talaga yun! Bakit ba nagkaganito? nabuo ang galit sa sistema ko para kay Simon. Siya ba ang may pakana nito? He used me to hurt, Glen? Ang sama niya!! Wala nang ibang gagawa nito kundi siya lang!

"Mahal kita, Julia. Mahal na mahal.. Pero hindi ko maiwasan hindi masaktan. I'm dissapointed too. Aminado ako na hindi ako mabuting tao pero may pakiramdam din ako. Tangina naman, Julia! May puso ako! Nakakaramdam din ako ng sakit, masama ako pero hindi ako bato."

"I felt betrayed again! Fucking betrayed again.. Hindi mo alam kung paano ako nasasaktan kapag nasasaktan kita. Pero hindi ko kaya magpanggap, Julia. I'm not good being the good one. Hindi ko kayang itago na nasasaktan ako. And worst, hindi ko kayang hindi ka mahalin kahit winasak mo ako.."

Panay lang ang iling ko sa kanya. He's so damn hurt. Nasasaktan kami ng hindi naman dapat. I have reasons kung bakit hindi ko siya hinahayaan pumunta sa amin. Una, dahil kay nanay. Ayokong isipin niya na nagpapabaya lang ako sa pag aaral. Pangalawa, nahihiya akong makita niya kung saan ako nakatira. Ayokong ipamukha sa sarili ko kung gaano kalaki yung pagkakaiba namin dalawa. Hindi ko naman kasi alam na ganito ang mangyayari sa amin dalawa. If I only knew. Sana hindi ko hinayaan na kainin ako ng insecurities ko.

"I don't know how to stop the pain, Julia. Please.. Help me to stop this pain." Napahilamos siya sa mukha niya. Pulang pula ang mga mata niya na tila ba pinipigilan ang pagtulo ng luha niya.

Nanghihina ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nasaktan ko siya. And it was all Simon's fault. I let him kissed me. No, binigla niya ako. Akala ko sincere siya! Ginamit lang pala niya ako para saktan si Glen. Siya lang ang naiisip ko na gagawa nito! Siya lang!

"Glen, I don't know how to stop it. Madami din akong sakit na nararamdaman. You should have told me. Wala akong ginawang masama. Yung love and loyalty na hiningi mo? Kahit hindi mo hingin yun kusa ko ng ibinigay seyo.." Iyak pa din ako ng iyak.

Hindi ko alam kung paano ko ieexplain yung kay Simon. I don't know where to start. Kasi kahit ako mismo hindi ko alam kung ano nangyari. At hindi ko naman inakala na aabot sa ganito. I remembered what Dom told me.. Simon always win the game..

At hindi ko matanggap na kami ni Glen ang nilaro niya. Hindi ko matanggap na nalaro niya kami ng ganito.

Hinawakan ko ang pisngi ni Glen.. Natigilan ako kasi ala na siyang emosyon na pinapakita sa akin. Nadudurog na naman ako. Paano na kami ngaun? Ganito nalang? Matatapos na ba kami? Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko siya. "Glen, eto ako. Ayan ka. Nasaan na yung tayo? May tayo pa ba?" Nanginginig na tanong ko sa kanya. Tuloy tuloy ang luha ko dahil ang lamig lamig ng mga mata niya. Wala akong maramdaman ibang emosyon sa kanya.

Huminga siya ng malalim at tinalikuran ako." Hindi ko alam, Julia. Mahal kita. Pero nasasaktan ako. At hindi ko din alam kung nasaan na yung tayo.."

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report