OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS
CHAPTER 41: TOO MUCH PAIN

SEHUN

"Aist, ano bang ginagawa ko rito?" nakaparada ang sinasakyan kong kotse hindi kalayuan sa gate ng school ng gate nila Dasuri. Maski ako ay hindi sigurado sa totoong dahilan kung bakit ako nandito. Basta pagkagising ko na lang kaninang umaga, ginusto ko nang magdrive. Tapos dito ko dinala ng kotse ko. Tss.

"Ay, takte! May naglalabasan nang mga estudyante." Inayos ko 'yung suot-suot kong shades at bahagya pang nagtago sa manubela sa harap ko. Baka kasi biglang may makakilala sa akin dito. "Riri! Sama ka ulit sa amin? Gala ulit tayo." Napatingin ako dun sa lalaking mukhang ewan na sinalubong nang yakap si Dasuri pagkalabas nito ng gate. Halos mapalo ko 'yung manubela sa inis. "Tang-ina! Sino 'yung gagong 'yon? Makayapos kay Dasuri wagas. 'Yung babae namang 'yon nag-eenjoy pa. Tsk."

Hindi na ko nakatiis. Pinaandar ko 'yung kotse at lumapit sa kanila. Huminto ko sa mismong harapan nila.

"Woah!" usal nung lalaking manyakis pagkahinto ko. Sinigurado ko kasing matatamaan sya pagkaparada ko. Kaso mabilis kumilos 'yung loko. Tsk.

"Hoy! Manong! Ayusin mo naman 'yung pagmamaneho mo. Nakakasagasa kana ng gwapo." Singhal pa nito.

"Talaga naman. Masasagasaan kana't lahat-lahat. Conceited ka pa rin." Komento naman nung babaeng nakasalamin na katabi ni Dasuri. Tahimik na nakatingin lang sa akin si Dasuri.

Dahan-dahan ko namang ibinaba ang tinted glass window ng kotse ko para makilala nila ko. Iba-iba ang naging reaksyon nila nang makita ko. Naiinis 'yung lalaking muntik ko nang masagasaan. Napauwang naman 'yung labi nung babaeng nakasalamin. Samantalang, Wala namang reaksyon si Dasuri. Ashush, akala ko pa naman matutuwa syang makita ko. Sayang effort.

"Oh Sehun?! Gosh." Hindi makapaniwalang bulalas nung nakasalamin na babae. Napahawak pa nga sya sa kanyang bibig. Napasmirk naman ako. Gwapo ko talaga.

"Hoy manong! Bulag ka ba? Ang laki-laki ng kalsada nagsusumiksik ka dito. Kita nang may gwapo." Usal nung manyak.

"Anong manong? Excuse me, mas bata pa ko sa'yo and please hindi ka gwapo. Gago pwede pa." loko 'yon tinawag na manong si Sese? Tusukin ko sya dyan e. "Ano? Amp!" balak na sana nya kong patulan nang pigilan sya nung babaeng nakasalamin.

"Manahimik ka nga chunji! Mahiya ka naman kay Sese. Ahm, hello. Ako pala si Sora." Nginitian ko naman sya dahilan para kumislap ang mga mata nito. "Hi sayo." Sabay lipat ng atensyon kay Dasuri.

"Hoy, babae. Sakay na. Hatid na kita sa inyo." Pinagbuksan ko pa sya nang pinto para makapasok.

Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Dasuri, "Nakadrugs ka ba? Ano bang sininghot mo at naisipan mo kong sunduin? Close ba tayo?" inosente pa nitong saad.

Kumulo naman ang dugo ko. "Aist. Langya talaga. Bahala ka nga dyan. Nagsayang lang pala ko nang oras dito. Kainis." Padabog kong isinara 'yung pinto. Papaandarin ko na sana ulit 'yung makina nang biglang tumawa si Dasuri. "Hahahaha. Nakakatawa ka talaga. Sige na, sige na. Sasama na ko total napatawa mo naman ako e. Hahaha."

Ewan ko ba pero imbes na mainis. Nakaramdam ako nang tuwa nang malamang sasama na sya sa'kin. Pilit kong itinago 'yung pag ngiti ko.

"Sasama rin pala. Umarte pa. Feeling maganda. Tss." Binuksan ko 'yung pinto para sa tabi ko. Kinuha naman ni Dasuri 'yon at saka umupo sa tabi ko.

Nagpaalam pa sya sa mga kaibigan nya bago kami tuluyang umalis 'don. Balak pa ngang sumama nung kaibigan nyang nakasalamin, mabuti na lang at pinigilan nung manyak. May naitutulong rin pala 'yon e.

"Ano ba 'yang ginagawa mo? Bakit ka nakatakip ng ilong. Naligo ako uy!" puna ko kay Dasuri na nakatakip nang ilong simula nang pumasok sa kotse ko.

"Mabango rin 'tong loob ng kotse ko 'no." dagdag ko pa.

"Nakakahilo kasi 'yung amoy ng pabango mo. Ang tapang masyado." Sagot naman nito.

"Ano? Di kaya." Sabay amoy ko sa aking sarili.

"Amoyin mo pa."

"Argh. Lumayo ka nga. Ano ba!" singhal nya sa akin nang subukan kong idikit ang katawan ko sa kanya.

Ano ba 'yan ang arte naman ng babaeng 'to. Ang bango-bango ko kaya.

Dahil panay ang reklamo ni Dasuri tungkol sa pabango ko. Wala na tuloy akong nagawa kundi ang bumili ng bagong damit sa isang malapit na tyangge at magpalit ng damit. Pinapasok ko muna sya sa isang bubble tea shop para makapagpalit ako sa lob ng kotse. Pagkatapos ay sumunod ako rito.

Nasa harap na sya nang counter at pumipili ng i-oorder. Tumabi naman ako sa kanya at saka nagsalita. Dahil lagi naman ako rito hindi ko na kinailangan tumingin sa menu board para makaorder.

"Chocolate flavor bubble tea."

Nagkatinginan kami ni Dasuri at sabay na tumawa nang magkasabay kami sa pagsasalita. Bigla ko tuloy naalala 'yung unang beses naming pagkikita.

Same place and same situation.

"Yes?" tanong ko sa kanya habang nakangiti. Mukhang nagets naman nya 'yon at natawa nang bahagya.

"Pfft.. Umm, ikaw si Sehun ng Exo-K 'no?" tanong pa nya kunwari. Mas lalo namang lumapad ang ngiti ko.

"Yes, ako nga. Isa ka ba sa mga fans namin?" kumunot ang noo nya nang marinig ang sinabi ko.

Para bang sinasabi nitong, 'Ano yang sinasabi mo? Wala naman 'yan sa scripts ah?'

Pero hindi ko sya pinansin at nagpatuloy. "Here's your order ma'am and sir." Singit nung nasa counter. Hinarap ko naman sya.

"Eto 'yung bayad ko. Paki sama na rin sa bill ko 'yung order nitong magandang fan namin sa tabi ko. Paki tanong na rin kung pwede ko ba syang makilala pa ng husto." Sabay abot ko ng credit card. Hanggang sa makaupo na kami ni Dasuri. Hindi parin sya makamove-on sa mga pinagsasabi ko.

"Anong arte 'yon? May nalalaman ka pang makilala ko nang husto. E dinedma mo lang naman ako dati." Sabay hampas pa nito sa balikat ko.

Nagkibit-balikat muna ko bago sumagot. "Wala lang, naisip ko lang. Paano kaya kung ganon 'yung naging approach ko sa'yo noong unang beses tayong magkita. Magugustuhan mo rin kaya ko?" simple kong sagot. Nagulat naman si Dasuri, "Huh? Magustuhan?"

"Ibig kong sabihin, magiging close kaya tayo. Ikaw ha. Kung anu-ano iniisip mo. Wala kong balak maging kabit 'no." bahagyang tumawa si Dasuri pero halatang pilit lang iyon.

Bigla tuloy akong natauhan, ang pangit ng joke ko. Mukhang nasabi na nga sa kanya ni Kai ang tungkol kay Hyena. Kaya pala mukhang malungkot ang mga mata nya.

"Ehemp! Himala ang tahimik mo ata ngayon?" pagbabago ko sa usapan. Nginitian naman ako ni Dasuri.

"Nagma-matured na kasi ako," sagot pa n'ya.

"Ashus. Maniwala ko sa'yo. Imposible naman atang mag-matured ang isang saesang na katulang mo. Aray!" bigla kong hinampas ni Dasuri. Napangiti ako dahil mukhang medyo bumabalik na 'yung sigla na. "Grabe ka sa akin," saad pa nya.

"Hahaha. Ako grabe sa'yo? Matagal na. Ngayon mo lang napansin? Hahaha." Inirapan nya lang ako sabay tawa.

"Sige, sige, babawi ako. Gusto mo dalhin kita sa isang lugar? I'm sure gusto mo nang makapunta 'don ULIT." Napaisip sya bigla nang marinig ang word na 'ulit'. Mukhang nacurious sya.

"Ulit? You mean, napuntahan ko na 'yon dati pa?" I nodded.

"Oo naman. 'Yun 'yung lugar kung saan marami tayong pinagsamahan. Isang lugar kung saan pinapangarap ng maraming Exo-L na makapunta. Pero until now, isang fan pa lang ang nabigyan ng pagkakataon." "At ako 'yon." Nakangiting saad nya.

Mukhang alam na nya kung saan ba 'yung tinutukoy ko. "Unfortunately, ikaw nga 'yon." Pang-aasar ko pa.

"So, paano? Gusto mo na bang mag-apply ulit bilang P. A ng grupo namin? Kaso hindi ako kasing lakas ni Suho hyung pagdating kay noona. Kaya hindi ko masisigurado na matatanggap ka agad. Depende pa rin 'yon sa magiging interview mo." Sabay kindat ko pa dito. Natawa naman sya.

"Baliw." Saad nya.

DASURI

"Grabe. Ang tagal na rin talaga simula nang huling beses akong pumunta dito. Marami na bang nagbago?" saad ko habang ipinaparada ni Sehun ang kotse nya sa garahe.

Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Hindi naman, pinalitan lang 'yung mga luma at sirang gamit. Pero halos lahat naman ganon parin."

Kung anu-ano pa ang napagusapan naming ni Sehun hanggang sa makarating na kami sa harap ng pinto ng unit nila. Hindi ko alam kung bakit pero bigla kong kinabahan. Kagaya nung unang beses kong makarating dito. Pakiramdam ko tuloy bumabalik ako sa nakaraan.

"Sakto ang punta mo Dasuri, halos lahat nandito sa bahay. Pwera sa Exo-M na nasa China. Alam mo na, promote-promote din pag may time." Saad ni Sehun habang binubuksan 'yung pinto.

"Binago nyo na ba 'yung password nyo dito?" tanong ko.

"Bakit mo tinatanong? Balak mong pumuslit dito pag wala kami 'no? Wag ka nang magbalak. Babaguhin ko na mamaya 'yung password." Imbes na mainis, natuon ang atensyon ko sa mga sapatos sa sahig pagpasok ko. Meron kasi doon bukod tanging naiibang sapatos. Kulay pula ito at may 2 inches na heels. Nagtaka ko bigla.

"Akala ko ba may meeting si Jamie unnie ngayon?" tanong ko kay Sehun.

"Oo nga, sino ba nagsabing nandito s'ya?" kumunot ang noo ko sa naging sagot nya. Kung wala si unnie dito, kanino 'yung sapatos na pula?

"Mga hyung! Tignan nyo kung sino 'tong kasama ko." Sigaw ni Sehun pagkarating sa sala.

Dahan-dahan naman akong sumunod sa kanya.

"Kamusta po? Tagal nating hindi nagkita-kita ah? Na-miss ko kayong lahat." Sobrang lapad nang ngiting ipinakita ko sa kanila.

Akala ko nga'y patakbong lalapit sa akin si Baekhyun and Chanyeol oppa gaya nung bumisita ko sa kanila pagbalik ko ng Seoul. Kaso mukhang nagkamali ako. Nakatitig lang kasi silang lahat sa akin na para bang gulat na gulat. "Uhh, sorry. Hindi na ko nakapagdala ng pasalubong. Nagmamadali kasi masyado 'tong si Sehun e. Hehe. Pero sana hindi naman ako nakaabala sa inyo?" bigla kong tanong. Baka kasi busy sila. Kaya parang hindi sila masyadong masaya na makita ko?

"Ha? Ah. Oo naman. Bakit ka naman magiging abala samin. Ikaw pa Dasuri. Hindi kana iba samin. Lalo na't asawa mo si Kai. Hehe." Saad ni Suho oppa.

"Oo nga. Maupo ka muna. Hehe." Segunda naman ni Baekhyun. Sinunod ko sya't naupo sa sala.

Bakit parang hindi sila makatingin sa akin ng diretyso? Weird ah.

"Amp, nauuhaw ka ba Dasuri? Ipagtitimpla kita ng juice." Pahayag ni kyungsoo oppa. Agad-agad naman akong nagsalita,

"Ako na lang oppa. Alam ko naman kung saan 'yon nakalagay e." sabay tayo ko pa para pumunta ng kusina. Kaso nagulat ako nang bigla nila kong paupuin muli.

"Kami na lang Dasuri! Kami na lang!" aligaga nilang pahayag.

"Uh, okay? Kamusta na pala kayo? Lalong dumadami 'yung mga awards nyo. Congrats Exo oppa!" masigla kong pahayag.

"Salamat, Salamat." Sagot nila.

Luminga-linga ako at pinagmasdan ang paligid. Kagaya ng sinabi ni Sehun, wala parin talagang masyadong nagbago rito. Nakakatuwa, pakiramdam ko bumalik ako sa nakaraan. 'Yung nakaraan na kahit hindi madalas sabihin ni Kai, nararamdaman ko parin na mahal nya ko. Hindi kagaya ngayon....

"Oo nga po pala. Pansin ko lang, halos kumpleto kayo rito bukod sa asawa ko. May iba po ba syang lakad?" Nakakapagtaka naman kasi. Matapos ang naging usapan namin. Hindi na nagparamadam sa akin si Kai.

Maski tanungin kung kumain na ba ko. Hindi nya magawa. Kahit pa sabihing may hindi kami pagkakaintindihan kanina. Kaya naisip ko na may trabaho sya ngayon. Kaso bakit yung mga kamember nya wala?

"Anong lakad? Day-mmmmph." Nagulat ako nang biglang hilahin ni Kyungsoo hyung si Sehun papunta sa kusina.

"Halika rito. Tulungan mo kong magtimpla ng juice para may pakinabang kang bata ka." Bahagya pa kong natawa nang masaksihan 'yon. Ang kulit pa rin nila.

"Ha? Ah. O-Oo. Tama, may solo activity kasi si Kai ngayon. Alam mo na, sikat kasi 'yang asawa mo. Haha." Medyo naiilang na sagot ni Suho oppa.

"Ganon ba? Hmm, sige. Okay lang po ba kung mag-cr ako? Naiihi na kasi ako e. Hehe." Pagpapaalam ko sa mga ito.

Agad naman silang pumayag. Ramdam ko kasi na ang awkward ng atmosphere sa paligid. Para bang may mali kaya nagdahilan ako para makaalis sa atensyon nila.

Para kasing binabantayan nila ang kilos ko nang palihim. Nakakapanibago. Naulinigan ko pa ang bulungan nila habang ako'y naglalakad.

"Loko talaga 'yung Sehun na 'yon. Bakit ngayon pa nya naisipang papuntahin dito si Dasuri?"

"Aist. Naku. Malalagot tayo nito e."

Lalo kong naguluhan sa mga narinig ko. Ano ba talaga kasing meron? Habang tinatahak ko ang daan patungo sa banyo. Nadaan nang mga mata ko ang pinto ng kwarto ni Kai at Kyungsoo.

Hindi pa rin pala nila tinatanggal 'yung pangalan ng asawa ko roon kahit pa hindi na naman sya madalas na napupunta rito. Napangiti ako nang maalala ko 'yung araw na inalagaan ko sya dahil meron syang sakit. Haysst. Minsan talaga ang sarap balikan ng nakaraan.

Magpapatuloy na sana ko sa paglalakad nang mapansin kong bukas ang ilaw sa loob nung kwarto.

"Nakakapagtaka naman. Bakit bukas 'yung ilaw e nasa labas si Kyungsoo oppa?"

Dahil sa kuryosidad, lumapit ako roon at idinikit ang tenga sa pinto. Pinakikinggan ko kung may tao. Nagulat pa ko nang may marinig akong mga yabag mula sa loob. Para bang may naglalakad. Sinubukan kong pihitin 'yung doorknob para malaman kung bukas ba ito.

Luckily, hindi nga ito nakalock. Dahan-dahan ko itong binuksan at pumasok sa loob. Bumungad sa akin ang mangilan-ngilang damit sa sahig,

"Aist. Hanggang ngayon, makalat parin sila." Bulong ko pa.

Isa-isa ko 'yung pinulot at pinagsama-sama. Napahinto lang ako nang mapansin kong damit na ng isang babae ang huli kong pinulot. Biglang kumabog ang dibdib ko. Dahan-dahan kong iniaayos ang tayo ko habang unti-unting sinusulyapan 'yung kama.

Nagulat ako nang makita ko si Kai na nakadapa sa kama habang walang suot na pang-itaas. Mukhang kanina pa sya dito natutulog nang mahimbing. Bigla kong naguluhan. A-Akala ko ba wala sya dito? Kaya paanong....

Hindi naman nagtagal, bumukas 'yung pinto ng banyo ng kwarto nila. Iniluwa nito si Hyena na nakatapis lang at basang-basa ang buhok. Na-istatwa ito nang makita ko. "Babe, can I borrow your----DASURI?!" para syang nakakita nang multo nang masilayan ako.

Bigla namang sumikip ang dibdib ko. Hindi ko mapigilang mabitawan ang mga hawak kong damit habang pasalit-salit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko may sumasakal sa'kin kaya nahihirapan akong huminga. Mukha namang nagising si Kai dahil sa pagsigaw na ginawa ni Hyena. Dahan-dahan itong lumingon sa amin at napabalikwas nang upo nang makita ko.

"Fuck! What are you doing here?!" halatang gulat na gulat ito habang pasalit-salit ang tingin nya sa amin ni Hyena.

Hindi ko naman namalayan na kanina pa pala umaagos 'yung mga luha sa magkabila kong pisngi. Daig ko pa 'yung sinaksak nang paulit-ulit. Sa sakit nang nararamdaman ko ngayon.

Gusto kong sumigaw! Gusto kong magwala! Pero Tang-ina lang! Bakit hindi ko magawa?!

Pinagmasdan pa sandali ni Kai ang sarili bago ako nilingon, "Teka, Dasuri. Mali 'yung iniisip mo. Let me explain." Bulalas nito habang tinatantya ang bawat kilos ko.

Umiling-iling naman ako habang humahangulgol. Ayoko nang makarinig pa nang kahit anong kasinungalingan nya. Ayoko nang magmukhang tanga. Sinubukan nya kong lapitan pero hindi ko na sya hinayaan pa. Tinalikuran ko sila at saka nagmamadaling lumabas nang kwarto.

Sumalubong sa akin ang iba nyang kamembro na halatang nagulat din sa nangyari. Sinubukan nila kong pakalmahin pero tinignan ko silang lahat ng masama.

"B-Bakit nyo ko niloko? A-Akala ko ba kaibigan ko kayo?" patuloy ang pag-iyak ko habang nakatitig sa mga taong pinagkatiwalaan ko. Mga taong akala ko pinahahalagahan ako.

"D-Dasuri. Hindi, m-mali 'yung iniisip mo." Sinubukan ni Sehun na yakapin ako pero itinulak ko sya.

"Sinungaling! Pare-pareho lang kayo. Ginago nyo ko--ahh!!" napasigaw ako bigla nang makaramdam ako nang pagkirot sa loob nang tyan ko. Naalarma naman sila Sehun at dali-dali akong nilapitan.

Napakapit pa ako sa kanila habang namimilipit sa sakit. Halos lumuwa naman ang aking mga mata nang may mapansin akong mga dugong patuloy ang pagdaloy pababa sa binti ko.

"Dasuri!" napalingon ako kay Kai na humahangos papalapit sa akin.

Ramdam ko na ang pang hihina nag aking katawan. Nakatitig lang ako kay Kai habang unti-unting nagdidilim ang aking paningin.

"Kai.... s-si baby...." I cried then everything went black.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report