OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 53: PEOPLE CHANGE
DASURI
"Aigoo! Ang lamig." saad ko habang namamalukto't sa ilalim ng kumot.
Napasulyap ako sa orasan sa tabi ko. Saktong alas-onse na nang gabi pero hindi parin ako dinadatnan ng antok.
Siguro kasi may gumugulo parin sa isipan ko. Matapos umalis ni Kai sa kwarto. Hindi ko sya sinubukang sundan. Bakit? Wala lang. Medyo nagi-guilty kasi ako sa mga nagawa ko.
"Wala kaya syang balak bumalik dito? Pero saan naman kaya sya matutulog? Sa sala? Malamig kaya 'don. Saka mahihirapan sya."
"Baka naman umuwi na? Hindi sya nagpaalam ganon? Hmm. Imposible naman 'yon." Bumalikwas ako nang upo at tinitigan ang pinto.
"Silipin ko kaya sya?" Nagisip pa ko sandali bago umiling-iling.
"Ah, nah! Baka sabihin pa nya nagaalala ko. Wag na lang." sabay higa muli.
Nakailang ikot na ko sa kama dahil hindi ako mapakali. Kahit anong pikit ng mata ang gawin ko ay hindi talaga ko makatulog. Pumapasok sa isip ko ang namamaluktot sa lamig na Kai. Napabalikwas ako nang upo muli. "Aist. Bahala na nga."
Tumayo ako sa kama at hinila ang isang di kabigatan ngunit makapal na kumot at yung stuff toy na nasa tabi ko. Isinama ko ang mga iyon sa aking paglabas. Sobrang ingat ang ginawa kong paglalakad. Ayoko kasing may magising o makakita sa gagawin ko.
Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko agad si Kai na mahimbing na natutulog sa sofa. Wala syang kumot at maski unan sa pagtulog. Bigla kong nahabag sa aking nakita. Ang tigas naman kasi ng ulo. Sinabi nang doon na matulog sa kwarto. Umalis-alis parin. Tss.
Lumapit ako sa kanya't maingat na inilagay ang isa kong stuff toy sa kanyang ulunan upang magong unan. Itinakip ko rin sa buo nyang katawan ang dala-dala kong kumot. Natigil naman ang panginginig ng katawan nito. I feel relieved. Atleast, masasabi kong mas komportable na sya ngayon.
"Hmmm." He groaned.
Dahan-dahan naman akong pumwesto sa tapat nya. Umupo ako sa sahig para magkalevel ang mukha namin. Ipinatong ko pa ang ulo ko sa kaunting espasyo na natitira sa sofa para lang mapagmasdan nang husto ang mukha nito. I carefully touch his hair. Napakalambot parin talaga nito kagaya nang dati.
I stare on his forehead down to his eyes, nose and lips. Hinaplos ko pa ang mga iyon gamit ang kanang kamay ko.
"Gusto ko ring magsorry sa'yo. Pasensya kana kung nasasaktan na kita. Hindi ko naman sinasadya 'yon. Hindi ko sinasadyang mahulog sa kanya. Pero ayoko rin namang mawala ka sa akin ng tuluyan... argh. Ewan, naguguluhan na rin ako." Ilang beses pa kong nagbuntong-hininga bago sya tinitigan.
Pinagmasdan ko ang mukha nyang kay tagal ko nang hindi nakita nang malapitan. Bakas rito na madalas syang hindi nakakatulog nang maayos sa gabi. Ngunit kahit ganon, hindi parin nabawasan ang kanyang kagwapuhan. Hinaplos ko iyong muli bago nagsalita,
"Pwede bang humingi ako sa'yo ng pabor? Pwede bang tulungan mo kong mahalin ka ulit? Kagaya ng dati." Hinalikan ko pa ang labi nya bago ko tuluyang ipinikit ang mga mata ko.
People change... same with their feelings?
"Dasuri, iha. Gising na. Malelate kana sa klase mo." I open my eyes nang marinig ang pagkatok ni mama sa pinto nang kwarto ko.
Bahagya akong nagulat nang mapansing nakahiga na ako sa kama ko. Pero base sa pagkakaalala ko. Sa sala ko natulog, katabi ni Kai. Kaya paanong...?
"Dasuri! Bumangon kana." Naputol ang pagiisip ko nang marinig na naman muli ang boses ni mama. Hindi kaya panaginip lang lahat 'yon?
"Dasuri, ano ba! Kailangan pa bang ang daddy mo ang magpababa sayo?" medyo naiinis nang wika ni mama. Wala na kong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
"Nandyan na." sigaw ko.
Napahinto ako sa paglabas ng kwarto nang makita ko 'yung kumot at teddy bear kong nilabas ko para kay Kai ay nakasalansan na nang maayos sa isang sulok. Ibig sabihin hindi nga lang panaginip 'yung mga nangyari kagabi. Nandito nga si Kai sa bahay.
Inayos ko pa ang buhok ko bago nagmamadaling nagtungo sa kusina. Gusto kong makita si Kai. Gusto kong patunayan sa sarili ko na totoo ang lahat nang nangyari sa gabi. Mula sa paghatid nya sa'kin, hanggang sa pagtulog namin sa sala. Pati na nung hinalikan nya ko.
"Good morning po. Ma... Pa...." palinga-linga na ko simula nang makarating ako sa kusina. Nakaupo na ko't lahat-lahat pero patuloy parin ako sa pagsulyap sa paligid.
"Ehemp, may hinahanap ka ba?" saad ni papa. Napalingon ako sa kanya.
"Ha? Ahh. Wala." wika ko sabay kain. Mukhang panaginip nga lang ang lahat. Pero kung panaginip nga 'yon. Bakit hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang mga labi nya? Aissh.
"Oo nga pala, maagang umalis si Kai dahil dadadaan pa raw sya sa dorm nila bago magtungo sa school. Hindi kana nya ginising dahil mukhang gabi kana raw nakatulog kagabi." Pasimpleng pahayag ni papa habang nagbabasa ng dyaryo. Lihim naman akong napangiti. So, it's real? Pinagpatuloy ko ang pagkain hanggang sa maubos ko na halos lahat nang hinanda ni mommy. Nagulat naman ang mga ito.
"Wow. Mukhang lumalakas kana nga talagang kumain. Nung mga nakaraang araw ko pa napapansin 'yan pero ngayon lang talaga ko naniwala ng husto. Umamin ka nga, anong vitamins ba ang naimon mo't parang dalawang tao kana kung kumain. Baka naman buntis ka?" Sita sa Akin ni mama. Halos maibuga ko naman 'yung gatas na iniinom ko nang marinig 'yon.
"M-ma naman! Hindi 'yan magandang biro ah. Alam nyo namang nakunan ako t-tapos babangitin nyo 'yung tungkol sa baby? Be sensitive naman!" Hindi ako makatingin sa mga mata nila habang sinasabi 'yon. Bakit kasi bigla nyang naisip ang tungkol 'don. Nakakaloka.
"Sorry, mukha kasing hindi ka naman affected sa nangyari sa'yo. Mukhang okay kana kaya nasabi ko 'yon. Anyway, alam kong this is not the right place to talk about it pero para atang hindi nababawasan 'yung mga pads mo sa kwarto? Bumili ulit ako kahapon pero mukhang hindi mo parin nagaganip 'yung mga stocks mo nung nakaraang araw? Don't tell me, ilang buwan ka nang hindi dinadatnan?" Lalo kong nawindang sa mga sumunod na tanong ni mama.
"Mukhang may abnormalities na nangyayari sa menstruation mo. Hindi kaya dahil sa nangyari sa'yo? Hmm. Mas mabuti siguro kung magpunta kayo ng mommy mo sa hospital to check up your condition." singit pa ni Papa. Halos lumabas na 'yung puso ko dahil sa sobrang kaba.
"H-Hindi na po. Okay lang naman ako. Hehe." Pagtanggi ko pa.
"Of course you're not okay. Obvious namang hindi normal ang mga nangyayari sa'yo anak. Regular ang mentruations mo then suddenly ilang buwan kang hindi dadatnan? Nakakabahala iyon iha," ani ni mama.
Hindi ko na tuloy alam kung anong rason ba ang dapat kong sabihin para maniwala silang okay lang ako. Ngunit hindi pa 'don natapos ang nakakalokang tanungan sa'kin ng mga magulang ko.
Lalo kong nagimbal nang tanggalin ni papa ang atensyon sa pagbabasa ng dyaryo at titigan ako sa mata.
"Unless, you are pregnant."
ΚΑΙ
"Sa'ang lupalop ng earth ka ba nagpalipas ng gabi at hindi kita makontak? Sabi mo sa bahay nyo lang ikaw matutulog. Bakit 'nung pinuntahan ka namin 'don ni Sehun. Parang tanga lang kaming nagaantay sa tapat ng gate nyo. Ano? Magsalita kang bata ka!" Bungad sa akin ni Jamie noona pagpasok ko pa lang ng dorm. Nasa sofa sya nakaupo at halatang hinihintay ang pagbabalik ko.
I just shrugged my shoulders, "Nothing to worry, nakabalik naman ako dito ng buhay ah? Okay na 'yon." Nginitian ko pa ito habang hinuhubad 'yung jacket na suot-suot ko.
"Ay, wait. May sakit ka ba?" Hinipo pa nito ang noo ko. Nginitian ko lang sya.
"Bakit parang nakangiti ka ata ngayon? May milagro bang nangyari? Don't tell me, nagkaayos na kayo ni Dasuri?!" Gulat na gulat ang reaksyon ng mukha ni noona habang sinasabi iyon. Bahagya naman akong natawa.
"Hindi pa, but i'm sure malapit nila." Nginitian ko pa sya bago pumasok sa loob ng kwarto namin ni D. O hyung. Balak kong maligo na para makapunta na ko sa unang klase ko ngayong araw.
Hindi kagaya dati, mas excited akong pumasok ngayon sa trabaho. Para na ngang nasasanay na ko sa pagiging professor. Halos hindi na nga ko umaarte sa tuwing nagtuturo ako. Nakakatuwa lang isipin. "Good morning, Sir. Kim!"
"Good morning, sir! Lala po kayong gumagwapo araw-araw ah?! Ahihi."
"Hi! Sir! Kitakits po sa klase mamaya."
Walang tigil ang pagbati sa'kin ng mga estudyante pagkapasok ko pa lang ng eskwelahan. Tanging pag ngiti naman ang isinasagot ko sa kanila. Ilang hakbang na lang ang layo ko sa room na papasukan ko nang mahagip ng aking mga mata ang nakatayong si Dasuri.
Pinagmasdan ko ang kabuuan nya. May dala-dala itong supot na puno ng waffle ice cream. Kumunot ang noo ko, aga-aga yan agad ang kinakain nya?
Hindi kaya malamigan ang tyan nyan?
Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang makalapit ako sa pwesto nila. Hindi parin nito napapansin ang presensya ko.
"Kahapon pa kita napapansing kumakain nyan, hindi ka ba nagsasawa? Ako ang nauuway para sa'yo e." Naulinigan kong pahayag ni Sora habang nakatingin kay Dasuri. Pareho silang nakatayo sa tapat ng pinto.
"Ewan ko nga rin e. Kahit ako natatawa na sa sarili ko. Kaso pag hindi naman ako kumakain nito parang umiinit ang ulo ko. Ang kulit 'no? Hahaha."
"Tuwang-tuwa ka pa talaga. Buti hindi ka nahihirapang makabili nyan? Diba laging nauubos agad yan?"
"Sinabi mo pa, kailangan pumila pa ko ng pagkahaba-haba para rito."
Hindi na ko nakatiis at sumingit sa usapan nila, "Ehemp, I know students have rights to express their self and communicate with their colleagues. However, it's almost time for my class. Siguro naman hindi kayo magagalit kung papapasukin ko na kayo sa loob?" Sabay silang napalingon sa akin.
"Kai?!" Halos masamid na saad ni Dasuri. Nginitian ko naman sya.
"Mr. Kim," pagtatama ko. Napaismid naman sya nang marinig 'yon.
"Sorry ho. Nagulat lang naman po kasi ako. Nakalimutan ko, professor nga pala kita. Hmp!" She's glaring at me habang nagpapaliwanag.
'Kagabi ayaw mag patawag ng Mr. Kim, tapos ngayon. Tss. Kaasar talaga.' She mumbled. Lihim naman akong napapangiti.
"Tara na nga Sora. Baka mamaya magalit pa sa atin si Mr Kim. Tsk." Inirapan nya ko sabay pasok sa loob. Yumuko naman sakin si Sora para magpaalam.
This is what I exactly thought what will happen kapag nagkita na ulit kami ni Dasuri after naming matulog na magkasama kagabi.
Yes, tinatarayan nya pa rin ako. Pero nararamdaman kong unti-unti nang bumabalik ang loob nya sa akin. Good start? I guess.
"Good morning class. You may have your seat." Balik kong bati matapos nilang tumayo pagpasok ko sa loob. Napansin ko agad si Dasuri na iniismidan parin ako hanggang ngayon. Hindi ko naman sya pinanasin.
"Okay, before we start. Gusto ko munang pag-usapan natin ang tungkol sa nalalapit nyong winter break." As they heard that makikita mo ang katuwaan sa mg mukha nila. "Yes! Malapit na ang sembreak! Woooh!!"
Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Magkakaroon na naman ng time for myself!" "Mababawasan na ang stress sa life. Haha!"
"Listen, matapos mag meeting ng faculty members. Napagpasyahan na magkakaroon tayo ng winter retreat bago ang official break nyo. Exclusive 'yon sa lahat ng graduating students. Gagawin natin 'yon to give you a memorable moment with your friends before you enter the real world. Wala pang specific place na napagdedisyunan. Pero ngayon pa lang pinapaalam ko na sa inyo, all graduating students are required to come. No excuses, maliban na lang kung anak kayo ng president ng school."
Halo-halo ang naging reaksyon ng mga estudyante. May natuwa, meron din namang hindi nagustuhan ang aking binalita. Isa na siguro dun yung asawa ko. Kitang-kita ko kasi sa mukha nya ang pagkadismaya. Marahil iniisip nyang mapapagod lang sya sa retreat na iyon.
"Tama na ang kanya-kanyang opinyon. Let's start our lesson." I said to get their attention.
Ilang oras na rin ang lumipas matapos akong magdiscuss. Nakakatuwang makitang may natututunan sa'kin ang mga estudyante ko. Maliban kay Dasuri na kanina pa nakatulala. "Mrs. Kim," tawag ko rito.
"Dasuri! Are you with us?" Pagkuha kong muli sa atensyon nya. Pero kahit anong gawin kong pagtawag ay mukhang nasa malayo ang diwa nang asawa ko.
Lumapit ako sa kanya't hinarap sya. Sa amin naman na nakatuon ang atensyon ng lahat. Bahagya akong naglean at binulungan sya sa tenga. "Wifey... are you listening?"
Di naman nagtagal nilingon ako nito't tinanong, "Huh? Ano 'yon hubby?!"
Medyo malakas ang pagkakasabi nya. Kaya narinig ng mga kaklase nya ang pagtawag nya sa'kin ng hubby.
I smile widely. "So, mas gusto mo pa lang tinatawag kita sa endearment natin kaysa sa Last name basis. How sweet."
Namula si Dasuri nang marinig ang naging sinabi ko. Kasabay pa nito ang panunukso ng mga tao sa paligid namin. Mukhang ngayon nya lang na-realized ang mga nangyayari. "Grabe ang sweet!"
"Ano 'to student-teacher love affair?!"
"Baliw! Mag asawa na naman talaga sila kahit noon pa.
"Ang swerte-swerte talaga ni Dasuri! Kakaingit. Huhu."
"
"H-Hindi 'no! Nagkataon lang na ano.." dipensa pa nya. Sinulyapan ko yung relo sa aking pulso at saka sya muling hinarap.
"You don't need to explain. Binibiro lang kita. Masyado kang defensive." I smirked then go back on my table. Medyo natawa naman ang iba.
"I will dismiss you 15 minutes early on time. Gusto kong makapagpahinga pa kayo bago ang next nyong klase kaya ko gagawin 'to. But on our next meeting, we will have a test. That's all for today, you may go." Nagtayuan agad ang mga estudyante pagkasabi ko non. Itinigil na rin ng camera man ang pagrerecord.
Isinalansan ko lang ang aking mga libro bago sinulayapan si Dasuri. Isinukbit na nya ang kanyang bag at mukhang handa nang umalis sa kanyang kinatatayuan.
Nagkatinginan pa kami nang bahagya nya kong sulyapan. Nginitian ko sya pero inirapan nya ko sabay alis sa pwesto. Pinagmasdan ko lang ang paglalakad nya. "Konti lang, I know, bibigay kana rin."
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report