Pancho Kit Del Mundo
[2] Terenz Dimagiba

Nakangiti akong napaupo sa aking hindi kalakihan pero komportableng kama habang nagpapatuyo ng aking buhok. Kanina ay buong araw akong inikot at i-n-orient ni Lola Matilda rito sa buong mansiyon. Nakapapagod na masaya. Iyon nga lang, hindi ko alam kung saan at paano uumpisahan ang magiging trabaho ko bilang personal housekeeper ni Sir Kit na hindi ko pa nakikita o nakikilala.

Malakas akong napabuntonghininga.

"Kaya mo 'yan, Terenz, para sa pamilya mo," bulong ko sa aking sarili na nakapagbigay ngiti sa aking mga labi.

Naglakbay na naman ako sa aking pangarap para sa aking pamilya at sa mga planong nais kong buoin sa hinaharap. Kahit pa man may mga pangarap din ako para sa aking sarili, mas inuuna ko pa rin ang para sa aking pamilya. Ang tanging nais at hiling ko lang naman ay maging isang asensadong anak para sa kanila.

"Hay, ano ba 'yan. Nagdadrama na naman ako," natatawa kong sambit.

Nakadama ako ng pagkauhaw kung kaya ay napag-isipan kong bumaba muna para makainom ng malamig na tubig. Mamaya ko na siguro kukumustahin sina Nanay at Tatay pati na rin si Buboy gamit ang cellphone na pinahiram sa akin ni Ninong. Iyon daw ay kinalumaan na niya kung kaya ibinigay niya muna sa akin. Medyo nahirapan nga ako noong una kasi napakamoderno noon, iba sa alam ko na de-keypad at maliit lamang.

Dahan-dahan akong bumaba para hindi makalikha ng ingay dahil halos tulog na ang lahat. Napatitig pa nga ako sa katapat ko na pinto, nakauwi na kaya iyong amo ko? Eh, ano ba sa akin iyon? Hindi ko naman trabaho ang pagiging gwardiya niya.

Dumiretso na lang ako pababa hanggang makarating ako sa madilim nang kusina. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon na buksan ang ilaw, may liwanag namang pumapasok mula sa labas. Pakanta-kanta pa ako papunta sa tapat ng refrigerator, napalunok ako nang makakita ng matatamis na pagkain sa loob. Lalo na sa mga tsokolate na nandoon. Grabe, mahilig yata sa matatamis ang magiging alaga ko. Iniling-iling ko ang aking ulo at kinuha na lang ang pitsel na naglalaman ng malamig na tubig. Sinubukan kong hindi matemptar na kumuha ng ni isang tsokolate roon na napagtagumpayan ko naman. Tahimik lang akong naglalagok ng tubig nang makarinig ako ng langitngit. Dagli akong natigilan sabay nakiramdam.

"Sino 'yan? Sinong nandiyan?" Linakasan ko ng kaunti ang aking boses dahil baka isa sa mga kasambahay pala iyon at nakita akong natulala kanina sa mga tsokolate. Naku, wala po akong kinuha kahit isa kahit laway na laway na ako roon. Promise.

Maingat kong inilapag sa counter ang baso ng tubig na aking ininuman ng pagkatapos ng mga langitngit ay mga yabag ng mga paa naman ang aking narinig. Patay. Mukhang magnanakaw pa yata ito. Magnanakaw ba ito ng tsokolate rito? Teka, kanakaw-nakaw ba ang tsokolate rito sa Maynila? Kapag sa amin kasi, oo 'yan. Minsan lang may tsokolate sa aming mga dukha. Malay natin, dito rin pala. Naku.

Dahan-dahan akong naglakad sa dilim papuntang sala at halos muntik na akong mapatili nang nakakita ako ng bulto ng tao! Mabilis akong bumalik sa may pader sa kusina at nagmanman doon. Nakita ko sa orasan sa sala na alas-dyes na ng gabi. Grabe, kanina pa siguro naghihintay itong magnanakaw sa labas na mamatay ang lahat ng ilaw rito sa bahay. Takam na takam na siguro sa tsokolate at hindi na nakapaghintay pa ng hatinggabi.

Maingat akong lumabas mula sa pader nang nakita kong nakatalikod sa akin ang bulto. Pasuray-suray nga ang lakad nito, tila lasing pa. Nakasuot ng itim na jacket, itim na pantalon na tila butas-butas, nakakulay abo na parang bota na pangmayaman. Sosyal din pala ang mga mandurugas dito sa Maynila, yayamanin. Baka naman iyang mga suot niya ay nakaw rin? Naku.

Napasinghot ako ng kaunti at mula sa kakaunting layo ko sa bulto, amoy na amoy ko ang tila mamahalin at napakabangong pabango. Iyon lang, nakaamoy rin ako ng alak at usok ng sigarilyo mula rito. At infairness naman, matipuno ang katawan ni Kuyang magnanakaw. Tila bato-bato, malaki, macho.

Bumalik ako sa katinuan nang nakita ko na itong palapit sa hagdan ng mansiyon. Hindi! Baka sa kwarto ng alaga ko siya magnanakaw. Hala, baka kakilala ito ni Sir Kit? Patay, kailangan ko nang kumilos. Kumuha ako ng isang unan na maliit sa may sofa nila. Bahala na, ito na lang ang ipapalo ko sa kaniya. Mag-iingay na lang din ako pagkatapos para magising sina Lola Matilda.

Nasa may likuran na niya ako at bago pa siya makahakbang sa isang baitang ng hagdan ay pinagpapalo ko na siya ng unan.

"Magnanakaw! Ahh! Lola Matilda may magnanakaw! Magnanakaw!" hestirikal kong sigaw habang pinagpapalo pa rin si Kuyang macho ng unan.

"What the fuck! Who the hell -" putol nitong ani pagkatapos ay mabilis na hinawakan ang mga kamay ko na pumapalo sa kaniya. Napakalakas niya!

"Magnanakaw ka! Magnanakaw! Lola Ma-hmp!"

Natahimik ako. Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingala sa mataas na hagdan. Nanghina maging mga tuhod ko. Ang kamay ko na nakahawak sa unan na pinapalo ko kanina sa Kuyang macho na ito ay agaran kong nabitawan. Hinahabol ko ang aking hininga at ang kaninang amoy ng alak na naaamoy ko sa kaniya ay tila nagpalasing din ngayon sa akin. Isang malambot at mainit na bagay ang ngayon ay nakadikit sa aking mga labi. Hinila ako ni Kuyang macho sa aking bewang at mabilis akong hinalikan, nakapagpatahimik sa akin.

"That shut you up. Ellie, baby, it's me you know," tila lango niyang sambit habang nakatitig ako sa pares ng kulay abong mga mata na mapupungay, halos pumikit na, marahil ay dala ng kalasingan.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Doon ko natitigan ng mabuti si Kuyang macho. Mapaglaro ang abo niyang mga mata, may mumunti siyang mga balbas sa mukha na nakakikiliti sa akin kanina noong hinahalikan niya ako. Perpektong mga panga. Makapal ang paarkong mga kilay. Makapal pero mapulang hugis puso na mga labi. Hindi ko makalilimutan ang tamis at lambot noon sa akin. Nakahahalina ang tila preskong dagat niyang amoy, alam mo 'yun? Naaalala ko ang karagatan sa kaniya. Bumukas ang ilaw sa paligid at doon ko lang naalala ang tinawag ni Kuyang macho sa akin na nakatulog na sa aking balikat. Ellie. Patay na, Terenz. Mukhang kilala ko na ang taong akay ko na ngayon.

"Terenz apo, ano bang -" Natigilan si Lola Matilda at ilang kasambahay sa likuran niya na napagtagumpayan ko yatang gisingin. "Ay, jusko! Si Sir Kit, nauwi na namang lasing. Naku, itong batang ito nag-bar na naman siguro sila ng mga kabarkada niyang iyon. Sinundo nga pala siya rito kanina ni Sir Axel."

Hindi ako nakapagsalita kahit pa inakay na rin siya ni Lola at sabay namin siyang dinala sa kaniyang kwarto. Pinatanggal sa akin ni Lola ang suot niyang sapatos at hayaan na raw siyang matulog kahit nakasuot pa ng damit. Ganoon naman daw siya palagi kapag napapa-bar silang magbabarkada. Minsan nga raw ay sa sala na nila siya nakikita pagkaumaga.

Tinitigan ko pa siya na nahihimbing na bago ako lumabas sa kaniyang kwarto. Grabe.

Ang gwapo-gwapo pala ng magiging alaga ko.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report