OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS
CHAPTER 50: I WON’T GIVE UP

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Kai at nagpatuloy sa paglabas. Dahil sa sobrang kaba, napasandal pa ko sa pader at napahawak sa dibdib ko paglabas ko ng kwarto. "Argh. Dapat talaga hindi na ko bumalik sa loob kanina."

Gusto ko mang magsisisi sa naging desisyon ko, wala na kong magagawa dahil tapos na ang lahat ng iyon. Ang nakakaasar lang bakit parang biglang nagbago ang lahat? Bakit parang naguluhan na rin ako sa totoong estado ng puso ko? Kahit parang hapong-hapo, pinili kong maglakad na at magtungo sa lugar na tinutukoy ni L. joe sa text. Nasa tuktok pa lang ako ng hagdan namataan ko na agad si L. joe na nakaupo sa bandang dulo nito. Narinig nya ang mga yabag ko kaya napalingon ito sa'kin. Otomatikong sumilay ang ngiti sa mga labi nya nang makita ko.

"Finally, you're here." Masigla nitong pahayag sabay tayo para harapin ako.

Nilapitan ko naman sya't hinampas sa balikat. "Adik ka talaga! Bakit kailangan mo pa kong hintayin sa pagkain? Paano kung hindi na ko umalis 'don? Edi hindi ka makakakain. Pasaway!" sermon ko rito.

"Ouch!" reaksyon nito pagkatanggap sa hampas ko.

Baliw talaga. Nasaktan na nga nagagawa pang ngumiti. Nakangiti parin kasi sa'kin 'to habang hinihimas 'yung balikat nyang hinampas ko.

"It's okay, alam ko namang hindi mo ko matitiis. You will come back for me." Ngiting-ngiti nitong pahayag. Hindi ko tuloy napigilang mapangiti rin.

"Asa ka naman. Tss." Saad ko sabay lagpas sa kanya. "Hindi kaya kita type." Pang-aasar ko pa rito. Naramdaman ko naman ang pagsunod nya sa'kin.

"Bakit sinabi ko ba? Sabi ko lang babalikan mo ko pero wala kong sinabing type mo ko. Ikaw ah? Wag kang masyadong defensive. Napaghahalataan ka e." napahinto ko sa paglalakad at napatingin ng masama kay L. joe. "Anong sabi mo?!" hahampasin ko pa lang sana sya nang bigla nyang hawakan 'yung kamay kong panghahampas sana sa kanya.

"Stop. Nakakasakit kana alam mo 'yon?" nagulat ako nang bigla nya kong hilahin papalapit sa kanya.

He leans on me, "Pag ako gumanti, you won't like it."

Napatulala ako't hindi nakapagsalita. A-Anong pag gumanti sya? S-sapakin nya ba ko? Namilog pa ang mga mata ko habang iniisip ang mga pwede nyang gawin sa'kin. Takte! Sasaktan nya talaga ko?

Napansin naman ni L. joe 'yon kaya sya napangiti. "Arrgh. Stop it, Dasuri. You are giving me the urge to kiss you." Lalong namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi nya.

"A-Ano?"

Binitawan ni L. joe ang kamay ko atsaka ko tinalikuran. Ipinasok pa nya ang dalawa nyang kamay sa kanyang mga bulsa bago naglakad,

"Wala. Sabi ko nagugutom na ko, let's buy something to eat."

Napairap ako dahil 'don. "May sinasabi kaya sya. Tss." Sabay sunod rito.

Dahil nga nakakain na ko kanina kasama si Kai. Nakiusap ako kay L. joe na kung maaari sa garden na lang ng school kami kumain. Pinaliwanag ko sa kanya 'yung dahilan at pumayag naman ito. Mabuti na lang at hindi na sya nagtanong pa about sa nangyari. Wala kasi ako sa mood para pag-usapan pa 'yon.

"So, wala ka talagang planong saluhan ako sa pagkain?" tanong ni L. joe pagkaupo namin sa bench. Tumango-tango naman ako bilang.

"Okay," sagot nya.

Habang kumakain si L. joe nang binili nyang sandwich. Muli kong naalala 'yung nangyari sa hospital. Yung unang beses silang magkita ni manong sungit? Nagtataka talaga ko sa naging reaksyon nya e.

"Hmm, mokong. Pwede magtanong?" pasimple ko rito.

"You're already asking Dasuri." Sagot naman nito habang kagat-kagat 'yung tinapay. Palihim ko syang inirapan.

"Tss. Edi magtatanong ulit." Reklamo ko pa. Tinawanan lang ako nang loko.

"Go, ask me." Pahayag pa nya.

Hindi na ko nagpadalus-dalos pa at tinanong na sa kanya ang tungkol kay manong sungit. Hindi naman siguro sya magagalit kung aalamin ko 'yung koneksyon nilang dalawa, diba?

"Hmm, naalala ko kasi bigla 'yung tungkol sa pagkikita nyo ni manong sungit. Ang totoo nyan nagulat ako sa naging reaksyon nyo nung magkita kayo. Para kasing.... alam mo na? Parang matagal na kayong magkakilala. Alam ko parang imposible 'to pero......pwede kayang....." he cut my words.

"Are you trying to ask me if we're related or not?" diretsyahan nyang tanong.

"Um, parang ganon na nga." Medyo nahihiya ko pang sagot.

Kinuha naman ni L. joe 'yung bote ng tubig sa gilid nya at saka nilagok ito. Buong akala ko talaga ay wala syang balak sagutin 'yung tanong ko kaya nya ginawa 'yon. Ngunit nabuhayan ako nang marinig syang magsalita. "He's one of the reasons why I was born in this world." Walang gana nyang pahayag.

Bahagya ko namang sinilip ang reaksyon nya. Nakatungo lang sya sa sahig at halatang walang kaamor-amor sa pinag-uusapan namin.

"Ibig sabihin, sya 'yung..... papa mo?" tinitimbang ko 'yung mood ni L. joe kaya maingat ako sa mga bagay na tinatanong sa kanya. I saw him smile bitterly.

"Society force me to call him like that. So, I guess, you're right. He is my dad."

Nakaramdam ako nang lungkot habang tinititigan si L. joe. Halatang hindi maganda ang relasyon nya sa sarili nyang ama. Napapaisip tuloy ako ngayon, paano nga kaya ko makakatulong kay L. joe at papa nya?

Paano ko sila mapagaayos gaya nang sinabi sa akin dati ni Ji? Parang ang hirap naman kasi.

Natigil ang pagtitig ko kay L. joe nang bigla itong tumayo mula sa kinauupuan nya. Itinapon nya ang mga basurang nagmula sa pagkain nya bago ko hinarap.

"Let's go." Aya pa nito.

Natauhan naman ako't napaisip sa sinabi nya.

"Saan tayo pupunta?" 15 minutes na lang kaya magi-istart na yung next subject namin. Kaya saan pa nya balak pumunta?

"Last time you said to me that you want to eat kimchi spaghetti. Nasa mood ako ngayon kaya ipagluluto kita." Nagulat ako nang hindi na nya ko nilingon pa at nagsimula sa paglalakad. Wala na tuloy akong nagawa kundi ang sundan sya. "Teka, hintayin mo naman ako!" habol ko pa rito.

Ilang minuto rin ang binyahe namin bago kami huminto sa isang condominium. Ibang-iba talaga ang college sa high school. Nag-skip kami ng class pero walang sumita sa amin. Hindi katulad sa high school na makita ka lang gagala-gala sa campus siguradong papagalitan kana. Ngayon ko narealized, mas madaling magcutting kapag college kana. Haha.

"Kaninong unit 'to?" Pahayag ko matapos naming pumasok sa isang sosyaling condominium. Hindi naman nya ko sinagot at sa halip ay nagdire-diretsyo sa loob.

"Woah! Ang linis."

Hindi ko napigilang mamangha matapos kong makapasok sa loob. Sobrang linis kasi sa loob. 'Yung tipong aakalain mong walang nakatira dito dahil sa sobrang ganda ng pagkakaayos. Parang hindi ginagalaw yung gamit. 'Yon nga lang puro puti at itim lang ang kulay sa loob. Napakaboring tuloy tignan.

"Sa'yo ba 'tong unit na 'to? Grabe. Sosyalin ka nga talaga!" saad ko pa habang tumatalon-talon sa sofa. Ang lambot kasi, nakakatuwa.

"Stop it, Dasuri. Baka nakakalimutan mo, you're pregnant." Saway sa akin ni L. joe nang mapansin ang pagiging kikinsot ko.

"Sorry naman. Ang lambot kasi ng sofa mo." Wika ko saka sumunod sa kanya papunta sa kusina.

Muli akong namangha sa nakita kong ayos ng kusina nya. Meron itong stall na kagaya nang makikita mo sa mga bar. Ang daming wine glass na nakasabit pabaligtad at saka mga wine na nakalagay sa isang malaking shelves. Lumapit ako roon at inusisa ang mga 'yon. "Woah! Bakit ang dami mong ganto? Lasenggo ka ba?"

Lumapit naman si L. joe sa fridge at kumuha ng mga sangkap na gagamitin nya sa pagluluto. "Just because I have lots of wine it doesn't mean that I'm addicted to it. I used to be a bartender before. Don't be judgemental, Dasuri." Binuksan na nya 'yung kalan at sinimulan ang pagluluto. Nilapitan ko naman sya.

"Seryoso? Nung nasa amerika ka pa 'non?" usisa ko rito.

"Yeah, pero matagal na 'yon. High school I guess?"

"Oww, bakit mo naman naisipang maging bartender? Hindi naman sa pera 'no?"

"Chunji and I went on a bar when were still on middle school. Doon ko first time nakita ang ginagawa ng isang bartender. I got curious so nag-self-study ako. Ilang weeks din akong hindi lumabas ng bahay just to replace out how their exhibition works and paano magmix ng iba't-ibang liquor. Luckily, natuto ako. Until now, ginagawa ko parin 'yon to lighten my mood."

"Ohhh. May cool side ka rin pala e. Kala ko puro kayabangan lang ang meron ka. Hehe." Biro ko rito. Himala. Tinawanan lang ako nang loko.

"Just wait and see. Kapag nakilala mo pa ko nang husto, mas maiinlove ka pa sa'kin." Nagawa pa kong kindatan ni L. joe.

Inirapan ko nga sya, "As aka boy!"

Sasagot pa sana si L. joe nang biglang may magdoorbell. Nagkatinginan kami pareho.

"May bisita ka?" tanong ko pa.

Umiling-iling naman sya, "That's impossible. Ikaw at si Chunji lang ang nakakaalam ng address ko."

"Baka naman si Ji 'yan. Alam mo naman 'yon, maisipan." Mukhang hindi parin naniniwala si L. joe na si Ji talaga 'yung nagdo-doorbell. Para kasing nag-iisip pa sya nang malalim.

"Ako na lang, ako na lang titingin kung sino ba talaga 'yung bisita mo." Suhestyon ko sabay lakad na paalis roon. Sinubukan naman akong pigilan ni L. joe.

"Nah, ako na. Baka kasi kung sino 'yan." Ashush. Naparanoid pa ang loko. Wag mong sabihin sa'king kasapi sya ng isang mafia kaya natatakot sya sa mga taong biglang bumibisita sa kanya.

Napansin ko naman ang niluluto nya. "Wag na. Ako na. Masusunog 'yung niluto mo kapag iniwan mo 'yan." Para hindi na makaangal pa si mokong. Binilisan ko ang paglalakad.

Hanggang sa makarating ako sa pinto. Hindi parin tumitigil sa pagtunog 'yung doorbell. Medyo naiirita na rin ako kaya dali-dali kong binuksan 'yung pinto. Laking gulat ko naman nang isang babae at hindi si Ji ang bumulaga sa'kin. Nakasuot ito ng mga sosyaling damit. At base pa lang sa tindig nya, masasabi mong hindi sya basta-bastang babae. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri pati ang kaluluwa ko.

"Can I come in?" patanong ngunit may otoridad ang boses nito.

Teka sino ba sya? Wag mong sabihing girlfriend sya ni L. joe? Pero mukhang mas matanda sya sa amin.

"Excuse me miss. Would you mind if I enter your place?" natauhan ako sa pag-iisip at pinapasok sya.

"Ah, S-sorry. Please come in." saad ko saka inalalayan sya patungo sa living room.

Kung pagmamasdan mo talaga sya mula ulo hanggang paa. Masasabi mong sya yung klase ng babaeng mataas ang pinag-aralan. Babaeng sophisticated at pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan. Kaya lang ang ipinagtataka ko. Anong ginagawa nya dito sa unit ni mokong?

"Where's L. joe?" tanong nito pagkarating namin sa sala.

Dahan-dahan ko namang tinuro 'yung kusina. Ano ba 'to nakakaintimidate naman 'tong babaeng 'to. Sinundan nya nang tingin ang daliri ko.

"Uhh, pwede bang magtanong?" tanong ko matapos ituro 'yung kusina. Bigla namang tumaas ang isang kilay nito.

Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"You're asking already."

Ano ba 'yan. Parehong-pareho kay L. joe. Kaya siguro sila nagkagustuhan. Tss.

Hindi ko na lang sya pinansin at nagtanong, "May relasyon po ba kayo ni L. joe?" paglalakas-loob ko.

Bwisit naman kasi 'yung mokong na 'yon. May gf na pala sya tapos kung makaasta. Grrr.

Kumunot naman ang noo nung babae bago sumagot, "What?"

Uulitin ko pa lang sana 'yung tanong ko nang biglang lumabas si L. joe mula sa kusina. Sandaling nagulat pa ito nang makita 'yung babaeng kaharap ko. Hindi nya siguro inaasahan na malalaman ko ang tinatago-tago nyang sikreto. Tss. Kung alam ko lang na mahilig pala sya sa mga noona. Psh.

"What are you doing at my place? Get out." Saad ni L. joe habang walang kaemo-emosyon ang mukha.

"Who are you to command me?" nagcross-armed pa 'yung babae habang sinasalubong ang tingin ni L. joe. Takte. Naipit pa ata ko sa L. Q ng dalawa.

"Is she the girl?" nagulat ako nang ituon nung babae ang atensyon sa akin.

Muli nya kong tinignan mula ulo hanggang paa. Bakit ganon, sa tuwing gagawin nya sa'kin 'yon pakiramdam ko ginagahasa nya ko. Nakakalapastangan 'yung tinginan nya e.

Lalapitan pa lang ako nung babae nang biglang hablutin ni L. joe ang braso ko at hatakin ako papunta sa likod nya.

"Don't you dare Margarette, she's out on our problem."

"I don't think so. Kanojo wa anata ga sudeni watashitachi no kurutta kazoku no ichibudearu koto o imi suru anata no kodomo o hakonde imasu. *She's carrying your child, which mean she's already part of our crazy family.*" ngumiti pa 'yung babae na mukhang kinainis ni L.joe.

"Anata wa nani nit suite hanshite imasu ka?! *What are you talking about?!*"

"Watashi ni hanbun no kyōdai ni uso o tsukenaide kudasai. Watashi wa sudeni sore o shitteita. Anata no ryōshin wa akachan o shinsatsu suru tame ni byōin ni ikimashita. Watashi wa shōko o motteimasu, watashi wa anata ni sore o okurimasu, sōdesu ka? *Don't lie to me, half-brother. I already knew it. Both of you went on a hospital to check up your baby. I have evidence I send it to you, right?*" Lalong naningkit ang mga mata ni L. joe dahil sa inis. Ano ba talaga 'yung pinag- uusapan nila?

"Anata wa kurutte iru! *You're crazy!* Get. Out. On. My. Place. Now!" napapitlag ako sa biglang pagsigaw ni L. joe. Pero 'yung babaeng sinisigawan ay parang hindi naapektuhan.

"Woah! Woah! You don't need to shout at me. I will leave here by my own. As if I like staying on your place. Duh!" she rolled her eyes.

"Anyway, I just drop by to say hi on her." Muli nya kong nilingon.

"Poor you. You will be stuck with that jerk forever." Nagbuntong-hininga pa ito para ipakitang nanghihinayang talaga sya sa'kin.

"Oh. I remember something," bumalik na naman ang sigla nya at nilingon si L. joe,

"Dad wants to see you. His condition is not getting better that's why he wants to see all his child and do drama with them. As if we're good actors and actresses', right? Haha. So gross." She flips her hair and left the room. Padabog namang umupo si L. joe sa sofa sabay hilot sa sintido nyo. Halatang naapektuhan sya sa naging usapan nila nung babae. Hindi ko man naintindihan ang ilan sa mga pag-uusap nila. Isa lang ang sigurado ko, tungkol 'yon sa ama nya. Maingat naman akong tumabi rito. "Okay ka lang?" pagbasag ko sa katahimikan.

Bahagya naman nya kong nilingon. "Pasensya na Dasuri, pero pwede bang iwan mo muna ko? I just want to be alone." Sa mga pagkakataong ganito. Saka ko lang napapatunayan na malungkot rin ang buhay ni mokong. "Naiintindihan ko, pero kung gusto mo nang kausap. Nandito lang ako." Ipinatong ko pa ang kamay ko sa balikat nya,

"Kung nagaalala ka sa daddy mo, puntahan mo na sya. Wag mo nang pairalin 'yung pride mo. Wala rin naman kasing mangyayari kung makikipagtikisan ka sa kanya. Sige, aalis na ko." Kinuha ko 'yung bag ko at isinukbit 'yon sa aking likod. Nakakailang hakbang pa lang ako ay muli kong naulinigang magsalita si L. joe.

"I'm sad because I don't feel bad for my dad."

Paulit-ulit na nagpaflash back sa utak ko ang mga sinabi ni L. joe tungkol sa daddy nya. Nalulungkot sya dahil hindi sya nakakaramdam ng kahit ano tungkol sa kalagayan ng daddy nya.

"Hayst. Ganon na ba talaga kalalim 'yung galit ni L. joe sa daddy nya para mawalan sya ng amor dito? Nakakalungkot naman."

Patuloy lang ako sa paglalakad habang lutang ang aking isipan. Madilim na sa paligid at medyo lumalamig na rin 'yung simoy nang hangin. Sumakay ako nang bus at saka naupo sa tabi ng bintana. Ilang minuto lang ang lumipas at bumaba na rin ako. Hinayaan kong ang mga paa ko ang syang magdecide kung saan ako tutungo.

Ngayon ko lang nare-realized, hindi pala ganon kadali ang bumuo nang isang pamilya. Hindi lang pagmamahal ang dapat isaalang-alang. Dahil meron din itong kaakibat na responsibilidad. Hinawakan ko 'yung tyan ko at pinakiramdaman ang baby sa loob nito.

"Baby, makakaya ko kaya na alagaan ka nang mag-isa? Kasi parang natakot ako bigla." Napahinto ako sa paglalakad nang marealized ko kung saan ako naroroon.

Dahil sa sobrang pag-iisip hindi ko napansin kung saan nga ba ko dinala ng sarili kong mga paa. Napakamot pa ko sa ulo habang nakatitig sa dating bahay na inuuwian ko. "Aist, hirap talagang baguhin ng nakasanayan."

Ilang metro lang ang layo ko sa gate ng bahay namin ni Kai. Hindi ko maiwasang tumitig rito habang inaalala ang masasayang alaala naming mag-asawa. Ngunit hindi gaya ng dati, patay ang lahat ng ilaw ng bahay. Wala kahit anong ingay kang maririnig.

Nakakalungkot lang isipin, ano nga bang nangyari at nagkaganto kami ni Kai? Masaya naman kami dati. Kontento sa isa't-isa. Kaya lang bakit ngayon....

"Naging alaala na lang ang lahat." Malungkot kong tinalikuran ang bahay na pinangarap kong tirhan kasama ang asawa't magiging anak ko. Masakit mang tanggapin pero.... mukhang hanggang pangarap na lang ang lahat. Magsisimula pa lang sana kong maglakad nang mapansin ko ang biglang pagbukas ng mga ilaw sa loob ng bahay.

Napalingon ako rito at napaisip, "May tao sa loob? Nandoon si Kai?"

Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Pero bakit? Ang buong akala ko, simula nang hindi na ko umuwi sa bahay namin ay sa dorm kasama ng mga kamyembro nya sya tumira. Kaya paanong.....?

Natauhan ako nang may tumawag sa pangalan ko. "Dasuri? Dasuri!" napalingon ako kay Kai na palabas ng gate.

Asar. Hindi nya ko dapat nakita rito. Gusto ko sanang tumakbo na palayo kaso ayaw naman akong sundin ng mga paa ko. Pinili kong ayusin na lang ang sarili at magpanggap na napadaan lang.

"Ikaw nga. Anong ginagawa mo rito ng gantong oras?" hindi makapaniwalang tanong ni Kai pagkalapit sa akin. Pilit ko namang iniiwasan ang tingin nya,

"Magandang gabi Sir," yumuko pa ko rito para ipakitang isang guro at estudyante lang ang relasyon naming sa isa't-isa.

"Napadaan lang po ko Sir. May pinuntahan kasi akong kaibigan. Pero aalis na rin po ako Sir. Pasensya na sa abala. Bye po." Muli akong yumuko para magpaalam. Aalis na sana ko sa harap nya nang bigla ako nitong pigilan. Hinawakan nya ang braso ko dahilan para mapahinto ako.

"Drop that attitude, Dasuri. Hindi ka na nakakatuwa." Bakas sa tono ng pananalita ni Kai ang inis. Nilingon ko naman sya na nakataas ang kilay.

"Masama na bang galangin ang professor mo ngayon?" sinalubong ko ang tingin nya.

"No, pero baka nakakalimutan mo Mrs. Kim. Asawa mo muna ko bago mo maging professor." Kai gave me a smirked. Hinatak ko naman ang braso ko mula sa kanya.

"Kwento mo sa pagong." Inirapan ko pa sya bago lumayas sa harap nya. Nakakainis talaga ang Kai na 'yon. Bakit ba lagi na lang nya ko nilalagay sa alanganing sitwasyon? Psh.

Naulinigan ko naman ang mahina nyang pagtawa. "Pfft. Asar-talo ka parin talaga." Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Bahala sya sa buhay nya. Tse.

ΚΑΙ

Nagulat ako nang makita ko si Dasuri sa tapat ng bahay namin. Hindi ako makapaniwala to the point na pakiramdam ko nananginip lang ako. Imposible naman kasing pumunta sya rito nang ganon-ganon lang. Alam ko naman kasing imposible paring patawarin nya ko.

"Dasuri? Dasuri!" tawag ko rito. Hindi naman ako nabigo dahil nilingon nya ko. Doon ko napatunayan na sya nga ang asawa ko.

"Ikaw nga. Anong ginagawa mo rito ng gantong oras?" pahayag ko pa pagkalapit sa kanya. Nagulat ako nang bigla itong yumuko at batiin ako.

"Magandang gabi, sir"

"Napadaan lang po ko Sir. May pinuntahan kasi akong kaibigan. Pero aalis na rin po ako Sir. Pasensya na sa abala. Bye po." Muli syang yumuko para magpaalam. Agad-aga ko naman syang pinigilan.

"Drop that attitude, Dasuri. Hindi ka na nakakatuwa." Medyo naiinis ko pahayag. Nilingon naman nya ko habang nakataas ang isa nyang kilay.

"Masama na bang galangin ang professor mo ngayon?" talagang kinakalaban ako nito. Pwes ibibigay ko sa kanya ang hinahanap nya.

"No, pero baka nakakalimutan mo Mrs. Kim. Asawa mo muna ko bago mo maging professor." Then smirked.

Mukhang tinablan sya sa sinabi ko. Bahagyang namula kasi ang magkabilang pisngi nito. Hinatak nya ang kanyang braso at saka lumayas sa harap ko.

"Kwento mo sa pagong." Inirapan pa nya ko dahilan para lalo kong matawa.

"Pfft. Asar-talo ka parin talaga." Pahayag ko. Hindi naman nya ininda 'yon. Hinintay ko lang na medyo makalayo sya sa'kin bago ko sumunod.

"Uuwi ka na ba?" Sigaw ko. Napalingon naman sya sa akin pero patuloy pa rin sa paglalakad.

"Pakialam mo?" she shouted back.

"Hatid na kita." Suhestyon ko.

Halatang nagulat ito nang marinig ang sinabi ko. Sandali pa kasi syang napahinto sa pagsakay sa bus na nasa harapan nya. Mukhang pinag-iisipan nya kung papayag ba sya o hindi. "B-Bahala ka. Pero dapat dumistansya ka sa akin, okay?" saad nito saka tuluyan nang pumasok sa loob ng bus. Bahagya naman akong napangiti bago sumunod dito,

"Ang kyut talaga ng asawa ko." Bulong ko pa.

Pagkapasok ko ng bus. Nakita ko agad si Dasuri na nakaupo sa left side ng bus. Sa tabi ng bintana. Walang ganong pasahero kaya maraming bakanteng upuan. Nagkatinginan pa kami pareho nang lingunin ko sya. Inirapan nya ko sabay tingin sa bintana. Pasaway.

Minabuti kong sa bandang unahan sa kanan na lang maupo para kung sakaling biglang bumaba si Dasuri ay agad-agad kong masundan. Masyado pa namang random mag-isip 'yon.

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang maulinigan kong magbukas ang stereo ng bus. Garalgal pa ito nung una pero nung nagtagal ay napakinggan ko na nang maayos ang tugtog. Nilingon ko si Dasuri para makita ang reaksyon nya sa kanta.

Ngunit ang bumungad sa akin ay isang Dasuri na nahuhulog ang ulo dahil sa sobrang antok. Napangiti ako nang makita iyon. Tumayo ako mula sa pwesto ko at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ng aking asawa. Tinitigan ko pa sya sandali bago maingat na naupo sa tabi nya.

"You're so silly," bulong ko sabay lagay ng ulo nya sa balikat ko.

Dinama kong mabuti ang tugtog habang mahimbing na natutulog sa tabi ko si Dasuri. 'Yung mensahe kasi ng kanta, 'yon yung mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya.

"Wifey, ngayong hindi na lang ako ang nilalaman ng puso mo. Mas lalo kong magpupursiging bawiin ang asawa ko." Pahayag ko habang diretsyo lang ang tingin.

I know she didn't hear what I've said because she's sleeping.

Kaya laking gulat ko nang gumalaw ito at ipatong ang kanan nyang braso sa akin. Sumiksik pa ito sa akin na para ba kong niyayakap. Ngumiti naman ako at hinayaan sya sa kanyang ginawa.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report