Naging maayos ang mga sumunod na araw. Mas lalo kaming naging malapit sa isa't-isa ni Chantal at pakiramdam ko naman ay nagagawa ko nang maayos ang pagiging tagapag-alaga niya. Wala siyang reklamo at sumusunod na rin sa akin. Tulad ni Jarvis, ayaw na niya ring humiwalay sa akin kahit yata sa pagkain at pagtulog, gusto niya ay kasabay kaming dalawa ni Jarvis. Minsan ay natutulog kami sa kuwarto ni Chantal at minsan naman ay si Chantal ang tumatabi sa amin ni Jarvis sa kuwarto namin. Halos araw-araw ay naging ganoon ang set-up namin. Ayaw akong hiwalayan ng dalawa.

Masaya ako dahil mas lalo pa akong napalapit kina Chantal at Jarvis ngunit may isa namang hindi masaya.

"Akala ko hindi ka na naman pupunta."

Mahina akong napatawa nang iyon ang bungad na sabi ni Preston nang pumasok ako sa silid niya. Nakasimangot siya at may hawak na papel sa kama. Mukhang kahit na pasado ala-una na ng madaling araw ay nagtatrabaho pa rin siya. "Bakit nagtatrabaho ka pa rin? Hindi ka pa pagod?" tanong ko at tumabi sa kaniya. Kumportable akong humiga sa kama at niyakap ang tagiliran niya. "Magpahinga ka na. Madaling araw na."

Ipinatong niya sa bed side table ang hawak na papel bago dahan-dahang humarap sa akin. Nakasimangot siya nang magtagpo ang aming mga mata ngunit tinaasan ko lamang siya ng kilay. "Bakit?" takang tanong ko.

Bumuntong hininga siyang muli at hinila ako palapit sa kaniya. Mas lalo ko naman siyang niyakap at isiniksik ang aking sarili sa kaniyang katawan. "I'm working my ass of here just so I can stop myself from sleeping. I was waiting for you to come here because you told me a while ago that you'll come. Sabi mo, patutulugin mo lang ang mga bata pero ala-una na, saka ka pa dumating," reklamo niya. "Galit ka?"

Hindi siya sumagot kaya't napalabi ako. "Huwag ka nang magalit, please? Totoo naman ang sinabi ko kanina. Nandito na ako, oh. Tinupad ko naman ang sinabi ko na pupuntahan kita rito. Saka totoo rin naman na pinatulog ko pa sina Chantal at Jarvis... nakatulog nga lang din ako. Sorry. Pagod lang kasi ako kaya nakaidlip ako—"

"Kung pagod ka, sana natulog ka nalang." Pinutol niya ang dapat ay sasabihin ko kaya't nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Hindi na masiyadong nakakunot ang noo niya kaya't lihim akong napangiti dahil alam ko na na hindi na siya nagtatampo. "Bakit pumunta ka pa? Sana sinabi mo nalang sa akin para maintindihan ko."

Tumaas ang gilid ng labi ko at hindi ko na napigilan pa ang sarili kong ngumiti dahil sa sinabi niya. Iniunan ko ang ulo ko sa braso niya at sumiksik pa lalo sa kaniya. Niyakap niya naman ang baywang ko nang mahigpit. "Nangako akong pupunta ako saka hinihintay mo rin ako. Minsan na nga lang, palalampasin ko pa ba?"

"Damn that minsan," mahinang sambit niya at bumuntong hininga. "You know that I respect your decision, right, babe?"

Marahan akong tumango bilang sagot.

"Right. But I am really losing my mind while trying to hide what's going on between us to everyone. Para saan pa at naging girlfriend kita kung hindi ko naman masabi sa buong mundo na akin ka?" dagdag niya pa.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang pag-ngiti. Dahil nakasubsob ang ulo ko sa dibdib niya ay sigurado akong hindi na niya nakita ang pamumula ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Kaunting hintay nalang, huh? Naghahanap pa rin ako ng tamang tiyempo para sabihin kina Chantal at Jarvis. Saka..."

"Saka?"

Bumuntonng hininga ako at nag-aalangan kung itutuloy ko pa ba ang sasabihin ko sa kaniya. Baka kasi mamaya ay ma-offend siya sa itatanong ko. Mayamaya pa ay umiling ako. "Wala, wala."

"Babe, come on. Anong sasabihin mo? Why are you hesitating? Is it something bad?"

"Hindi," mahinang sagot ko at nag-angat ng tingin sa kaniya. Bahagya kong itinaas ang aking ulo upang abutin ang labi niya. Saglit ko siyang hinalikan bago ako humiwalay. "Nag-aalala lang ako nang kaunti." Agad namang kumunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ko kaya't nginitian ko siya. "Hindi naman big deal," dagdag ko pa.

"What is it? Anong dahilan ng pag-aalala mo? Is it about... us?" Tila nag-aalinlangang tanong niya sa akin.

"Hindi naman. Tungkol lang kay Chantal."

"Anong mayroon kay Chantal? Nag-away kayo? Sinungitan ka na naman tulad noon? Nagbago ang mood? Inaway si Jarvis?"

Tinampal ko ang braso niya at sinamaan siya ng tingin. "Ang sama ng tingin mo kay Chantal, ah? Isa pang sabi mo ng masama sa alaga ko, sasamain ka rin sa akin," inis na sabi ko at umirap.

"Hindi naman sa ganoon. It's just that hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na ganoon na si Chantal. Hindi ko alam kung anong klaseng gayuma ang pinainom mo sa kaniya at biglang nagtino."

Umismid ako at kumindat na lamang sa kaniya kaya't mahina siyang tumawa. Maging ako rin naman ay hindi pa rin makapaniwala sa pagbabago ng pakikitungo sa akin ni Chantal. Mataray siya noon at palaging galit na animo'y isinusumpa ang mundo. Pero ngayon, sobrang layo na niya sa dating Chantal na naabutan ko rito sa bahay.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Nagbago na nga si Chantal at naging mabait na. Pero..." Malakas akong bumuntong hininga ta muling yumakap kay Preston. "Pero mas natatakot ako na baka magbago ang pakikitungo niya sa akin kapag nalaman niya na may namamagitan sa ating dalawa."

Hindi kaagad nakapagsalita si Preston kaya't ipinikit ko na ang aking mga mata. "Why? Bakit mo naman naisip na magbabago ang pakikitungo sa 'yo ni Chantal? Babe, Chantal loves you—"

"Bilang Yaya," pagputol ko sa sasabihin niya. Isiniksik ko pa ang sarili ko sa kaniya upang hindi niya mapansin ang pangingilid ng luha ko. "Mahal niya ako bilang Yaya pero kahit kailan, kahit na ano mang gawin ko, alam ko naman na hindi matutumbasan ng pagmamahal niya sa akin ang pagmamahal niya sa tunay niyang nanay. Kasi ako... hindi naman niya ako nanay."

Marahas siyang bumuntong hininga na animo'y ikinakalma ang kaniyang sarili. "Hindi ba't sinabi kong ayaw ko nang pag-usapan pa ang tungkol sa nanay ni Chantal?" seryosong tanong niya sa akin.

"Hindi puwedeng hindi natin siya pag-usapan, Preston. G-Girlfriend mo ako kaya may karapatan akong malaman ang mga bagay na tungkol sa kaniya. Sabi mo sa akin noon, wala kang asawa kaya akala ko, hindi kayo nagpakasal. Kailan ko lang din nalaman na... na kasal pala kayo at nag-divorced lang."

"Is that the reason why you're avoiding me these past few weeks?"

Nanatili akong tahimik at hindi na siya sinagot dahil mukhang alam na naman niya ang sagot sa sarili niyang tanong. Oo. Iniwasan ko siya dahil pakiramdam ko, kailangan ko munang mag-isip-isip. Ikinasal na siya noon at nakipag-divorce lang. Pero ang tanong... bakit?

Bakit hindi naging maayos ang pagsasama nila? Anong dahilan?

"Babe, she's all in the past now. Ikaw na ngayon. You don't need to worry about her anymore. Kaya nga divorced na kami. Hindi ka naniniwala? Do you want me to show you our divorce papers? Sure, I'll do that—"

"Hindi naman ako nagseselos," pagputol ko sa sasabihin niya at malakas na bumuntong hininga. "Hindi sa ganoon, Preston. Alam ko na naman na ako ang present at nasa past nalang siya. Hiwalay na kayo at naniniwala ako roon."

Tila nakahinga naman siya nang maluwag nang marinig ang sinabi ko. Alam kong isa rin iyon sa ikinapag-aalala niya ang hindi ko siya tanggapin dahil lang minsan na siyang nagkaroon ng asawa.

"Pero hindi naman iyon ang pinoproblema ko,” dagdag ko.

Saglit siyang natigilan at kapagkuwan ay itinaas ang aking baba upang magtagpo ang aming mga mata. Kunot noo niya akong tiningnan. "Kung hindi iyon, ano?" tanong niya.

"Tungkol nga kay Chantal."

"What about Chantal? Babe, how many times should I tell you that Chantal loves you, huh? Hindi naman siya magiging problema “

"Anak mo pa rin si Chantal, Preston. Anak niyo ng asawa mo. Kahit na magkahiwalay na kayo, anak niyo pa rin si Chantal at ako... kahit na gaano ko pa siyang kamahal, kahit na gaano ko pa siya protektahan at alagaan, kahit kailan, alam kong hindi ko matutumbasan ang totoong nanay niya. K-Kasi Yaya lang naman ako ni Chantal. Kahit na magkarelasyon tayo... Yaya niya pa rin ako sa mata ng lahat."

Natahimik si Preston dahil sa sinabi ko kaya't mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kaniya. Tahimik akong humikbi hanggang sa maramdaman ko ang kamay niyang humahagod at pinaglalaruan ang aking buhok para patahanin ako. Wala siyang sinasabing salita para pagaanin ang nararamdaman ko pero pakiramdam ko, kahit papaano, kumalma ako.

"Wala naman akong balak na palitan ang Mommy niya, Preston. Iginagalang ko pa rin siya dahil nanay siya ni Chantal. Si Chantal lang naman kasi ang pinoproblema ko dahil baka isipin niya, inaagaw kita sa Mommy niya. Ayaw kong isipin niya ang bagay na iyon at unti-unti siyang lumayo sa akin dahil lang doon,” dagdag ko.

"Babe, please..."

Alam kong iniisip niya na makikipagbreak ako sa kaniya kaya naman nag-angat ako ng tingin at muling hinalikan ang kaniyang mga labi. "Hindi ako makikipagbreak sa 'yo, okay? S-Sinasabi ko lang 'to para alam mo kung anong nararamdaman at naiisip ko ngayon sa sitwasyon natin," paglilinaw ko.

Masuyo niyang pinunasan ang luha sa pisngi ko gamit ang kaniyang palad kaya't nagpatuloy na ako sa pagsasalita. Ngunit sa pagkakataong ito, nakatingin na ako sa kaniya at hindi na nagtatago pa sa kaniyang dibdib. "Pareho kayong mahalaga sa akin ni Chantal, Preston. Mahalaga siya sa akin dahil parang anak na ang turing ko sa kaniya. Ikaw naman, mahalaga ka sa akin dahil boyfriend kita at gusto kita-No, mali. Ang totoo ay pakiramdam ko, malapit na kitang mahalin. Pero alam kong sa oras na maramdaman ko 'yon, kailangan ko ring sumugal."

"Lyana, hindi naman kami mawawala. I'm sure Chantal will understand. She'll be happy for us, sigurado ako roon," mahinahong sambit niya..

"Hindi mo naman siguro ako mapipigilang matakot, 'di ba? Natatakot lang ako na balang araw, dumating ang panahon na kailangan kong mamili sa inyong dalawa. Para hindi mawala sa akin si Chantal, para hindi siya magalit, baka kailangan kitang layuan. Kung hindi naman kita lalayuan at ikaw ang pinili ko, baka naman si Chantal ang mawala sa akin. Alam mo naman na ayaw kong mangyari 'yon, 'di ba?"

Hindi siya sumagot at sa halip ay hinalikan lamang ang tuktok ang aking ulo habang tinatapik ang aking balikat.

"Ayaw kong may mawala kahit isa sa inyo kasi parehas kayong mahalaga sa akin. Kaya sana naman, bigyan mo pa ako ng kaunting oras. Kaunting oras pa para mas lalo akong pagkatiwalaan ni Chantal... para mas lalo niya akong mahalin at tanggapin. P-Para hindi ko na kailangan pang mamili sa inyong dalawa. Kaunting oras pa. Kaya mo namang ibigay sa akin iyon, 'di ba?"

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report