"Araw-araw ka bang nagtuturok tulad ng sinasabi ko?" tanong ni Doctora Vallero habang kinukuha ang BP ko.

Dahan-dahan akong tumango bilang tugon. "Nagtuturok ako ng Lupron araw-araw tapos Delestrogen naman pagkatapos ng dalawang araw," sagot ko.

Napatango siya matapos marinig ang sinabi ko at tuluyan nang binitiwan ang aking braso. "All right, very good. So far, ayos naman, ano?"

"Oo," maikling sagot ko sa tanong niya dahil sa labis na kaba. Mukha namang napansin niya na kinakabahan ako dahil tinapik niya ang aking balikat, marahil ay para pakalmahin ako.

"You can now lay down on the bed so I can check you. Kailangan muna nating masiguro na handa ka na for the embryo transplant."

"P-Paano kung hindi pa?"

"Then we're going to wait until you're ready," mahinahong sambit niya at muli akong nginitian.

Napalunok ako. "P-Paano naman kung handa na ang katawan ko na magbuntis?"

Muling tinapik ni Doctora Vallero ang aking balikat bago pumunta sa table niya at may kinuhang papel. Ibinigay niya iyon sa akin at agad ko namang tiningnan kung ano iyon. Listahan ng pangalan ang nakasulat doon. Mula sa mga pangalan nila, mapapansin kaagad na hindi ang mga ito Pilipino.

"S-Sino-sino itong mga ito?" taka at naguguluhang tanong ko bago ako nag-angat ng tingin sa kaniya.

"That's my colleagues from over the world. Matagal ko na silang kilala at alam kong expert na sila sa larangang ito kaya wala na tayong dapat pang ikapag-alala. Katulad ko ang trabaho nila at tutulungan nila ako sa embryo transplant na gagawin sa 'yo. I can't do that alone, you know?" Natatawang tanong niya sa akin.

Napalunok ako at muling tiningnan ang papel. Akala ko ay siya lang ang bahala pero marami pala sila. Talagang seryoso nga ang pinsan ni Doctora Vallero na siguruhin na 'the best' ang lahat para sa magiging anak niya. "Sigurado ka bang magaling sila? Kung totoo ngang the best sila sa trabaho na 'to, ang laki siguro ng binayaran ng pinsan mo at ng asawa niya para lang makuha sila at tulungan ka sa gagawin sa akin," manghang sambit ko.

Kaswal na nagkibit balikat sa akin si Doctora Vallero. "Barya lang para sa pinsan ko ang ibabayad sa kanila, Lyana. You don't know my cousin... he's hella rich. Walang makakatanggi sa kaniya dahil sa yaman niya," kalmadong sambit niya. "Ibig sabihin, pumayag ang lahat ng doctor na 'to na tumulong? Babayaran niya lahat?"

Tumango siya. "They are all experts in this field so of course, my cousin would want them to handle everything. Well, maliban na nga lang sa lalaking nasa pinakababa." Itinuro niya ang pangalan na nasa pinaka-ibaba ng papel. "He's my junior so I'm not sure if he's really good. Hindi ko pa siya nakakatrabaho. But the rest, they're all the best in this field so you don't have anything to worry about."

"Hihintayin pa ba natin sila? Sabi mo, galing ibang bansa ang mga ito, hindi ba?"

"Nah uh." Umiling si Doctora Vallero at kinuha mula sa akin ang hawak kong papel. "Matagal na silang narito sa Pilipinas. Pinasunod ko na sila kaagad para hindi na tayo mas lalo pang maghintay sa pagdating nila."

Muli namang umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. "Ibig bang sabihin, ako na lamang talaga ang hinihintay, ganoon ba?" Nahihiyang tanong ko sa kaniya.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Well, mukhang ganoon na nga. Pero it's still up to you pa rin. Ikaw naman ang magdedesisyon dahil katawan mo naman 'yan. We're just here to guide and treat you along the way. That's our job as your doctor."

Hindi ko mapigilang magpakawala ng malakas na buntong hininga at magbaba ng tingin. Sana naman ay ayos na nga itong katawan ko at handa na talaga akong magbuntis. Nakakahiya naman sa kanila kung mas papatagalin ko pa ang paghihintay nila. "Higa ka na, Lyana. Iu-ultrasound na kita."

Agad akong tumango bilang sagot kay Doctora Vallero at mabilis na tumayo sa aking kinauupuan upang humiga sa parang higaan kung saan ako iu-ultrasound. May malaking computer sa gilid niyon ngunit hindi na ako nag-abala pang tumingin dahil hindi ko rin naman iyon naiintindihan. Tanging si Doctora Vallero lamang ang nakakaintindi niyon kaya't nanahimik na lamang ako at humiga.

May kung anong jelly isyang ipinahid sa aking tiyan bago siya nagsimula sa pagu-ultrasound. Tahimik lamang siya habang ginagawa ang trabaho niya at sobrang focused sa ginagawa kaya naman hindi ko mapigilang kabahan. "M-May problema ba, Doctora Vallero?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya nang mapansing kanina pa siya tahimik.

Mas lalo naman akong kinabahan nang magtagpo ang kaniyang mga kilay habang nakatingin sa computer kung saan nakikita ang loob ng aking tiyan. Napalunok ako sa kaba samantalang mabillis naman ang tibok ng aking dibdib. Huwag niyang sabihin sa akin na hindi ako puwedeng magbuntis? Nanlaki ang aking mga mata at muling napatingin sa kaniya. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha niya kaya naman mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa labis na kaba.

Kapag hindi naman pala ako maaaring magbuntis, ibig sabihin, kailangan kong ibalik sa kanila ang downpayment na ibinigay nila sa akin bilang pambayad ko noon sa hospital noong inilabas ko si Thirdy roon. Isa pa, itong bahay... wala kaming matutuluyan ni Thirdy. Wala rin akong trabaho!

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Doctora Vallero?" pagtawag kong muli sa pansin niya.

Ibinaba niya ang hawak na ginamit na pang-ultrasound bago siya nag-angat ng tingin sa akin. Agad naman akong nakipagsukatan ng tingin sa kaniya habang hinihintay ang kung ano mang sasabihin niya. "Lyana..."

"M-May problema ba? P-Puwede ba akong magbuntis? Puwede naman, 'di ba?"

Nanatili siyang tahimik kaya't iiyak na sana ako ngunit laking gulat ko nang tumayo siya mula sa kinauupuan at pumalakpak. "OMG! Puwede ka nang magbuntis, OMG! Lyana, oh my gosh! Puwedeng-puwede na!"

Dahil sa sinabi niya ay hindi ko na nga mapigilang mapaiyak. Hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa kaba. "Salamat sa Diyos," mahinang usal ko bago pinunasan ang luhang pumatak sa aking pisngi.

"So... ready ka na bang magbuntis? Hindi 'yong katawan mo, ha, kasi ready na naman ang katawan mo. What I'm asking is you... mentally and emotionally. Tingin mo ba ay handa ka na? I will go ahead and call my colleagues so they can go here and do the transplant as soon as possible."

Nagbaba ako ng tingin at pinaglaruan ang aking kamay. Malakas akong bumuntong hininga bago marahang tumango bilang tugon sa tanong niya sa akin. "Oo." "Oo?"

"Handa na akong magbuntis."

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report