The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG) -
CHAPTER Thirteen
"Sure ka bang hindi scam 'tong trabaho na 'to, Jasrylle? Baka mamaya, ibugaw mo na naman ako, ha. Sinasabi ko sa 'yo, quoting-quota ka na. Isa pang aya mo sa akin sa ganiyang trabaho, hindi na talaga kita kakausapin kahit kailan." Umismid si Jasrylle at umirap dahil sa sinabi ko. "Ano ka ba naman, sismars? Hindi 'yon bugaw, ano. Ang sabi ko lang naman, samahan mong uminom 'yong mga matandang hukbluban sa bar. Hindi ko naman sinabing ikama mo. Saka ang arte mo, ha. Naka-dalawang anak ka na nga, feeling virgin ka naman diyan," prangkang sambit niya.
Wala akong nagawa kung hindi ang umirap sa kaniya bago binuksan ang pintuan ng silid namin ni Jarvis. Iniwan ko silang dalawa rito ni Jasrylle kanina dahil inihatid ko pa si Thirdy kina Tiyang para roon muna pansamantala. Hindi ko pa rin naman alam kung matatanggap ako sa trabaho kaya't naisipan kong isama si Jarvis para ipaalam sa magiging amo ko na may anak ako at isasama ko ang anak ko kung sakali mang matanggap nga ako sa pag-aapplyan kong trabaho. "Jarvis 'nak," tawag ko sa kaniya nang mabuksan ko ang pintuan.
Humarap siya sa akin at agad namang umangat ang isang kilay ko nang makita ang ayos niya. Suot niya ang bagong t-shirt na binili ko sa kaniya noong huling sahod ko at ang maong na shorts na ibinigay sa kaniya ni Tiyang noong huling birthday niya. Hindi rin nakatakas sa aking ilong ang matapang na pabangong gamit niya.
"Nak naman, mag-aapply si Mama ng trabaho, hindi tayo aattend sa binyag."
"Ang KJ mo naman, sismars! Ang bago-bago kaya nitong si Jarvis bebe, oh," sambit ni Jasrylle at lumapit sa anak ko. Inayos niya ang buhok nito kaya't wala akong nagawa kung hindi ang mapailing. "Guwapo guwapo naman nitong batang 'to. Mana ka sa tatay mo, ano? Hindi naman maganda 'tong nanay mo."
Agad na umangil si Jarvis bilang hindi pagsang-ayon sa sinabi ni Jasrylle. Tumakbo si Jarvis palapit sa akin at itinaas ang dalawang kamay na animo'y nagpapa-karga sa akin. Muli naman akong napailing bago siya kinarga kahit na ang totoo ay mabigat na siya at sumasakit na ang balikat ko.
"Ay, alam ko na kung anong pagkakaparehas niyo ng ugali niyang Mama mo, Jarvis bebe. Parehas kayong KJ, kaloka ha! Ayaw niyo sa akin? Ayaw niyong sumabay sa mga trip ko sa buhay? Kaya ang boboring ng buhay niyo, e." Wala akong nagawa kung hindi ang mapailing sa sinabi ni Jasrylle. Bahagyang humiwalay sa akin ng pagkakayakap si Jarvis kaya't i-chineck ko ang mukha niya. Buo-buo pa ang pulbo sa knaiyang mukha kaya't inayos ko iyon gamit ang isa kong kamay.
"Ang bango-bango naman ng anak ko, oh. Baka mamaya, isipin nila, mag-aapply kang may-ari ng bahay, ah," biro ko habang inaayos ang pulbo sa mukha niya.
"Para tanggapin nila tayo, Mama. Saka para patirahin nila tayo sa bahay nila."
Hindi ko mapigilang tipid na mapangiti nang marinig ang sinabi ni Jarvis. Mukhang nakarating na sa kaniya ang balitang wala na naman kaming pambayad sa renta. Lihim akong bumuntong hininga bago banayad na hinalikan ang kaniyang pisngi.
"Hahanap ng trabaho si Mama para maibili na kita ng ice cream, ha? Promise na 'yan. Kaya dapat good boy ka para hindi tayo paalisin sa kanila, okay?"
Marahang tumango si Jarvis bilang sagot sa tanong ko bago muling isiniksik ang ulo sa aking leeg. Nag-angat naman ako ng tingin sa gawi ni Jasrylle at sinenyasan naman niya ako na umalis na kami dahil baka mahuli pa kami sa oras na isinet ng tiyahin niya para makapag-apply ako ng trabaho.
Hindi na nagpabuhat sa akin si Jarvis nang mapansing lalabas na kami ng bahay. Mukhang naramdaman niyang nahihirapan na rin ako dahil sa bigat niya kaya't sabi niya ay maglalakad na lamang siya. May dala siyang backpack na hindi ko na inalam pa kung anong laman dahil sigurado naman akong laruan ang laman niyon.
"Sa bus terminal nalang daw kayo kikitain ng Tita ko tapos saka kayo pupunta roon sa village kung saan nakatira ang magiging amo mo kung sakali mang matanggap ka," sabi ni Jasrylle habang naglalakad kami palabas ng eskinita. "Hindi ka ba sasama sa amin?"
Mabilis siyang umiling. "May trabaho ako kaya hindi ako makakasama. Saka hindi ka naman pababayaan ng Tita ko kaya wala kang dapat na ikapag-alala. Balitaan mo na lamang ako kapag natanggap ka saka kapag lilipat na kayo ng bahay para naman makapag-despidida party ako para sa inyo."
"Tapos sinong invited? Mga ipis at daga sa apartment namin?" biro ko na siyang nakapagpatawa sa kaniya. Napailing na lamang kami habang naglalakad palabas. Nang makalabas ay ipinara niya lamang kami ng jeep ni Jarvis at humiwalay na siya sa amin.
Kinandong ko si Jarvis sa jeep dahil baka kapusin kami sa pamasahe. Medyo malayo rin kasi iyong bus terminal kung saan kami magkikita ng Tita ni Jasrylle kaya't hindi ko maiwasang mag-alala kung magkano ang isisingil sa amin. Isang daan lang ang dala kong pera... sana naman ay kasya na iyon.
"Bango naman ng anak mo, 'Neng. Mukhang anak-mayaman."
Ibinaling ko ang aking tingin sa katabi namin ni Jarvis sa jeep. Tipid ko siyang nginitian. "Anak ko, Ate, e," biro ko.
Mahina naman siyang tumawa dahil sa sinabi ko at walang nagawa kung hindi ang mapatango. "Nag-iisang anak? Mukhang bata ka pa, e," pag-uusisa niya pa.
"Pangalawa ho. Namatay 'yong panganay, e. Tapos siya ang sunod."
Napatango na lamang ang Ale at laking pasasalamat ko naman nang hindi na siya nag-usisa pa dahil hindi rin ako kumportable sa tanong na iyon. Hinigpitan ko na lamang ang kapit ko sa beywang ni Jarvis dahil baka biglang pumreno ang jeep. "Mama, tagal pa?"
"Lapit na, Jarvis," tanging sagot ko sa anak ko na mukhang kanina pang inip na inip sa biyahe samantalang ilang minuto pa lamang naman mula nang makasakay kami.
Hindi ko tuloy alam kung moody lang siya o talagang excited siyang pumunta sa bahay na pag-aapplyan ko ng trabaho dahil nalaman niya mula kay Jasylle na malaki ang bahay. Hindi pa kasi siya nakakatuntong sa ganoong klaseng bahay kaya't alam kong excited na excited siya na makapunta roon.
Ilang minuto pa ang hinintay naming dalawa bago kami tuluyang nakarating sa bus terminal. Mabuti na lamang at thirty pesos lamang ang siningil sa amin ng driver ng jeep kaya't sigurado akong kasyang-kasya ang isang daan para sa aming dalawa ni Jarvis sa loob ng maghapon.
"Mama, lapit na po baa ng bahay?" tila sabik na sabik na sabi ng akay kong si Jarvis.
Mahina akong tumawa bago nagkibit-ballikat bilang sagot sa tanong niya. Hindi ko rin kasi alam kung malapit na nga ba kami o hindi pa dahil hindi ko pa naman nakakausap ang tiyahin ni Jasrylle. "Neng? Neng, ikaw ba si Lyana?"
Nakuha ng atensiyon ko ang boses ng nasa-sixties na babae. Nakasuot siya ng pang-maid na damit kaya't agad kong naintindihan kung sino siya. "Kayo ho ang Tita ni Jasrylle?" Agad na tanong ko sa kaniya.
Dali-dali naman siyang tumango at animo'y nakahinga nang maluwag. "Ay oo, ako nga. Tawagin mon a lamang akong Manang Lerma. Sabi kasi ni Jasrylle sa text sa akin ay naka-kulay pulang t-shirt ka raw at may kasamang batang lalaki na cute at mukhang anak-mayaman kaya noong nakita kita ay nilapitan kita kaagad. Ikaw nga si Lyana, ano?"
"Oho. Ako ho si Lyana tapos ito naman po ang anak ko, si Jarvis." Tumiingin ako kay Jarvis na nakatingin din sa Tiyahin ni Jasrylle. "Nak, bless ikaw sa kaniya dali."
Marahangg tumango si Jarvis at agad na nag-bless sa Tita ni Jasrylle bilang pagsunod sa utos ko. Mukhang ikinagalak naman iyon ng matanda kaya't hindi ko maiwasang mapangiti. "Ay kabait na bata! Huwag kang masiyadong mabait, 'Toy. Baka i-bully ka nong anak ng amo ko. Susmaryosep, mapapadasal talaga ang lahat dahil sa sobrang kamalditahan," naiiling na sambit ng tita ni Jasrylle.
Ngumiti na lamang ako sa kaniya at hindi na nagkomento pa tungkol sa aalagaan ko kung sakali mang matanggap ako sa trabaho. Hindi na naman problema sa akin kung masama ang ugali ng aalagaan ko dahil ilang bata na rin ang naalagaan ko noong nagkakatulong ako at halos karamihan sa kanila ay masama ang ugali. Mayroon namang mabuti, mayroon ding nagbabago at nagiging mabuti, samantalang mayroon ding nanatiling masama.
Pero ngayon, wala na akong pakialam sa kung ano man ang magiging ugali ng amo ko basta hindi manyakis at nananakit, ayos na sa akin. Ang kailangan ko ngayon ay pera para may maipangkain kami ni Jarvis... hindi na mahalaga kung paano nila ako ituring.
"Oh siya, tara na at kanina pa kayo hinihintay ni Sir. May nag-apply na rin kaninang umaga pero sabi ko ay may isa pang darating ngayong hapon kaya hindi muna tinaggap ni Sir."
"Sir ho? Sino ho bang magiging amo ko? Hindi po kasi nabanggit sa akin ni Jasrylle dahil hind niya raw ho kilala, e," pag-uusisa ko dahil baka kilala ko pala kung sino iyon. Baka kaibigan ng naging boss ko dati o baka pamilyar sa akin ang pangalan o itsura.
"Hindi nasabi ni Jasrylle? Ang batang iyon talaga," naiiling na sambit niya. Humarap sa akin si Manang Lerma at nakasimangot na tumingin sa akin. Hindi ko naman mapigilang magtaka. "Mag-ama ang pagsisilbihan mo, Lyana 'neng." Napatango ako. "Mag-ama ho?"
"Oo. Sina Preston Tejada IV at ang maldita niyang anak na si Chantal Louisse Tejada. Parehong masama ang ugali at mahirap pakisamahan kaya't walang nagtatagal sa pamilya nila."
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report