The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG) -
CHAPTER Forty One
Mabilis akong umayos ng pagkakatayo nang marinig ang sinabi ng babaeng bagong dating sa akin. Ako? Kabit? Kailan pa?
"Miss, nagkakamali ka yata ng pinasukang baha-"
"What the fuck are you doing here, Margaux?"
Naputol ang kung ano mang dapat na sasabihin ko nang magsalita si Preston. Lumapit siya papunta sa gawi namin at pumagitna sa aming dalawa ng babaeng sumampal sa akin. Kunot-noo ko siyang tiningnan. Margaux? Magkakilala silang dalawa?
"Why are you asking me that question, Preston? Of course, nandito ako dahil bahay ko 'to. Bahay natin 'tong dalawa at hindi bahay niyo niyang kabit mo!"
Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang sinabi ng babae kay Preston. Naramdaman kong hinawakan ni Preston ang palapulsuhan ko ngunit hindi iyon sapat para pakalmahin ako. Bahay nila? Ibig bang sabihin...
"Wala ka nang karapatan pa sa bahay na 'to, Margaux. Noong umalis ka, sinabi ko na sa 'yo na kahit kailan, hindi ka na makakatapak pa sa pamamahay na 'to, naiintindihan mo ba?" seryosong sambit ni Preston sa baba. Parang nanghina ang tuhod ko matapos marinig ang sinabi niya. Tama nga ako. Nag-angat ako ng tingin sa babaeng kausap niya ngayon. Maikli ang buhok nito, naka-make up, maganda ang suot, at pulang-pula ang labi. Ilang beses akong napakurap dahil alam kong kapag pinagtabi kaming dalawa, kahiya-hiya ako.
Ang babaeng nasa harapan ko ngayon...
"Preston, bahay ko rin 'to! Hindi mo ako puwedeng pagbawalan dito dahil lang sa rito mo na irn ibinabahay 'yang kabit mo! Wala ka na ba talagang hiya sa katawan? Nakalimutan mo na bang kasal tayong dalawa, ha?!"
Tuluyan nang nanghina ang tuhod ko kaya't hinigpitan ni Preston ang hawak sa aking palapulsuhan. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang sarili ko sap ag-iyak. Ang babaeng 'to... siya ang asawa ni Preston.
"We're fucking divorced, Margaux. In case you forgot that one, too," malamig na sambit ni Preston sa babae.
"What? Preston, isang taon at kalahati pa lamang mula nang mag-divorce tayo. Pinapaalis mo ba ako dahil..." Ibinaling ng babae ang tingin niya sa akin kaya't wala sa sarili akong napaatras dahil sa kaba. "Dahil ipagpapalit mo ako diyan sa mukhang maid na 'yan?!"
Hindi ako nakapagsalita at sa halip ay tumingin na lamang sa taas para mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Ako? Mukhang maid?
Tama nga naman siya. Yaya ako ng anak nila tapos...
"Hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa bibig mo, Margaux, kaya bago pa magdilim ang paningin ko sa 'yo, umalis ka na sa bahay ko."
Napalunok ako dahil sa lamig ng boses ni Preston. Halatang-halatang galit siya. Akmang aalisin ko na ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin para umalis at maiwan ko silang dalawa ngunit mas lalo pang hinigpitan ni Preston ang hawak niya sa akin na para bang ayaw niya akong umalis sa tabi niya.
Malakas na tumawa ang babae at ipinagkrus ang kaniyang dalawang braso. "And what? Hahayaan ko kayong maglandian niyang kabit m—“
"Lyana is not my fucking mistress, Margaux!" Wala sa sarili akong napaatras nang malakas na sumigaw si Preston. Hinawakan ko ang braso niya para pakalmahin dahil nasa taas lamang sila Jarvis at Chantal.
Marahas na bumuntong hininga si Preston bago nag-angat ng tingin sa dating asawa. "I am not a cheater-huwag mo akong itulad sa 'yo. Kung makapagsalita ka at sabihin sa akin na may kabit ako kahit hiwalay na tayo, para namang nakalimutan mo na iniwan mo kami ni Chantal para riyan sa lalaki mo,” dagdag pa niya.
Ilang beses akong napakurap dahil sa labis na gulat. Ito ang unang beses kong nalaman kung bakit sila naghiwalay at kung bakit naiwan sina Preston at Chantal. Ibig sabihin, ipinagpalit ng babaeng 'to si Preston at iniwan si Chantal? Nagtiim ang bagang ko habang nakatingin sa babae na animo'y kahit kaunting pagsisisi ay walang mababakas sa mga mata. Bumuntong hininga ako para ikalma ang aking sarili ngunit kahit yata anong gawin ko ay kumukulo pa rin ang dugo ko.
Ang kapal naman nga siguro talaga ng mukha niya na sabihing kabit ako tapos siya naman pala ang noon pa nangabit? Eh mukhang siya naman yata ang may tama sa ulo, e!
"You know why I did that, Preston. Alam na alam mo kung bakit," makahulugang sambit ng babae kaya't hindi mapigilang magtagpo ng aking mga kilay.
Saglit na sumulyap sa akin si Preston ngunit agad din siyang nag-iwas ng tingin sa akin nang makita niyang nakatingin din ako sa kaniya. Anong dahilan ang sinasabi niya? Bakit parang ayaw iyong sabihin sa akin ni Preston? Ayaw niya bang malaman ko kung bakit?
Nag-angat ng tingin si Preston sa dating asawa. "Wala ka ng kahit na anong babalikan pa sa bahay na 'to, Margaux. You may leave. Umalis ka na habang kalmado pa ako at mahaba pa ang pasensiya ko."
Pilit pinakalma ni Preston ang boses niya ngunit dahil malapit lamang ako sa kaniya ay hindi pa rin nakatakas sa aking pandinig ang panginginig ng boses niya. At alam ko sa sarili kong hindi iyon dahil sa kaba kung hindi dahil sa labis na galit sa dating asawa.
"No. Hindi ako aalis sa bahay na 'to hangga't hindi mo pinapaalis 'yang kabit mo. Bahay natin 'tong dalaw-"
"Umalis ka na habang hindi pa kita ipinapakaladkad sa guard," pagputol ni Preston sa dapat ay sasabihin nito.
Napalunok naman ako at hinawakan ang braso niya dahil nararamdaman kong kaunti na lamang ay mauubos na ang natitira niyang pasensiya. Sinusubukan niyang kumalma para hindi na lumaki pa ang gulo pero alam ko rin naman na may hangganan ang pasensiya niya.
Maikli ang pasensiya ko pero alam ko rin na mas maikli ang pasensiya ni Preston kaysa akin. Kaunting-kaunti na lamang ay nakasisiguro ako na tutuparin niya ang sinabi niya na ipapakaladkad niya sa guard ang dati niyang asawa kapag hindi ito sumunod sa ipinag-uutos niya.
"Papaalisin mo ako para ano? Para makapaglandian na naman kayo niyang babae mo, ha? Kung hindi pa ako bumisita rito, hindi ko pa malalaman kung anong mga ginagawa mo habang wala ako" "Don't you fucking talk to me like that as if I am the one at fault!"
Muli akong napaatras nang biglang sumigaw nang malakas si Preston. Tulad ng inaasahan, unti-unti nang nauubos ang pasensiya niya... at alam ng lahat na kapag naubos na ang pasensiya niya, pasensiyahan na lang din dahil lahat ay makakatikim ng galit niya.
Dinuro ni Preston ang dating asawa kaya't napalunok ako. "You left me and Chantal. You eloped with your fucking boyfriend samantalang kami, naiwan dito. Nagpakasasa ka sa yaman at bigla na lamang nawala tapos ano? Bigla kang nagpadala ng divorce paper dahil ikakasal na kayo ng boyfriend mo? Oh, eh ano? Nasaan na ang ipinagmamalaki mong boyfriend mo, ha?" galit na tanong niya rito.
"Preston naman..." naiiyak na sambit ng ex-wife niya ngunit hindi ko na napigilan ang sarili ko na umismid dahil alam kong peke lang naman iyon at parte lamang ng pag-iinarte niya.
Siya naman pala ang nang-iwan at nangabit sa iba, e. Hindi na kasalanan ni Preston kung ganito katindi ang galit niya. Tama lang na magalit siya!
"Umalis ka na dahil noong iniwan mo kami ni Chantal, sinabi ko na rin sa sarili ko na wala ka ng babalikan pa rito," malamig na sabi ni Preston at tumingin sa akin. Malakas siyang bumuntong hininga. "Hayaan mo na kami ni Lyana sa kung ano mang gusto naming gawin. Wala ka nang pakialam."
"Preston naman! Kaya nga ako bumalik para ayusin ang pamilya natin tapos ikaw naman ay ayaw maki-cooperate—“
"Pamilya? Do you even know what family means, huh, Margaux? Nag-iisip ka pa ba, ha? Wala na. Wala ka ng babalikan pang pamilya dahil kahit kailan naman, hindi tayo naging pamilya. Si Lyana, siya na ang bago naming pamilya ni Chantal kaya umalis ka na, naiintindihan mo ba?!"
Parang may kung anong pumiga sa puso ko matapos marinig ang sinabi ni Preston. Pamilya... ako na ang bago nilang pamilya ni Chantal? T-Totoo ba ang sinasabi niya?
"Anong gusto mo? Hayaan na kita riyan sa kabit mo, ha? Preston, kahit na naman divorced na tayo, naging mag-asawa pa rin tayo. This is just a married couple problem-sigurado naman ako na maaayos natin 'tong dalawa basta makisama ka. Please, huh, Preston?"
Mula sa palapulsuhan ko ay bumaba ang kamay ni Preston sa kamay ko at mahigpit iyong hinawakan. Kapagkuwan ay nag-angat siya ng tingin sa dating asawa at marahang umiling. "Lyana is not my mistress, Margaux. Single ako at single rin siya kaya hindi ko siya kabit. Divorced na tayo kaya sumama ka na roon sa kabit mo—"
"Preston, please. Iniwan na ako ni Calyx kaya tanggapin mo na ako ulit. P-Please. Aayusin ko na lahat. Hindi na ako manlalaki-"
"Hindi kami bagay ni Chantal para iwan mo nalang nang basta-basta at babalikan kung kailan mo kailangan. Tao kami ng anak ko, Margaux. Noong iniwan mo kami, we were both broken. And Lyana... she fixed us. Dahil kay Lyana kaya masaya ako at si Chantal ngayon. She gave us the love that we deserves the love that you can never give."
Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang aking sarili sa pag-iyak matapos marinig ang sinabi ni Preston. Kahit papaano, naramdaman kong mahalaga ako... na may nagawa naman pala ako kahit kaunti para sa kanilang mag-ama. Kahit kaunti, naiparamdam ko sa kanila na may taong handang kumalinga, tumanggap, at magmahal sila.
At nagpapasalamat ako dahil alam naman pala nila ang bagay na iyon at naaappreciate nila.
"I am Chantal's mother, Preston," mariing sambit ng babae kaya't muli akong natigilan.
Sa pagkakataong ito, hindi na ako natatakot dahil sa pagsigaw o pagwawala niya. Hindi na ako kinakabahan sa mga gagawin niya at panlalait niya sa akin. Pero mas lalo yata akong kinabahan nang sa wakas ay banggitin na niya ang tungkol kay Chantal.
Ang tungkol sa pagiging ina niya kay Chantal.
Nag-angat ako ng tingin kay Preston at ang tangi kong naabutan ay ang pag-igting ng kaniyang panga. Bahagya niyang ikinuyom ang kaniyang kamao kaya't hinawakan kong muli ang kaniyang braso.
"Mother? You're calling yourself a mother? Really, Margaux? Nasasabi mo ang bagay na 'yan matapos mo kaming iwan?" Ramdam ko ang magkahalong pait at galit mula sa boses ni Preston kaya't mas lalo kong kinagat ang aking labi. "Ano naman? Kahit na divorced na tayo, may karapatan pa rin ako kay Chantal dahil anak ko siya. Kaya kung ayaw mong hiwalayan 'yang kabit mo, puwes magf-file ako ng kaso at kukunin ko sa 'yo ang anak natin "
"Anak ko!" Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa sobrang lakas ng boses ni Preston matapos niyang sumigaw. Nangingilid ang luha niya, hindi dahil sa lungkot, kung hindi dahil sa galit, habang nakatingin sa dati niyang asawa. "Anak ko lang, Margaux. Hindi natin. Akin lang si Chantal, naiintindihan mo ba? Kahit na ano mang gawin mo, hindi mo siya makukuha sa akin kaya huwag mo nang tangkaing subukan. Akin lang ang anak ko." Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga habang pinapakinggan ang away nila. Kanina lang ay masaya kaming kumakain tapos...
Bumuntong hininga ako at sinamaan ng tingin ang dating asawa ni Preston. Tapos may dumating na bruha.
"Hindi mo masasabi 'yan, Preston. Chantal needs a mother and I am her mother-"
"Wala akong pakialam," pagputol ni Preston sa dapat ay sasabihin nito. "Akin si Chantal. Alam mo na naman kung ano ang ibig kong sabihin, hindi ba?"
"Wala rin akong pakialam. Kung hindi ka makikipagbalikan sa akin, kukunin ko nalang si Chantal. I'm sure sasama siya sa akin kasi Mommy niya ako " "Mommy? Is that you?"
Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang boses ni Chantal mula sa hindi kalayuan at ang pagtawag niya sa... tunay niyang nanay.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report