Pancho Kit Del Mundo
[23] Terenz Dimagiba

Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong payapa nang nakapikit ang mga mata ni Sir Pancho. Maayos na rin ang paghinga niya at hindi na rin siya nanginginig. Nakangiti kong inayos ang basang tela sa kaniyang noo maging ang kumot na itinakip ko sa kaniyang katawan. Kumalma na rin ako dahil halos mataranta ako kanina.

"N-Nanay! Nanay Matilda!" humahangos kong sigaw pababa ng hagdan.

Si Nanay na noon ay nagwawalis sa sala ay gulat na tumingala sa akin. Naitukod ko ang dalawang kamay sa aking tuhod habang binabawi ang aking hininga. Kinailangan ko pang pakalmahin ang aking sarili bago nagakapagsalita. Naunahan ako ng taranta at kaba!

"O-Oh apo, anong nangyari sa iyo?"

Tiningala ko si Nanay at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Sa gimbal sa kaniyang mukha ay tiyak kong iyon din ang nakikita niya sa akin.

"S-Si Sir Pancho po, Nanay! Mataas po ang lagnat!" garalgal ang boses kong sumbong sa kaniya.

Nakita ko na mula sa gulat ay napalitan iyon ng kaginhawaan. Kumunot ang aking noo na noo'y natataranta pa rin. Ngumiti siya sa akin at umiling. "Iyon lamang pala, akala ko ay kung napaano ka na," tila wala lang niyang sabi.

Napapadyak ako ng aking mga paa. "Anong wala, Nanay? Si Sir po mataas ang lagnat!"

Hinila ako ni Nanay sa kusina. Halo ang taka at kaba ay nagpatianod lamang ako sa kaniya. Pinanuod ko siyang kumuha ng maliit na palanggana at nilagyan iyon ng maligamgam na tubig. Naghanda rin siya ng gamot at isang baso ng maiinom na tubig.

"Ganiyan talaga ang bata na iyan kapag nagdaramdam. Naalala kong huli iyang nagkaganiyan ay noong mamatay ang ina niya. Labis din akong kinabahan noon dahil maliit pa noon si Pancho at tanging ako lang ang kasama niya rito noon. Nagpadala lamang si Sir Domingo ng doktor dahil busy siya noon," ang mahabang paliwanag ni Nanay. "Marahil sa laki ng epekto ng pag-iwan sa kaniya ni Ellie ay nagkaganiyan siya. Nasisiguro ko na hindi na naman iyan makatutulog nang maayos sa gabi."

Natahimik ako sa sinabi ni Nanay. Hanggang sa nakabalik kami sa kwarto ni Sir Pancho at dinaluhan niya si Sir ay tahimik lamang akong nakamasid. Nakaramdam na naman ako ng ibayong lungkot. Sa isipan ko ay nakikita ko ang batang si Sir Pancho na malubha ang sakit, hinahanap ang kaniyang ina, pero wala siyang natanggap na aruga. Sa unang pagkakataon ay nainis ako kay Ninong. Ngayon alam ko na kung bakit gayon na lamang kalayo sa kaniya si Sir Pancho. Mabuti na lamang at mayroon pang Nanay Matilda na natitira sa kaniya noong mga panahon na iyon.

At ngayon, narito na rin ako.

"N-Nanay... magtatagal po ba ang pagdaramdam ni Sir Pancho?" naluluha kong tanong.

Bumuntonghininga si Nanay at marahang hinaplos ang aking buhok. Mariin kong pinigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Nasasaktan ako para kay Sir Pancho. Nasasaktan akong makita siyang ganito. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito. Hindi ko maiwasang kabahan dahil mukhang sobrang lakas ng nararamdaman kong ito. Tila pinipiga ang puso ko.

"Magiging maayos din siya, apo. Lagnat lamang ito at malayo sa bituka." Tiningala ko si Nanay. "Mukhang ikaw ang hindi maayos."

Natigilan ako sa kaseryosohan ng mga mata ni Nanay. Dinig ko ang lakas ng pintig ng aking puso, tila ba nahuli ako sa isang krimen na hindi ko naman ginustong gawin. Ni hindi ako nakapagsalita.

Mabuti na lamang at may kumatok sa pinto ng kwarto ni Sir at niluwa noon si Ninong. Kung nagulat ako, mas lalo yata si Nanay. Dire-diretso si Ninong sa paglalakad, ang mga mata ay hindi inaalis sa anak. Nakitaan ko ng pag-aalala at lungkot sa kaniyang mga mata.

"How is he?" ang unang lumabas sa bibig niya.

Si Nanay ang sumagot, "Lagnat lamang, Sir. Mawawala rin naman ito paglaon. Ganiyan din siya noong namatay ang... Mommy niya."

Hindi ko akalain na sasabihin ni Nanay iyon. Wala namang paninisi sa tono ng boses niya, pero mukhang natamaan noon si Ninong. Lumapit pa siya sa anak at nagulat kami noong kinuha niya ang tela sa noo ni Sir Pancho. Binasa niya iyon, piniga, at muling nilagay sa noo ng anak.

"I know I was never a good father to this kid. Wala namang ibang dapat sisihin kung bakit siya nagkaganito kung hindi ako. He always wanted my attention, but I never gave that to him. Kahit noong namatay ang asawa ko, napabayaan ko pa rin siya. Huli ko na napagtanto na walang yaman ang makatutumbas sa anak at sa pagiging magulang mo sa iyong mga anak." Tipid ang ngiti na tumingin siya kay Nanay. "Thank you for being there for Pancho when I can't, Matilda." "Naku, Sir, kulang pa po iyan sa kabutihan niyo sa akin at sa mga tulong ng pamilya niyo sa pamilya ko. Tsaka parang anak ko na rin itong si Pancho. Masaya ako at mukhang nagbabalik na ang alaga ko."

Masaya ako para kay Nanay. Hinawakan ko siya sa kamay noong nakita kong magpunas siya ng luha. Mahal na mahal niya talaga si Sir Pancho.

"I can't accept at first that Pancho chose to love another man. Pero noong nakita ko kung gaano siya kasaya, hindi na ako pumigil. Nasasaktan ako na muli ay nasaktan siya," si Ninong. "I hope time will come that Pancho can forgive me. I kind of miss him calling me Dad."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Masuyong hinaplos ni Ninong ang buhok ni Sir Pancho bago nagpasyang umalis. May meeting pa raw siyang hahabulin. Katatalikod lamang niya noon nang makarinig kami ng boses.

"Dad?" si Sir Pancho na bahagyang nakabukas ang mga mata! "You finally came. Thanks, Dad."

Hindi pa man kami nakababawi ay muli siyang bumalik sa pagkahihimbing. Mukhang nasa pagitan ng pagtulog at paggising si Sir Pancho kanina, pero ang makita siyang tila batang nakangiti habang tinatawag ang ama ay nakamamangha. "Sorry, son. Pasensiya na at ngayon lamang kita napansin."

Nagkatinginan kami ni Nanay noong makita namin si Ninong na umiyak. Masaya siyang inakay ni Nanay palabas para ihatid siya sa kaniyang pag-alis. Ako naman ay nagpaiwan sa kwarto ni Sir Pancho.

"Ikaw na ang bahala sa kaniya, Terenz. I know I can count on you."

Inalala ko ang sinabi na iyon ni Ninong at kahit hindi na nila sabihin, aalagaan ko pa rin siya. Ako na ang bahala kay Sir Pancho.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas pero naramdaman ko na lamang ang malumanay na haplos sa aking buhok sa gitna ng aking pagtulog. Nakatulog pala ako! Dagli kong inangat ang aking katawan at nakita ko kaagad si Sir Pancho na gising na at nakaupo na sa kaniyang kama. Madilim na rin noon sa labas.

"Hm? You're awake now?" nakangiti niyang sabi.

"S-Sir!" gulat kong sambit. "P-Pasensiya na po at nakatulog ako. M-Maayos ka na ba? Gutom ka na siguro. Bababa ako para kuhaan ka ng makakain," taranta kong sabi. Narinig ko siyang tumawa kung kaya ay natigilan ako. Tumatawa si Sir Pancho. Napatawa ko siya. Natameme ako sa kaniya dahil sa labis na mangha.

"It's okay, Renz. Hindi pa ako gutom." Ngumiti siya ulit habang nakatingin pa rin sa akin. "Thank you for taking care of me."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Sinsero ang pagkasasabi niya noon at sa unang pagkakataon ay parang matutunaw ang puso ko. Kung sa umpisa siguro at ganito siya kaagad sa akin, baka mas lalo ko siyang minahal. Minahal ko nga siya kahit magaspang pa ang ugali niya, eh! Pero sobrang nasisiyahan ako na nagbabago na siya. Tama nga siguro ang sinasabi nila na kapag nasaktan ang isang tao ay nag-iiba ka.

"Pumunta si Dad rito kanina, tama ba?"

Napaangat ako ng tingin nang sinabi niya iyon. Gising pala talaga siya? Tumango naman ako sa kaniya bilang tugon.

"That old man, it took him this long to finally notice me. Siguro ay ayain ko siyang maglaro ng golf sa mga susunod na araw," masaya niyang pagbabalita. "Anyway, come here."

Tinapik niya ang pwesto sa gilid ng kama katabi niya at nanlalaki ang mga mata na tinuro ko ang aking sarili. Natawa siyang muli habang tumatango at parang uuod naman akong sumunod. Dahan-dahan at kinakabahan akong naupo sa tabi niya. Siya naman ay tinitignan ang bawat kong galaw.

"Relax, I won't eat you." Pinakatitigan niya ako ng maigi at hindi ko maiwasang mailang. "You're so kind to me and I am very thankful na natagalan mo ako. Alam kong selfish itong sasabihin ko pero... I really hope you'll stay with me, Renz. Ngayon ko lang ito aaminin, but I feel so calm and happy when you're around. Kahit noon pa, really."

"S-Sir..."

Yinakap niya ako bigla na hindi ko napaghandaan. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa punto na iyon. Sobrang bilis ng kabog ng puso ko na sumasakit na ang aking dibdib. Hindi ko alam kung yayakap ba ako pabalik o hayaan na lamang si Sir na gawin iyon sa akin.

"Sobrang laki na ang naidulot ng pag-iwan ni Mommy sa akin, ang pagtraidor ng mga kaibigan ko noon sa akin, at lalo na ang pag-iwan sa akin ng taong labis kong minahal." Bawat bulong niya sa aking tenga ay kumikiliti sa aking tiyan. "Kahit isa manlang. Kahit may isa manlang na matira at hindi ako iwan. I hope it will be you. Please, stay. Please stay, Renz."

Nanginig ang aking labi at naipikit ko ang aking mga mata. Hinaplos ko ang malambot na buhok ni Sir Pancho. Ang lalaking ito... hawak na niya ang buong puso ko. "Hinding-hindi kita iiwan. Iyan ang pangako ko sa iyo, Sir Pancho."

Humiwalay siya sa pagkayayap sa akin at nakita ko ang malamlam niyang mga mata. Hindi ko mapangalanan ang emosiyon na naroon. Mula sa aking mga mata ay bumaba ang titig niya sa aking mga labi. Kasabay ng pagtulo ng mga butil ng luha sa aking mga mata ay ang paglapat ng labi niya sa akin. Kung ito ang kailangan niya ngayon, ibibigay ko ng buo ang aking sarili. Hindi ko na naisip noon na kapag binigay mo pala ang lahat sa pagmamahal at iniwan ka ng tao na iyon, wala nang matitira sa iyo sapagkat naubos mo na sa maling tao.

Nanatili naman ako pero... bakit?

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report