OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 72: CLOSURE
DASURI
Ilang buwan na rin ang nakalipas matapos ang panganganak ko. Nakalabas na rin kami ni baby sa ospital. Sobra ang pasasalamat namin na walang naging kumplikasyon ang napaaga kong pagluwal sa kanya. Nakakatuwang malakas rin ang resitensya nito. Bumalik na rin si Kai sa kumpanya para ituloy 'yung naudlot nyang pagtatrabaho.
Hindi na ko nagpumilit pang maging secretary nya. Narealized ko kasi na dapat akong magtiwala kay Kai. At mas may gusto na kasi akong alagaan ngayon kaysa sa kanya. Nagseselos na nga sya minsan, nakakalimutan ko na daw kasi sya. Haha.
"Hello hubby? Papunta kami ngayon sa supermarket ni baby. May balak ka bang ipabili?" kausap ko si Kai sa cellphone habang tulak-tulak ko 'yung stroller ng baby namin. Medyo nasasanay na rin ako sa pagiging full time mommy. Akalain mo 'yun?
"Wala naman akong gustong ipabili. Pero kailangan ba talagang ikaw ang mamalengke? Pwede naman natin 'yang ipautos at ipadeliver na lang sa bahay. Gaya ng dati nating ginagawa?"
"Hindi na. Kaya ko na 'to. Saka para maipasyal ko na rin si baby. Hindi 'yung lagi lang syang nasa loob ng bahay." Minsan lang kasi lumabas kaya nag-aalala ko na baka hindi nya makasanayan ang makihalubilo sa iba. "Okay fine. Basta i-update mo ko."
Ashush. Mula nang magka-baby kami naging masyadong clingy si Kai. 'Yung iba nababawasan ang pagiging matamis pero sya hindi e. Mas dumoble pa nga ata.
"Oo na po. Sige, call na lang kita mamaya. Malapit na kami sa supermarket. Bye."
"Bye. I love you."
"I love you more."
Ibinaba ko 'yung phone at nag-focus sa pagtulak sa stroller. Sinulyapan ko pa ang baby kong nagmamasid lang sa paligid habang may subo-subong pacifier.
"Aigoo. Kamukhang-kamukha mo talaga si daddy,"
Oo na, aaminin ko na. Mas malakas ang dugo ni Kai. Marami na nagsasabi kahit sila mommy. Nung una nilang makita si baby sinabi nila agad na si Kai ang kamukha. Kaya tuwang-tuwa ang tatay nito e. "Babababa.." wika nito nang mapansing nakatingin ako sa kanya.
"Baby say o.. ma. Omma."
Nitong mga nakaraang araw. Nagpapaligsahan kami ni Kai kung sino unang makakapagturo kay baby magsalita. Kung omma ba o appa ang first word nya. Nakakatuwa kasi para talaga kaming naglalaro nang bahay-bahayan pero totoo 'yung baby.
"Bababa." Saad naman nya.
"Mali. Om-ma." Pagkokorek ko rito. Pero imbes na sumunod tinawan lang ako. Naku. Naku. Mukhang may pinagmanahan 'to ah. Haha.
"Ate, 'yung sintas ng sapatos mo." Napalingon ako sa batang nadaanan namin. May itinuruto sya sa bandang paanan ko.
"Huh?" pagtingin ko sa sapatos ko. Tanggal nga 'yung sintas.
"Ay, salamat." Wika ko sabay hinto sa patulak nung stroller.
"Saglit lang baby ha." Yumuko ako't inayos muna 'yung pagkakatanggal ng aking sintas. Habang inaayos ko 'iyon nakarinig ako ng mga yabag mula sa di kalayuan. "Habulin mo ko!"
"Mahuli may tae sa pwet!"
"Hahahaha."
Bago ko man matapos ang pagtirintas, dinaanan na kami ng mga batang humahangos sa paghahabulan. Ilang segundo lang ang lumipas nang may mangyaring di ko inaasahan. Halos lumuwa ang mga mata ko nang masagi ng isa sa mga bata ang stroller ng anak ko. Binitiwan ko 'yung sintas na hawak-hawak ko at sinubukang pigilan ito pero di ko nagawa.
"Tae oh!!!!!!" sigaw ko bago nagmamadaling habulin 'yon.
Walang ibang nasa isip ko kundi ang mapigilan ang pagdaus-dos ng stroller na kinalalagyan ng aking anak. Lalong dumoble ang kabog ng aking dibdib nang makita ang sunod-sunod na sasakyang madadaanan ni Tae oh. May matutumbok kasi syang crossing kung hindi pa iyon mapipigilan.
"Nooo! Baby koo!!" sigaw kong muli.
Ngunit sa di ko inaasahang pagkakataon may isang taong biglang sumulpot sa harapan ng aking anak at pinigilan ang pagdaus-dos ng stroller nito. Habol-hininga akong lumapit sa mga ito.
"Tae-oh! Jusko. Salamat po!" dali-dali kong kinuha si Tae oh mula sa pagakakahiga sa stroller at niyakap 'to nang mahigpit. Halos maluha na ko sa sobrang kaba. Walang tigil ang pag yuko ko sa taong nagligtas sa buhay ng aking anak. "Salamat! Salamat po talaga!" Kung di dahil sa kanya di ko alam kung ano nang magyayari sa anak ko. Laking pasasalamat ko't dumating sya.
"It's been a while..." napahinto lang ako sa pasasalamat nang mabosesan ko ang taong nasa harapan ko.
"My princess..." Nang iaangat ko ang aking mukha bumungad sa akin ang isang lalaking nakangiti. 'Yung ngiting matagal ko nang hindi nakita. At mga ngiting hindi ko akalaing makikita ko pa.
"L-L. joe?" hindi ko makapaniwalang tanong. Lalo namang tumamis ang mga ngiti nya.
"Who else? missed me?" hindi ko na napigilan. Kahit hawak-hawak ko si Tae oh. Niyakap ko sya nang mahigpit.
Takteng 'to. Iniwan ako nang hindi man lang nagpapaalam. Akala nya ba ang cool nya pag ganon?
"Nakaasar ka. Naaasar ako sa'yo! Alam mo ba 'yon," may mga luha na palang pumapatak sa mga pisngi ko nang hindi ko namamalayan. Pinunasan naman nya iyon gamit ang kanyang kanang kamay. "Ssh. Don't cry. I missed you as well," hindi ko alam pero napangiti na lang ako nang marinig 'yon.
"Babababa.." sabay kaming napalingon kay Tae oh na halatang nagtataka sa kanyang nakikita. Tumitig pa ito sa akin na para bang nagtatanong bakit ako umiiyak.
"Is he your son?" tumango ako bilang sagot sa katanungan ni L. joe.
"I guess I was gone for too long. I didn't expect he will grow that fast." kitang-kita ko sa mukha nya kung gaano sya mamangha na makita ang anak ko na ganito na kalaki.
"Sobrang tagal mo na ngang nawala. Hindi ka man lang bumisita 'nung nanganak ako. 8 months old na ang baby ko saka mo lang naisipang magpakita." Ibinalik ko si Tae oh sa stroller.
"I know, I'm sorry. My life was a mess way back then. I needed a lot of time to fix it. But I never forget about you... your child." Hinawakan ni L. joe ang kamay ni Tae oh na mukhang ikinatuwa naman ng anak ako.
"Alam ko. Kahit na hindi tayo nagkaroon ng oras na makapagpaalam sa isa't-isa. Nagpapasalamat pa rin ako sa ginawa mong pagtulong sa amin ni Kai. Kung hindi siguro sa ginawa mo baka hindi pa rin kami magkaayos hanggang ngayon." "No problem. It was just a punch," saad nya habang nakangisi.
"Ano? Baliw ka talaga." Pahayag ko sabay hampas sa balikat nya.
"Um, may gagawin ka ba? Mamimili kasi kami ng baby ko sa supermarket. Baka gusto mo lang sumama," marami pa kong gustong itanong sa kanya e. Kaya sana naman pumayag sya.
"Umm, sure. Let me be your husband for today." Kinuha nya sa kamay ko 'yung stroller at inumpisahan nang itulak ito. Kahit medyo nagulat ipinasya ko nang sumunod na rin sa kanila.
"Hanggang ngayon ba naman nagpi-presinta ka pa ding substitute ng asawa ko?" biro ko rito. Nilingon naman nya ko bago sumangot.
"If you want me to be your other man, why not?" "What?" I ask shockingly. He shrugged his shoulder.
"Wala..." sabay lakad nang mabilis. Saltik talaga 'to.
Pagkarating namin sa supermarket. Napansin kong nakikipaglaro si L. joe kay Tae oh habang busy ako sa pamimili ng mga kailangan kong bilhin. Nasa isang sulok lang sila habang panay ang baby talk nito. Hindi ko maiwasang mapangiti. "Aww. Ang kyut naman nilang mag-ama. Talagang sinamahan pa 'nung lalaki ang asawa nya sa pamimili. S'ya 'yung nagaalaga sa anak nila para hindi mahirapan ang asawa nya."
Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Oo nga, ni minsan hindi ginawa sa akin ng asawa ko 'yan. Ang swerte nga naman talaga 'nung babae."
"At ang gwapo pa ah. Nakakaingit naman.."
Tama sila. Ang swerte siguro nang mapapangasawa ni L. joe. Kahit kasi noon nung nalaman nyang nagbubuntis pa lang ako. Napaka hands-on na nya kahit hindi naman talaga sya ang ama ng dinadala ko. Sobra nyang ipinaramdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Nandyan sya para damayan ako sa sitwasyon ko. Paano pa kaya 'kung dugo't laman na nya talaga?
"Hey? Something wrong?" hindi ko namalayang napatulala na pala ako.
"W-wala naman.." pagkaila ko.
"Okay, hmm. Actually, I'm wondering if you have plans after this. I'm hungry and I want something to eat." Napaisip ako sandali. Napaulyap din ako kay Tae oh na mukhang giliw na giliw kay L. joe. "Sige,"
Matapos ang pamimili nagtungo kami ni L. joe sa isang buffet restaurant na malapit lang din sa super market na pinanggalingan namin. Pagpasok sa loob sinalubong kami ng isa mga staff.
"One table for two," pahayag agad ni L. joe. Tumalima naman 'yung staff at dinala kami sa mesang pu-pwestuhan namin.
"What do you want? Pasta or rice?"
"Pasta na lang siguro."
"How about the baby?"
"Kung may soup. 'Yun na lang siguro."
"Okay, I got it."
Matapos nya kong tanungin Nagdiretsyo na si L. joe sa mesa kung nasaan 'yung mga pagkain. Hinanda nya 'yung mga pagkaing binanggit ko. Habang naghihintay. Pinagtuunan ko muna nang atensyon si Tae oh. Sinusundan nya nang tingin si L. joe na busy sa pagkuha ng pagkain namin.
"Bababa.." bulong pa nito. Hinaplos ko lang ang mukha nito bago ko inalabas ang aking cellphone. I dialed Kai's number.
"Yes, wifey? Everything's okay?" bungad nito pagkasagot sa tawag ko.
"Okay lang naman kami. Walang problema."
"Good. Pero ba't napatawag ka?"
"Ano kasi... Si L. joe... nagkita kami kanina sa daan nung papunta pa lang akong supermarket."
"And then?"
"Sinamahan nya kami sa pamimili ni baby. Tapos nag-aya syang kumain sa labas kaya nandito kami ngayon sa isang buffet restaurant na malapit lang din sa supermarket. Ipinapaalam ko lang sa'yo baka kasi sabihin mo naglilihim ako." Mahirap na baka mamaya pag-awayan pa namin 'to.
"I'm glad you told me. Pero okay lang din naman sa akin. Mas okay nga 'yan. At least makakapag-usap kayo. Alam ko namang marami ka pang katanungan para sa kanya. Basta wag lang kakalimutan na akin ka na, Mrs. Kim." ashush. "Oo naman po. Iyong-iyong lang ako Mr. Kim,"
"I'll call you again later. Enjoy."
After nang mas lumuwag 'yung pakiramdam ko. Hindi naman sa may itinatago. Ayoko lang nang may hindi pagkakaunanawaan.
"Here's your food and for your baby," matapos ilapag ni L. joe ang mga pagkain. Nagulat naman ako nang kuhain nya si Tae oh at ilagay sa mga hita nya.
"What's his name again?" tanong nito.
"Kim Tae Oh," sagot ko naman.
"He looks exactly like his dad. I'm amazed."
"Marami na kayong nagsabi nyan. Pang sampu ka na ata," medyo disappointed kong pahayag. Oo na. Talo na ko. Tss.
"You are still cute as ever," saad nya. I rolled my eyes.
"Ewan ko sa'yo. Kumain na nga tayo," habang kumakain hindi ko maiwasang mapasulyap-sulyap kay L. joe. Busy naman ito sa pagapapakain sa anak ko.
"If you want to ask me something. Do it now. Who knows if you can still have a chance on the future," Tss. Kilalang-kilala na nya talaga ko. Kaya kahit hindi nya nakikita. Nahuhulahan nya parin ang kinikilos ko.
Huminga muna ko nang malalim bago ko ipinasyang ibaba ang gamit-gamit kong chopstick. Pilit kong 'yung alalahanin 'yung mga katanungang inipon ko nang mahabang panahon. Mga katanungang sobrang tagal kong inantay ang kasagutan. Huminto rin ito sa kanyang ginagawa at matamang tumitig sa akin.
"Ask me anything,"
Hindi ko alam kung maiiyak ba ko o ano. Pero ramdam ko kasi 'yung pag-init nang dalawang mata ko. Parang nararamdaman ko ulit 'yung panghihinayang noong malaman kong umalis na sya. Panghihinayang na hindi ko man lang nasabi sa kanya 'yung totoo kong nararamdaman para sa kanya.
"L. joe.. 'yung araw na nagusap tayong magkikita sa airport. 'Yung araw na dapat sabay tayong lilipad pabalik ng Amerika. B-Bakit..." "Bakit hindi ka sumulpot?"
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang kasagutan sa tanong na 'yan. Iniisip ko kung bakit hindi sya sumunod sa pangako nya? Bakit sa mga huling oras para simulan namin ang bagong buhay na magkasama. Bigla na lang syang nawalang parang bula. "D-Dahil ba na-realized mo na h-hindi mo na ko mahal?"
Sa totoo lang, aaminin ko.
Kahit pa sabihing kasal na kong tao. Hindi ko ipagkakailang may malaking parte si L. joe sa puso ko. S'ya kasi 'yung klase ng tao na nagagawang pabilisin ang tibok ng puso ko kagaya nang kung paano 'yon gawin ng asawa ko. Bakit ganito? Bakit hanggang ngayon. Sumisikip pa rin ang dibdib ko sa tuwing tititigan nya ang mga mata ko.
Sya kasi 'yung klase ng tao na.. gugustuhin kong makitang sumaya rin kagaya ko.
"You're wrong. I didn't show up because..."
"I fucking love you..."
Pero sya rin 'yung taong alam kong kahit gaano kaimportante sa akin, ay hindi ko maaring piliin para makasama sa habang buhay. Why? Cause some people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together.
I gasped for air nang marinig ang naging sagot nya. I felt so happy and guilt at the same time. Masaya kong marinig kung gaano ko kaimportante sa buhay nya, na handa syang masaktan para lang sa ikaliligaya ko. Pero kahit ganon, nagi- guilty din ako dahil wala kong pwedeng gawin para ibalik 'yon.
"Why are you crying? Are you being sorry?" hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Sinubukan kong punasan 'yung mga 'yon pero patuloy lang ito sa pagbagsak.
"Please don't..." bahagya syang lumapit sa akin para punasan na rin ang mga iyon.
"When I fall for you, I never expect that you will love me back. I just wanted to show you what I really feel and I'm very thankful that you had given me a chance to do it. Loving you is my own choice..."
"But I did love you." I blurted out.
Bahagyang natigilan si L. joe. Napatitig ito sa akin bago bahagyang ngumiti.
"I know," halos pabulong nyang pahayag.
Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil iyon nang mahigpit.
"But you love him more."
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report