OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 44: DASURI’S SECRET
DASURI
Week has passed, matapos kong makalabas ng hospital. Kahit anino ni Kai ay hindi ko na nakita. Marahil ay tinutupad na nya 'yung space na pinangako nya sa akin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang sakit na naramdaman ko matapos kong makita ang kagaguhan nila ni Hyena.
Akala nya ba maniniwala akong walang nangyari sa kanilang dalawa? Ha. Isa 'yong malaking kalokohan.
"Dasuri, iha, bumaba kana at kakain na tayo." Tawag sa akin ni mama mula sa sala. Isinara ko naman 'yung box na kinaroroonan ng singsing ko bago sumagot rito. "Susunod na po."
Simula sa araw na 'to. Kakalimutan ko na ang lahat. 'Yung mga panahong nagpakatanga ako. 'Yung mga panahong hinayaan kong kawawain nila ang sarili ko. Dahil simula sa araw na ito, wala nang Kai na nag-eexist sa mundo ko. Pagbaba ko sa kusina, sumalubong sa akin ang mga magulang kong nakaupo na sa paligid ng mesa. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang tagal na rin since nung last na kumain kami ng sabay-sabay. Sobrang na-miss ko 'to.
"Good morning ma, pa," saad ko sabay halik sa mga pisngi nila.
"Good morning din sa'yo, anak. Maupo ka na para makapagsimula na tayo." Pahayag naman ni Papa. Sinunod ko sya't naupo sa tabi nya.
"Woah! Ikaw ba ulit ang nagluto nito mama?" mangha kong pahayag habang pinagmamasdan ang mga nakahandang pagkain.
"Oo, alam ko kasing na-miss mo nang kainin ang mga luto ko. Kaya gumising ako nang maaga para rito." Sagot naman ni mama. Biglang nagningning ang mga mata ko.
"Aww. Love na loves talaga ko ni mama ko. Hihi," natawa naman sila sa tinuran ko.
"Ikaw talaga iha, para ka paring bata kung umasta. May asawa ka na't laha't-lahat pero ang childish pa rin. Haha." Napasimangot naman ako sa tinuran ng aking ina. Kasasabi ko pa nga lang wala nang Kai sa buhay ko, ayan na agad. "Honey," pigil ni papa kay mama.
Mukhang nakatunog naman ito at nanahimik. Dahil biglang bumigat ang atmosphere sa paligid. Inilihis na lang ni Papa sa iba ang topic.
"Oo nga pala, iha. Ngayong araw na ang balik mo sa eskwelahan. Tama ba? Gusto mo bang ipahatid kita sa driver natin?" alok pa nito. Umiling-iling naman ako habang nagsisimula nang kumain.
"Wag na pa. Magba-bus na lang ako. Alam ko pa rin naman ang daan dito sa bahay natin e. Hehe." Simple kong sagot.
"Kung ganon, bahala ka. Pero kung magbago man ang isip mo, magsabi ka lang at ipapagamit ko sa'yo 'yung kotse." Ngumiti lang ako rito at nagpatuloy sa pagkain. Ito na ang simula, simula ng panibago kong buhay.
Pagkarating ko ng school. Nilibot ko ang paningin ko. Wala iyong gaanong pinagbago. Marami pa rin ang mga estudyanteng panay ang gala sa paligid. Kanya-kanya sa kanilang ginagawa na animo'y may mga sariling mundo. "Riri? Riri!" napalingon ako sa lalaking tumatawag sa akin. Nagulat ako nang paglingon ko, bigla ako nitong sinundot sa pisngi.
"Bang! Wahahaha. Nadali ko sya. Hahaha."
Halos himatayin pa sya sa katatawa dahil nagwagi daw sya sa binabalak nyang pagbaril sa pisngi ko gamit ang hintuturo nya. Napakaisip bata. "Masaya kana nyan?" taas-kilay kong tanong.
Tumango-tango ito habang sobrang lapad ang ngiti. Napaismid na lamang ako.
"Ewan ko sa'yo. Pumuslit ka na naman dito sa school namin. Siguro kasabwat mo 'yung bestfriend mo 'no?!" Wala naman kasing ibang pwedeng tumulong sa kanya bukod kay mokong. Konsitidor na kaibigan. Tss. "Hindi 'no. Sariling sikap kaya 'to. Saka isa pa, paano ko tutulungan ni L. joe e ilang araw na 'yung nowhere to be seen. Bumalik na ata sa Amerika di man lang nagpasabi." Napauwang ang mga labi ko nang marinig 'yon. "ANO? B-Bumalik na sya sa Amerika?! Kailan pa?" gulat na gulat kong pahayag.
"Hindi ko rin alam. Ikaw naman kasi bakit bigla ka na ring nawala? Akala tuloy namin ni cutie nagtanan na kayo ni L. joe. Hahahaha." Nagsimula na namang tumawa si Chunji na parang tanga. Dahil hindi ko na sya kayang pagmasdan pa ng matagal. Umalis ako sa harap nya habang busy sya sa pagtawa.
"Totoo kaya 'yung sinabi ni Ji? Bumalik na kaya si L. joe sa Amerika?" may halong lungkot kong pahayag.
Aist. Ano ba 'to. Ano naman kung bumalik na nga sya. PAKIALAM KO BA?! Mas maganda nga 'yon e. Atleast....
"Hindi ko na sya makikita pa?"
Natapos 'yung klase kagaya nang dati. Marami ang naging tanong ng mga kaklase ko kung bakit ang tagal kong umabsent. Hindi ko sinabi 'yung tungkol sa totoong nangyari sa'kin. Idinahilan ko na lang na dumating kasi 'yung parents ko at nag-out of town kami kaya ganon. Tanging si Sora lang ang nakakaalam ng totoong nangyari. Kasama nya kasi si Chunji nung bumisita sila sa akin noong nakaraan. Nakiusap ako sa mga ito na itago 'yon. Mabuti naman at pumayag sila.
"Dasuri!" tawag sa akin ni Sora habang nag-aayos ako nang gamit dahil tapos na yung klase. Napatingin ako sa kanya na kararating pa lang sa tapat ng pinto.
"Oh Sora? Akala ko ba may meeting ka pang pupuntahan? Bakit nandito ka pa? May nakalimutan ka ba?" isinukbit ko na 'yung bag ko atsaka lumapit sa kanya. "Um, ang totoo nyan. Napilitan lang akong bumalik dito." Kumunot ang noo ko pagkatapos kong marinig 'yon. Huminto ko sa harap nya para klaruhin iyon. "At bakit naman?"
"May isang tao kasing nakiusap sa akin. Gusto ka daw nyang makausap. Nandoon sya sa tapat ng gate. Hinihintay ka." Napaisip ako sa tinuran nya. Sino ba 'yung tinutukoy nyang gusto kong makita? "Sino?"
Nagpansin ko ang pagdadalawang-isip ni Sora na sagutin ang tanong ko. Pero hindi rin naman nagtagal ay nagsalita na ito. Na naging dahilan para matameme ako sandali. "Ang asawa mo."
Nagdilim ang mukha ko at biglang nagbago ang aking mood. Hindi ko akalaing maiinis agad ako mabangit lang si Kai. I faced Sora with a blank expression on my face. "Sabihin mo, nakauwi na ko."
"Pero...."
"Please lang, h'wag mo nang subukang mamagitan sa amin. Dahil kapag ginawa mo 'yon. Baka pati ikaw, mapilitan akong layuan." Natameme si Sora nang marinig 'yon. Nilagpasan ko sya at saka nagtungo sa library. Doon muna ko tatambay para hindi kami magkita ng asawa ko.
Hindi ko pa sya kayang makita pa.
KAI
Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nakakabalik 'yung kaibigan ni Dasuri. Nang makita ko kasi itong papalabas ng eskwelahan nila, nakiusap ako rito na kung maaari. Ipaalam kay Dasuri na nandirito ko sa tapat ng school nila. Para magbasakali na makapag-usap kaming dalawa.
I want to clear things between me and Hyena.
Gusto kong patunayan sa kanya na WALA talagang nangyari sa pagitan naming dalawa. Ni hindi ko nga alam na nasa dorm pala namin ang babaeng 'yon. Pumunta ko roon para matulog at magpahinga. Kaya laking gulat ko rin nang paggising ko, naroon na si Hyena. Biktima lang din ako nang pangyayari, sana naman maniwala sya.
Napatayo ako mula sa pagkakasandal sa bumper ng kotse ko nang mamataan ko ang kaibigan ni Dasuri na pabalik na sa pwesto ko. Umayos ako nang tayo at hinarap sya. Medyo nadismaya ako nang mapansing hindi nya kasama ang asawa ko.
"Sorry, nakauwi na pala si Dasuri. Pasensya na kung pinaghintay pa kita dito." Nakayuko nitong pahayag.
"Kanina pa? Pero kanina pa ko nandito at hindi ko nakita maski ang anino nya. Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" parang ang hirap namang paniwalaan ng sinasabi nya.
"Oo e, b-baka hindi mo lang napansin kasi maraming estudyante ang sabay-sabay na lumabas. S-Sige, mauna na ko."
"Teka lang," sinubukan ko syang pigilan pero masyado 'tong nagmamadaling umalis sa harap ko.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Talaga bang nakauwi na sya? Pero paano? Inagahan ko na nga ang punta rito para siguradong makausap sya. But still I failed.
Muli kong sinulyapan ang kabuuan ng eskwelahan nila. I was hoping na nagsisinungaling lang ang kaibigan nya. Na baka pinagtataguan nya lang ako. Pero kahit anong gawin kong paghihintay rito mukhang...... wala talaga kong mapapala. Bumalik ako sa loob ng kotse at binuksan ang makina nito. Siguro nga hindi pa ito 'yung tamang panahon para magkita ulit kami. Hindi ko muna ipagpipilitan ang gusto ko. Aayusin ko muna ang lahat bago ko subukang pabalikin ang asawa
ko.
DASURI
"Isang oras na rin 'yung nakalipas, wala na siguro sya 'don?"
Maingat akong naglakad patungo sa gate ng school. Sinisigurado kong wala na nga 'yung kotse ni Kai bago ko tuluyang lumabas ng school. Medyo nagulat pa ko nang mapansing madilim na pala sa labas. Kanina pa kasi ako nasa loob ng building kaya hindi ko na napansin ang pagdilim ng langit.
"May masasakyan pa naman siguro nito 'no?" tanong ko sa aking sarili matapos makalabas ng school.
Kailangan ko pa kasing maglakad patungo sa sakayan ng bus para makauwi. Dahil medyo ginabi na nga ko ng labas. Wala na kong kasabay na mga estudyante patungo sa bus station. Medyo natatakot na ko kasi madilim na nga 'yung daan kaso hindi naman ako pwedeng umatras kasi hindi ako makakauwi kung hindi ako maglalakad.
Hindi ko naman matawagan ang magulang ko. Nasa bahay kasi namin ni Kai 'yung phone ko. So, no choice talaga ko kundi kalabanin ang takot ko.
Habang naglalakad, napansin ko ang madilim na langit. Pati na ang mangilan-ngilan na pagkulog at pagkidlat. "Ano ba 'yan, mukhang uulan pa. Wala pa naman akong dalang payong." Saad ko saka binilisan ang paglalakad. Wala pang limang minuto at nagsimula na ngang bumagsak ang mga patak ng ulan mula sa langit. Nagulantang ako't nataranta,
"Hala, umuulan na. Mababasa ang mga gamit ko!" bulalas ko. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba 'yung daan patungo sa istasyon ng bus o babalik ako sa school para sumilong.
"Waah. Lumalakas na." nasa kalagitnaan pa ko nang pag-iisip nang may biglang humablot sa kamay ko't hilahin ako patakbo.
"Woah!" sigaw ko habang napatakbo na rin patungo sa istayon nang bus.
Lalo namang lumakas ang ulan hanggang sa makarating din kami sa bench roon. Kahit hingal-kabayo pinilit kong sulyapan kung sino ba 'yung taong biglang humila sa'kin.
Para bang nawala ang pagod ko nang makilala 'to. Napatitig ako rito habang may tumutulo pang tubig mula sa buhok nito. Mukhang maski sya'y nabasa rin sa ginawa naming pagtakbo.
"Stop staring." Saad nito habang hinihingal.
Binawi ko naman ang tingin sa kanya sabay irap pa dito.
"Asa! As if naman tinititigan kita 'no? H-Hindi naman kita type." Pagkakaila ko pa habnag habol hininga. Narinig ko naman ang pagsmirk nito.
"Tsk. Why so insensitive?" bulong lang 'yung ginawa nya pero narinig ko parin dahil sobra kaming magkalapit. Ngumuso lang ako.
"Oo nga pala, bakit ka nandito? Bakit mo ko niligtas sa ulan? Akala ko ba hindi tayo magkaibigan?" sita ko rito.
Noong nakaraan kung makaasta kala mo wala kaming pinagsamahan. Tapos ngayon fc naman. Ang gulo rin nito e. Sarap batukan.
"I'm here because I will ride a bus. And yes, I helped you because I'm too kind to ignore a stupid college student who can't decide whether she will go here or go back to school. I won't be surprise if sometimes you're struggling to answer the question, whether to breathe or not." Then gave me a sarcastic smile.
Pustpa. Nambi-bwisit na naman 'to.
"Asar ka talaga! Nasaan ba si Ji? Bakit hindi ka nya kasama?" inis kong tanong. Para maiba na rin 'yung usapan. Kahit kasi sobrang lakas ng ulan sa paligid. Nag-iinit parin yung ulo ko sa lalaking kausap ko.
"He follows his heart." Kaswal nitong pahayag.
"Ano?" hindi ko kasi na-gets 'yung sinabi.
"Nevermind." Magtatanong pa sana ko nang may dumating nang bus.
Sa pangalawang pagkakataon. He holds my wrist at hinila ko papasok ng bus. Hindi na ko nakatanggi at nagpatanggay na lang rito. Mabuti na lang at may bakanteng pwesto para sa amin. Nakakahiya kasi. Medyo basa na kami. Nagulat ako nang bigla syang huminto pagdating namin sa gitna ng bus. Muntik pa nga kong matumba dahil sa pagkakatama sa kanya. Mabuti na lang at hawak-hawak nya ko.
"Yah! Bakit ka huminto." Sita ko rito.
Hindi naman sya sumagot at sa halip ay dahan-dahan akong nilingon. Kasabay nang pag-andar ng bus na sinasakyan namin ay ang nakakailang na pagtitig sa'kin ni L. joe. Para bang meron syang nakakagulat na bagay na natuklasan. Bumaba ang tingin nya sa'kin patungo sa kamay nyang nakahawak sa wrist ko. May naalala naman akong pangyayari na kagaya nito.
Umarte kong walang nakita. Nagsimula na kong maglakad at sinubukan syang lagpasan. Kaso bigla nyang hinablot ang kamay ko habang titig na titig sa'kin. Ang nakakapagtaka pa, nakapatong ang mga daliri nya sa aking pulso. Para bang may pinapakiramdaman syang kung ano. Naiilang ako sa ginagawa nya kaya hinili ko ang kamay ko mula sa kanya.
"Yah, bitawan mo nga ako." Saad ko pa.
Hindi naman sya nagsalita. Tanging pagtitig parin ang ibinibigay nya sa'kin. Mga tingin na hindi ko maintindihan ang ibig sabihin. Nilagpasan ko na sya at tuluyang lumabas ng banyo. Habang pabalik na ko sa kwarto namin, hinawakan ko 'yung pulso kong hinawakan ni L. joe.
Pinakiramdaman ko rin 'yon sandali gaya ng ginagawa nya kanina. "Ano ba 'yung ginagawa nya? Nababaliw na nga ata 'yon. Tsk. Kawawa naman."
Natauhan ako't binawi ang kamay ko sa kanya. "Ay, kung ayaw mo pang umupo. Bahala ka, basta ako uupo pa." sabay iwas ng tingin ko dito.
Nagtungo na ko 'don sa dulo atsaka naupo. Sumunod naman sya sa'kin atsaka naupo sa tabi ko. Ramdam ko ang pagtitig nito sa'kin na para bang may gusting ipahiwatig. Dinedma koi yon sabay tuon ng atensyon sa labas, "Wag mo kong kakausapin, matutulog ako." Babala ko pa.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang hindi na nga sya nagsalita pa. Aist. Bakit kasi nagkita pa kami. Mukhang mabubuko pa tuloy ako.
Lumipas ang ilang sandali at wala paring imikan ang nagaganap. Tanging ang pagbahing ko lang ang maririnig mong ingay.
"Aist. Sisipunin pa yata ko." Bulong ko sa aking sarili.
Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Mamaya-maya pa, nagulat ako nang biglang tumayo si L. joe at lumapit doon sa babaeng nasa unahan. Kinausap nya ito saglit, pagbalik may dala-dala na syang jacket.
"I can't give you my jacket because it's already wet. So, I search for a substitute instead. Wear this so you won't get cold."
"Teka, paano mo..."
"I trade my g-shock."
"What?!" namilog naman ang mga mata ko dahil sa sinabi nya.
"Nababaliw kana ba? Ibalik mo na sa kanya 'to. Kaya ko pa naman 'yung lamig. Sayang yung g-schock mo." Hindi pa naman mukhang mamahalin yung jacket na ipinalit doon.
Imbes na sundin ang sinabi ko. Umupo sya sa tabi ko't itinakip sa katawan ko 'yung jacket.
"That would be wasted if you will not wear this jacket. So instead of being hard-headed, just follow what I've said." wala na tuloy akong nagawa kundi sundin sya. Tss. Ang hirap nya talagang intindihin.
Pagbaba ko ng bus, nagulat ako nang sumunod sa'kin si L. joe. Pauwi na kasi ako sa bahay ng parents ko.
"Teka, saan ka pupunta? Hindi naman dito 'yung way papunta sa bahay mo diba?" kahit naman kasi hindi ko alam kung saan yung exact address nya. Aware parin ako na hindi 'yon rito.
"Yeah," sagot naman nito.
"Edi saan ka pupunta?" nagkibit-balikat naman 'to.
"Just walk around?"
"Nang ganitong oras?" madilim na kaya.
Weird din nito e. Habang naglalakad-lakad si L. joe at ako naman ay pauwi na sa bahay. Tahimik kaming naglalakad. Wala pa namang gaanong tao sa kalsada. Nabibingi na ko sa katahimikan kaya minabuti kong magsalita na. "Hmm, pwede magtanong?" panimula ko.
"You are asking already." Sagot nya habang hindi ako nililingon. Tss. Hindi ko na lang ininda 'yon at nagpatuloy.
"Galit ka ba sa akin?" sinulyapan ko pa sya habang sinasabi 'yon.
"Why would I?" sagot naman nya.
"Kasi nasabihan kita ng masasakit na salita. Doon sa tapat ng locker room? Diba pinalalayo pa nga kita..."
"Ang totoo nyan, naisip ko lang. Baka 'yon 'yung dahilan kaya parang nilalayuan mo na nga ko. Hindi kana pumapasok sa mga klase natin tapos hindi mo rin ako binisita sa hospital. Alam ko namang nasabi sa'yo ni Ji ang tungkol sa nangyari sa akin."
"Hindi ko naman sinasabing dapat pinuntahan mo ko. Kasi hindi mo naman responsibilidad 'yon. Hindi rin kita pinipilit, kaya lang di 'ba nangako ka sa akin dati? Sabi mo aalagaan mo ko..."
"Sabi mo...."
"I miss you too." Napalingon ako kay L. joe nang marinig ang sinabi nya. Pakiramdam ko nabingi ako pagkarinig nito. Napahinto pa ko't napatitig sa kanya. "A-ano 'yung sinabi mo?"
"You said a lot but the thing that you want to pin point is that, you missed me. So, I'm saying that I feel the same way, because I miss you too." Hindi ko alam pero parang namula ko nang marinig 'yon. 'Ano? Sya? Namiss ko? H-Hindi kaya!'
Lalo na nang bigla nyang kunin ang kamay ko. Hinawakan nya 'yon nang mahigpit sabay lagay ng dalawang daliri nito sa aking pulso. Nakipagtitigan sya sa akin habang pinapakiramdaman ito. "Dasuri, I'm confused. Chunji told me last night that you had miscarriage. But whenever I hold your wrist....."
Dali-dali kong pinutol ang sasabihin nya, "L. joe please.... kung ano man 'yung nalalaman mo. Pwede ba sa atin na lang 'yon?" I pleaded.
He looks shock and frustrated. Pero hindi naman nagtagal ay sumagot na rin ito,
"I don't know your reason but if that's what you want, I'll keep your secret."
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report