OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 64: ON HIATUS
DASURI
"Wifey, matutulog lang ako. Gisingin mo ko pag nasa Seoul na tayo." Inayos ni Kai ang eye mask nya habang nakaupo sa upuan sa tabi ko. Nasa loob na kami ng eroplanong magdadala sa amin pabalik ng Seoul.
Teka, ibig bang sabihin nito tutulugan nya lang ako buong byahe namin? Aba, matinde! Pero ayoko namang pigilan sya, sigurado naman akonh hectic schedule na naman ang kahaharapin nya oras na tumapak ang mga paa namin sa Seoul. Minsan tuloy napapaisip ako, ganito rin kaya kabusy si Kai kung hindi sya naging idol? Paano kung isa lang syang normal na tao na may normal na tao. 'Yung tipong araw-araw akong gigising ng maaga para ipagluto sya ng almusal at ibabaon sa trabaho. Ako 'yung magaayos ng mga gamit nya. Pati na 'nung damit at underwear nya.
"Ahihi... nakakahiya." Napaso pa ko sa magkabila kong pisngi dahil sa kilig.
'Yung tipong ako ang magaayos ng neck-tie nya. Tapos itatanong nya sa akin, "Gwapo na ba ko sa paningin ng asawa ko?"
Titignan ko muna sya nang tingin mula ulo hanggang paa. Magpapanggap na nahihirapang magdecide then saka magsasalita nang.. "Pwede na.."
Hihigitin naman ako ni Kai at papaliguan ng halik. "You want me to punish you huh?" Tapos ako naman, mapapatawa na lang sa kilig.
"Ano ba!!!! Tama na ang halik. Male-late kana sa work mo nyan e. Hahaha." Hindi ko namalayan na talagang nahahampas ko na pala talaga si Kai dahil sa sobrang kilig. Napahinto lang ako nang magsalita ito nang bahagyang malakas. "Dasuri!! Stop it! Talaga bang hindi ka magpapakatino kahit isang beses lang? My gawd! Natutulog 'yung tao oh?"
Halos magputukan na naman 'yung mga nerves ni Kai dahil sa inis. Wala na tuloy akong nagawa kundi ang manahimik bigla. Kinuha ko 'yung blanket nya bahagyang nagtago rito hanggang sa ilong. Tinitigan ko pa sya habang ginagawa 'yon. Napapikit na lang si Kai sa inis. "Minsan talaga gusto kitang ibalik sa nursery e. Argh." pahayag nito bago muling bumalik sa pagtulog. Napairap naman ako.
"Di ako tatanggapin 'don. Nabuntis mo na kaya ko." bulong ko pa. Pero di naman nagtagal ay sumagot si Kai.
"I heard that."
Nagulat ako at tuluyang nagtalukbong ng blanket. Sabi ko nga matutulog na lang din ako e. Haha.
"Hey wifey, wake up! Nasa Seoul na tayo." Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang bahagyang pagtapik sa'kin ni Kai. When I open my eyes napansin kong wala na 'yung mga tao sa paligid namin.
"Bababa na tayo?" medyo inaantok ko pang pahayag. Tumango-tango naman sya bago ko inalalayan sa pagtayo.
"Yeah, I'm sure nandoon na sa arrival area sila noona."
Tumayo naman ako at inayos ang aking sarili. Pinauna na ko ni Kai sa paglalakad bago sya sumunod sa'kin dala-dala 'yung bagahe namin. Mangilan-ngilan na lang 'yung nakasabayan namin sa paglalakad. Mukhang nauna na 'yung iba. Hindi naman nagkamali si Kai dahil sinalubong agad kami nila noona pagkaratinga namin sa arrival area.
"Dasuri! Kai! Dito!" Kumaway-kaway ito para kunin ang atensyon namin. Dali-dali akong lumapit dito.
"Nooonaaa! I miss you!" Niyakap ko agad ito nang magkalapit kami.
"Aigoo! Hindi naman halata 'no? Halos sakalin mo na ko sa sobrang higpit ng yakap mo." Tumawa ko rito matapos kong itigil ang pagyakap sa kanya.
"Hindi ka parin nagbabago unnie." napadako naman ang tingin nya sa tummy ko.
"Wow. Medyo maumbok na nga 'yung tyan mo. Akalain mo 'yon Kai, shooter ka rin pala. Bilis mo nakabuo e. HAHA." Literal na nag-init 'yung pisngi ko nang marinig 'yon. Si unnie talaga walang preno ang dila. "Well, that's one of my talents."
Isa pa 'to. Hinampas ko nga si Kai sabay tingin dito ng masama. Kahit naman preggy na ko. Sensitive parin sa green jokes ang tenga ko.
"Tama na ang kalokohan. Baka outside the kulambo ako matulog mamaya." Pagjo-joke ni Kai. Nginitian ko lang 'to.
"Anyway, wifey. Okay lang ba kung ipahatid na lang kita kay Mr. Kwon? He's Exo's driver." Tinuro na 'yung lalaking nasa 30 plus na ang edad. Yumuko naman ako pagkakita rito.
"Hello po, ako po si Dasuri Kim. Asawa po ko ni Kai."
Isang matamis na ngiti naman ang ibinungad nya sa akin, "Ako po si Mr. Kwon. Ikinagagalak ko po kayong makilala."
"Doon ka muna sa bahay ng mga magulang mo saka na lang kita susunduin after nitong pupuntahan namin ni noona, okay?" Tumango ako bilang sagot.
"Yung kotse na lang ni noona 'yung gagamitin namin para makapunta sa press con. I'm sorry kung kailangan mo na namang umuwi magisa." I can see the sadness on his eyes. Ngumiti ako sabay iling para ipakitang ayos lang ako. "Okay lang! Ano kaba. Sanay na naman ako." I gave him a reassuring smile. Huminga naman ito nang malalim bago ko yakapin.
"Don't worry, this will be the last time. Take care." Hinalikan nya muna ko sa noo bago sila umalis ni Jamie unnie.
"Sige Dasuri, una na kami. Ingat kayo ni baby." Kumaway pa si unnie na sinagot ko rin ng pagkaway. Gaya ng dati pinagmasdan ko muna ang likod nya hanggang sa makalayo na sila ng tuluyan. Nakakalungkot man pero ganon talaga. "Tara na po, manong?" aya ko kay Mr. Kwon.
Isang oras kalahati rin ang binilang bago ko nakarating sa bahay ng mga magulang ko. Nakailang dorbell pa ko bago ko pinagbuksan ng gate. Kitang-kita ko sa mukha ni mama ang gulat nang makita ko.
"D-DASURI?? Ikaw ba 'yan? Akala ko ba'y nasa amerika kana kasama 'yung kaibigan mong si L. joe?"
"Ahm, mahabang kwento. Pero bago ko simulan pumasok muna tayo sa loob ma. Nagugutom na ko e." Napailing na lang si mama nang marinig ang sinabi ko.
"Ikaw talagang bata ka. Magulo kang magdesisyon. Pati kami ng papa mo naguguluhan na sa'yo."
Inalalayan ako ni mama hanggang sa makapasok kami sa loob. Tinulungan naman kami ni manong Kwon na ipasok 'yung mga gamit ko bago sya tuluyang umalis. Inalok pa sya nila papa na magmeryenda sa loob kaso tumanggi na ito. Susunduin pa daw kasi nya 'yung Exo members pagkatapos ng schedule nila ngayon.
Pagkapasok ko sa kusina para kumuha ng makakain. Sinundan naman agad ako ng mga magulang ko para usisain sa mga nangyari. Kinuwento ko naman sa kanila ang buong detalye mula sa pag indian sa'kin ni L. joe hanggang sa pagbabalik na namin ni Kai sa Seoul mula sa isang linggong pamumuhay sa tahanan ng lola nya. Except 'don sa muntikan ko nang pagkahulog sa bangin. Baka mapraning sila at sisihin si Kai. Medyo bad shot parin pa naman sa kanila ang asawa ko. "Ibig bang sabihin susunduin ka ni Jong In dito para iuwi na kayo sa bahay nyo?" Si mama 'yung nagtatanong.
"Parang ganon na nga," saad ko naman habang ginagawang ulam 'yung ice cream na nakuha ko sa refrigerator. Napangiwi na lang si mama nang makita ang ginagawa ko.
"Jusko! Ako naduduwal sa kinakain mo. Makanood na nga lang ng Tv bago ko tuluyang mahilo sa'yo." Hindi ko naman pinansin si mama at nagpatuloy sa pagkain. Masarap kaya.
Nakakailang subo pa lang siguro ko nang biglang sumigaw si mama. "DASURI! PUMUNTA KA DITO DALI!!!!" Napahinto naman ako sa pagkain.
"Bakit po?!" Sigaw ko pabalik. Tinatamad akonflg magalakad. Saka busy kaya ko pagkain.
"S-SI JONG IN NASA NEWS!!! D-DALIAN MO PUMUNTA KA NA DITO!!!" Nang marinig ko ang pangalan ng asawa ko. Otomatikong kumilos ang mga paa ko patakbo sa kinaroroonan ni mama.
Nabitawan ko 'yung kutsarang dala-dala ko mula sa kusina nang mabasa 'yung headline ng balita. 'WORLWIDE GROUP EXO HOLD PRESS CON. BEFORE THEIR HIATUS'
I was so shocked sa mga nababasa ko. Wala ni isa sa amin nila mama ang nagsasalita. Nakatutok ang atensyon ko sa screen ng tv habang nakatayo roon ang grupo ng asawa ko. Naroon sya sa gitna habang hindi natatapos ang pag-flash ng camera. Makikita mo rin dito ang mga fans na nagiiyakan at gulat na gulat.
T-Teka, Seryoso ba 'to?
Muli namang bumalik sa alaala ko ang mga katagang binitiwan ni Kai kanina. "Don't worry, this will be the last time." so that was a sign?
Natanggal ang atensyon ko sa tv nang biglang tumunog 'yung cellphone sa aking bulsa. Tuliro akong kinuha 'yon at nabasa ang pangalan ni Soyeon sa screen. Sinagot ko iyon at isang malakas na sigaw ang bumungad sa'kin. "DASURI KIMMMMMM!!!!!!" Bahagya kong inilayo 'yung phone sa tenga ko.
"Grabe ka naman. Minsan ka na nga lang tumawag sa'kin. Naninigaw pa." reklamo ko rito.
Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Excuse me? Ikaw pa talaga ang may ganang maggalit-galitan sa akin?! Sa ilang taon nating magkaibigan. How dare you? Paano mo nagawang itago sa akin ang planong maghiatus muna ng Exo? I hate you for keeping it as a secret!" Daig pa ni Soyeon sa pagbubunganga ang mama ko.
Sa buong buhay ko ngayon lang ako binungangaan nang ganito. Muli kong inilayo 'yung phone sa aking tenga. Natotorete talaga ko sa sunod-sunod na pagsasalita nito.
"My gosh Soyeon! Kalma lang pwede? Kahit naman ako nagulat sa balitang pagya-hiatus ng Exo." I took a deep breath.
"Akala mo ba gusto ko 'to? Naguguluhan nga din ako e. Bakit bigla nilang ginawa 'to? Wala naman nang issue diba?"
"Um. Yeah? Wala ding nabanggit si Chen sa akin about this e." Pahayag ni Soyeon na halatang dismayado sa mga nangyayari.
Kinuha ko 'yung remote sa sofa at bahagyang nilakasan ang volume ng tv. Itinuon ko roon ang atensyon ko nang mapansing magsasalita na si Suho. Nakakagulat kasi kumpleto silang labing-dalawa ngayon. Madalas kasi nasa China ang Exo-
m.
"Una sa lahat, we would like to thank all the fans, the press and everyone who gave their time not only to support but love each of the member. We, the Exo members are so geatful to have you from the start. Simula nang magdebut kami as different group, Exo-M and Exo-K, until we became one. Naramdaman namin ang lubos nyong pagmamahal. However, as one of the leader of the group.." Suho pause for a while and took a deep breathe.
Samantalang tahimik naman ang lahat ng taong nakikinig sa kanya. Nasa bahay man ang mga ito o nasa mismong harapan nila.
"Gusto naming ipaalam sa lahat ang susunod na tatahaking landas ng aming grupo. We decided to have a hiatus as a group and pursue our individual activities as an artist. The four Chinese members will go back to China and do their different project na nakaline-up para sa kanila. Si Xiumin at ako ay papasok sa military. Samantalang sina D. O, Sehun at Chanyeol ay ipagpapatuloy ang kanilang acting career and do some drama. Baekhyun and Chen will release their own song. While Kai..." I dunno pero parang kinakabahan akong marinig ang dahilan ni Kai.
"He decided to focus on his private life. He wants to take care of his wife and their future baby."
Nagkaroon ng iba't-ibang reaksyon ang mga fans na naroroon. Marami ang nabigla at natuwa pero may roon din namang mga nadismaya sa narinig. Nabitawan ko 'yung phone ko dahil sa pagkabigla. Narinig ko pa ang boses ni Soyeon bago 'yon tuluyang bumagsak sa sofa. Nagkatitigan kami ni mama na parehong hindi makapaniwala sa narinig. Nanaginip ba ko? Talaga bang tama 'yung pagkakarinig ko? Kai wants to focus on me and on our baby?
"To all Exo-Ls, gusto naming humingi ng tawad kung biglaan ang naging desisyon naming ito. Technically our group Exo will be on hiatus but each member will be productive on their own so hopefully you won't forget about us. We will have a performance after this conference but always remember that this will not be the last. We will see each other again, for sure, in the same place and the same stage where we perform as ONE. Please wait for us. We love you all!" As Suho oppa bowed together with the members. Namutawi ang iyakan sa paligid. Nagyakapan ang mga fans at kanya-kanyang punas ng mga luha sa kanilang mga mata. Maski ako ay hindi napigilan ang pag-iyak.
Ilang taon, ilang taon kong sinubay-bayan ang mga naganap sa grupo nila. Since from the very start na mabibilang lang sa mga daliri ng kamay ang naniniwala sa kanila. Hanggang sa nagawa nilang punuin ang isa sa mga pinaka malaking dome sa Seoul.
Humakot ng iba't-ibang parangal at papuri sa iba't-ibang awarding ceremony. Nakilala at minahal ng iba't-ibang lahi. I can say na nakaroon nang malaking parte sa buhay ko ang Exo. I had a family because of them. Marami akong natutunan dahil sa kanila.
But nothing last forever.
Alam ko namang darating 'to. People grow old and people took different paths. However, panghahawakan ko 'yung sinabi ni Suho oppa. Exo and Exo-Ls will meet again. Hindi man bukas, sa isang taon? O isang-isang taon. Darating parin ako sa lugar kung saan pu-pwede kong iwagaygay muli ang aking official Exo-Ls Light sticks.
Lumapit sa'kin si mama at niyakap ako. "Kung ano man ang naging desisyon ng asawa mo. Suportahan mo na lang sya. Bilang asawa, dapat ikaw ang maging sandalan at lakas nya. Remeber behind a successful man is a woman. Ang mga lalaki mukha lang silang malakas sa panlabas na kaanyuan but deep inside they're weak. You as his wife should be his strength."
Nilingon ko si mama at saka tumango-tango rito. She's right. Asawa ko ni Kai. Whatever his decision is. I got his back.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report