The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG) -
CHAPTER Twenty Six
Pagdating ng Linggo, maingay na ang mansion ng mga Tejada lalo na noong sumapit na ang gabi. Mula sa balkonahe ng kuwarto namin ni Jarvis ay tanaw na tanaw na ang mag nagpapasukang bisita sa loob ng mansion kaya naman hindi ko mapigilang mas lalong kabahan.
"Mama, paayos po."
Bumalik lamang ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Jarvis. Hindi na ako tumingin pa sa labas at sa halip ay ibinaling na lamang ang aking atensiyon kay Jarvis na ngayon ay nagsusuot na ng neck tie. Pinadala iyon ni Sir Preston kagabi sa kuwarto namin dahil iyon daw ang isusuot ni Jarvis ngayon. Nakakagulat nga dahil tamang-tama ang sukat ng damit kay Jarvis. Inayos ko ang suot na neck tie ni Jarvis. "Kinakabahan ka, 'nak?" tanong ko sa kaniya.
"Bakit po, Mama? Dapat po ba kabahan ako?" tanong niya pabalik sa akin. "Di ba po 'di anman po ako magsspeech tulad ni Chanty?"
Mahina akong tumawa at marahang tumango. Sabagay. Hindi nga pala takot si Jarvis sa pakikisalamuha sa ibang tao. Ang ikinakatakot niya ay ang magsalita ng Ingles sa harap ng maraming tao na siyang gagawin ni Ma'am Chantal sa speech niya.
"Hindi naman, 'nak. Huwag kang mag-alala."
"Ikaw po, Mama? Kinakabahan po ikaw?"
Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong ni Jarvis at sa halip ay malakas lamang akong bumuntong hininga. 'Di tulad niya, mahihimatay na yata ako sa labis na kaba dahil baka tawagin na ako ni Sir Preston at pababain upang bumati sa mga bisita niya.
"Uy si Mama ko, kinakabahan," panunukso sa akin ni Jarvis kaya't muli akong bumuntong hininga at sumimangot.
Nang matapos kong ayusin ang necktie niya ay saka ako umayos ng pagkakatayo. Tumingin ako sa suot kong kulay black na dress. Masiyadong revealing ang ibinigay na damit ni Sir Preston pero hindi na naman ako nakapagreklamo pa dahil nabili na niya.
Kulay itim ang dress at backless kaya naman nakabalandra sa mga tao ang aking likod. Magb-bun sana ako ng buhok dahil hindi ako masiyadong confident sa medyo kulot kong buhok pero naisipan ko na lamang na ilugay ang aking buhok para naman kahit papaano ay matakpan ang aking likuran.
At kapag sinabi kong revealing ang damit, totoo ang sinasabi ko. Hindi lang backless ang dress dahil masyado ring mababa ang cut ng pagka-tube top sa taas kaya naman halos nakaluwa na ang dibdib ko at kitang-kita ang cleavage ko lalo na kapag mas mataas sa akin ang kakausapin ko. May slit din ang gilid ng dress kaya naman bahagyang kita ang kaliwa kong hita.
Malakas akong bumuntong hininga. Buti na lamang talaga at mabilis kong nabawi ang dati kong timbang. Dahil siguro sa sunod-sunod kong pagtatrabaho kaya't walang kahit na anong bilbil sa tiyan ko at tulad nga ng sabi sa akin ni Manang Lerma noong nakita niya ang suot ko, para akong walang anak sa dahil sa katawan ko.
Hindi ko alam kung sinadya ba ni Sir na ganito ang damit ko dahil kung oo, iisipin ko na talaga na manyak siya. Isa pa, paano niya nalaman ang sukat ng katawan ko? Tamang-tama sa katawan ko ang dress na binili niya maliban na lamang sa may bandang dibdib dahil masyadong malaki ang dibdib ko para sa dress.
"Nak, ayos lang ba ang suot ni Mama?"
Tumingin sa akin si Jarvis at bahagyang kumunot ang noo. Mayamaya pa ay marahan siyang tumango. "Ganda mo po, Mama ko."
Kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko matapos marinig ang sinabi niya. Kapag sinabi niyang maayos naman ang damit ko at maganda ako, ibig sabihin ay maayos at maganda talaga ako. Hindi nagsisinungaling sa akin si Jarvis kaya naman nakampante ako nang kaunti.
"Nak, behave kayo ni Ma'am Chantal, ha? Kapag nagkulit kayo, nako, lagot kayo kay Sir Preston."
Mabilis na tumango si Jarvis sa akin at nag-thumbs up bilang pagsang-ayon. Tipid ko naman siyang nginitian bago ako tumingin sa repleksiyon ko sa salamin. May dumating na make up artist dito kaninang hapon at minake-up-an ako kaya naman hindi ko na kailangan pang masiyadong mag-alala sa itsura ko. Mabuti nga at nagpadala si Sir Preston ng make up artist dahil hindi naman ako marunong sa mga iyon.
Tamang suklay at pulbo lamang ako, ano.
Lumapit ako sa may salamin at nag-retouch ng lipstick. Tanging paalala sa akin ng make up artist kanina ay palagi raw akong magretouch ng lipstick dahil kailangan daw ay pulang-pula ang labi ko dahil iyon daw ang 'highlight' ng mukha ko. Medyo simple lamang kasi ang make up sa mata at pisngi ko tapos naka-lugay lamang ang mahaba at wavy kong buhok kaya naman pinagtuunan niya ng pansin ang aking labi.
Dinagdagan ko lamang ng pulang lipstick ang labi ko bago ako humarap kay Jarvis at ngumiti. Agad namang nag-thumbs up sa akin si Jarvis habang tumatango na animo'y proud na proud siya sa akin.
Mahina lamang akong tumawa bago ko siya inayang lumabas upang puntahan na si Ma'am Chantal sa kuwarto niya. May ilang bisita na sa loob ng mansion nang makalabas kami sa kuwarto namin ni Jarvis at hindi nakatakas sa aking mga mata ang bahagyang paglingon ng mga iyon sa direksiyon naming mag-ina, marahil ay nagtataka kung sino kami.
Tipid ko lamang na nginitian ang mga nakakasalubong namin, partikular ay mga lalaki, na bumabati sa amin ngunit hindi na ako nakipag-usap pa sa kanila kahit na may ilang nagtanong kung sino ako. Dumiretso na kami ni Jarvis sa silid ni Ma'am Chantal dahil hindi rin naman ako masiyadong kumportable sa atensiyon na ibinigay sa akin ng mga taong iyon.
Kumatok muna ako nang ilang beses bago ko binuksan ang pintuan ng kuwarto ni Ma'am Chantal. Agad naman niyang napansin ang pagbukas ng pinto dahil mabilis siyang tumayo mula sa kama at binitiwan ang hawak na papel. "Yaya Lyana!" bulalas niya at tumakbo patungo sa gawi namin ni Jarvis.
Mabilis kong sinaraduhan ang pinto at ngumiti sa kaniya. "Kumusta? Pinapractice mo na ba ang speech mo?" tanong ko.
Sumimangot siya at kapagkuwan ay marahang tumango. "I'm quite nervous, Yaya. What if I make a mistake?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.
Kinagat ko ang aking ibabang labi at malakas na bumuntong hininga. "Kinakabahan din ako, e. Baka magkamali rin ako."
Tumango si Ma'am Chantal at animo'y naiintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Nag-inhale exhale pa kaming dalawa upang ikalma ang aking sarili ngunit naputol iyon nang magsalita si Jarvis. "Bakit ba kayo kinakabahan?" takang tanong niya at umupo sa kama ni Ma'am Chantal. "Chanty, sama naman ako sa 'yo kaya 'di ka dapat kabahan. Saka Mama ko, kasama mo naman po si Boss."
Sabay kaming napailing ni Ma'am Chantal dahil sa kakalmahan ng boses ni Jarvis. Hindi na namin siya kinontra dahil may point naman siya.
"Can you ano nalang... samahan mo nalang ako sa stage?" tanong ni Ma'am Chantal kay Jarvis.
Agad na nanlaki ang mga mata ni Jarvis at itinuro ang kaniyang sarili na para bang gulat na gulat sa narinig. "Ako? Bakit ako?"
"Kasi you told me na kasama naman kita so I shouldn't be scared. Then samahan mo nalang ako sa stage para 'di na talaga ako kabahan."
Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang aking sarili sa pagtawa nang makitang halos naestatwa si Jarvis sa kaniyang kinauupuan at parang nakakita ng multo dahil agad siyang namutla nang marinig ang sinabi ni Ma'am Chantal. "E-Eh Chanty, 'di naman ako ang mag-aano..." Nag-angat ng tingin sa akin si Jarvis. "Ano nga pong gagawin ni Chanty, Mama?"
"Speech," nakangiting sagot ko sa kaniya.
Agad na tumango si Jarvis. "Yon, yon. Hindi naman ako maggaganon, ah? Bakit ako aakyat sa stage?"
Malakas na bumuntong hininga si Ma'am Chantal at kaswal na nagkibit balikat. "Para samahan ako?"
"Ayoko nga. Hiya ako saka baka pagsalitain din ako. 'Di ako marunong ng speech-speech saka ano, ng English. Alphabet lang kaya ko pero 'di ako marunong mag-English."
"Jarvis, marunong ka naman," pagtatama ko sa kaniya.
Umiling si Jarvis at sumimangot. "Di naman ako magaling tulad ni Chanty, Mama ko. Ayoko, kinakabahan ako," mariing sambit niya habang umiiling.
Napatingin naman ako kay Ma'am Chantal na ngayon ay nakasimangot na at mukhang kinakabahan pa rin. Bumuntong hininga ako at hinawakan ang kaniyang kamay. Agad namang nag-angat ng tingin sa akin si Ma'am Chantal at paiyak na akong tiningnan.
Tipid ko siyang nginitian. "Ako nalang ang sasama sa 'yo. Ayos lang ba na ako lang?"
"Really, Yaya I mean, Tita Lyana?" Agad na nagliwanag ang mukha niya at malapad na ngumiti sa akin.
Hindi pa rin ako sanay na hindi niya ako tinatawag na Yaya pero sabi kasi ni Sir Preston kagabi ay iyon ang dapat na itawag sa akin ni Ma'am Chantal ngayong gabi dahil nga magpapanggap akong girlfriend slash ka-date niya. Nakangiti akong tumango bilang tugon sa tanong ni Ma'am Chantal. Magsasalita na sana siya ngunit umubo si Jarvis kaya't napatingin kami sa kaniya.
Umayos ng upo si Jarvis at nakasimangot kaming tiningnan. "Sige na nga, sama na ako sa stage," mahinang sambit niya at mas lalong sumimangot. "Basta 'di ako magsasalita, ah. Tatayo lang ako doon."
Mahina namang tumawa si Ma'am Chantal at marahang tumango bilang tugon sa sinabi ni Jarvis. Napailing na lamang ako dahil sa karupukan ni Jarvis pero ayos lang dahil at least, hindi rin ako kakabahan.
Sus. Matitiis niya ba naman si Ma'am Chantal? Eh halos hindi na nga sila naghihiwalay at ilang beses nang napagkamalan na magkapatid, e. Siguro isa rin iyon sa dahilan kung bakit pinayagan ni Sir Preston na lumabas ngayong gabi si Jarvis at aminin na anak ko siya. Magkasundong-magkasundo kasi silang dalawa ni Ma'am Chantal kaya't hindi na masiyadong magtatanong pa ang mga tao.
Ayaw ko rin namang itanggi ang sarili kong anak, ano. Ayaw kong magsinungaling at sabihin na dalagang-dalaga ako kahit na ang totoo ay may anak naman ako. Hinding-hindi ko iyon gagawin ang itanggi si Jarvis bilang anak ko. "Ma'am Chantal, lapit ka rito, dali. Gusto mong ayusan kita ng buhok?"
Nag-angat ng tingin sa akin si Ma'am Chantal at animo'y manghang tumingin sa akin. Taka ko naman siyang tiningnan at awkward na ngumiti. "Ayaw mo ba?" tanong kong muli.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "U-Uh... sure!"
Agad naman akong napatango at mabilis na pumunta sa may vanity mirror niya. Noong isang araw kasi ay may nakita akong mga pang-ayos ng buhok doon pero hindi ko naman kahit kailan nakitang naka-ayos ang buhok ni Ma'am Chantal. Palaging nakalugay ang medyo kulot niyang buhok at hindi rin naman siya nagpapaayos ng buhok sa akin kaya't hindi na ako nagtangka pang ayusan siya noon.
"Gusto mo ng braid or pigtails?" tanong ko at pinaupo siya sa harapan ko.
"Braid is like the mermaid's hair, right?"
Tumango ako bilang sagot. Excited namang tumango si Ma'am Chantal at nag-thumbs up sa akin. "Okay, I want that,” dagdag na sagot niya pa.
Nagkibit-balikat naman ako at sinimulan na siyang ayusan ng buhok. Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil halos magkatulad lang naman kami ng buhok ni Ma'am Chantal at ganoon lang din ang ginagawa ko sa buhok ko noon. Kapag kasi pa-ponytail ay nagmumukhang buhaghag ang buhok ko kaya naman palagi akong naka-braids noon.
Mabilis akong natapos sa pagb-braid ng buhok ni Ma'am Chantal samantalang nanonood naman sa amin ni Jarvis na animo'y manghang-mangha rin. Nilagyan ko pa ng kulay rosegold at butterfly na hairclip ang buhok ni Ma'am Chantal bago ko siya pinatayo upang makita ko ang resulta.
"Yan, ang ganda! Bagay pala sa 'yo ang naka-ganyan, e," puri ko sa kaniya nang humarap siya sa akin.
Agad na tumakbo si Ma'am Chantal papunta sa may vanity mirror niya at pinagmasdan ang sarili. "Wow! It's so pretty, Yay-I mean, Tita! You're so astig!"
Mahina akong tumawa dahil ginaya na niya si Jarvis. Narinig lang niya ang salitang iyon mula kay Jarvis, ginaya na niya. Proud na humarap si Ma'am Chantal kay Jarvis at malapad na ngumiti. "It's so pretty, right?" tanong niya sa anak ko. Hindi kaagad nakasagot si Jarvis habang nakatingin kay Ma'am Chantal. Kapagkuwan ay humarap sa akin si Jarvis at kunot noo akong tiningnan. Humaba ang nguso niya bago muling tumingin sa gawi ni Ma'am Chantal at animo'y takang- taka dahil sa hindi ko malamang dahilan.
Mayamaya pa ay bumukas ang pinto ng silid ni Ma'am Chantal. Lilingon sana ako upang tingnan kung sino iyon ngunit natigilan ako nang magsalita si Jarvis.
"Chanty, magkamukha kayo ng Mama ko. Astig naman," mahina ngunit animo'y namamanghang komento ni Jarvis.
Ilang beses akong napakurap habang nakatingin kay Ma'am Chantal. Medyo magkamukha nga kami kaso...
Muntik na akong mapatalon sa puwesto ko nang may umubo mula sa aking likuran. Wala sa sarili akong humarap sa kung sino man ang umubo ngunit agad ding nanlaki ang aking mga mata nang makitang si Sir Preston iyon. "S-Sir..."
Tumingin siya sa akin at kapagkuwan ay tumingin sa suot kong damit. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, agad na dumilim ang ekspresyon niya sa mukha bago marahas na bumuntong hininga.
"We should go outside. The guest..." Bumuntong hininga siya muli bago nag-iwas ng tingin sa akin. "The guests are already waiting."
Napatango ako at akmang mag-iiwas na ng tingin sa kaniya ngunit hindi pa rin nakatakas sa aking mabilis na mga mata ang pasimple niyang pagsulyap sa gawi ko at ang pag-igting ng kaniyang panga matapos akong masulyapan.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report