OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 7: HYENA
ΚΑΙ
"Eto na 'yung unang araw ng taping nyo. Ayusin nyo pareho nang walang masabi ang mga staffs at director. Mahirap na, baka mapulaan pa tayo." pangaral sa amin ni Jamie n
oona. Bukod kasi sa akin, kasama rin si Sehun sa dramang pagbibidahan ko. Gagampanan nya ang role nung second leading man.
"Noona, wala ka bang tiwala sa amin? Kami pa ba?" pagmamayabang ni Sehun. Nilapitan naman sya ni noona at binatukan. "Aray!" reklamo nito.
"H'wag mo kong madaan-daan dyan sa kayabangan mo. Alalahin mo may atraso ka pa sa akin. Bakit ka nagpakalasing noong isang araw kung alam mong magda-drive ka pa pauwi. Pasalamat ka't kilala ko 'yung mga pulis na humuli sa'yo. Kung hindi, nakalathala sa lahat ng pahayagan 'yang pagmumukha mo dahil sa drunk driving." Bahagya naman akong tumawa.
"Hoy Kai! Anong tinatawa-tawa mo dyan ha? Parang hindi ka nagdaan dito ah" sita sa akin ni Sehun habang hinihimas ang ulo nyang nahampas ni noona. Hindi pa rin nagma-matured ang isang 'to.
"At talagang nandadamay ka pa," pinuntirya naman ni noona ang tenga nito. Lalo tuloy namilipit sa sakit si Sehun. Haha.
Ipagpapatuloy ko na sana ang pagbabasa sa hawak-hawak kong scripts nang may biglang pumasok na babae sa dressing room namin. Napahinto rin sina Noona sa kanilang ginagawa at napalingon rito.
"Oh' Hyena? Bakit napadpad ka rito? Sa kabila ang dressing room mo diba? May kailangan ka ba?" tanong ni Jamie noona sa babaeng nakasuot nang black-dotted mini dress sa harapan namin. Bahagya itong yumuko at ngumiti para batiin kami, "Hello po sa inyo."
Natauhan naman si noona at pinatayo kami ni Sehun. "Ano pang hinihintay nyo? Tumayo kayo't batiin sya." pinanlakihan pa nya kami nang mata para sumunod agad.
Sabay kaming tumayo ni Sehun and greeted her back. "Hello din sa'yo." Sinagot naman nya ito nang napakatamis na ngiti.
"Ah! Maupo ka muna. Ano ba gusto mo? Juice? Tubig? Ipakukuha kita." Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang maging aligaga ni noona sa harap nya.
"Ang totoo po nyan," saad nito habang bahagyang iniipit ang buhok nya sa kanyang kaliwang tenga. Napalingon naman ako kay Sehun na kasalukuyang nakatitig rito. H'wag mong sabihing type nya si Hyena?
"Umm. Ang totoo nyan, gusto ko sanang mag-briefing kasama si Kai. Naisip ko kasi, mas magiging maganda kung magiging komportable na kami sa isa't-isa bago pa man magsimula ang shooting. Mapagbibigyan nyo po ba ko?"
Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Oo naman. Dapat lang 'yon para hindi na kayo mailang sa isa't-isa. Tara Sehun, ipakikilala muna kita sa mga co-star mo sa labas." Kahit mukhang labag sa kalooban ni Sehun. Wala itong nagawa kung hindi sumunod kay noona. HYENA
"Maupo ka," pahayag ni Kai nang kaming dalawa na lang ang maiwan sa loob. Ngayong nakikita ko sya nang malapitan, talaga pa lang gwapo ang lalaking 'to.
Dapat lang. Hindi ako papayag na low class ang magiging leading man ko.
Tinanggap ko ang alok nya't naupo sa harap nya. Pasimple kong pinagmasdan ang kabuuan nya. Mula sa black leather nyang sapatos hanggang sa fitted jeans papunta sa kanyang mukha.
Totoo pala ang mga balita. Napakatangkad nya't napakaganda nang hubog ng katawan. Makikita mo talaga rito ang resulta nang palagiang pagsayaw. At ang mga mata nya? Nakakaadik titigan. Para ba itong nang-aakit sa hindi ko malamang dahilan,
"Excuse me, may dumi ba ko sa mukha? Kanina mo pa kasi ako tinititigan." Natauhan ako nang marinig ang sinabi nya.
Damn, ano ba 'yung mga pinag-iisip ko. Pumunta ko dito hindi para matulala sa kanya.
I composed myself and look at him, "I will be straight to the point," I crossed my legs dahilan para lumantad sa kanya ang makinis at maputi kong legs. Hinawi ko pa ang aking buhok bago sya titigan sa mga mata.
"Since ako ang napiling leading lady mo, gusto kong sumunod ka sa mga patakaran ko." then smile seductively.
"Una, kapag na-i-era na ang unang episode ng drama natin. Kailangang sa lahat ng shows or guesting na pupuntahan mo, kasama man ako o hindi, you should always talk about me."
"Si Hyena, Ah, napakaganda nya sa personal. Mahinhin at napakamaalaga sa set.' Kailangang ipakita nating close tayo. Good publicity 'yon para sa atin."
"Pangalawa, always update me about you. Saan ka pupunta, anong schedule mo, sino ang kasama mo, o ano bang kinain mo. Everything na konektado sa'yo. Kailangan kong malaman 'yon para hindi ako magmukhang tanga kapag may nagtanong na press."
"Pangatlo, BE A GENTLEMAN. Kailangan kaingitan ako nang lahat. Mapa-fans man o kapwa ko artista. Kailangan maingit sila dahil ako ang leading lady mo at hindi sila."
"And lastly," tumayo ako't lumapit sa kanya. I lean on him and put my two hands beside his chair.
"Hangga't ako ang ka-love team mo ayokong mali-link ka sa ibang female artist. Possessive ako, ayaw na ayaw kong may kahati."
"Ang sa akin, ay akin lang. Get it?"
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report