"Manang Lerma, napatulog ko na ang kambal. Si Preston ho ba, tapos na sa triplets?"

Tumigil si Manang Lerma sa paghuhugas ng mga boteng ginamit ni Preston sa pagpapadede ng tatlo kaya naman tingin ko ay maging siya ay tapos na sa pagpapatulog sa triplets.

"Ha? Ay, hindi ko napansing lumabas. Baka nandoon pa rin sa kuwarto. Kanina pa ibinigay sa akin 'tong mga bote, e. Hugasan ko na raw para matuyo na kaagad," sagot niya kaya't wala sa sarili akong patango. "Tulog na po ba ang triplets noong pumunta kayo sa kuwarto?"

Mabilis na umiling si Manang Lerma kaya't lihim akong bumuntong hininga. Mukha ngang naghihirap ngayon si Preston, ah? Deserve.

"Naglalaro sila noong pumasok ako. Noong umalis naman ako, nag-iiyakan 'yong tatlo," kaswal na sagot sa akin ni Manang Lerma kaya naman agad na nagtagpo ang aking dalawang kilay.

Bumuntong hininga ako. "Bakit ho nag-iiyakan? Nag-away po ba? May masakit sa kanila?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya pabalik.

"Ay, hindi. Nagpapalakasan lang yata ng iyak." Nakahinga ako nang maluwag sa sagot ni Manang Lerma pero hindi ko pa rin maiwasang mapailing. Ibig sabihin, sigurado akong rinding-rindi na si Preston kung nagpapalakasan ng iyak ang tatlong iyon. "Pero huwag kang mag-alala, mukha namang walang masakit sa kanila. Napapailing nalang si Sir Preston, e. Ibig sabihin, baka kanina pa 'yong ganoon pero ayos naman."

Tumango na lamang ako kay Manang Lerma at tipid siyang nginitian. "Sige po, Manang. Sisilipin ko nalang po muna dahil baka nababaliw na 'yong si Preston. Hindi niyo po ba kailangan ng katulong sa pagliligpit niyan? Tutulungan ko po muna kay-"

"Ay, ano ka ba?" Malakas na bulalas niya at mabilis na umiling. "Ano ka ba naman, kayang-kaya ko 'to. Saka isa pa, pagod ka na maghapon dahil late nang nakauwi si Sir Preston. Ako na ang bahala rito, huwag kang mag-alala. Magpahinga ka na lamang doon sa kuwarto niyo."

Sa huli, wala na akong nagawa kung hindi ang tumango at ngumiti sa kaniya bilang tanda ng pagsuko. Mukha namang gustong-gusto talaga ni Manang Lerma na tumulong kaya naman wala na rin akong magagawa roon. Baka nga magalit pa siya sa akin kapag hindi ko siya pinatulong, e.

Sa halip na sundin ang sinabi niyang matulog na ako at dumiretso na sa kuwarto namin ni Preston, dumiretso ako sa kuwarto ng triplets na nasa second floor, sa tabi ng kuwarto namin ni Preston para naman kapag umiyak sila, rinig kaagad naming dalawa.

Wala na akong naririnig na iyak mula sa labas kaya naman napanatag na ang loob ko na tulog na ang tatlo dahil hindi na sila nagpapalakasan ng iyak tulad ng sinabi sa akin ni Manang Lerma kanina. Ang tanging inaalala ko na lamang ay si Preston at kung ano ang lagay niya ngayon-sigurado akong pagod na pagod siya.

Hindi na ako nag-abala pang kumatok sa pinto dahil baka magising ko pa ang tatlo sa oras na gawin ko iyon. Kapag naman nakita nila ako, siguradong hindi na matutulog ang mga iyon at mababaliwala ang paghihirap ni Preston na mapatulog silang tatlo.

Saktong pagpasok ko ay ang paglingon ni Preston sa pintuan. Kaagad na nagtagpo ang aming mga mata at kapagkuwan ay sinenyasan niya ako na tumahimik at huwag akong mag-ingay. Sumilip lamang ako sa triplets na ngayon ay mahimbing na ang tulog bago ko sinenyasan si Preston na lumabas na ng kuwarto para makapag-usap kaming dalawa.

"Tara, kape?" pag-aaya ko sa kaniya nang makalabas na kami ng silid ng tatlo. "Ay, tea nalang pala sa 'yo. Baka hindi ka na makatulog niyan."

Mahinang tumawa si Preston dahil sa sinabi ko at kaagad na hinawakan ang aking kamay. Sabay naman naming binagtas ang daan papunta sa may hagdan para muling bumaba sa first floor.

"It's all right. I'll have coffee, too. Wala naman akong pasok bukas-well, hopefully. Baka mamaya, ipatawag na naman ako nang wala sa oras. I'll just get mad at them," naiiling na sagot niya sa akin.

Humaba ang nguso ko at tumingin sa kaniya. Tiningnan niya naman ako pabalik kaya't napatigil kami sa paglalakad. Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Bakit naman kung makapagsabi ka riyan ng 'hopefully' parang ayaw mong magtrabaho? Mas chill ka nga doon kasi walang mga batang nagpapalakasan ng iyak."

"Nah, babe. I'll trade my work just so I can be with you and our children the whole day," mahinahong sambit niya kaya naman agad na umangat ang sulok ng labi ko.

"Ikaw naman, parang sira 'to," pigil ang ngiting sabi ko at tinampal ang kaniyang balikat. Agad naman siyang natawa dahil sa reaksiyon ko kaya't nginitian ko na lamang siya. Masama bang kiligin? Porque kasal na kami, hindi na ako puwedeng kiligin?

"But kidding aside, totoo ang sinabi ko, babe. I know that it's hard taking care of our children. Nakalimutan mo na yatang lima ang anak natin at nag-iisa kalang kapag wala ako? Of course, I have to help you. It's my responsibility to help you as your husband and the father of our children."

Tipid ko siyang nginitian nang marinig ang sinabi niya. Alam ko naman na iyon ang dahilan niya kaya't ayaw niyang magtrabaho. Hindi pa nga yata sapat sa kaniya ang halos anim na buwan nyang pagpa-file ng leave sa trabaho para lang matulungan ako sa pag-aalaga sa mga bata lalo na noong bagong panganak pa lamang ako.

Siguro sa lahat ng tao sa bahay noong nanganak ako, siya ang pinaka-pagod. Two hours nga lang yata ang tulog niya noon kada-araw, e. Saka isa pa, hindi lang naman ang mga bata ang binabantayan niya pati na rin ako. Hindi niya ako pinabayaan noong bagong anak pa lamang ako hanggang sa magtagal na.

"Hindi ko tuloy maiwasang magtanong sa sarili ko kung sino ang suwerte sa ating dalawa. Kung ikaw dahil nakapag-asawa ka ng magandang tulad ko o ako dahil nakapag-asawa ako ng tulad mo," natatawang sambit ko bago nagpatuloy na sa paglalakad.

Tumawa si Preston. "Tinatanong pa ba 'yan? Siyempre, ako ang suwerte. I'm still lacking a lot... ikaw naman, perpekto ka na."

Napailing na lamang ako dahil sa sinabi niya dahil hindi naman ako perpekto tulad ng sinasabi niya. May mga pagkukulang din naman ako at marami pa akong bagay na kailangang ayusin sa buhay ko para maging perpektong ina at asawa ako sa kanila.

Wala na si Manang Lerma sa kusina nang makababa kami sa first floor para uminom ng kape. Dahil doon, ako na ang nagpresinta na magtimpla ng kape kahit na gusto ni Preston ay siya na raw ang magtitimpla dahil 'pagod' daw ako. "Hindi nga ako pagod, Preston. Promise," pilit ko sa kaniya habang naglalagay ng mainit na tubig.

"Sino ba namang hindi mapapagod sa lagay mo? Ang aga kong umalis, babe. Triplets ang inalagaan mo maghapon tapos pagdating naman ng hapon, dumating na ang kambal. Paanong hindi ka mapapagod doon? Unless, wala ka talagang kapaguran."

Mahina akong tumawa nang marinig ang sinabi niya. Umiling ako. "Medyo pagod lang ako pero hindi talaga ako pagod na gusto ko nalang talagang humiga. Magka-iba 'yon, okay? Saka hindi naman ako pinahirapan ng tatlo. Mababait naman sila saka halos nasa crib lang maghapon. Sina Chantal at Jarvis naman, sinamahan akong bantayan ang tatlo pagkauwi nila. Tapos noong nakatulog na ang triplets, saka ko naman tinulungan sa pagsasagot ng assignment 'yong dalawa. Halos nakaupo nga lang ako maghapon, ano ka ba?"

"Kahit na..." Malakas siyang bumuntong hininga. "It's physically and emotionally exhausting, babe. I know that. I swear, sa susunod, hindi na ako aalis nang ganoon hangga't wala rito sina Mom at si Dad o kaya naman ay si Dalia. Mahirap na kapag naiiwan kang mag-isa, baka bumigay na 'yang katawan mo. Mas lalo lang tayong mahihirapan kapag nagkasakit ka. You know that our family can't function without you, right?"

Lihim akong napangiti dahil sa sinabi niya. Siyempre, hindi naman ako manhid para hindi kiligin, ano. Sino ba namang hindi kikiligin kapag sinabing hindi magfufunction ang pamilya kapag hindi ka kasama, 'di ba? Parang pakiramdam ko, napakahalaga kong tao.

"I talked to Thirdy's doctor at sabi niya ay bumubuti na raw ang lagay ng kapatid mo. It looks like his treatment is really going well this time," anunsyo ni Preston sa akin.

Tumango ako. "Napapansin ko na rin naman ang improvements ni Thirdy. Saka kaya na niyang i-pronouce ang pangalan ni Chantal at Jarvis kaya naman alam ko na nag-iimprove na talaga siya. Sana lang talaga ay magtuloy-tuloy na para naman maranasan na niyang mamuhay nang maayos."

"I hope so, too. Your brother is a nice person, babe. Sigurado ako na gagaling din si Thirdy."

Nang matapos akong magtimpla ng kape ay agad kong ibinigay kay Preston ang sa kaniya samantalang umupo naman ako sa tapat niya para makapag-usap kami nang maayos.

"Mom called me a while ago," panimula ni Preston kaya't sumimsim na ako ng kape. "Galit na galit sa akin dahil hindi ko raw siya sinabihan kaagad na may trabaho ako ngayon para hindi na siya nakapunta pa sa Bicol. Ipinaliwanag ko na nga na hindi rin naman ako na-inform na may trabaho ako pero sinermonan pa rin ako."

"Tumawag nga rin sa akin kanina. Ipinaliwanag ko na naman na hindi mo rin naman sinasadya na may trabaho ka pala. Saka chill lang naman kami ng mga bata kanina-baka sadyang nagpapasikat lang sa 'yo kaya napakaingay kapag dumadating ka na," biro ko.

Tumawa si Preston dahil sa sinabi ko kaya naman wala sa sarili akong napangiti. Ramdam ko na gustong-gusto ng mga bata ang tatay nila kaya naman napaka-clingy ng mga ito sa kaniya. Si Jarvis nga noon na hindi naman masiyadong close ni Preston, parang ilang minuto lang na aalis ang Daddy niya ay ayaw nang bumitiw.

Lumawak ang ngiti ko habang nakatingin kay Preston nang maalala kung paano siya mas lalong napalapit kina Chantal at Jarvis kahit na may dumagdag sa amin. Maraming nagsabi sa amin na baka lumayo ang loob ng kambal sa amin dahil baka hindi namin sila mabigyan ng atensyon lalo pa't tatlong bata ang sabay-sabay na ipapanganak ko. But guess what? Mali sila dahil mas lalo lamang napalapit sa amin ang kambal. "Ngiting-ngiti, ah? Care to share what you're thinking?"

Bumalik lamang ako sa reyalidad nang muling magsalita si Preston. Hindi ko na napansin na naabutan niya pala akong nakatitig sa kaniya at malapad ang ngiti.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Sumimsim muna ako sa kape ko bago ako sumagot. "Wala lang. Proud lang ako sa 'yo."

"For what?"

"Kasi mas napalapit ka kina Jarvis at Chantal kahit na busy ka sa trabaho saka sa triplets. Ibig sabihin lang noon, nag-eeffort ka talaga na hindi nila maramdaman na hindi na sila mahal dahil may kapatid na sila." Nagkibit balikat si Preston. "The twins are fun to be with. Hindi rin naman ako nahihirapan kapag kasama sila-I'm sure you know that. 'Yong tatlo kasi..."

"Nagpapalakasan ng iyak o sigaw kapag kasama ka," pagdurugtong ko sa sasabihin niya kaya't sabay kaming natawa dahil ganoon talaga ang triplets mula nang ipanganak ko sila. Parang may iisa silang utak at sabay-sabay na umiiyak o sumisigaw kapag nakikita si Preston. Akala ko nga noon ay may problema sa kanila dahil ganoon ang inaasal nila pero napag-alaman namin na parang iniinis lang nila ang tatay nila at natutuwa sila sa reaksiyon nito. "Pagod ka na ba?"

Nag-angat ng tingin sa akin si Preston at mabilis na umiling. Para bang hindi na niya pinag-isipan pang sagutin ang tanong ko kaya naman lihim akong napangiti.

"Hinding-hindi ako mapapagod sa inyo, babe. Alam mo na naman 'yan."

Tumango na lamang ako dahil alam ko naman na totoo ang sinasabi niya. Ganoon din naman ang nararamdaman ko, e. Nakakapagod physically at mentally, oo. Pero kahit na pagod, masaya. Siguro ganoon naman talaga ang mga magulang. Hinding-hindi mapapagod na mag-alaga sa mga anak.

"Dumaan nga pala si Margaux kanina," panimula ko nang wala na kaming maisip na topic dahil napag-usapan na namin ang kambal.

Nag-angat ng tingin sa akin si Preston. "And? What happened?"

"Nagdaan ng cookies para sa kambal, Hindi ko nga alam kung saan pa siya kumukuha ng energy para mag-bake ng cookies samantalang sobrang busy niya ngayon."

"Is she with her daughter?"

Marahan akong tumango bilang tugon. "Sabi ko nga, iwan niya muna sa akin kasi abala siya sa pag-aayos ng mga papeles nila, e. Mukhang desidido na talaga siya na sa ibang bansa na tumira kasama ng anak niya," sagot ko.

Ilang buwan matapos kong manganak sa kambal, nabalitaan namin na nag-ampon nga si Margaux at sinunod ang payo ko sa kaniya. Hindi ko alam kung saan sila nagkakilala noong bata pero mukhang mabait naman 'yong inampon niya. Mas bata ng isang taon kina Jarvis at Chantal ang inampon niyang batang babae kaya naman paminsan-minsan ay naglalaro ang mga anak namin.

"You know what, I didn't expect that you and Margaux will be like this. Hindi kapani-paniwala. When I talked to Mom and Dad, ganoon din ang sinabi nila." Mahina akong tumawa dahil sa sinabi niya. "Ako rin naman, hindi ko ineexpect. Parang kailan lang, nagsasabunutan at suntukan pa kami tapos ngayon..." "It's because you're too nice, babe," pagputol ni Preston sa sasabihin ko. Nginitian niya ako bago siya uminom ng kape.

"Si Margaux din naman," mahinang sambit ko at humugot ng malalim na buntong hininga. "Sana lang talaga, maging maayos at masaya na siya. Saka mukhang mas mabuti nga sa kanila ng anak niya kapag sa ibang bansa na sila tumira. Baka hindi na sila masundan ni Gab doon. Sigurado naman akong titigil din 'yang si Gab sa panggugulo."

Malakas na bumuntong hininga si Preston at napailing. "Dapat talaga, inayos ko ang pagpapakulong sa lalaking iyon, e. Nakalusot pa rin tuloy."

"Ano ka ba? Hindi ko rin naman kasalanan 'yon. Saka at least, naipakulong mo at nagtanda na kaya hindi na tayo ginugulo. Darating din ang araw na hindi na rin niya guguluhin si Margaux. Deserve ni Margaux na maging masaya kasama 'yong anak niya... tulad natin."

Sabay na lamang kaming napatango ni Preston dahil doon at tahimik na uminom ng kape hanggang sa maubos namin iyon. Sa halip na maging energetic, halos sabay pa kaming humikab kaya't hindi namin mapigilang matawa. "Ichecheck ko muna ang tatlo bago tayo matulog," sambit ko habang naglalakad na kami papunta sa second floor.

"I'll go with you." Tumango na lamang ako kay Preston dahil wala naman akong balak na kumontra sa kaniya. Mas mabuti nga iyon at magkasama kami, e.

Sabay kaming dahan-dahang pumasok sa kuwarto ng triplets at sumilip. Inayos ko ang buhok ng panganay sa tatlo samantalang si Preston naman ay abala sa pagchec-check ng formula ng gatas para kung sakali mang magising mamayang madaling araw, madali naming mapapatahan.

Kaka-isang taon lamang ng triplets noong isang buwan kaya naman grabe ang ingay nila-- lalo na ng pangalawa sa kanilang tatlo. Pero hindi na naman kami ganoong kapuyat tulad noong bagong anak pa lamang ako kaya naman nasanay na kami ni Preston gabi-gabi.

"Kamukhang-kamukha mo talaga 'tong si Caiden," wala sa sariling sabi ko kay Preston habang nakatingin ako sa panganay sa triplets. Una kong ipinanganak si Caiden Jax Tejada. Lalaki. Sa kanilang tatlo, siya ang pinaka-tahimik kaya't hindi talaga kami nahirapan sa kaniya. Mahinang tumawa si Preston. "Carson looks like the mix of Jarvis and Chantal. Pero parang mas kahawig niya yata si Chantal... right?" Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Preston. Ang pangalawa naman ay si Carson Jacques Tejada. Lalaki rin. Tulad ng sinabi ni Preston, kamukhang-kamukha siya ng kambal pero mas kahawig niya si Chantal. Parang babaeng version ni Chantal kung tutuusin. Sa kanilang tatlo, siya rin ang pinakamaingay at ang nananalo sa palakasan ng iyak at sigaw. "Tapos itong si Cohen naman..."

"Kamukha mo," pagdurugtong ni Preston sa sasabihin ko.

Agad naman akong tumango at malapad na ngumiti bilang pagsang-ayon. At ang pinakabunso sa kanilang lahat, si Cohen Jace Tejada. Lalaki rin. Kamukha ko siya pero boy version. Halos lahat ng kakilala namin ay walang ibang masabi kung hindi para kaming pinag-biyak na bunga ni Cohen kaya naman tuwang-tuwa ako. Halos lahat kasi ng anak namin, kamukha ni Preston, e. Buti may kamukha pa ako.

Caiden Jax Tejada.

Carson Jacques Tejada.

Cohen Jace Tejada..

Sila ang kumupleto at mas lalong nagpasaya sa pamilya namin. Kawawa nga lang si Chantal dahil sigurado akong bantay sarado siya ng mga kapatid niya paglaki nila. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti habang iniisip kung ano na kayang buhay namin ten or twenty years from now.

"Babe?"

Tumingin ako kay Preston nang tawagin niya ako. Lumayo muna ako sa crib bago tumingin sa kaniya. "Hmm?" mahinahong tanong ko pabalik.

"Thank you..."

"Para saan naman? Nakakagulat ka, bigla-bigla kang ganyan, ha."

"For giving me this family. I couldn't be more thankful because I have you and our children. Kung may bagay man ako na ipinagpapasalamat, iyon ay ang dumating kayo sa buhay ko. Thank you because you gave me the family that I wished for... and the unconditional love that I want to have," sagot niya na siya namang ikinangiti ko.

"Masaya rin ako kasi ikaw ang tatay ng mga anak ko... at asawa ko."

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report