The Billionaire's Prize Wife
Chapter 22 Beyond Words

Pinaupo ni Harry sa malapit sa table niya ang asawa. Binigyan niya ito ng maliit na table. "You comfortable here?"

"Yeah." Inilapag naman niya sa table ang dalang maliit na laptop. "It's comfy enough."

"Good." Hinalikan niya ito sa noo bago tuluyang inasikaso ang kaniyang trabaho.

"You finally met your queen, huh," ani Mr. Raja kay Harry bago niya binalikan ang ginagawa niya kanina.

Tila kinikilig na tumangu-tango si Harry. Kinindatan pa nito ang asawa na kinilig naman.

Nauumay naman sa nakikitang eksena ang magkapatid. Umalis sila nang hindi nagpapaalam. Naging abala sa trabaho sina Harry. Minabuti naman ni Jemima ang ipagtimpla sila ni Mr. Raja ng tsaa habang paminsan-minsan ay mino-monitor din niya via video call ang mga naiwang tauhan sa Singapore.

Hindi nagtagal ay bumalik ang magkapatid. Nakapagpalit na sila ng damit. Naka backless na si Sheena samantalang halos lumuwa na ang dibdib ni Shelly. Pareho silang naka mini skirt. Para silang mga buhay na manika na rumampa papasok sa opisina ng ama nila kung saan naroroon din sina Harry at Jemima.

Nilapitan ni Sheena si Jemima. "Care to go out with us? It will be fun."

Alanganin sa isasagot, ngumiti lang si Jemima.

Si Harry ang maagap na sumagot kay Sheena. "She can't go with you, Sheena. I need her here," he said in a polite manner.

"But she's just a distraction here so we better have fun."

"No, she's not a distraction to me," nilapitan niya ang asawa at hinawakan ang kamay nito, "she's my inspiration."

Kinilig naman si Jemima sa namutawi sa bibig ni Harry. Hindi niya akalaing ganito karomantiko ang asawa niya.

Nagkatinginan naman ang magkapatid. "We'll just give her a good time. It's our first time to bond with her," winika naman ni Shelly. "Besides, she's not at work, so..." si Jemima naman ang hinarap niya, "let's unwind."

"She's working," itinuro pa niya ang laptop ng asawa. "Besides, I want to see her every minute." Deep inside ay naiirita na siya sa ginagawang pang-iistorbo ng magkapatid, pero nasisiyahan siya na nakikitang kinikilig ang kaniyang asawa sa mga sinasabi niya. Kahit naman siya ay hindi makapaniwalang nanggagaling ito sa bibig niya. He's never been a cheesy type.

"Give it up, girls," wika niya sa mga anak na nakangiti. "You will know what love is when you meet one. We will go out later, let the couple be."

"We are the young ones," ani Shelly sa kapatid habang papaalis sila ng opisina.

"Young and fresh, all the best," sagot naman ni Sheena habang kumekembot. Umiling-iling na lang ang kanilang ama na nag-apologetic smile sa mag-asawa, "children..."

Ngiti lang ang isinukli ng mag-asawa. Bumalik sila sa dating ginagawa.

Nang papaalis na silang tatlo sa opisina ay binulungan ni Harry ang asawa. "Whatever you do, stay with me. Don't trust anybody."

Nginitian lang ni Jemima ang asawa. Gusto niyang manghula kung ano ang dahilan ng sinabing ito ni Harry, but she doesn't want to spoil the moment. Lalabas pa naman silang tatlo para mag-unwind kasama ang ilang empleyado dito. Ayaw niyang sirain ang mga huling araw nila dito sa Malaysia.

Humanga si Jemima sa majestic ambiance ng hotel na pinasok nila. Dito sila kakain ngayong gabi.

Agad na lumapit sa kanila ang magkapatid na Shelly at Sheena. "Hi!" "Hello!"

Maagap na hinapit ni Harry ang bewang ng asawa habang ang isang kamay niya ay hinahawakan naman ang kamay nito habang pumapasok sila ng hotel. Umiiwas siyang umangkla sa bisig niya ang magkapatid, gaya ng nakagawian ng mga ito. Nakita niya ang pagsimangot ng magkapatid.

"Do you like the place?" Halos pabulong ang pagtatanong niya sa asawa, insinuating na na kay Jemima ang full attention niya. "Yeah, it's like a palace."

Nangingiting sumabat naman sa kanila si Mr. Raja, "this place is fit for every queen." Nginitian naman siya ng matamis ni Jemima.

"Right," at dinampian niya ng halik sa buhok ang asawa matapos niyang sang-ayunan ang tinuran ni Mr. Raja.

Naunang naglakad sa kanila ang magkapatid patungo sa reserved table nila. Nakabangga nito ang isang lalaking naka business attire.

"Oh, hi! It's you!" Bati nito sa magkapatid.

Nag-aalalang napalingon ang magkapatid kina Harry na sinundan naman ng tingin ng nakabangga nila.

"Oh, hello, Mr. Raja... Mr. Sy!..."

Matipid na ngiti lang ang isinagot dito ng matanda.

"Hello, Mr. Wan," pagbati ni Harry dito."

"Nice to see you here, Mr. Sy. Pinagmasdan nito ang mukha ni Jemima. "I guess this is the beautiful Mrs. Sy. Stunning, indeed. Hello!" "Hello," at ngumiti si Jemima sa lalaki.

"For once, I agree with you, Mr. Wan."

Natawa ng mapakla si Mr. Wan sa sinabi ni Harry. Agad siyang nagpaalam sa mga ito. "I have to go now. Nice meeting you, Mrs. Sy!" "Bye, Mr. Wan."

Habang kumakain ay nagkukuwentuhan sila tungkol sa trabaho kasama ng mga empleyadong sumama sa kanila. Tahimik lang na nakikinig ang magkapatid.

"I hate it when I see traitors!"

Napamang si Jemima nang marinig ang ibinulalas ni Mr. Raja.

"How could he still have the guts to approach you, sir?" ang sabi ng isang empleyado kay Harry.

"The nerve of that man!"

Pabulong na ipinaliwanag ni Harry kay Jemima ang ginawa ni Mr. Wan sa kumpanya nila noon. "He was our assistant manager. He sold our data to Stylus, one of our competitors."

"Oh!"

"The fact that he even cried of unfair investigation," dagdag pa ni Mr. Raja kay Jemima, "the man is cunning." Kinausap niya ng mata sa mata ang mga kasama. "Be careful with that man. He can manipulate and at the same time, play victim." "Yes, sir."

"We know him all ready, sir. He can't bite us."

Lihim na pinagmamasdan ni Harry ang reaksyon ng magkapatid sa nasabing usapan. Nahahalata niya na hindi mapalagay ang mga ito.

Lingid sa kaniya, pinagmamasdan din siya ng asawa niya. Pilit na inuunawa ni Jemima ang ikinikilos ng asawa.

Natiyempuhan ni Harry sa isang sulok malapit sa powder room si Shelly.

"Hey, lady, I saw you back there. Don't you think you have some explaining to do?"

Ayaw niyang ma-trap sa ganitong usapin. Humakbang siya para iwasan ito.

"You can't just make a mess and walk away. I know what you did. I have a hunch, Shelly."

"Come on, Harry, I don't know what you're talking about." Nagpalinga-linga siya. Nakita niyang umatras si Sheena nang makita sila nito.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Think of its consequences, Shelly. You will hurt your old man big time."

"I won't."

"You don't know what you're talking about. You just don't know." Saka pa niya hinayaang makaalis ang babae sa harapan niya.

"Is it what's been bothering you?"

Nagulat si Harry nang hinaplos siya ng asawa sa likod. "You saw us?"

"I heard all of it. You told me to stay with you, remember?" HInaplos niya ang pisng nito.

"Y-yeah,.. right." Tila nabawasan siya ng tinik sa dibdib. Hindi na niya kailangan pang magpaliwanang sa asawa tungkol dito.

Pero may mga bagay pa siyang inaalala. Hindi pa niya alam kung paano reresolbahin ang mga iyon.

Kinabukasan ay nagpatawag ng meeting si Harry. Nagpaalam siya dahil ito na ang huling araw ng pagtatrabaho niya dito. Naayos na nila ang posibleng maging problemang kakaharapin ng kumpanya s analalapit nilang launching. "I just have two things to do now. First, I'd like to commend you all for a job well done, and for your sacrifices and loyalty to this company. You're still the faces I'd like to see when I come back here." Nagpalakpakan naman ang mga empleyado sa harap niya. "Second, I am asking for your vigilance. I would like to know anything about any suspected traitor to this company. Nobody is untouchable here. No one should try to take the shoes of a traitor, else, he or she, " sinulyapan niya ang magkapatid na Shelly at Sheena, "or they shall face the consequences." Hinarap niya si Mr. Raja bago niyia muling hinarap ang ibang empleyado, "from now on, let's keep our confidential data away from anybody who's not involved in the work group, even to family. Life can be harsh. Those whom we trust might bring us down one day."

Nakita ni Harry ang naging pagsang-ayon ni Mr. Raja at ng mga empleyado. Wala na siyang pakialam sa bitter na reaction ng magkapatid na Shelly at Sheena.

Proud wife naman si Jemima na lumapit sa asawa. "You're awesome," bulong niya dito."

Napatawa ng mahina si Harry. Ilang beses na niya itong narinig mula sa iba't ibang tao pero ngayon lang siya kinilig na marinig ito. Iba talaga ang dating sa kaniya ng mga salita ni Jemima. Pumapasok ito sa kaniyang sistema.

'Is there such thing as secret child crush?' Nangingiti siya sa naiisip. May iba rin naman kasing bumu-bully sa kaniya noon pero hindi siya natitinag ng mga iyon. Tanging pambu- bully lang ni Jemima ang iniinda niya noon. Well, bawing-bawi naman siya ngayon. Pinisil niya ang palad ng asawa. Pareho silang kinilig.

Binisita nila ang plantation site nina Jemima sa Malaysia. Pawang nakangiti naman ang mga taong nakipagkamay sa kanila.

"You're sweating," bulong ni Jemima sa asawa habang naglalakad sila palabas ng plantation.

"Are you turned off?"

"No, I like your wet look."

Nanilay ang nanghahalinang ngiti ni Harry. "Let's hurry home," bulong niya sa asawa.

Pag ibis nila mula sa taxi sa harapan ng hotel ay agad silang nilapitan ng seksing-seksing si Ivana.

"Harry!" maluwang ang pagkakangiti ng babae. Akmang bibeso siya kay Harry pero agad na hinapit ni Harry ang asawa.

"Ivana, wha are you doing here?"

"I'm here to see a friend."

"Oh, okay. We're going in." Niyaya niya papasok ng hotel ang asawa. Nainis siya nang sumabay si Ivana sa kanila. "Aren't you seeing someone?"

"Yes, a friend. You."

Napatda si Harry sa tinuran ni Ivana. Nag-aalala siyang napatingin sa asawa.

"Who is she? Aren't you gonna introduce me?"

Nag-aalangan man, ipinakilala na rin niya ang dalawa sa isa't isa. "Jemima, this is Ivana..."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Ivana Smith, Harry's best girl for a very long time."

Hindi naitago ni Harry ang pagkainis sa sinabi ni Ivana sa kaniyang asawa.

"Well, Ivana Smith, I'm glad to see you."

"Uhuh! Why is that? You want something? Some bed skills tutorial? I've heard that you're naïve and-""

"Now I know why you're the past and I'm the present. I'm also his future and his forever." Ngumiti ng tipid si Jemima bago muling nagsalita. Tinitigan niya sa mata si Harry. "Let's go, my general.” "Yes, my queen."

Naiwan si Ivana na nagngingitngit ang kalooban sa dalawa. "Just wait."

Sa loob ng hotel room, pinakawalan na ni Jemima ang totoong nararamdaman sa nangyari. Agad niyang tinabig ang kamay ng asawa na nakaakbay sa kaniya.

"What the❞ agad niyang naunawaan ang nangyayari. Kitang-kita niya sa mga mata ng asawa ang pagkainis at pagkadismaya nito. "My queen,--"

"Don't!..." tinakpan niya ang mga tenga, "talk no more!"

Napatiim-bagang si Harry. Wala sa expertise niya ang makipag-usap sa ayaw makinig. Nadidismaya siya. Ito ang isa sa mga ayaw niya kaya ayaw niyang magkaroon ng emotional attachment sa ibang tao. Umupo siya sa gilid ng kama. Kinusut- kusot ang sariling buhok.

Nakasimangot namang tumingin sa kabilang panig ng kuwarto si Jemima. Ramdam pa niya ang tila kutsilyong tumarak sa dibdib niya nang marinig kanina ang pangalan ni Ivana. Alam niyang matagal itong naging kasa-kasama ni Harry noon. Sinikap niya lang na magmukhang matatag kanina. Ayaw niya lang kasing magmukha siyang kawawa. Ilan pa bang babae ang kailangan niyang harapin? Ilan ba silang ayaw tumanggap na may asawa na si Harry, at siya iyon?

Pero kailangan ba niyang parusahan ang asawa dahil sa nakaraan nito? Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Did you meet her here before I came?"

Nabuhayan ng loob si Harry. May chance na siya to explain. Pero paano niya ilalahad ang nangyari sa kanila ni Ivana?

"I realize that I shouldn't care anymore about your past sexual activities, Harry. But what was Ivana doing here?"

Napalunok siya ng laway. Matigas siya sa ibang bagay, pero ayaw niyang masira ang pamilya niya. Pamilya na niya ngayon si Jemima.

"She came here,..." tinitigan niya sa mata ang asawa, pinakikiramdaman niya ito, tinitingnan ang bawat reaksyon nito. "She knocked. I thought it was you. I was going to surprise you with a kiss, but..." "You kissed?... you kissed!"

Hindi agad nakaimik si Harry.

"Harry!"

"As I've said, I thought it was you." Ayaw niyang maging emotional talaga. Nawawala ang pagiging dominante niya kapag feel niya ay may kasalanan siya at kailangan niyang mapatawad ng isang tao. Hindi kumibo si Jemima. Tinimbang-timbang ang mga narinig mula sa asawa.

"Nothing happened, it was a mistake. She's even banned here."

Tiningnan siya ng asawa sa mata. Sinisiguradong tama ang narinig niya.

"I know my priorities, Jemima. I'm sexually active, but I know my place," hinawakan niya ang mga binti ng asawa. Wala nang lumabas na salita sa kaniyang bibig. Hinaplos-haplos na lang niya ang binti ng babae. "I know my place, too,..." ani Jemima na humarap kay Harry. Kumandong siya dito. "...here."

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report