Hindi kaagad ako nakapagsalita at sa halip ay ilang beses lamang na kumurap dahil sa gulat habang nakatingin sa kaniya. Tila nawalan ako ng boses na kahit na gusto kong sabihing oo ay hindi ko magawa. Marahil dahil natatakot ako sa magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya ang totoo?

"Lyana? I'm asking if you're pregnant-"

"S-Sorry ho," pagputol ko sa kung ano mang dapat ay sasabihin niya at agad na nagbaba ng tingin mula sa kaniya. "P-Pasensiya na po kung hindi ko kaagad sinabi ang totoo. S-Saka baka iniiisip niyo po na pinlano ko ang lahat p-para maperahan si P-Preston, h-hindi po 'yon totoo. Pasensiya n-na po."

Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at hindi pa rin nag-angat ng tingin sa kaniya dahil sa labis na kaba. Natatakot ako na baka sa oras na magtaas ako ng tingin ay makita ko ang disappointment mula sa kaniyang mga mata. Natatakot ako na baka magalit nga talaga siya sa akin tulad ng unang naramdaman ni Preston noon.

"Are you really sorry for what you did?"

Mabilis akong tumango bilang sagot sa tanong niya. Akmang mag-aangat na sana ako ng tingin ngunit hindi pa man tuluyang nagtatagpo ang mga mata namin ay nakita ko nang nakataas ang kaniyang kamay kaya't agad kong hinarangan ang sarili ko sa pag-aakalang sasampalin niya rin ako tulad ng ginawa ni Margaux nang malaman niya na may relasyon kami ni Preston.

Ilang segundo akong naghintay na dumapo ang palad niya sa aking pisngi ngunit sa tagal niyon ay wala akong naramdaman. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at takot na tumingin sa kaniya. Nakaawang ang mga labi niya at ilang beses na napakurap nang magtagpo ang aming mga mata. "Are you expecting that I'll slap you?" tanong niya matapos ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Lumunok ako at muling nagbaba ng tingin dahil sa hiya. "M-Ma'am kasi po---"

Hindi ko na natapos pang muli ang dapat kong sasabihin nang walang pasabi niya akong hilahin at niyakap. Agad naman akong naestatwa sa aking kinatatayuan at parang rebulto habang yakap niya ako. "Oh, poor thing. Why? Did Preston hurt you after knowing the truth? Tell me, hija."

Ilang beses akong napakurap at hindi kaagad nakasagot dahil sa gulat. Hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa akin na niyakap niya ako kaya't nanatili akong tahimik at nakaawang ang mga labi.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang aking dalawang balikat. Nagtagpong muli ang aming mga paningin ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na ako nakapag-iwas pa ng tingin sa kaniya.

"Did my son hurt you? Sinabi sa amin ni Dalia na nag-away kayo pero hindi niya sinabi kung anong buong nangyari maliban sa... pinalayas ka niya at kay Dalia ka tumira. Tell me, hija. Pinagbuhatan ka ba ng kamay ng anak ko? Sabihin mo sa akin at nang maturuan ko ng leksyon-"

"M-Ma'am?" pagputol ko sa sasabihin niya at hindi pa rin makapaniwalang tumingin sa kaniya. "H-Hindi niyo pa po ba ako sasampalin?"

Natigilan siya nang marinig ang sinabi ko at nagsalubong ang kilay habang nakatingin sa akin. "I'll slap you? Why would I?" animo'y nagtatakang tanong niya kaya't napalunok ako.

"M-May masama po akong ginawa noon sa anak niyo, Ma'am. 'Yong k-kay Jarvis p-po saka 'yong p-pagtatangka k-kong huwag munang sabihin kay Preston ang t-totoo po... h-hindi po ba kayo magagalit?"

Hindi siya kaagad nakasagot at binitiwan na ang pagkakakapit sa balikat ko. Kpaagkuwan ay malakas siyang bumuntong hininga. "Well, of course, I was mad. Who wouldn't, right? Kaya nga hindi ko rin masisisi si Preston na nagalit siya sa 'yo -but of course, I would really blame him if he hurt you physically. Did he slap you? Punch?”

Umiling ako kaya't tila nakahinga siya nang maluwag. Sa pagkakatanda ko naman ay hindi ako pinagbuhatan ni Preston ng kamay noong nagalit siya. Sinigawan niya lang ako saka... "C-Counted po ba kapag kinaladkad niya ako palabas ng bahay habang umuulan?" wala sa sariling tanong ko.

"He did that?!"

Napaatras ako nang magtaas siya ng boses. Hinilot niya ang sintido habang napapailing tulad ng palaging ginagawa ni Preston kapag nasstress siya. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko dahil mukhang mali na sinabi ko pa ang bagay na iyon sa kaniya.

Malakas siyang bumuntong hininga. "I apologize for what he did. Pagsasabihan ko para hindi na maulit." "Pero Ma'am"

"I insist," pagputol niya sa kung ano mang dapat kong sasabihin at muling bumuntong hininga. "Hindi niya dapat ginawa ang bagay na 'yon. Oh, gosh. Kapag nalaman ng Dad niya ang ginawa niya, he would disown him. Mali ba ang pagpapalaki namin... oh, gosh."

Ilang beses akong napakurap at pinaglaruan ang aking mga daliri. Umiling ako. "H-Hindi niya naman po sinasadya, Ma'am. M-Mali rin po k-kasi ang ginawa ko kaya nagalit s-siya. Saka nagsorry n-na naman po siya at h-hindi niya na raw po uulitin," pagtatanggol ko kay Preston.

Kahit naman ako, alam kong mali ang ginawa ni Preston. Kung sakali mang gagawin din iyon ni Jarvis sa ibang babae sa future, sigurado akong maging ako ay magagalit at iisipin na hindi ko siya pinalaki nang tama. Pero kahit naman may ginawang mali si Preston, alam ko naman na pinagsisisihan niya ang bagay na 'yon at nangako siyang hindi na siya uulit.

"Ang mga tao, kahit na sinabing hindi na uulit, hindi ka pa rin makakasiguro na hindi na talaga. He really needs some good scolding right now. How dare he? Oh, gosh. Tumataas ang blood pressure ko," reklamo niya at pinaypayan ang sarili. Nahihiya man ay pasimple kong hinawakan ang braso niya dahil baka bigla na lamang matumba. "P-Pasensiya na po, Ma'am. Alam ko naman po kasi na may kasalanan din talaga ako kaya hindi ko rin po masisisi si Preston sa nagawa niya. K- Kahit nga po kayo, alam kong nagalit din kayo sa akin. N-Nakakapanibago lang po na hindi niyo ako sinampal kasi-"

"Do you really want me to slap you?"

Wala sa sarili akong bumitiw sa pagkakahawak sa kaniya at gulat siyang tiningnan. "P-Po?"

"Nah, nah. I'm just kidding, come on. Parehas na parehas talaga kayo ng iniisip ni Preston. I don't know if I should be offended or not." "S-Sorry po..."

"It's all right." Tinapik niya ang balikat ko kaya't muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "I understand. You might probably think that in this situation, my husband and I would not approve to your relationship with my son." Marahan akong tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Tama naman kasi talaga siya. Sa ginawa ko, iisipin ko talaga na hindi sila papayag at hindi nila ako tatanggapin. "But let me ask you a question, hija."

Hindi ako sumagot at sa halip ay takang tumingin na lamang sa kaniya habang hinihintay ang kung ano mang itatanong niya sa akin. Napalunok naman ako habang naghihintay. "What would you do if I ask you to leave just like what Preston did to you?"

"Hindi po ako aalis," walang pag-aalinlangang sagot ko sa tanong niya. "Kung gusto po ako ni Pretson at ng mga bata na kasama nila, kahit sabihin niyo po na umalis ako, hindi po ako aalis. Hindi ko po sila iiwan." "Why not? You did something terrible in the past... you wouldn't repent to it?"

Kinagat ko ang aking ibabang labi at humugot ng malalim na buntong hininga. "Pinagsisisihan ko naman po ang ginawa ko noon, Ma'am. Pinagsisihan ko po na iniwan ko si Chantal nang mag-isa at si Jarvis lang ang isinama ko. Pinagsisisihan ko rin po na itinakas ko si Jarvis kahit na alam kong bawal. Pinagsisisihan ko rin po na hindi po namin kaagad sinabi kay Preston at sa dati niyang asawa ang totoo."

"If that's the case, then why..."

"Pero hindi naman po porque nagsisisi ako ay gagawin ko na rin po ang gusto niyo,” dagdag ko at muling nag-angat ng tingin sa kaniya. "Mahal ko po si Preston at ang mga bata. Saka nangako po ako na hindi ko sila iiwan kahit na ano man ang mangyari... kahit na utusan niyo pa po akong umalis at iwan sila, hindi ko po gagawin."

Nagkibit balikat siya at marahang tumango. "Even though leaving them would be the right thing to do?"

"Hindi po kasi tama ang iwan sila para sa akin, Ma'am," sagot ko at marahang umiling bilang hindi pagsang-ayon sa sinabi niya. "Hindi po magiging tama ang iwan ang pamilya. Pamilya ko po sina Preston at ang mga bata kaya hindi po ako aalis sa tabi niya kahit na ano mang sabihin niyo. Kung ayaw niyo po sa akin, a-ayos lang po. B-Basta hindi po ako aalis dito."

Hinihintay kong kumontra siya sa sinabi ko ngunit muli na naman akong nagulat nang tapikin niya ang balikat ko at hinila ako upang yakapin. Tulad kanina ay ilang beses pa rin akong napakurap at hindi makapaniwala sa ginawa niya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka nga...

"It's a good thing that my husband already know you even before. He's right about his judgement about you, hija. Preston is so lucky to be given another chance to meet a woman like you."

"P-Po?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "S-Si Sir po..."

Tumango siya at mahinang tumawa. Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin at tipid na ngumiti. "Preston's father already knows about you even before you worked here. He met Jarvis and immediately thought that he's Preston's son with another woman."

Hindi ako kaagad nakapagreact sa sinabi niya at sa halip ay hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Silang dalawa ng tatay ni Preston.... Matagal na nilang alam?

"Of course, I told him that Preston wouldn't cheat. It's just so not him. So he investigated about it and found out that you're Chantal's surrogate mother. And Jarvis was the same age as Chantal so we found out that..."

"Na itinakas ko po si Jarvis," pagdurugtong ko sa sasabihin niya at nagbaba ng tingin. "P-Pasensiya na po ulit sa ginawa ko. Alam ko pong walang kapatawaran ang ginawa ko pero pasensiya na po talaga. H-Hindi ko lang po talaga matiis kasi a-anak ko rin naman sila kaya ko nagawa 'yon."

"I was mad for what you did but when we found out that you're the twins' real mother, I quite symphatize with you. Naisip ko that if I was the one in your situation, baka ganoon din ang gawin ko. Dalia told us that it was an accident-na hindi mo rin talaga ginusto ang nangyari. I thought you're just going to leave them like that because you didn't really intended to be a mother. Pero noong itinakas mo si Jarvis, naisip ko na baka, mahalaga nga talaga sila sa 'yo."

Marahan akong tumango bilang pagsang-ayon. "K-Kung puwede nga lang po na isama ko sila parehas, g-g-ginawa ko na. May kaunti po akong pagsisisi na hindi ko isinama si Chantal noon pero hindi ko rin po magawang sobrang magsisi kasi natakot lang din po ako na baka mas lalong mawala si Chantal kung isinama ko siya. M-Maselan po noon si Chantal kaya..."

"I know. My husband and I knows about that. Si Preston na nga lang talaga ang hindi pa nakakaalam. Hindi ba niya itinatanong sa 'yo?"

Umiling ako. "Hindi pa po namin ulit napapag-usapan ang tungkol diyan. Parehas pa po kasi kaming hindi kumportableng pag-usapan dahil baka maulit na naman po 'yong nangyari noon na..."

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko at malakas na lamang na nagpakawala ng buntong hininga. Napatango naman ang nanay ni Preston nang marinig ang sagot ko sa tanong niya.

"I understand. But I hope that you can tell him your side. We managed to forgive you upon knowing your side so I hope Preston would know, too. You're not bad, Lyana. My husband and I can attest," sambit niya kaya't hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapangiti.

"S-Salamat po," mahinang sambit ko.

Tumango naman siya at iniangkla ang braso niya sa braso ko. Bahagya naman akong natigilan dahil sa ginawa niya dahil hindi ako sanay ngunit hinayaan ko na lamang siya sa gusto niya. Hindi na rin naman masama. Mas gusto ko pa nga 'yong ganito kaysa naman sa magalit siya sa akin.

"So... you haven't answer my question yet."

Tumingin akong muli sa kaniya.

"Are you really pregnant, Lyana? Magiging ate at kuya na ba sina Jarvis at Chantal? Come on, I won't tell it to anyone else."

Hindi ko siya sinagot at sa halip ay ngumiti na lamang sa kaniya. Nagliwanag ang mukha niya. Mukha namang nakuha niya na kaagad ang ibig kong sabihin nang malakas siyang tumawa at pumalakpak na para bang nagtama ang kaniyang hula.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report