WARNING: Mature Contents Ahead.

Masiyadong mabilis ang mga pangyayari kaya't hindi ako kaagad nakapag-react nang lumapat sa aking mga labia ng malambot ngunit lasang alak na labi ni Sir Preston. Bumalik lamang ako sa reyalidad nang kagatin niya ang aking ibabang labi na para bang pati ang loob ng bibig ko ay gusto niyang pasukin.

Sinubukan ko siyang itulak palayo. Bumitiw ako sa pagkakahalik niya at gulat siyang tiningnan. "S-Sir..."

"Did I scare you?" Masuyong tanong niya nang mag-angat siya ng tingin sa akin.

Hindi ako nakasagot at sa halip ay nagbaba lamang ng tingin. Hinawakan niya ang baba ko at itinaas iyon upang magtagpo ang aming mga mata. Muli naman akong napaigtad nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin at muling hinalikan ang aking labi.

Tulad ng nangyari kanina, hindi ako kaagad nakagalaw dahil sa gulat. Akala ko ay kakagatin niyang muli ang aking ibabang labi ngunit siya na ang kusang bumitiw. Inilayo niya ang kaniyang labi sa labi ko ngunit halos ilang pulgada pa rin ang layo ng aming mga mukha.. Kaunting galaw lamang at muling magtatagpo ang aming mga labi.

Bumuntong hininga ako at sinubukan siyang itulak palayo. "L-Lasing lang kayo, Sir Preston," mahinang sambit ko.

"Nah." Umiling siya at ngumisi habang nakatingin sa akin. "I just had a few shots but I am certainly not that drunk. I am still sober, Lyana. I know what I'm doing right now."

Kinagat ko ang aking ibabang labi para sana pakalmahin ang aking sarili dahil pakiramdam ko ay kaunting-kaunti na lamang at tuluyan ng lalabas ang puso ko mula sa aking dibdib dahil sa bilis ng tibok niyon. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa kaba o excitement pero...

"Kung alam mo naman pala, bakit ginagawa mo pa rin?"

Tipid siyang ngumiti at hinaplos ang aking pisngi. "Because I want to?"

"Bakit gusto mo?" tanong kong muli.

Nanatili siyang tahimik kaya naman akala ko ay hindi na siya magsasalita pa ngunit tila naestatwa na naman ako sa aking kinauupuan nang muli niyang angkinin ang aking mga labi. Tulad kanina, saglit lamang din iyon at halatang wala siyang intensiyon na pasukin ang bibig ko. Hanggang labi lang.

Hindi ko alam kung bakit hanggang halik lang ang ginagawa niya. Hindi ko alam dahil marahil ay nag-aalinlangan din siya o kaya naman... hinihintay niyang maging kumportable ako sa sitwasyon naming dalawa ngayon. Nag-angat siya ng tingin sa akin at muling ngumisi. "I am doing this because..." Hinaplos niya ulit ang pisngi ko kaya't hindi ko maiwasang mapalunok. "Because I want you." "H-Ha?"

"I want you, Lyana. I want you right now. Right here."

Ilang beses akong napakurap at tila nabingi nang marinig ang sinabi niya. Sinalubong ko ang titig niya at taka siyang tiningnan. "May asawa ka, Sir," paalala ko sa kaniya.

Sa halip na pakinggan ang sinabi ko sa kaniya, hinawakan niya ang baywang ko tulad ng paghawak niya roon kanina kaya't muli akong napaigtad. Mas lalo siyang lumapit sa akin kaya naman mas lalong nanuyo ang aking lalamunan.

"Do you really think that I'll do this to you if I am married?" Mahina siyang tumawa at mas lumapit pa. Napalunok naman ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa aking leeg. "I am not a cheater, Miss Dela Merced. I won't do this stuff with other woman if I have a wife waiting for me."

"Pero Sir, sabi niyo sa akin noon, ayaw niyong tinatanong ko kayo tungkol sa asawa niyo. Kung ayaw niyong tinatanong ko kayo tungkol doon, ibig sabihin, may asawa kay-"

"Wala nga," pagputol niya sa sasabihin ko. "Maliban nalang kung gusto mo ring mag-apply?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako nakasagot-marahil ay dahil sa gulat na wala pala siyang asawa o kaya naman ay dahil sa gulat dahil tinatanong niya ako kung gusto kong mag-apply na asawa niya. Hindi ko rin alam kung anong rason.

Humarap sa akin si Sir Preston kaya't muli kong sinalubong ang kaniyang mga titig. Wala sa sarili akong napalunok nang makita ang emosyong naglalaro sa kaniyang mga mata. "Sigurado ka bang hindi ka lasing?" tanong kong muli.

Agad siyang tumango. "I might smell like liquor but I am not drunk. I'm sure."

"Baka naman sinasabi mo lang 'yan tapos kinabukasan, sasabihin mo, lasing ka lang," malamig na sambit ko. Alam na alam ko na iyon dahil naranasan ko na rin iyon sa dati kong karelasyon.

Mahina siyang bumuntong hininga at umiling. "Why? Gusto mo bang ikuwento ko pa ng buo bukas kung ano man ang gagawin natin ngayong gabi?" tanong niyang pabalik.

"Hindi. Ayaw ko lang gumawa ng bagay na alam kong baka pagsisihan lang nating dalawa kinabukasan."

Muli niyang hinalikan ang aking labi ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ako nagpumiglas pa. Pinutol niya ang halik at bahagyang humiwalay sa akin upang magsalita. "Kung may maaari ka mang pagsisihan bukas, iyon ay ang hindi mo paghalik sa akin pabalik ngayon. You should choose now, Lyana. Choose before it's too late," mahinang sabi niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at ngumisi. "Sige."

"What do you mean?"

Sa halip na sagutin ang tanong niya, ako na mismo ang humila sa kaniya papalapit. Walang pasabi kong sinunggaban ang labi niya at mukhang maging siya ay nagulat sa ginawa ko kahit naman ako, nagulat din ako. Sa pagkakataong iyon, kinagat na niya ang aking ibabang labi at walang tutol ko namang binuksan ang aking bibig upang bigyang laya siya sa kung ano man ang gusto niyang gawin sa akin.

Inaamin kong wala naman akong gaanong alam tungkol sa bagay na 'to kaya't hinayaan ko nang siya na lamang ang manguna at wala akong ibang ginawa kung hindi ang tumugon sa bawat paghalik niya.

Nasa likod ko ang kamay niya at masuyong hinahaplos ang hubad kong likod dahil backless ang suot kong damit samantalang ang braso ko naman ay unti-unti kong ipinulupot sa kaniyang leeg upang kumuha ng suporta.

Napaigtad ako nang mas laliman niya pa ang halik sa akin na para bang wala na talaga siyang balak pang tumigil. Hindi ko rin naman alam kung bakit ako pumayag na gawin ang bagay na ito kasama siya hindi naman kami magkasintahan o mag-asawa pero pumayag pa rin ako at wala na akong balak pang tumutol.

Marahil ay dahil medyo interesado na rin naman ako sa kaniya noon pa? O baka naman dahil lang sa init ng katawan? Hindi ko rin alam. Basta ang tanging alam ko lang, wala akong pagsisihan... dahil humalik ako pabalik tulad ng gusto niya. Naglaban ang dila namin at hindi ako nagpatalo sa pakikipaghalikan sa kaniya. Agad naman akong umangal nang humiwalay siya sa akin at tumigil sa paghalik. "Bakit ka tumigil?" Inis na tanong ko sa kaniya.

Humarap sa akin si Sir Preston at mahinang tumawa. "Parang kanina lang ayaw mo pa, ah."

"Huwag mong hintayin na umayaw ako ulit," banta ko. Mukha namang nakuha niya ang ibig kong sabihin nang agad siyang tumayo at walang pasabi akong binuhat.

Impit akong napatili dahil sa ginawa niya kaya't agad kong ipinulupot ang aking braso sa leeg niya dahil baka mahulog ako. Tumingin ako sa kaniya at taka siyang tiningnan. "Bakit?" tanong ko.

"I can't just take you here."

"Ha?" Naguguluhang tanong ko ngunit hindi na niya ako sinagot pa dahil dire-diretso siyang lumabas ng opisina niya at walang kahirap-hirap na naglakad habang buhat ako. Wala ng tao sa hallway dahil madaling araw na ngunit isiniksik ko pa rin ang ulo ko sa dibdib ni Sir Preston dahil baka may makakita sa aming dalawa nang ganito ang katatayuan.

Ano na lamang ang iisipin ng ibang tao kapag nakita nilang buhat ako ni Sir Preston?

"Why are you hiding?"

"Baka may makakita sa atin," tanging sagot ko kay Sir Preston at mas isiniksik pa ang ulo ko sa dibdib niya. Saka ko lamang napansin na hindi na nga pala nakabutones ang unang tatlong butones ni Sir Preston.

Dahil doon ay nakaisip ako ng kalokohan. Agad kong inilagay sa bibig ko ang nakasarang butones at sinubukan iyong tanggalin gamit lamang ang aking bibig. Tulad ng inaasahan ko, napatigil si Sir Preston sa paglalakad. "God, Lyana. If you continue doing that, I would have to take you right here where everyone might see us," babala niya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pero siyempre, hindi ko siya sinunod. Inalis ko ang pagkakapulupot ng isa kong braso sa leeg ni Sir Preston para maitaas ko ang laylayan ng polo shirt niya at nang maabot ko ang pinaka-dulong butones ng suot niyang damit. Walang kahirap- hirap ko iyong natanggal gamit ang bibig ko kaya naman proud akong tumingin kay Sir Preston.

Mahina siyang tumawa at napailing. "I didn't know that you're such a naughty woman, Lyana. What a discovery," sambit niya at may binuksang pinto.

Lilingon pa sana ako para tingnan kung nasaan kami ngunit hindi pa man ako nakakalingon ay inihagis na niya ako sa kama. Impit naman akong napatili dahil sa ginawa niya. Laking pasasalamat ko na lamang talaga dahil napakalambot ng kama niya kaya't hindi ako nasaktan.

Ini-lock ni Sir Preston ang pinto ng kuwarto niya bago humarap sa akin. Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong ilibot ang aking mga mata sa kabuuan ng kuwarto ni Sir Preston dahil awtomatikong napunta ang aking mga mata sa ngayon ay naka-bukas na niyang polo shirt. May ilang bahagi pa roon na basa na sigurado akong dahil sa laway ko.

Napalunok ako nang makita ang katawan niya. May abs. Shit.

Ito ang unang beses kong makakita ng ganoon dahil wala namang abs ang ex ko dati at hindi rin naman ako interesado noon. Pero ngayon...

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Lumapit si Sir Preston sa kama at walang pag-aalinlangang pumaibabaw sa akin. Napasinghap naman ako nang tuluyan na niyang alisin ang suot na polo shirt at maging ang suot niyang belt.

"Do you even know how many men stared at you a while ago and how much I want to gauge their eyes out just so they can't see you, huh?" seryosong sambit niya bago ako hinalikan. Hindi na naman ako umangal pa at sa halip ay agad ding tumugon sa mga halik niya.

Palalim nang palalim ang bawat halik niya hanggang sa hindi ko na namalayan na naglalakbay na sa aking dibdib ang kaniyang palad. "O-Oh..." Mahinang ungol ko nang sapuhin niya ang aking dibdib at masuyong pinaglaruan iyon kahit na may suot pa naman akong damit.

Unti-unting bumaba si Sir Preston at humiwalay sa labi ko hanggang sa ang labi niya ay nasa may taas na ng aking dibdib. Dahil may suot pa rin akong damit, tayong-tayo pa rin ang malaki kong dibdib dahil sa sikip ng suot kong damit. "Fuck. Do you even know how much I tried to restrict myself from burying my face on your chest right when I saw you wearing this dress, huh?"

Muli akong napaungol nang dahan-dahan niyang ibinaba ang suot kong damit hanggang sa tuluyan nang lumuwa ang aking dibdib sa kaniyang harapan. Wala akong suot na bra dahil may padding naman ang suot kong dress kaya naman nang ibaba niya iyon ay agad na tumambad ang aking hubad na dibdib.

"Fuck," muling mura ni Sir Preston at agad na isinubsob ang kaniyang mukha sa pagitan niyon. "Alam mo bang hiniling ko kanina na sana susi nalang ako, huh?"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "H-Ha?" Patanong dapat iyon ngunit nagmukhang ungol nang dilaan niya ang paligid ng aking dibdib.

Sinagot niya ang tanong ko ngunit hindi ko na masyado pang naintindihan dahil abala ako sa pag-ungol lalo pa nang isubo na niya ang tuktok ng aking dibdib. Napaigtad ako bago ko ipinikit ang aking mga mata upang tuluyang lasapin ang sarap na idinudulot ng labi niya sa akin.

Tulad ng sinabi niya kanina, tinotoo niya nga ang sinabi niyang pagpipiyestahan niya ang aking dibdib dahil hindi siya umalis doon hangga't hindi niya nasisiguro na natikman na niya ang lahat ng parte ng aking dibdib at hanggang hindi siya nagsasawa.

Mas lalo pa akong napaigtad nang maramdaman ko ang isa niyang kamay na naglalakbay na sa aking hita hanggang sa marating nito ang aking kaselanan. Bahagyang lumayo sa akin si Sir Preston upang tuluyang hubarin sa aking katawan ang suot kong dress at maging ang sapatos na isinuot niya sa akin kanina.

Ngayon, tanging ang panty ko na lamang ang natitirang tumatakip sa aking katawan.

"I want to fucking rip this dress but gladly I didn't lose my cool," sambit niya nang tuluyan nang mahubad ang suot ko. Itinapon niya iyon sa baba bago muling pumangibabaw sa akin.

"A-Ah..." Impit akong napaungol nang muli niyang hawakan ang itaas ng panty na suot ko, Ramdam ko rin sa aking hita ang ngayon ay matigas na niyang pagkalalaki kahit na nakasuot pa rin siya ng slacks.

Shit. Did I just really turned him on?

"There's no going back now, Lyana. Once I touch you, I am sure that I can never stop. So if you're going to back out, say it now," sambit niya habang hinahagod ang itaas ng suot kong panty.

Napalunok ako at itinaas pa aking katawan upang mas lalo niya akong mahawakan. "Touch me, Sir. Please touch me... Preston," I pleaded while moaning his name.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report