Pancho Kit Del Mundo
[18] Terenz Dimagiba

"Let's eat here."

Muli ay namamangha ako sa pagtanaw ng lugar na papasukan namin ni Sir Ellie. Isa iyong kainan na may hindi ko maitindihan na pangalan, hindi kasi nakasulat sa letrang pinoy, tila intsik. Mabilis akong napatakbo pasunod sa kaniya habang hawak ang ilang naglalakihang paper bag laman ang lahat ng pinamili niya para sa akin. Habang ang sa kaniya ay hawak niya rin naman naman. Sabi ko ako na ang magdadala, pero sabi niya ang akin na lamang daw ang hawakan ko at siya na ang bahala sa sarili niyang pinamili.

Dinala nga niya talaga ako sa isang napakalaking mall, nagngangalan iyong MIA. Sobrang namangha ako dahil sa unang pagkakataon ay nakapasok ako sa isang mall. Sobrang lamig, maraming tao, maraming magagandang bagay. Busog na busog ang aking mga mata, butas nga lamang ang bulsa.

Akala ko magpapasama lamang si Sir Ellie sa akin para may tagabitbit siya, pero nagulat na lamang ako nang hinila niya ako sa iba't ibang mga bilihan doon. Binilhan niya ako ng mga beauty products daw kung tawagin, mga damit, sapatos, at kung ano-ano pang mamahaling bagay! Sobra akong nahiya!

"N-Naku, Sir, huwag na po. Nakahihiya po sa'yo. Ikaw na lamang po at bibitbitin ko ang mga pinamili mo," sabi ko sa kaniya habang pinipilit akong hilahin papasok sa isang bilihan ng mga nilalagay sa katawan.

"Ano ka ba!" aniya. "Hindi kita hiniram kay Pancho bilang alalay, Terenz. I borrowed you as a friend, kung kaya huwag mo ako bigyan niyang hiya mo. Let's go!"

Iyon nga. Doon nagsimula. Tinuruan pa niya ako kung paano ang tamang paglalagay ng mga cream, lotion, at kung ano-ano pa. Sabi niya ay piliin ko rin daw ang mga produkto na bagay sa 'type of skin' na meron ako. Aniya ni Sir Ellie ay mahalaga raw sa tao ang proper hygiene.

Sa isip ko noon, kung may pera ka, mahalaga talaga. Pero kung pobre lang din naman gaya ko, paano iyon magiging mahalaga kung mas maraming bagay pa kaming dapat bigyan ng halaga kaysa riyan sa proper hygiene?

Pero dahil mabait si Sir Ellie at maganda naman ang intensiyon niya, nagpasalamat na lamang talaga ako sa kaniya ng sobra. Sobrang dami ng binili niya para sa akin! Kahit tamang pagsuot ng mga damit ay tinuro niya pa sa akin. "S-Sir Ellie," tawag pansin ko sa kaniya na noon ay nakaupo na sa magiging pwesto namin sa kainan.

"Oh? Bakit nakatayo ka pa riyan? Come and sit here. Mag-oorder na ako," sabi niya.

Umupo naman ako roon kaharap niya habang siya ay nagsisimula nang magbasa ng menu.

"Eh, Sir, okay na po ako sa mga pinamili niyo. N-Nakahihiya na po kung makikikain pa ako," halos naging pabulong na ang aking boses.

Binaba niya ang menu na binabasa at seryoso akong tinignan.

"Terenz, ilang beses ko bang sasabihin na huwag kang mahiya sa akin? I am happy doing this at ayokong makarinig pa muli sa'yo na nahihiya ka," seryoso niyang sabi. "Please? Ngayon lang naman 'to. Hayaan mo na ako." Natigilan ako. Hindi ko alam kung bakit kahit nakangiti siya ay may kakaibang lungkot sa kaniyang mga mata. Lalo nang binanggit niya na ngayon lamang daw ito. Pero nakamamangha talaga ang bait ni Sir Ellie. Kaya siguro mahal na mahal siya ni Sir Pancho.

Tinanong niya ako kung ano raw ang nais kong kainin at huwag mahiya na magsabi kung ano raw talaga ang gusto ko. Tinuro ko naman iyong parang kanin na may balot, may kasama iyong ulam at iyong isa na sabi ni Sir Ellie ay siomai raw. Astig, iba kasi ang mukha no'n sa alam kong siomai. Iyong siomai sa amin sa kalsada ko lang nabibili, eh. Kasama ng mga kwek kwek at betamax.

"So tell me," siya ang unang nagsalita pagkatapos ilapag ng waiter ang pagkain namin. "Why did you decide to work at Del Mundos? Sobrang hirap pa naman niyang si Pancho alagaan. Alam ko na ilang alalay na rin ang umayaw riyan." Bumaba ang paningin ko sa aking kinakain at naging marahan ang aking pagnguya. Akala ko nga rin noong una madali lamang dahil sa kaniya lamang ako tinoka ni Ninong, pero mas pipiliin ko na lang na maging driver o hardinero nila kaysa maging alalay niya. Pero siyempre hindi ko sasabihin, syota pa rin ni Sir Ellie ang pinag-uusapan namin, eh.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Ahmm... inaanak kasi ako ni Ninong Domingo, ang Daddy po ni Sir Pancho. Siya po ang nagdesisyon na dalhin ako rito sa Maynila para tulungan kami." Tipid akong napangiti sa kaniya na noon ay napapatango-tango sa kabila ng gulat. "Noong una nag-aalangan pa ako dahil highschool lamang ang natapos ko at wala akong alam sa syudad - nakatatakot. Pero kailangan po, eh, para sa pamilya. Alam ko naman na suportado ako nina Nanay sa lahat ng desisyon ko at nandiyan lang sila lagi para alalayan ako kahit anong mangyari."

Nang sinabi ko iyon, bigla siyang ngumiti ng malungkot sa akin. Para bang may nasabi ako na kinainggitan niya bigla. Ano naman? Sa yaman niya, may kakainggitan pa siya sa tulad ko?

"You're lucky," aniya. "Alam mo, kahit salat ka sa yaman? Maswerte ka sa kinalakihan mong mga magulang, I can feel it. Kita ko na masaya ka pa rin. Ako? Mayaman nga, kaya bilhin lahat, walang worry sa kakainin, nakapagdadamit ng maayos, pero kahit magkaroon pa ako ng lahat ng bagay sa mundo? Hindi pa rin ako masaya."

Kunot-noo akong tumitig sa kaniya.

"Bakit naman po? Kung ako po sa lagay mo? Baka sobrang saya ko na! Hindi na kami maghihirap ng pamilya ko, Sir. Kaya bakit po hindi ka pa rin masaya?" naguguluhan kong tanong. Nagbaba siya ng tingin sa kaniyang kinakain at tinusok-tusok ng tinidor iyong siomai niya.

"Kasi malas ako sa mga magulang, Terenz." Nagtaas siya ng tingin at nakita ko ang pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata. "Kahit lahat ng bagay sa mundo makuha ko o meron ako, kung tila nakagapos naman ako at walang kalayaan, hinding-hindi ako magiging masaya. Wala akong sariling desisyon, lahat nasa kanila at kailangan ko silang sundin."

Unti-unting nawala ang pagkakunot ng aking noo, bigla ay nalungkot ako para sa kaniya. Oo nga naman. Ako kahit salat sa yaman, nagagawa ko naman lahat ng gusto ko. Hinahayaan ako nina Nanay sa mga desisyon ko. Kung saan ako masaya, suportado nila ako. Pero siya, may ganiyan pala siyang problema.

Tama nga siguro ang naririnig ko tungkol sa mayayaman. Na puro lang pagpapayaman ang nasa isip nila at hindi na nila nakikita ang ibang bagay na dapat ay pinagtutuunan nila ng pansin. Buti na lamang, hindi ako lumaking mayaman. Sa unang pagkakataon, nagpapasalamat ako na kahit pobre kami, may mga magulang naman akong gaya nina Nanay at Tatay pati kapatid na si Buboy. Hindi naging hadlang ang kahirapan namin para sumaya.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Bigla ay namutawi ang katahimikan sa pagitan namin ni Sir Ellie. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko para gumaan ang loob niya. Kung may ideya lamang ako sa buhay nila - buhay niya, baka makatulong pa ako kahit papaano. "But... we do have something in common." Matamis na ang kaniyang ngiti nang muli ay nagtaas siya ng tingin. "We can do everything for the people we love."

Gumapang ang kakaibang kaba sa aking didbdib. Nakangiti ang mga labi ni Sir Ellie pero may kakaibang pighati sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit nagkakutob ako na patungkol sa kanila ni Sir Pancho ang ibig niyang sabihin. "S-Sir Ellie -"

"Actually, the reason why I invited you to come with me ay hindi lamang para makipag-bonding sa iyo. The first time I met you, alam ko nang mapagkatitiwalaan kita, Terenz."

Muli ay nangungwestiyon ang mga mata na tumingin ako sa kaniya.

"Ano po ang ibig mong sabihin?"

Hinawakan niya ang isa kong kamay na nakapatong sa mesa. Naramdaman ko ang lamig at panginginig ng kamay niya, kung kaya mas kinabahan ako. Hindi ko maiwasang mapalunok. "I have a favor to ask you."

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report