Pancho Kit Del Mundo
[39] Terenz Dimagiba

"Ah!"

Mahigpit akong napakapit sa mga braso ni Kit nang sunod-sunod ang naging pagpasok niya sa akin. Pinuno niya ng halik at kagat ang mga balikat ko habang ako ay hindi na mahabol pa ang aking hininga. Pakiramdam ko ay unti-unti niya akong kinakain ng buo.

"Fuck..." narinig ko ang hapo at mahina niyang mura.

Kanina ay nasa masaya kaming hapunan na prinepara niya. Hinarana niya ako at naging masaya ang momento na iyon sa aming dalawa. Marami kaming napag-usapan hanggang sa ang paunti-unting pag-iinom ng alak ay pumasok sa aming sistema.

Hinayaan namin sina Nanay at ang ibang kasambahay na ligpitin ang mga pinagkainan sa labas. Hindi na naawat si Kit noong hinila na niya ako papunta rito sa kaniyang kwarto. Kanina nga noong nasa sala pa lamang ay sinunggaban na niya ako ng halik, mabuti na lamang at hindi nila kami naaninag mula sa labas.

"A-Ah! Kit!"

Napatingala ako nang tatlong beses siyang dumiin sa akin. Hindi ko na naiisip ang langitngit ng pinto kung saan niya ako sinandal habang ako ay kaniyang buhat. Ang mga damit nami'y basta na lamang ding nagkalat sa sahig. Pakiramdam ko ay bukod sa init ng alak, sinisilaban din ako ng aming aktibidad.

"I love you..." hapo niyang bulong sa aking tenga. "Mahal na mahal kita, Terenz."

"Terenz!"

Napatalon ang aking katawan nang mangibabaw ang baritono na boses na iyon. Mula sa gwapong mukha ni Kit ay napalitan iyon ng mukha ni Kayin. Agarang kumunot ang aking noo at tumingin sa paligid. "Kai?" tawag ko sa palayaw niya.

"What happened to you? You've spaced out," aniya.

Doon ko naalala na inaya niya nga pala ako ngayong vacant para ipinta ako. Ang bagay na hindi ko pa nasasabi kay Kit! Pero hayaan na, mukhang hindi ko na masasabi pa. Narito na, eh. "Pasensiya na, Kai. May naalala lang."

Nakita kong tinignan niya ako ng nagdududa kung kaya ay mas ngumiti ako sa kaniya. Umiling siya at hinanda na ang iba't ibang kulay niyang mga pinta. Pinaghahalo niya ang iba roon at talaga namang nakamamangha.

Ang buhok niyang matingkad sa pagkadilaw ay nakatali ang iba, habang ang iba ay malayang nakababa. May kahabaan kasi ng kaunti ang buhok niya at ang iba roon ay maaaring itali. Habang tinitignan ko si Kayin ay mas nakita kong gumwapo siya roon. Lalo na kapag lumalabas ang mga biloy niya.

"Can you sit straight for me, Renz?" utos niya pagkaharap sa akin na kaagad ko namang sinunod.

Nasa isang bakanteng kwarto kami ngayon kung saan ang sinag ng araw ang umuukupa sa paligid. Tahimik dito pero hindi naman nakababagot. Isa pa, maraming paintings ang nakasabit sa mga dingding. Hula ko ay painting room talaga ito rito.

"Don't look anywhere, Renz. Look only at my direction," narinig kong muli na sambit ni Kai.

Napalunok ako nang magtagpo muli ang mga paningin namin. Sobrang seryoso niya habang tinitignan ang bawat anggulo ng mukha at katawan ko. Hindi mapigilang manginig ng mga daliri ko sa biglang kaba na nadama. Pakiramdam ko kasi hinuhuburan ako gamit ng mga titig niya.

"P-Pasensiya na. Nakatutuwa kasing tignan ang mga paintings dito," palusot ko.

Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi niya pero ang mga daliri ay patuloy pa rin sa pagpinta sa akin. Bahagya kong tinaas ang katawan ko para masilip ang ginagawa niya, pero nahalata niya yata kung kaya ay mabilis niya iyong nilihis. Napanguso ako.

"You can take a look later. It won't be a surprise anymore," nakangisi niyang saad.

Ilang posisyon pa ang pinagawa niya sa akin. May ibang nakaiilang at nakangangawit, pero dahil nahihiya akong mahalata niya ay pinilit ko lang din na gawin.

"Ganito?" tanong ko nang sabihan niya ako ng bagong posisyon.

"Hindi. I said look slightly to the right."

"Paano? Ganito ba?"

Bumuntong hininga siya at binaba ang kaniyang sketchpad. Nahihiya akong ngumiti kasi hindi ko matumbok ang sinasabi niya.

Nakita ko siyang tumayo at lumapit sa akin. Humawak ang isa niyang kamay sa bewang ko na mabilis kong kinakaba. Napalunok pa ako dahil biglang ang lapit ng mukha niya sa akin. Humagod ang mga daliri niya sa baba ko at pinuwesto ang ulo ko sa tamang direksiyon na kaniyang nais.

"Like this..." bulong niya. "You're so thin."

Napasinghap ako nang pisilin niya ang bewang ko. Mabilis akong napabaling sa kaniya at hindi ko na nabawi pa ang aking hininga nang bahagyang magtama ang aming mga labi.

"K-Kai..." kinakabahan kong banggit sa pangalan niya.

Hindi ako nakagalaw noong humapit ang isa niyang kamay sa likod ko para lumapit ang katawan namin sa isa't isa. Nakaramdam ako ng panlalamig nang sumiil ang labi niya sa akin. Pakiramdam ko ay nabato ako sa aking kinauupuan. Nang mabawi ko ang aking sarili mula sa pagkatulala ay dagli ko siyang tinulak at nasapak.

"Anong ginagawa mo?" sigaw ko sabay punas ng aking mga labi gamit ang aking braso.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Gulat siyang napatingin sa akin at nakakitaan ko ng konsiyensiya ang kaniyang mga mata.

"T-Terenz, I... didn't mean to. I'm sorry."

Umiling lamang ako sa kaniya sabay sukbit ng bag ko para makaalis na roon. Ramdam ko ang pagnginginig ng mga tuhod ko pero pinilit ko pa rin na makaalis at makalayo roon. Kahit tinatawag niya ang pangalan ko ay hindi na ako lumingon. Nang makalabas at makalayo, napasandal ako sa pader kung nasaan ako. Paulit-ulit kong pinupunasan ang aking mga labi na noo'y nanhahapdi na. Kinakabahan ako, natatakot. Naiisip ko si Kit. Pakiramdam ko ay nagtaksil ako kahit hindi ko naman iyon ginusto!

"Kumalma ka, Terenz. Okay lang iyan, wala kang kasalanan," pang-aalo ko sa aking sarili.

Hindi ko napaghandaan na gagawin iyon ni Kai, ni hindi sumagi sa isip ko na gagawin niya iyon. Bakit? Gusto niya ba ako?

Inis akong napasabunot sa aking sarili.

"Hindi ko na nga sinabi kay Kit na ginawa akong model ni Kai, tapos dumagdag pa ito..."

Hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko. Marami akong naiisip na masama kung sakali na malaman niya. Pero hindi niya naman iyon malalaman kung hindi ko sasabihin, hindi ba? Hindi ko lang alam kung makakaya ng konsiyensiya ko. At kung malaman man niya, ano ang maaari niyang gawin sa akin? Hihiwalayan niya kaya ako?

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report