"What..."

Marahas akong lumingon sa gawi ni Preston at pinanlakihan siya ng mga mata. Agad naman siyang umiling at iwinasiwas ang mga kamay na parang dinedepensahan ang sarili. "No. I didn't tell them to come here. Hindi ko nga alam na pupunta pala sila rito..."

Pinanliitan ko siya ng mga mata kaya't muli siyang umiling. "Trust me, babe. Wala akong alam... promise. I swear," dagdag niya pa.

Gusto ko pa sana siyang suwayin dahil tinawag na naman niya akong 'babe' kahit na hindi ko pa rin siya tuluyang pinapatawad pero hindi ko na lamang pinansin ang pagtawag niya sa akin ng ganoon dahil abala ako sa pag-iisip ng mga maaaring mangyari kapag nalaman ng mga magulang niya ang tungkol sa akin... o baka naman alam na nila kaya sila pumunta rito?

Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling sinapo ang aking bibig dahil sa kaba. Ano na lamang ang iisipin nila sa akin? Sigurado akong magagalit sila sa akin tulad ni Preston kaya...

Wala sa sarili akong napahawak sa aking tiyan sa pag-aalalang baka may mangyaring masama sa baby ko kapag nagalit din sila sa akin. Agad naman akong bumalik sa reyalidad nang hawakan ni Preston ang aking braso. "Why? May masakit ba sa 'yo? Do you want me to call for help or..."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at marahang umiling. "Ayos lang ako," mahinang sagot ko at umayos na ng tayo.

Wala naman talagang sumasakit sa akin. Nag-aalala lang ako sa mga maaari pang mangyari iyon lang. Saka hindi pa nga kami tuluyang nagkakabati ni Preston tapos heto at may panibago na namang problemang darating. Malakas akong bumuntong hininga. "Lumabas ka na at salubungin ang parents mo. Baka hinihintay ka na nila sa labas," sambit ko. "Huh? All right. Let's go then-"

"Kasama ako?" Itinuro ko ang aking sarili at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Ilang beses naman siyang kumarap habang nakatingin din sa akin at marahang tumango. "Preston naman!"

"What? Maybe they're here because they want to meet you? Come on. Let's go outside," mahinahong sambit niya.

Sunod-sunod akong umiling. "Ayaw ko."

"Why? Babe, come on-"

"Natatakot ako," pag-amin ko at malakas na bumuntong hininga. Nagbaba ako ng tingin at hindi na napigilan ang sarili kong muling mapalabi. "B-Baka mamaya, galit din sila sa akin. Ayaw ko muna silang makita o makilala... b-baka hindi nila ako magustuhan."

"Babe, they already know everything. Kilala ka na nga nila-well, just by your name. You haven't met them so I think it's time. My parents are quite nice..." Natigilan siya na animo'y nag-iisip kaya't nakalabi akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Mahina siyang tumawa. "They're quite nice, I think?"

"You think? Ibig sabihin, hindi mo sigurado," pagtatama ko.

Malakas siyang bumuntong hininga at sinapo ang aking dalawang magkabilang pisngi. Wala sa sarili naman akong napalunok dahil ang lapit namin sa isa't-isa. Aba. Parang nakakalimutan niya na hindi ko pa siya pinapatawad, ah? Nagkakalimutan yata kami rito.

Kinagat ko ang aking ibabang labi habang iniikot ang mga mata sa paligid dahil hindi ako makatingin nang diretso sa kaniyang mga mata. Hindi naman sa nag-eexpect ako pero baka halikan niya ako kaya... para halata niyang ayaw kong halikan niya ako, ano.

"My parents will like you, babe. I know that. Hindi mo naman malalaman kung magugustuhan nila kapag hindi mo sinubukan. I'll be with you, all right?"

Hindi ako nakapagsalita at sa halip ay lumunok na lamang. Nagbaba ako ng tingin at malakas na bumuntong hininga. "Hindi naman ako natatakot para sa sarili ko, Preston. Natatakot ako para sa baby. P-Paano kung... g-gawin din nila 'yong ginawa mo sa akin noon. Baka kaladkarin din nila ako palabas ng bahay kasi galit sila sa aki—"

"They won't do that," agad na pagputol niya sa sasabihin ko. "I might be an asshole but trust me, my parents aren't like that. And if they ever did something that might hurt you or the baby, I'm here. I already did something bad to you and I deeply regret it... at hindi ko na hahayaan na may iba pang gumawa niyon sa iyo, all right? I'm here. I'll be with you every step of the way. Ako na rin ang magpapaliwanag sa kanila."

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Kahit papaano ay napanatag ang loob ko dahil sa sinabi niya ngunit hindi ko pa rin mapigilang mag-alala at kabahan.

Paaalisin din ba nila ako rito sa bahay? Ilalayo rin ba nila ako kina Jarvis at kay Chantal,... pati na rin kay Preston? Ang baby namin, paano?

Pinaglaruan ko ang aking mga daliri dahil sa kaba ngunit agad ding ipinagsiklop ni Preston ang aming mga kamay upang pigilan ako sa ginagawa ko. Muli naman akong napalunok at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Natatakot pa rin ako," pag- amin ko.

Tipid siyang ngumiti at umiling. "Kapag inaway ka nila, Jarvis, Chantal, and I will defend you. You have three protectors, you know? Hindi ka namin pababayaan. So don't be scared, huh? We're here. Sigurado naman ako na ipagtatanggol ka rin ng dalawang bata. Galit pa nga rin sila sa akin dahil sa ginawa ko noon, pababayaan ba naman nilang muling maulit 'yong nangyari? I doubt it. They love you that much, babe."

"T-Talaga? Paano kung palayasin ako ng mga magulang m—"

"This is my house, Lyana," pagputol niya sa sasabihin ko at malakas na bumuntong hininga. "Hindi nila ako mauutusan kung sinong dapat kong patirahin dito o hindi. I have my own decision and they need to respect it." "Pero magulang mo pa rin naman 'yong mga 'yon kaya..."

"And you're the mother of my children," muling pagsingit niya sa sasabihin ko. Sinapo niya ang mukha ko at itinaas iyon upang magtagpo ang aming mga mata. "And you're the woman I love. Do you understand that?"

Hindi ako sumagot at sa halip ay muli na namang nagbaba ng tingin sa kaniya dahil sa kaba. Sa huli, natagpuan ko na lamang ang sarili kong naglalakad pababa ng hagdan habang nasa likod ako ni Preston at hawak niya ang aking kamay. Mahigpit ko naman iyong hinawakan sa takot na baka kapag bumitiw ako, tuluyan na nila akong paalisin dito.

"Mom, Dad," dinig kong bati ni Preston kaya't napatigil ako sa paglalakad.

"Oh, son. We're talking to the kids--- oh, you have a companion there."

Tila natuyo ang aking lalamunan nang mapansin na ako ng ginang. Hindi ko pa siya tinatangkang silipin dahil baka mamaya ay mas lalo lamang akong panghinaan ng loob kapag nakita ko ang itsura niya.

Malakas na bumuntong hininga si Preston at mas hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko, marahil ay dahil naramdaman ang sunod-sunod kong paglanghap ng hangin. Pakiramdam ko ay aatakihiin ako sa puso dahil sa labis na kaba. Kung noon ay grabe na ang kaba ko nang malaman ni Preston ang totoo tungkol sa aming apat, parang pakiramdam ko ay mas sumobra pa ang kabang nararamdaman ko ngayon.

Hindi niya lang naman nana yang kikitain ko kung sakali-maging ang tatay niya!

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Narinig kong sabi noon ni Dalia ay napakayaman talaga ng pamilya nila. Preston's father was on the top five of Farvo's World's Billionaire's List since he was thirty five years old. Si Preston naman na anak niya ay nakapasok bilang Top 18 nang tumuntong siya ng labing-pitong taon. Kaya't sino naman ang hindi matatakot sa pamilya nila?

Hindi ako ganoong kaimpluwensyang tao tulad nila-o talagang hindi naman talaga ako maimpluwensyang tao. Hindi tulad nila na lumaki sa yaman, lumaki akong parang nasa hukay ang isang paa para lamang maka-survive ng isang araw nang may makakain at matutulugan akong bahay.

Kaya't ang lumalabas ngayon, parang ang kapal naman ng mukha kong basta-basta na lamang makisalamuha sa mga tulad nila? Hindi ako nababagay dito...

Muli akong humugot ng malalim na buntong hininga at sa pagkakataong iyon ay bahagya nang lumingon sa akin si Preston at tipid akong nginitian na para bang sinasabi niya sa aking magiging ayos lang ang lahat. Kahit na sabihin niya man iyon, alam kong hindi pa rin ako dapat na makampante at makasiguro.

Humarap si Preston sa gawi ng ama at ina samantalang mas lalo naman akong nagtago sa likod niya upang umiwas sa mga ito.

"You didn't inform me that you'll visit, Mom, Dad. Sana man lamang ay sinabihan niyo ako para naman nakapaghanda ako," sambit ni Preston sa mga magulang.

Narinig kong tumawa ang nanay niya. "Oh, come on, son. Bawal na ba kaming bumisita ng Dad mo rito? Parang dati naman ayos lang sa 'yo kung bumibisita kami nang walang abiso. Well now, it might have changed because..." Hindi na naituloy ng ginang ang sasabihin niya nang pekeng umubo si Preston. Alam kong ako ang tinutukoy ng nanay niya kaya't hindi ko mapigilang kabahan. Gusto ko sanang sabihin na hindi ko naman sinabi kay Preston na pigilan silang bumisita rito kaso naunahan na ako ng kaba kaya't nanatili na lamang akong tahimik at mas lalong nagtago.

"Mom, it's not like that. What I mean is you should have told me that you're visiting us here so that I can prepare something for you and for Dad. Gusto niyo bang magpahanda ako ng food or..."

"No, no," mabilis na pagtanggi ng ginang. "I'll just cook here later. We're planning to stay here over the night so-"

"Dito kayo tutulog?!" Hindi makapaniwalang pagputol ni Preston sa kung ano mang sasabihin ng ina. Kahit na hindi ko nakikita ang nanay niya, alam kong tumaas ang isa nitong kilay dahil sa sinabi ni Preston.

May narinig akong malakas na pagbuntong hininga at nakasisiguro ako na galing iyon sa ginang. "Preston, son, if you don't want us here, you can just say it," tila disappointed na sambit nito dahil bahagyang humina ang boses niya at nawalan ng sigla hindi tulad ng tono ng pananalita niya kanina.

Pinisil ko ang palad ni Preston at bahagyang sinipa ang paa niya para humingi ng pasensiya sa ina. Mukha namang hindi ko na siya kailangan pang pilitin na humingi ng tawad dahil agad din naman siyang nagsalita at sumunod sa akin. "I was just shock, Mom. Of course, you can stay here in my house as long as you want. And in fact, Chantal will like it if you stay here with us. Right, Chantal?"

"Yes, Daddy! Mamita told me that we'll go shopping-"

"But I am refraining you from spoiling her, Mom," pagputol ni Preston sa kung ano mang dapat na sasabihin ni Chantal. "Just stay here in the house and play. No shopping, okay?"

Hindi ko na narinig pang sumagot o umangal si Chantal sa ama ngunit nakakasiguro ako na nakasimangot na siya ngayon dahil hindi nasunod ang gusto. Chantal is not like the other kids who would throw tantrums kapag hindi nasunod ang gusto. Karaniwan ay sisimangot lamang siya at hahayaan nang makonsensya ang ama. Sa huli, hindi matitiis ni Preston at ibibili rin naman kahit na hindi naman siya pinipilit ni Chantal na bumili.

Pustahan, papayag din siyang sumama si Chantal sa pagsshopping sa Lola niya... Wait. Lola... si Jarvis. Nasaan si Jarvis?

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "How about you, hon? What's your plan?"

Mas lalo akong naging alerto nang marinig na tinanong na ng ginang ang asawa niya na siyang tatay ni Preston. Hinihintay ko talagang marinig ang boses niya dahil baka tila mas lalo nang manghina ang tuhod ko kapag nakakamatay na pala talaga sa takot ang boses niya kapag narinig ko.

"Mom's right, Dad. What's your plan? Are you done playing with your 'work'?"

Bahagyang kumunot ang aking noo nang marinig ang tanong ni Preston sa ama. Playing? Work? Anong ibig sabihin niyon? Pinaglalaruan lamang ni Mr. Tejada ang trabaho niya... parang hindi naman totoo 'yon. Bilyonaryo sila kaya imposible na ganoon ang mangyari. Hindi kapani-paniwala.

"Oh, come on, son. Nagrereklamo pa nga 'yan kaninang umaga dahil wala na raw akong inihandang lunch box. Ugh! I'm so stressed. Pakiramdam ko ay mas lalo lang akong magkakawrinkles kapag ipinagpatuloy niya pa 'yan. It's a good thing that he already stopped or else, baka tumanda akong may malalim na wrinkles dahil sa kaniya," rinig kong reklamo naman ng nanay ni Preston kaya't mas lalo akong nagtaka.

Lunch box? Bakit may lunch box? Nagbabaon pa ba ng packed lunch ang mga bilyonaryong tulad nila? Parang hindi na naman tuloy kapani-paniwala kung sakali mang totoo. 'Di ba kapag ganoon, palaging sa mamahaling restaurant kumakain tapos parang ginto ang presyo ng pagkain?

May narinig akong tumawa. Baritono 'yon at halos katulad ng pagtawa ni Preston pero parang mas... magaan? Mas lalo namang nagsalubong ang aking dalawang kilay matapos marinig ang pagtawa ng tatay ni Preston. Bakit parang pakiramdam ko, narinig ko na ang tawa na iyon... pero saan naman? Sigurado naman akong wala pa akong nakakasalamuhang bilyonaryo, ano.

"This little boy and I will eat outside, too. I wasn't able to give him the toy car that I promised."

"You know Jarvis?"

Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling sumilip mula sa likod ni Preston. Saglit na nagtagpo ang mga mata namin ng nanay niya ngunit agad kong ibinaling ang tingin kay Jarvis na ngayon ay nakahawak sa kamay ng... "Manong guard?!" Malakas na sigaw ko at wala sa sariling tinakpan ng palad ang aking bibig dahil sa gulat.

Ngumisi sa akin ang matanda kaya't napaatras ako palayo. Napakapamilyar sa akin ng boses at ng mukha niya kaya't kahit na minsan lamang kami magkausap noon ay hindi ko siya kaagad nakalimutan. Siya ang tatay ni Preston? Totoo ba 'to o panaginip lang?

Kasi kung totoo... ah, patay ako!

Siya... Hindi ako maaaring magkamali! Sigurado ako!

"You know my Dad, Lyana? How come?"

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report