The Billionaire's Prize Wife -
Chapter 27 The Truth
Napagdesisyunan ni Harry na pumunta ng bahay ng ama niya kung saan naroroon ang buong pamilya niya. Pupunta siya doon hindi para dumalo ng nasabing family dinner. Kakausapin niya ng masinsinan ang ama niya. Kailangan nilang mag heart to heart talk na mag-ama.
Hindi siya mapagpatol kapag sinasaktan siya ng babae, lalo na ni Jemima. Bukod kay Jemima, may ilan din namang babae ang kinulang sa tiwala sa kaniyang kakayahan noon. Hindi siya natinag ng mga iyon. Pero iba itong ginagawa ni Jemima sa kaniya ngayon.
Sa palagay ni Harry ay binu-bully pa rin siya ni Jemima ngayon, nag-iba nga lang ng paraan. Dinadaan na siya nito ngayon sa emosyon. Sapul na sapul naman siya. Nararamdaman niya ang pagkirot ng kaniyang dibdib. Ang babaing iyon, harap-harapan kung magbigay ng pagkagiliw sa ibang lalaki. Oo, magkaibigan sila, pero kailangan ba talaga niyang haplusin ang mukha nito? Siya lang dapat ang ginaganoon ng asawa niya. Makikipaghiwalay na siya kay Jemima. Hindi siya utu-uto. Hindi siya papayag na paikutin lang siya ng babaing iyon. Inakala pa naman niyang natutunan na talaga siya nitong mahalin. Tila may dumagok sa kaniyang dibdib nang maisip na niloko lang siya ni Jemima.
Inihinto niya ang kotse. Nanginginig ang mga kamay niya. Pinagpawisan siya ng malamig. Nalilito siya. Niloloko nga lang ba siya ng asawa niya? Wala bang totoo sa mga pinagsaluhan nilang sandali?
Binalikan niya sa alaala ang masasaya nilang sandali. Ang mga yakap at halik nila na pumukaw sa kaniyang dandamin. Ang maiinit nilang eksena, dahilan kaya lagi niyang hinahanap-hanap ang presensiya ng asawa. Hindi yata niya matatanggap na peke ang lahat ng pinagsamahan nilang dalawa. Kinapa niya ang dibdib. Inaarok ang sariling damdamin.
"Jemima..." "Toooot!"
Tila nayanig ang mundo niya sa sabay-sabay na pagbusina ng mga sasakyan. Nawala sa isip niya na sa gitna ng kalsada siya huminto. Agad niyang pinaandar ang sasakyan. Mabuti na lang at hindi siya tinekitan. Itutuloy nga ba niya ang naiisip niyang gawin? Hindi kaya nagkakamali lang siya? Habang papalapit siya sa bahay ng ama ay pinagmasdan niya ang cellular phone. Tawagan kaya niya si Jemima?
Si Cohen ang tinawagan niya. Nasa parking area na siya ng bahay ng ama. Gusto niyang makasigurado sa nangyayari.
"Harry!..."
Dahil naka-video call, kitang-kita ni Harry ang isang pares sa likod ni Cohen. Masayang nagsasayaw sina Chester at Jemima. Naningkit ang kaniyang mga mata sa nakita. Hindi na siya nagsalita. Ini-off na lang niya ang cellular phone. Kanina lang ay masama ang pakiramdam ng kaniyang asawa. Ngayon ay masaya itong nakikipagsayaw kay Chester. Hindi man lang ito nag-alala sa kaniya. Hindi nga siya nito mahal, naisip niya.
Nag-aalala naman si Cohen sa naging reaction ni Harry. Nilapitan niya si Mr. Sy.
Mabibigat ang mga hakbang ni Harry habang pumapasok sa bahay ng kaniyang ama. Hindi niya mabigyan ng iisang pangalan ang kaniyang nararamdaman ngayon.
"Harry! Nandito ka na pala, anak," masayang sumalubong sa kaniya si Zorayda Te.
Nagulat siya. Hindi niya inaasahan ang pagdating ng mga biyenan. "M-ma, you're here!"
"Yes. Your father called us. We're excited to hear his announcement. But you eat first. We decided to dance while waiting for you."
Nakita niyang si Samuel Sy naman ngayon ang kasayaw ni Jemima. Nilingon siya ng kaniyang ama.
"Eat fast. The last dance should be yours." Kinindatan pa nito si Jemima na masayang nakikipagsayaw sa kaniya.
Natutulala lang si Harry habang nakatingin sa asawa. Naguguluhan siya sa pangyayari.
Minabuti naman ni Samuel Sy na ihinto na ang pagsasayaw.
"Since we're all gathered here, without further ado, I'd like to make an announcement." Tiningnan niya si Harry. "Tonight, I'd like to make a toast." Nagtaasan naman ng kopita ang lahat maliban kay Harry. "I am very happy to announce that I am going to be a grandfather!"
Excited na sumigaw si Zorayda habang lumalapit sa anak. "Yiiii! Magiging lola na ako!" Nagyakap ang mag-ina.
Nagyakapan din ang magbalae. Tila nagising sa katotohanan si Harry nang nilapitan siya ng mag-asawang Te para yakapin.
Kaya pala nagiging weird ang kaniyang asawa. Kaya pala mabilis itong magbago ng mood. Kaya pala ito nagiging iyakin. Buntis pala ang asawa niya. Unti-unting nagsi- sink in sa kaniyang sistema ang katotohanang magiging ama na siya. Napasapo ng ulo si Harry. Muntik na siyang makagawa ng isang malaking pagkakamali.
"Don't worry, it will be all right. She's fine," sabi sa kaniya ni Allan Te na nakangiti.
"Anak, magsayaw kayo ng asawa mo," pagyayaya naman ni Zorayda kay Jemima habang kausap nito si Chester. "Halika at mukhang sobra siyang nag-aalala," pahila niyang pinalapit ang anak sa kaniyang manugang. Nagtitigan sina Harry at Jemima. Mga mata lang nila ang nag-uusap. Nagsisisi si Harry sa mga bagay na naisip niya kanina. Nagsisisi din si Jemima sa mga bagay na ginawa niya kanina.
Pumailanlang ang isang musika. Sumayaw sina Harry at Jemima. Nagtititigan pa rin silang dalawa. Halos hindi pa rin makapaniwala si Harry sa nangyayari.
"Is the perfume part of your conception?" anas niya sa asawa.
Tumango ang babae. "I think so."
Saglit na nag-isip si Harry, tinitimbang ang sasabihin.
"Harry, are you mad at me?"
Tinitigan niya sa mata ang asawa. Tila nalusaw ang lahat ng hinanakit niya dito.
"Is Chester part of your conception?"
Hindi agad kumibo si Jemima.
"I would like to know."
Huminga muna ng malalim ang babae bago nagsalita. "Harry, I think I'm gonna visit Chester every day. At least, during office days."
"Do you like his face so much?" Napadako ang kaniyang tingin kay Chester na kausap ngayon ng kaniyang ama.
"What if our child will look like him? Will you accept our child?" Gusto niyang makatiyak sa damdamin ng asawa.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Huminto si Harry sa pagsasayaw. Tinitigan niya ang asawa ng mata sa mata. In a loving voice, he held her hand and kissed it. "If the child is ours, it doesn't matter whom he will look like. We will fill his days with love." Niyakap niya ang naiiyak nang asawa.
Pumailanlang ang kantang "When a Man Loves a Woman" ni Michael Bolton. Ninamnam nila ang liriko ng kantang ito habang sumasayaw. Nakangiti namang nanonood sa kanila ang kanilang mga magulang.
Nang magkasarilinan sina Harry at ang kaniyang ama, tinapik siya sa balikat ng matanda.
"Your prize will be delivered after four months. You have to focus on your wife's pregnancy first, and the People's Choice Award." "Thanks, dad." Niyakap niya ang ama. Mahahanap na rin niya ang kaniyang ina.
HABANG nagmamaneho pauwi ay pasulyap-sulyap siya kay Jemima. Nakapikit ang babae sa tabi niya. Napapahugot siya ng hininga. Na-realize niya na mahirap palang magpadalus-dalos kung may hindi nauunawaan sa ginagawa ng isang babae. Ni hindi man lang niya naisip na baka buntis na ito. Ang nanaig sa kaniya ay ang damdaming nasaktan. Nainsulto ang pagkalalaki niya.
Pero babawi siya ngayon. Hahabaan pa niya ang pagpapasensiya sa asawa, lalo na ngayong naaapektuhan ang babae ng hormones niya dahil sa pagbubuntis nito.
Tatanggapin din niya ang pagiging magiliw nito kay Chester. After all, wala naman talaga silang pinag-aawayan ng pinsan niya. Lumayo lang ang loob niya dito. Nakatulog si Jemima sa sasakyan. Naalimpungatan siya nang kinakalas ni Harry ang kaniyang seatbelt.
"Oh, I slept. Are we home?"
"Yes. Come."
Nagulat siya nang kinarga siya ni Harry.
"I'm okay. Put me down, Harry, I'm heavy."
"You're tired. You can't be enervated." Hinalikan niya ito sa noo at nagpatuloy sa pagkarga sa asawa niya patungo sa condominium suite nila.
Nangingiting niyakap ni Jemima ang asawa. Ramdam niya ang pagmamahal at pag-aalala nito.
Kanina lang ay nakita niya sa mukha ni Harry ang sobrang disappointment nito sa kaniya. Siguro'y mabigat ang naging dating sa asawa niya ang mga pinaggagawa niya kaya siya iniwan nito. Natigib ng mga luha ang kaniyang mukha dahil sa kalungkutan. Kung hindi siya sinundo ni Cohen ay baka nagmukmok lang siya sa opisina. Sinikap niyang iwaglit ang lungkot nang malamang dumating ang mga magulang niya. Ayaw niyang makahalata ang mga magulang niya na may hindi pagkakaunawaan silang mag-asawa.
Hinagkan niya sa buhok si Harry. She wished na laging ganito na lang sila ka-sweet. Sana'y hindi na maulit ang ganoong misunderstanding nila. Masakit pala iyong tingnan siya ng ganoon ng asawa niya at iwanan siya nito. Hindi niya napigilan ang paglaglag ng mga luha niya. Mabuti na lang at nasa loob na sila ng unit nila.
"Hey, are you crying?" Pinaupo niya ang asawa sa kandungan niya. "Why is my baby crying?"
"I'm happy, Harry, so happy!" Niyakap niya ang asawa. "I thought you're not coming back for me. I thought you're so mad at me!" Dumanguyngoy na siya sa asawa. Niyakap naman siya nito habang hinahagod ang likod niya. "I thought wrong. I'm sorry, honey. I'm sorry."
"Please don't do it again. It hurts." Nagpatuloy siya sa pagbuhos ng kaniyang emosyon. Ayaw na niyang maulit ang ganoong eksena. "Don't leave me anymore, not once! Don't turn your back on me, Harry!"
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Namalayan na lang ni Harry na lumuluha na rin siya. Damang-dama niya ang nararamdaman ng asawa. "I'm so sorry, my wife. I will not do it again, I promise." Niyakap niya ito ng mahigpit. Hindi niya ito masisisi sa pag-iyak nito ngayon. Nasaktan niya ang asawa. Sinisisi niya ang sarili sa kaniyang ginawa.
"Please hush, my queen. Our baby might cry, too."
Agad namang nahinto ng pag-iyak si Jemima. Natatawa siya sa asawa. "His eyes are not even formed yet, Harry, how can he cry, silly."
Alam naman niya iyon. Pero naging epektibo ito sa pagpapatahan sa asawa niya. Hinalikan niya sa noo ang asawa. Pinahid niya ang luha nito sa mata. "Try not to cry so much, Jem. Don't exhaust yourself. You're carrying our love child." Humihikbi pa na tumango-tango sa asawa si Jemima. Humilig siya sa dibdib ni Harry hanggang sa makatulog siya sa mga bisig nito.
Inihiga ni Harry ang asawa sa kama. Pinagmasdan niya itong maigi. Sa puso niya, nagpapasalamat siya na naging asawa niya ang babaing ito. Ni sa hinagap ay hindi niya akalaing mamahalin niya ang babaing kinaiinisan niya noon. Nasisiyahan si Jemima sa extra special treatment na binibigay ni Harry sa kaniya. Minsan ay nawiwirduhan na siya sa asawa. Araw-araw siya nitong pinatatayo sa timbangan at sinusukat ng tape measure ang bewang niya. Hinihimas nito ang kaniyang tiyan, hanggang sa maging four months old pregnant na siya. Halata na ang umbok sa kaniyang tiyan.
Sanay na si Harry sa pagiging close nina Chester Singh at Jemima. Sa sariling opisina na lang niya hinihintay ang asawa kapag nakikipaghuntahan ang asawa niya sa kaniyang pinsan. Pero ngayon ay pagbibigyan niya ang asawa sa request nito. "Harry, let's go, honey," wika ni Jemima nang bumungad ito sa kaniyang opisina.
Kasama nito si Chester. Kakain kasi silang tatlo sa labas.
Habang papalabas silang tatlo ng company building ay nakita sila ni Ivana. Kasalukuyang naka-park ang kotse ng babae sa may 'di kalayuan sa kanila. Naningkit ang mga mata nito nang makitang masaya ang mag-asawa, lalo na nang nahalata niya ang umbok sa tiyan ni Jemima.
"That bitch!"
SA loob ng restaurant, habang kumakain silang tatlo ay naisipan ni Jemima na batiin ang dalawa.
"I've heard that Dad will select his successor soon. It's between you two. Whoever will he choose, I am confident that the company is in good hands."
Ngumiti sa kaniya ang dalawang lalaki. "I'm not aiming for it, you know that. It would require too much of my time. I have better things to focus, which is you and replaceing mom."
"I don't want it either. I'm comfortable with my current office, no need to go up for now."
Natatawa si Jemima sa sinagot ng dalawa. "You, guys, can't just go away from it. You have to accept that Dad will not accept a 'no' from you."
"Well," itinaas niya ang wine glass niya paharap kay Harry at kay Jemima, "que sera sera. Let's toast to it."
Nagkasundo naman ang dalawang reluctant presidentiables na ipasa tadhana na lang ang pagtanggap sa presidency ng Good Era Rubber and Tire Company.
HABANG namimili ang mag-asawa ng mga gamit pambata sa isang mall, naisipan ni Harry na lumipat sa isang electronics store. Dumaan siya sa isang bukas na telebisyon.
Pinanlamigan siya ng katawan nang makita ang ipinapalabas sa TV screen. Kasalukuyang kinukomentuhan ng isang show business reporter ang video ng pagkakahalik niya noon kay Ivana sa Singapore. Sinabi ng reporter na kuha ang naturang video sa panahong may asawa na ang lalaki. Ipinagdiinan pa nito na isang taksil at mapagsamantala sa babae si Harry Sy.
Napalingon siya sa kaniyang likuran nang marinig ang isang humihikbi. Nakita pala ni Jemima ang naturang report.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report