Pancho Kit Del Mundo
[43] Terenz Dimagiba

Lumipas ang mga araw at akala ko'y malulumbay ako na wala siya sa tabi ko. Walang araw na hindi ako tinatawagan o kinukumusta ni Kit. Lagi niyang sinasabi sa akin kung saan siya pumupunta, ano ang ginagawa niya, at kung sino ang mga nakausap niya noong araw na iyon. Labis akong natutuwa dahil nagpakatotoo siya sa akin.

"I didn't tell you because I don't want you to worry. Are you mad?" halatang kabado niyang tanong sa akin.

Hindi kaagad ako sumagot. Sa totoo lang, nais kong mainis ngunit hindi ko ikakaila na natuwa ako. Inamin niya sa akin na may ka-meeting siyang businessman at ipagkasusundo sa kaniya ang anak na babae nito pero hindi niya tinanggap. Babawi lang ako ng kaunti.

"Kit," seryoso kong tawag sa pangalan niya. "Bakit hindi mo tinanggap? Para rin sa business niyo iyon."

Inipit ko ang mga labi ko nang marinig ko ang singhap niya sa kabilang linya. Narinig ko pang tila ay may mga nalaglag na bagay sa sahig.

"Are you for real? Terenz, don't make me mad. Alam mo kung bakit tinanggihan ko iyon," inis nga talaga niyang sagot.

Napangiti ako, pinipigilan ang ambang tawa. Kahit magkalayo kami, hindi na talaga ako nangangamba.

"Bakit?" tukso ko. "Gusto kong marinig mismo ang rason."

"Mahal kita," mabilis niyang tugon na nagpaluha sa akin. "Ikaw lang ang para sa akin."

Napapikit ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko. Sa pagkakataong iyon ay muli akong nahulog sa lalaking ito. Ang lalaking sobrang mahirap pero napakasarap ding mahalin.

"Mahal na mahal din kita. Hihintayin kita, Kit."

Tuluyan nang nawala ang kaba sa dibdib ko hindi kagaya noong mga unang araw na wala siya. Hindi ako halos makatulog sa gabi at halos maubos ko ang natitirang amoy niya sa higaan kasisinghot. Ngunit dahil pinawala niya ang kaba ko, hindi ko na namamalayan na matagal na pala siyang malayo sa akin. Tinatak ko sa utak ko na magtiwala lang kami sa isa't isa.

"Si Kai pala" Natigilan ako sa pagwento ko tungkol sa pagkapanalo ni Kayin sa painting contest nila nang marinig ko ang pagtahimik sa kabilang linya. "Kit?"

Nakarinig ako ng mabigat na paghinga mula sa kinaroroonan niya at napagtanto kong nakatulog na yata siya. Napangiti ako. Malalim na rin ang gabi kung nasaan siya at panigurado ay pagod na rin siya.

"Dalawang araw na lang. Miss na miss na kita," pabulong ko na pagsalita. "Goodnight, babe."

Dalawang araw na lang at babalik na siya.

Iyon ang kaso pero bakit wala na akong natatanggap na tawag o mensahe sa kaniya? Sabi niya kagabi ay libreng araw niya ngayon at bukas ng gabi ay uwi na niya. Ngunit kanina paggising ay nagpadala ako ng mensahe sa kaniya, hanggang ngayong tanghali ay wala pa ring tugon.

May nangyari kaya? Hindi ko maiwasang kabahan.

"You look so tense. May problema ba?"

Napatingin ako sa kaharap kong si Kayin na noo'y umiinom sa kaniyang iced coffee. Niyaya niya kasi ako sa isang café ilang lakad lamang ang layo sa campus. Napabuntonghininga ako at pinaglaruan ang straw sa sarili kong inumin. "Si Kit kasi..." pabulong kong maktol.

Nakita ko kung paano umiling si Kai. Tila ba pinapahiwatig na alam na niya kung bakit kanina pa ako hindi mapakali at patingin-tingin sa cellphone ko.

"What a surprise. Si Del Mundo lang naman palagi ang problema mo. Bakit? Hindi na nagpaparamdam?" diretsa niyang saad.

Sinamaan ko ng tingin si Kayin at natatawa naman siyang nagtaas ng dalawang kamay. Isang 'to, porke't natutuwa ako sa panlilibre niya ngayon dahil sa pagkapanalo niya sa exhibit sinasamantala nang tuksuhin ako.

"Nag-aalala lang kasi ako. Bukas na ang uwi niya at sabi niya kagabi'y wala siyang gagawin ngayong araw at magpapahinga na lamang. Pero hanggang ngayon wala pa rin siyang reply sa akin o tawag," sumbong ko.

"Hmm..." Sumipsip si Kai sa iced coffee niya, tila nag-iisip. "Baka may gagawing sorpresa? Alam mo na, hindi magpaparamdam para kabahan ka tapos bigla na lang lilitaw mamaya at uuwi na pala. Things like that," mahaba niyang paliwanag. Nabuhayan naman ako bigla ng loob.

"Sa tingin mo?"

"Not sure."

Napasimangot ako. Nakaiinis naman!

"Iyong sekretarya niya hindi mo kinontak?"

Natigilan ako at muling nag-alala na tumitig sa cellphone ko. Iyon nga ang kinababahala ko. Maging si Ate Maia ay hindi ko makontak.

Pagkauwi ko sa mansiyon ay sinubukan ko ring tawagan si Ninong para ipaalam ang pagkabahala ko. Aniya ay baka raw nagliwaliw ito sa New York at in-enjoy muna ang araw ng pahinga. Kahit na! Kung ganoon nga, sana nagsabi manlang siya maging si Ate Maia. Bakit ba parang ako lang itong hindi mapakali?

Umasa rin ako na baka nga kagaya ng sabi ni Kayin ay may sorpresa, kaso alas-otso na ng gabi at wala pa rin. Napayamukos ako sa dibdib ko. Sobra na akong kinakabahan.

Paano kung... nagkita nga silang muli roon?

Mabilis akong umiling. "Kalma, Terenz. Uuwi na siya bukas. Oo. Uuwi na siya bukas."

Pinilit kong tumayo para makababa na para sa hapunan. Hindi ko na naisip kung bakit hindi ako tinawag ni Nanay. Puno ng napakaraming kaisipan ang isip ko na tila lutang na ako. Gusto ko nang magpalit ng araw, hindi na ako makapaghintay bukas.

"Patayin niyo na iyan at baka pababa na siya!" Nagitla ako sa galit na boses ni Nanay Matilda.

"N-Nanay hindi naman siguro totoo ano? B-Baka namamalikmata lang tayo?"

"Anong hindi totoo! Si Sir iyan, oh! Klarong-klaro. Naku sabi na nga ba, eh! Kawawa naman si Terenz."

"Sabi nang patayin niyo na!"

"Nanay?"

Gulat at halos mabali ang mga ulo nila nang sabay silang mapatingin sa gawi ko. Nasa baba na ako noon ng hagdan at papalapit na sa kanila sa sala na mukhang may pinapanuod sa telebisyon. Nakita ko silang mataranta, pero bago pa nila mapatay ang TV ay kitang-kita ko na kung ano ang naroon.

Planning your weekend reading? Ensure you're on

05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "New York's Ice Angel - Ellie Saavedra - met a terrible accident in the Winter Cup Grand Finals held yesterday at the New York's arena. It is said that the famous ice skater injured his one leg and news leaked from the hospital where he is right now that it is very severe. Let's tune-in for more updates regarding to the ice angel's condition" Nabingi ako sa balitang iyon na kasalukuyang pinalalabas sa telebisyon.

Sinasabi roon na naaksidente raw si Sir Ellie habang nasa paligsahan. May ilang larawan na pinakita sa araw mismo na naaksidente siya. Nakahiga sa yelo hawak ang isa niyang paa habang mukhang namimilipit sa sakit. Pero kahit ganoon, wala siyang pinagbago. Siya pa rin ang tila anghel sa ganda na Sir Ellie na nakita ko.

"Patayin niyo na!" utos ni Nanay na kaagad naman nilang sinunod. "T-Terenz, ijo. Huwag ka munang mag-isip. Hintayin mo siyang magpaliwanag bukas, ha?"

Mula sa pagkatulala sa telebisyon ay nalipat ang paningin ko kay Nanay. Pakiramdam ko ay nakalutang ako. Tila sasabog ang dibdib ko. Naninikip iyon at tila may sumasakal sa akin dahilan para hindi ako makahinga. Lahat sila ay nakatingin sa akin na tila ba nakaaawa ako.

"N-Nanay... uuwi pa kaya siya b-bukas? Uuwi pa kaya siya sa akin?" sambit ko sa napipiyok na boses.

"Apo..."

Lumapit si Nanay sa akin at saka ako niyakap. Hindi ako nakagalaw. Nanatili akong tulala habang patuloy sa pagpatak ang aking mga luha.

Sariwa pa rin sa utak ko ang isang partikular na larawan na pinakita rin kanina sa TV. Kuha iyon sa hospital kung saan naroon si Sir Ellie. Wala lang sana iyon pero kitang-kita siya roon. Papasok at tila nag-aalala ang expresiyon. Kahit siguro gaano kalayo ang kuha o kalabo, makikilala ko pa rin siya. Walang parte sa katawan ni Kit ang hindi ko memoryado.

"Nanay ang sakit. Ang sakit-sakit po, Nanay," tuluyan kong hagulhol.

Napayakap ako nang mahigpit kay Nanay at hindi na napigilan ang palahaw ko. Tila dinidikdik ang dibdib ko. Buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit. Para akong pinapatay.

Naging kampante na ako, eh. Na babalik siya. Na uuwi siyang ako pa rin. Pero sino nga ba ang niloloko ko? Ang lugar na pinuntahan niya ay ang lugar kung nasaan ang taong nauna sa puso niya. Habang ako ay ang taong naging pansamantala niya lamang na tahanan.

Kaya pala walang mensahe o tawag. Kaya pala. Mukhang nakabalik na siya sa tunay niyang tahanan. Doon pa rin siya babalik. Doon pa rin siya uuwi. Habang ako ay narito at naiwang sawi.

Bakit, Kit? Nanatili naman ako. Hindi kita iniwan kagaya ng pakiusap mo. Pero bakit bumalik ka pa rin sa kaniya? Bakit siya pa rin?

Hindi pa rin pala ako naging sapat para palitan siya sa puso mo.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report