ΚΑΙ

"Kai," naulinigan kong may tumawag ng pangalan ko.

Paglingon ko rito, nakita ko si Kris na papalapit sa akin. Kasalukuyan kaming nasa loob ng dressing room bago kami magperform.

"Bakit hyung?"

"Wala naman. Kakamustahin ko lang sana kayo ni Dasuri. Balita ko, nagsasama na ulit kayo sa iisang bahay." Sabay upo nito sa tabi ko. Humarap pa sya sa salamin at inayos ang sarili. "Ah' oo. Kakalipat ko lang 'nung isang linggo. Bakit bigla mong natanong?"

"Naisip ko lang, since magkasama na kayo sa iisang bahay. Siguro naman nabanggit mo na sa kanya ang tungkol sa bed scene mo?" napalingon ako kay Kris nang marinig ang naging tanong nya.

Sa salamin pa rin ito nakaharap pero halatang seryoso sya sa paraan ng pagtatanong nya.

"Wala naman akong balak manghimasok sa buhay nyo o kahit pangunahan ka sa desisyon mo."

"Kaya lang Kai,” humarap ito sa akin at tinitigan ako sa mata.

"Parang kapatid na ang turing ko kay Dasuri. Kaya hangga't maaari ayoko syang nakikitang nasasaktan."

"I know, para sa'yo trabaho lang 'yan pero h'wag mo rin sanang kakalimutan. You're already a husband of someone. Hindi na lang feelings mo ang dapat na ikinokonsider mo ngayon." Tumayo si hyung at hinawakan ako sa balikat.

"I assumed that you already learned from your past, right?" tinitigan nya ko sa mata bago magpaalam. "Sige, mauna na ko. Sumunod ka na rin sa backstage. Magsisimula na 'yung performance natin."

Natapos naman nang matiwasay ang performance namin ngayong araw. Kasalukuyan akong nakaupo sa loob ng kotse ko at tinatahak ang landas pauwi sa aming bahay. Sandali kong sinulyapan ang relo ko sa kaliwang braso upang malaman ang oras.

"7:00 pm. Nasa bahay na kaya si Dasuri?" minabuti kong kuhain ang cellphone ko at tawagan ito. Nakailang ring pa lang ay sumagot na rin naman ito.

"Hello, hubby?? Pauwi kana?" masigla nitong tanong sa akin. Bahagya naman akong napangiti.

"Oo, malapit na ko."

"Good. Bilisan mo sa pag-uwi ha? Miss na kita."

"Miss mo na ko agad? Magkasama lang tayo kanina?"

"Hmm. Yeah... pero kahit kasama kita, pakiramdam ko miss na miss pa rin kita eh. Kasalanan ko ba 'yon?" I laughed.

"Hindi. Hindi mo kasalanan. I miss you too wifey."

Totoo pala ang sinasabi nila. Mas masarap umuwi ng bahay kapag alam mong may isang taong naghihintay sa pagdating mo. Masaya kong tama ang naging desisyon ko, mas magiging masaya lang ako kapag nandyan sya sa tabi ko. "Sige na. Ibaba muna. Nandito na ko sa tapat ng bahay." She ended the call.

Ipinasok ko naman sa garahe ang kotse ko at saka ipinarada 'to nang maayos. Hindi pa man ako nakakalabas ng kotse namataan ko na agad ang asawa kong patakbong lumalapit sa akin.

"Hubby!!! Welcome home!" sabay yakap nito sa akin nang mahigpit pagkaharap namin.

"Hindi mo naman ako sobrang namiss nyan." Saad ko sabay kiskis ng ilong namin sa isa't-isa. Ngumisi lang ito sa harap ko sabay dila.

"Stop it Dasuri, nasa labas pa tayo." saway ko sa ginawa nya.

"Huh? Wala naman akong ginagawa ah?" she pouted.

"Don't act like an innocent baby. Baka kapag hindi ako nakapagpigil, patulan ko 'yang pang-aakit mo." Niluwagan ko ang pagkakayakap namin at hinawakan ang kamay nya. Balak ko na sana syang isama papasok nang pigilan nya ito. "Edi gawin mo, patulan mo na. Dali! Ready na ko." She closed her eyes and wait for my respond. I smiled. Hindi pa rin talaga nagbabago. Baliw parin ang asawa ko.

Bahagya kong lumapit at hinapit ang bewang nya papalapit sa akin. Napapitlag man sya'y ipinagpatuloy pa rin ang pagpikit ng kanyang mga mata. Mataman kong pinagmasdan ang mukha nya. Mula sa kanyang mata patungo sa ilong at mapupulang labi.

I lean more closely hanggang sa halos magdampi na ang mga labi namin. Balak ko na sanang sundin ang gusto nya nang makaisip ako nang kalokohan. Inilayo kong muli ang mukha ko sa kanya't pinitik ang noo nya,

"Tama na ang kalokohan. I'm tired at maaga pa ang schedule ko para bukas. Pumasok na tayo."

Iminulat nya ang kanyang mga mata na may kasamang pagkadismaya sa mukha nito. Lalo tuloy akong ginanahang asarin sya.

"Wifey, mahal kita. Pero hindi ibig sabihin mapapasunod mo na ko sa gusto mo." then grin.

Kitang-kitang ko ang pag-irap nya pagkatapos 'non. Haha. Kaya mahal na mahal ko 'to eh. Hinila ko na sya palakad. Rinig na rinig ko naman ang pagtatantrums nya habang papasok kami.

"Aist. Kahit kailan talaga, ang KJ nito. Tss."

DASURI

"Argh. Kapagod namang mag-ayos ng mga gamit natin. Grabe!" lumabas ako ng kwarto namin. Katatapos ko lang kasi ilagay 'yung mga damit namin sa drawer.

Patalon akong dumapa 'don sa sofa. "Nagugutom na ko. Kailan ba darating dito si Maria unnie?" saad ko habang nagpapahinga.

Si Kai naman ay nakaupo habang nanonood ng Tv. 'Yung totoo? Ako lang 'yung nag-ayos nang gamit namin habang sya hayahay dito sa sala. Psh.

"Hindi sya darating." Matipid nitong tugon.

"Eh? Bakit?" napabalikwas pa ko nang upo.

"Sinabi ko kila mama na h'wag na syang pabalikin. Paki-abot nga 'yung remote sa bandang paanan mo." sinunod ko naman 'yung utos nya't inabot sa kanya 'yung remote.

Bakit naman sya nagdesisyong mag-isa? Akala ko pa naman babalik na rin talaga dito si Unnie kaya hindi na ko nagabalang mag-asikaso nang kakainin namin. At saka isa pa, namimiss ko na rin sya. Umayos ako nang upo habang nakakunot ang noo.

"Hindi mo dapat ginawa 'yon." Reklamo ko.

"Alin?" tanong naman nya habang busy sa panonood.

"Yung nagdesisyon kang mag-isa. Sana man lang ipinaalam mo sa'kin 'yung tungkol 'don diba? Naghintay pa tuloy ako sa wala."

"Hayaan mo na. Tapos na eh. Kaya kung nagugutom ka talaga gumawa ka nang paraan." Saad nya habang hindi man lang ako nililingon.

"Wow. Ha! Bakit ako lang gagawa ng paraan. Bakit hindi ka rin ba kakain?!" Napairap na lang ako. Ang sarap kausap ng asawa ko. Grabe. Dati naman kasi sya 'yung kumikilos eh.

Pinatay nya 'yung tv at humarap sa akin. "Dasuri, nung nasa elementary ka. Diba itinuro doon ang tungkol sa iba't-ibang gampanin ng mga myembro ng pamilya?"

Napaisip ako saglit bago sumagot, "Hmm. Oo, bakit mo natanong?"

"Okay, let's recap."

"Ang tatay ang haligi nang tahanan na syang....." tinitigan nya ko para sabihing dugtungan ko 'yung sinasabi nya.

"Gumagabay at sumusuporta sa kanyang anak at asawa. Sya 'yung nagtatrabaho para matustusan ang pangangailangan nila sa araw-araw." Simple kong sagot. Kala nya ah. Mas matalino na 'to ngayon oy. Nag-aral kaya 'to sa America.

Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Very good. Next, ang nanay ang ilaw nang tahanan na syang...."

Ano bang trip nito? Bakit nya ko pinagre-recite bigla? Alam ko ang usapan lang namin ay tungkol sa 'Sino-ang-magluluto'. Ba't napunta dito? Layo nang napadpad ha. Kahit na nawe-weird-uhan ako sa pinaggagawa ng asawa ko. Sinagot ko parin sya.

"Nag-aalaga sa mga anak at kanyang asawa. Sya 'yung namimili, nagluluto at gumagawa ng gawaing bahay para....." napahinto ako nang marealize ko ang mga sinasabi ko. Anak nang negro. Naisahan ako. Tsk.

Binigyan ako ni Kai nang isang napakatamis na ngiti. "Exactly, Oh. Eto ang credit card ko. Wala pang laman 'yung refrigerator natin kaya bumili ka na lang nang makakain mo." taas-noo pa nyang inilalantad sa pagmumukha ko 'yung credit card nya. Ang kapal!

"Idamay mo na rin ako, bigla kong nagutom sa usapan natin eh." Anak ng tipaklong! Nag-iinit na talaga ko. Ako na nga 'yung nag-ayos ng gamit namin tapos ako pa ngayon 'yung mamimili ng pagkain namin. Aba, namumuro na sya ah.

Hinablot ko 'yung credit card nya at pinanlakihan sya ng mata. Tinitigan nya lang ako. "Hoy, Mr. Kim! Para sabihin ko sa'yo, kung uutus-utusan mo lang din naman ako. Sana yaya na lang ang hinanap mo at hindi asawa. Saka ito? Eto ba 'yung pinagmamalaki mo ha?"

Iniangat ko 'yung credit card at binali sa harap nya. Namilog naman ang mata nya dahil sa gulat. Buti nga.

"Meron din akong ganito. Mayaman kaya ang parents ko. Kaya sa'yo na 'yang credit card mo. Lamunin mo para mabusog ka. Tse!"

"Why did you do that?! Naaaning ka na naman ba?"

Napahinto ko sa paglayas sa harap nya nang marinig ang napakaganda nyang salita. Huminahon ka Dasuri. Tandaan mo, kakalagay mo pa lang nang mga damit mo sa drawer. Masyado pang maaga para tanggalin na naman ang mga 'yon. "Ako pa talaga 'yung tinatanong mo nyan ha?! E, kung sana nagluto ka na lang agad ng hapunan natin kaysa nakatunganga ka dyan sa harap ng tv. Edi sana hindi tayo nag-aaway ngayon!" singhal ko rito.

"Then why are shouting at me? Tinatanong lang naman kita?" tumayo na rin ito at hinarap ako.

"HINDI AKO SUMISIGAW! SINASAGOT KO LANG 'YUNG TANONG MO!"

"C'mon! Hindi ka pa sumisigaw sa lagay na 'yan? Pfft." medyo natatawa pa nyang tanong. At talagang may gana pa syang tumawa ngayon sa harap ko?!

"Arrrgh!! Ayoko na! Nakakaasar kana talaga!" nagpapadyak ako sa harap nya sa sobrang inis.

"H'wag kang tatabi sa akin sa pagtulog mamaya. D'yan ka sa sofa. Grrr." Hinagis ko sa kanya 'yung unan na nasa sofa. Sinapo naman nya 'yon at saka tumawa nang tumawa.

Bwisit talaga 'to.

Papasok na sana ko sa loob nang kwarto namin nang may maramdaman akong braso sa bewang ko. Pinipigilan ako nitong pumasok.

"Ahh! Bitawan mo nga ko! Ano ba!" singhal ko rito.

"No wifey, I won't follow you." Sagot nito sabay buhat nito sa akin pabridal-style. At saka naglakad pabalik sa sofa.

"Ano ba! Ibaba mo ko! Isa! Hindi naman tayo bati eh." pagmumumiglas ko rito.

"Dasuri, naalala mo pa ba 'yung huling beses na binuhat kita nang ganito?" napahinto ko sa pagiging kikinsot at inalala ang sinabi nya.

"S-Saan mo ko dadalhin?!" tanong ko sa kanya nang bigla nya kong buhatin.

"Bakit tayo pumasok sa kwarto mo?! Hala! Ibaba mo ko!" naghe-hesterical na sambit ko nang bigla nyang sipain ang pinto ng kwarto nya at pumasok roon. Hindi nya ko pinansin at dumiretsyo sa kama. Namilog naman ang mata konang mapansin 'yon.

"T-Teka. A-anong ibig sabihin-waaah!" napasigaw ako nang ihagis nya ko sa ibabaw ng kama. Tinignan nya ko nang malagkit habang bahagya akong nakahiga rito. "You know what Dasuri?"

Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Umakyat syasa kama at lumapit sa akin. Para akong naistatwa dahil sa ginawa nya.

"T-Teka, Kai. A-anong nangyayari sa'yo? M-may sakit kaba?"

Kinakabahan kong tanong. Hindi sya sumagot basta nagpatuloy lang sya sa paglapit sa'kin. Hanggang sa mapahiga na ko nang tuluyan at makita sya sa ibabaw ko. Nakatukod ang kamay nya sa dalawang gilid ko habang unti-unting lumalapit ang bibig nya sa tenga ko. "I'm wondering if my wife is aware that..."

Ibinaling nya ang mukha nya sa'kin. Pakiramdam ko konting galaw lang mahahalikan na nya ko dahil sa sobrang lapit nang mukha namin sa isa't-isa. Ramdam ko ang bawat paghinga nya. Ibinaba pa nya ang tingin sa labi ko bago malip-bite. Napalunok pa ko dahil sa ginawa nya. Waaah! Bakit parang may kakaiba kay Kai ngayon? Nakakadagdag pa ang atmosphere sa paligid. Bakit kasi lampshade lang bukas dito?

K-Kinakabahan tuloy ako.

Ibinalik ni Kai ang tingin sa mata ko sabay sabing, "I'm the hottest guy in my group." Then claim my lips.

Reality strikes me nang maramdaman ko ang pagbaba sa akin ni Kai sa sofa. Namilog ang mata ko nang makita na sya sa ibabaw ko. OMO. Dito nya ba binabalak gumawa ng baby? Waaaaah!!!! "Based on your reaction mukhang naaalala mo pa nga." I gulped nang bigla syang mag-grin sa harap ko.

"Ahh. Hubby." tawag ko rito.

"Yes, baby?" literal na tumayo ang mga balahibo ko nang tawagin nya kong baby. My gosh Kai. You are killing me. Nakikipagtitigan pa talaga sya sa akin.

"Hmm. Baby, Pwede ba sa kwarto na lang natin gawin 'to?" nahihiya kong tanong. Ang liit kaya nitong sofa.

Waah! Ang pervs ko na pakinggan.

"Bakit naman baby?" sabay haplos nito sa buhok ko.

"Ayaw mo ba dito?" He's kissing my earlobe already.

Argh. Napapapikit na lang ako sa sensasyong nararamdaman ko.

"Mas exciting di 'ba?" Sinulyapan nya muna ko saglit bago paliguan nang halik sa mukha.

"Mas may thrill." And claim my lips.

Habang tumatagal, mas lumalalim ang halikan naming dalawa. His lips. I really missed this pair of lips. Pakiramdam ko nalulunod ako sa saya sa tuwing hahalikan nya ko.

Hindi na ko nakapagpigil. I put my arms around his neck and kiss him aggressively. Tinutugon naman nya ito. Habang tumatagal, unti-unti na kaming natatangay ng aming mga nararamdaman. Akala ko nga'y magtutuloy-tuloy na iyon kaya laking gulat ko nang bigla syang huminto.

Nagkatitigan pa kaming dalawa bago sya umalis sa ibabaw ko. Tumayo pa sya saglit sa harap ko habang nakatalikod.

"Nagugutom na ko. Mag-ayos ka. Kakain tayo sa labas." Sabay alis sa harap ko.

Umayos naman ako nang upo. "Ano ba 'yan. Ayon na eh. Ayts."

Napabuntong-hininga na lang tuloy ako bago sumunod. Talaga naman.

Bitin kaya! Grrr.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report