OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS
CHAPTER 26: KIDNAP

ΚΑΙ

Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang sagutan namin ni Dasuri. Matapos ang dalawang araw na 'yon pansin ko parin ang pag-iwas nito sa'kin. Hindi naman ako nagkukusa na kausapin sya, sa huli pareho lang kaming nag-iiwasan. "Papasok kana? Hindi ka ba muna kakain?" tanong ko nang mapansin ko ang paglalakad nya sa sofa.

Nakaayos na ito at dala-dala ang kanyang shoulder bag. Nagaalangan naman itong lumingon sa'kin. Kasalukuyan kasi akong nakaupo sa sofa. Minabuti kong hintayin sya para maihatid ko sya sa school. Nagluto rin ako nang almusal para sabay kaming makakakain. Hinarap nya ko ngunit sa sahig sya nakatingin.

"Oo... bibili na lang ako ng makakain sa labas. S-Sige, bye." Hindi na nya hinintay ang sasabihin ko at nagmamadaling lumabas.

"Aist. I woke up early just to make sure na sabay kaming kakain pero nilayasan nya lang ako. Talaga naman." Gusto ko na sanang makipagbati sa kanya kaso mukhang ayaw naman nya ko bigyan ng pagkakataon.

Umupo akong muli sa sofa at inalala ang naging usapan namin ni Sehun at noona kinabukasan matapos ang naging pagaaway namin ni Dasuri.

"Bakit nyo ba ko pinatawag?" walang-gana kong pahayag pagkarating sa dorm. Tanging si Noona at Sehun lang ang naabutan ko sa sala nito.

"Alam mo naman na sigurong kumalat na ang tungkol sa nangyari kahapon? Pinagusapan 'yon ng lahat at alam mo kung ano ang nakakagulat? Marami ang nakisimpatya sa asawa mo. 'Yun nga lang marami rin ang nagalit kay Hyena." Panimula ni Noona.

"Ano namang pakialam ko sa kanya? Kung sya yung rason kaya nyo ko pinapunta dito. I'm sorry pero hindi ko sya matutulungan. May mas malaking problema pa kong dapat ayusin." Tumayo na ko mula sa sofa at nagsimulang maglakad. Wala na sana kong balak magpapigil kung hindi ko lang narinig magsalita si Sehun, "Tinawagan ako ni Dasuri kagabi,"

Napalingon ako sa kanya bigla. "Anong sinabi nya sa'yo?"

"Gusto mong malaman? Maupo ka muna." Napaismid ako nang utusan nya ko bigla. Talagang magaling magpasunod ang mokong na 'to. Kahit labag sa kalooban ko, bumalik ako sa pwesto kanina at naupo. "Now, spill it." Utos ko naman.

"Joke lang! Asa ka namang tatawagan ako 'non." Tawang-tawang pahayag ni Sehun. Tumayo naman ako't hinigit ang kuwelyo nya.

"Loko ka talaga! Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo." Amba ko nang suntok dito. Hinarangan naman nya agad yung kamay nya. Natawa na lang ako't binitawan sya.

"Hindi ka nakakatulong." Saad ko rito. Inayos naman nya ang sarili nya.

"Dyan ka nagkakamali. Alam ko kaya kung bakit kayo nagaaway ng asawa mo." kumpyansa pa nitong pahayag.

"Akala mo maniniwala pa ko sa'yo?" hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin nang magsalita si Noona.

"Totoo ang sinabi nya, sa tingin namin alam na namin ang sagot sa problema mo." seryoso nitong pahayag. Napatitg naman ako sa kanya.

"Anong ibig nyong sabihin?"

"Sa isang relasyon, hindi sapat na mahal nyo lang ang isa't-isa. Kailangan mayroon ring respeto, tiwala at assurance. Sa mag-asawang katulad nyo ni Dasuri, alam mo ba kung ano na lang ang kulang? 'Yung isang bagay na makakapagbigay sa kanya nang assurance na hinahanap nya?"

Napaisip ako sa kanyang sinabi. Hindi naman nagtagal ay may mga salitang kusang lumabas sa bibig ko, "Ang pagkakaroon namin ng anak," bulalas ko.

Napangiti naman si Noona habang nakatingin sa'kin, "Exactly"

Wala na kong pakialam kung sino ba talaga ang may kasalanan sa aming dalawa. O kung sino ang dapat maunang humingi ng tawad. What's important for me is to reconcile. I can't stand it anymore. Namimiss ko na ang asawa ko. Kinuha ko 'yung cellphone at susi ng kotse. Lumabas ako nang bahay at agad-agad sumakay ng kotse. Susundan ko si Dasuri, sabay kaming kakain ng almusal kahit anong mangyari and that's final.

Natatanaw ko na ang asawa ko na naglalakad patungo sa istasyon ng bus. Pabibilisin ko pa sana 'yung takbo ng kotse nang biglang may sumulpot na dalawang lalaki sa back seat ng kotse. Nagulat ako nang makita sila mula sa near mirror. Napakabig ako sa manubela at napapreno.

"Who the hell are----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nilang takpan ang ilong ko gamit ang isang panyo. Bigla kong nahilo at nawalan nang malay. Nasulyapan ko pang muli ang likod ng asawa ko bago tuluyang magdilim ang aking paningin. "D-Dasuri..." bulong ko.

DASURI

Pagkasakay ko nang bus, bigla kong naalala si Kai. Ilang araw na rin simula nang hindi kami nagpapansinan. Hindi naman sa ayaw ko syang kausapin. Nahihiya lang kasi ako e. Nahihiya kong aminin 'yung pagkakamali ko. Narealized ko na kasi 'yung mga nangyari. Tama sya, hindi ako dapat bigla-biglang nagagalit. Kahit na sabihing nasaktan talaga ko sa ginawa nya. Dapat nakinig parin ako sa paliwanag nya. Edi sana mas nagkaintindihan kami. Haysst. Masyado kasi akong nagpapadalos-dalos.

"Hello?" sagot ko 'don sa tumatawag.

"It's me L. joe. Did you eat breakfast already?"

"Hindi pa.

Ilang araw na rin ba since laging nakbuntot sa akin si L. joe? Simula nang hilingin nyang maging knight ko sya. Lagi na nya kong sinasamahan kung saan ako pupunta. Minsan pa nga'y tumatawag tubig gabi. Dahil hindi naman kami nagpapansinan ni Kai, sya na lang 'yung kinakausap ko.

I You still not talking with your husband? C'mon, it almost 2 days after that incident. Both of you should talk and clear things."

"Alam ko, nagiipon lang ako nang lakas ng loob para gawin 'yon." Gumawi ako sa bintana para pagmasdan 'yung mga lugar na dinadaanan namin.

"Oh?" Napatitig ako sa isang pamilyar na kotse.

"Kotse ni Kai 'yon 'ah?"

"Hey! Something wrong?" nabalik ang atensyon ko kay L. joe nang marinig ang sinabi nya.

"May isa kasing kotse kong nakita. Kamukhang-kamukha nung kotse ni Kai, kaso iba 'yung nagmamaneho e. Saka dalawang lalaki 'yung nakaupo sa front seat."

"Maybe it was just look alike. Anyway, don't you mind if I'll join you eating breakfast?" Binawi ko na 'yung tingin 'don sa kotse. Baka nga kamukha lang talaga 'yon ng kotse ni hubby.

"Sige, magkita na lang tayo sa pinakamalapit na station ng bus sa school. Doon kasi ako bababa."

"Okay, I'm almost there. I'll just wait for you. See yah"

Binaba ko na yung cellphone at sumandal sa gilid. Si hubby kaya saan kaya sya kumakain ng almusal? Namiss ko na kasi syang kasabay sa pagkain.

Haysst. Buhay nga naman. Nang mapansin kong malapit na kami sa bababaan kong istasyon. Isinukbit ko na 'yung bag sa aking balikat at saka bumaba nang bus. Pagbaba ko walang L. joe kong nakita. "Nasa'an na 'yon? Akala ko ba malapit na sya?!" luminga-linga pa ko para hanapin 'yung mokong.

Wala pang limang minuto ang paghihintay ko nang may mapansin akong dalawang lalaking malalaki ang katawan na nakatingin sa akin. Napaatras pa ko nang mapansing papunta sila sa direksyon. Jusmeyo Marimar! Anong problema nila sa akin? Sinubukan kong umalis sa pwesto ko para makalayo sa mga ito kaso bigla silang bumilis sa paglalakad at naabutan ako.

"Ahmm, dito pala ko sa kabila dadaan." Saad ko pa nang makita na sila sa harap ko.

"Sandali lang miss," habol pa sa akin'nung isa.

Hindi ko naman sila nililingon at nagmadali sa paglalakad. Halos tumakbo na nga ko sa sobrang bilis. Wala pa kasing gaanong tao sa paligid dahil medyo maaga pa para sa mga estudyanteng papasok kagaya ko.

"Woah! Bitawan nyo ko! Waaah! Bitaw!" tinanggal ko 'yung shoulder bag ko at hinampas-hampas sa lalaking humawak sa braso ko. Hindi ko alam kung saang parte ko na sya natatamaan basta patuloy lang ako sa paghampas. "Ouch! Argh! Dasuri! Ouch! It's me L. joe! Ouch!" napahinto ako nang marinig ang sinabi nya.

"L. joe?" gulat ko pang tanong. Para kong nakakita ng anghel nang mapagtantong si L. joe talaga 'yung kaharap ko.

"What's wrong with you?! I call your name hundreds of times but you don't even give me a glance. Now that I stop you from walking you hit me so hard! God! You're so harsh!" pahayag nya habang hinihimas 'yung parte ng katawan nyang nahampas.

"Sorry, akala ko kasi isa ka sa mga lalaking humahabol sa akin." Luminga-linga pa ko para hanapin yung mga lalaking tinutukoy ko. Saan sila napunta?

Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "What? Did you take drugs or something?" kunot-noo pa nitong tanong sa akin. Sinipa ko nga 'yung tuhod nya.

"Kapal mo ah! Pwes, kumain kang mag-isa. Tse!"

"Yah! Dasuri!" tawag nito sa'kin.

Nilayasan ko kasi sya habang namimilipit sa sakit. Totoo naman kasi 'yung sinasabi ko. Hindi ako nagsisinungaling may mga lalaki talagang muntik na kong kidnapin. Sino ba ang mga 'yon? Geez. Kinakalibutan ako.

Dahil lunes ngayon, eto 'yung unang araw nang celebration ng founding anniversary ng school. At dahil din 'don wala kaming klase. Nakakatamad pero kailangang pumasok at tumulong sa event ng club. Project kasi 'yon kay Ms. Soo e. Aist. "Oy, Mrs. Kim. Long time no see?" bati nang pinaka paborito kong professor. Note the sarcasm.

"Oh' Hi, Ms. Seo, musta na po kayo?" ngiting-aso kong bati rito. Lumapit naman 'to sa'kin habang nakangisi.

"Nabalitaan ko 'yung tungkol sa nangyari sa last taping nila Kai dito sa school. Gumawa ka raw ng eksena? Totoo ba 'yon?" ano bang paki nya sa buhay namin ng asawa ko? Kainis talaga. Inayos ko 'yung sarili ko at hindi pinahalata ang pagkainis.

"Ma'am naman, ang bilis nyo naman pong makasagap ng balita. Sana ganyan din po kayo sa pagtuturo. Para naman hindi tayo nahuhuli sa lesson." Ngiting-ngiti kong pahayag. Nawala ang ngiti sa labi nito at napalitan nang pagkasimangot. "Ikaw talagang bata ka!" pigil nitong inis.

"Inaalam ko lang naman kung maghihiwalay na kayo. Basta i-promise mo ha? Bago mangyari 'yon dapat nailakad muna ko sa asawa mo. Mas mabuti nang sa professor mo mapunta ang dati mong asawa kaysa sa kung sino pa dyan. Mas may benefits ka kung nagkataon. Kaya sundin mo lang 'yung payo ko ha? Babye~"

Napairap na lang ako pagkaalis nya sa harap ko. Grabe naman, lahat na lang ba ng tao sa paligid ko. Inaabangan ang paghihiwalay namin ni Kai? Nakakaloka.

Babalik na sana ko sa room namin nang makareceived ako ng text messages mula kay Sora. Sinasabi roon na magkita daw kami sa basement ng school. Bigla naman akong napaisip, anong ginagawa nya 'don?

Alam ko sa library lang sya mahilig tumambay e. May bago na syang hide-out? Kahit puno ko nang pagtataka, sinunod ko parin ang gusto nya. I went on the basement and search for Sora. Pagpasok ko sa loob biglang sumarado 'yung pinto. Dumilim sa buong paligid.

"Waaaaah!!!" sigaw ko.

Dali-dali akong tumakbo papalapit sa pinto. Sinubukan kong buksan 'yon kaso bigo ako. Waaaah! Hubby! Tulong!!!

Nakarinig ako nang mga yabag na papalapit sa'kin. Literal na nagtayuan ang mga balahibo ko. Inilapas ko pa 'yung cellphone mula sa aking bulsa para ilawan 'yung taong papalapit.

Diyos ko! Ano po bang kasalanan ko't may nagtatangka sa buhay ko?

Sobrang bilis nang tibok ng puso ko habang lalong lumalakas ang mga yabag sa paligid. Alam kong unti-unti na syang nakakalapit sa'kin. Nang subukan kong itutok sa mukha nya 'yung ilaw nang cellphone. Bigla nya kong tinakpan ng panyo sa ilong. Sinubukan kong magpumiglas kaso masyado syang malakas para sa isang katulad ko. Wala na kong nagawa kundi ang magpaubaya. Nabitawan ko pa 'yung cellphone ko bago ko tuluyang himatayin. Tulong.... May kumidnap sa akin.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report