The Billionaire's Prize Wife -
Chapter 31
INIUWI na ni Harry ang asawa. Sinisigurado niyang hindi masasagi ng sinuman at anuman ang napasong kamay nito.
Sa loob ng bahay, pinagmamasdan ni Jemima ang asawa habang abala ito sa pag-aayos ng beddings. Nakaupo si Jemima sa couch. Napatitig siya sa unan sa tabi niya. Nahinuha niyang malamang na ito ang dahilan kaya siya nabisto ni Ivana. Hinaplos niya ang unan.
Mula nang umalis si Harry ay niyayakap at inaamoy-amoy niya ito. Naiwan pa rin kasi sa unan ang masculine scent ni Harry na suwabe sa ilong. Alam niya, kahit na natuluan niya ito ng luha ay ang amoy ni Harry pa rin ang namamayani dito, at marahil ay naamoy din ito ni Ivana. Gumuhit ang kirot sa dibdib niya nang maisip kung gaano ka-pamilyar ang amoy ng asawa niya kay Ivana.
"You have to rest."
Hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kaniya si Harry. Umiwas siya nang aalalayan sana siya nito patayo.
"Let me do the things I can do by myself, Harry. Don't make me feel useless." Hindi na niya nilingon ang asawa habang tinutungo niya ang kuwarto. Nagbabadya na kasing tumulo ang mga luha niya.
Hindi niya inaasahan ang pagyakap ng asawa mula sa kaniyang likod. Hindi na rin niya napigilan ang pagtulo ng mga luha niya.
"You can be brave, Jemima. You can be independent," anas nito. "I can give you the space that you want. But, please, let me hold you now. Just this once."
Hindi na niya kayang magsalita pa. Nahihirapan siya sa pagpipigil sa sarili na dumanguyngoy.
"Pour it down tonight. Then I'll let you be tomorrow. Whatever you want, whatever you're thinking, I'll let you. I promise." Hinigpitan pa niya ang pagyapos ng asawa. Hinayaan niya itong umiyak nang umiyak.
Nakatulugan ni Jemima ang pag-iyak habang yakap siya ng asawa sa kama. Tinititigan siya ni Harry. Pagbibigyan niya ang asawa sa gusto nito, anumang set-up ang ibigin nito. Naniniwala siyang parte ng pagdadalang-tao nito ang pagkakaroon ng iba't ibang emosyon ng kaniyang asawa.
Mahinang tapik at yugyog sa balikat ang gumising kay Jemima kinabukasan. "Hmmm..." Bahagya pang nakadilat ang kaniyang mata nang binati siya ni Harry. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok nito.
"Good morning! Stand up. Please cook a delicious breakfast."
Gusto pa niyang matulog uli. Inaantok pa siya mula ulo hanggang paa. Ninanamnam pa ng mga paa niya ang lamig mula sa bedsheets.
Hindi na siya kinausap ng asawa. Abala ito sa pagbibihis ng pang jogging. Mukha ngang seryoso ito na siya ang paglulutuin ngayon. Bumangon na siya.
Hindi na rin siya inaalalayan ni Harry sa paglalakad at pagsakay.
Bago sila tumungo sa kani-kaniyang office ay kinausap muna siya ni Harry.
"I will be busy today, so I might tell Cohen to drive for you after work. Please prepare a delicious meal. I want a well-seasoned, well done steak. Can you do it?" "Sure!" she said with blinking eyes.
Harry smiled. "Good. See you tonight, my wife."
While walking towards her office, she stopped. She peered intently at the floor. Na-realize niya na pihikan si Harry sa pagkain. Paano niya kaya makukuha ang approval nito gayung first time niyang magluluto ng steak? Inilaan niya ang sarili sa maghapong pagtatrabaho. Nang mapansin niya sa orasan na malapit na ang uwian ay kinabahan siya. Naalala niya na hindi pa niya na-search ang iluluto. Napapitlag siya nang may kumatok sa pintuan niya.
"Come in."
Hindi niya inaasahan ang pagdalaw sa kaniya ng biyenan. "Dad!" Bineso niya ito at bumalik sa kaniyang upuan.
"How's your hand?"
"It's fine, dad. The doctor said it will heal soon."
Tumango-tango ang matanda. Dumako ang tingin nito sa tiyan ni Jemima. "Are you doing fine?"
"Yes, dad. Thank you."
Umupo ito sa harap ni Jemima. Sumeryoso ang mukha.
"We just had a meeting. I mean, I had a meeting with your husband and Chester." Napansin niya ang pagtataka sa mga mata ng manugang. "I talked to them. It seems that both of them are not eager to be my successor." Hindi na siya nasorpresa sa sinabi ng kaniyang biyenan.
"It's not that they will not accept it, but they are not working to make it happen. They're okay with whoever will grab the position." Bumuntunghininga ang matanda. "I don't want a half-baked participation. It's just like half-baked loyalty." Nakaramdam ng kaba si Jemima. Nahihinuha niyang may tinutumbok ang kaniyang biyenan.
"Since Harry chooses to focus on his wife," pagpapatuloy pa ng matanda habang tinititigan nito sa mata si Jemima, "I'd gladly accept it. But I'd like you to do one thing for me,” dagdag pa niya. "W-what is it, Dad?"
"Convince Chester to grasp the presidency."
Natigilan si Jemima sa tinuran ng biyenan.
"As I've said, I don't want any half-baked actions. I want to see his eagerness. I want to see his devotion to it. That way, he will hold it as precious as his life."
“I—"
"You can do it. He trusts you. Make him believe that you're rooting for him."
Lumakas ang pagkabog ng dibdib ni Jemima. Hindi niya sigurado kung ano ang dapat niyang isagot sa biyenan. Alam niyang hindi kinahahayukan ni Harry ang iiwang posisyon ng ama, pero hindi niya maatim na i-push ang iba gayung isa ang asawa niya sa mga pinagpipilian dito.
"Now, child, if you're worried about your husband, this is the best thing you can do for him and for this company." Napansin niya ang paglaki at pagliit ng mga mata ng kaharap. Alam niyang hindi ito sang-ayon sa ipinagagawa niya dito. He continued with a firm tone, "Harry cannot be the president. He is out of focus."
WALA na ang kaniyang biyenan sa kaniyang harapan ay nararamdaman pa rin ni Jemima ang tensyon na dulot ng naging pag-uusap nila. Heto siya ngayon sa isang restaurant, hinihintay ang kakatagpuin niya rito.
"Hi!" Bumeso si Chester sa kaniya. "You're alone, where's Harry?"
"He has something to do so I didn't invite him here," and she forced a smile.
"Oh!" Nang maupo ay nahalata niya ang awkwardness sa ikinikilos ni Jemima.
Hindi mai-relax ni Jemima ang mga kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Nakatuon ang kaniyang mga mata sa menu pero hindi niya ito tinitingnan.
Lumapit sa kanila ang waitress.
"What do you want to eat?"
"Just water."
"Water is precious but we need to fill our stomach with delicious food, else, he" tinapunan niya ng tingin ang dakong malapit sa tiyan ni Jemima dahil natatabunan ng mesa ang tiyan niya, "might sue you for depriving him heavenly things," sabay kindat nito.
Nakonsensiya naman si Jemima sa winika ng kaharap. Nasalat pa niya ang tiyan.
"Let's have a tasty steak."
Tumango siya kay Chester. Sa isip niya ay ang asawang umaasang ipinagluluto niya ito ngayon ng isang masarap na steak.
Nang papatapos na silang kumain ay saka nag-usisa si Chester. "So, what is it?"
Nanlaki ang mga mata ni Jemima. Hindi na niya puwedeng ipagpaliban ang pakay niya sa lalaki.
"Chester," naglakas-loob siyang hawakan ang kamay ng lalaki na nakapatong sa mesa, "I'd like you to do whatever it takes to grasp the Presidency." Binawi niya ang sariling kamay matapos niyang magsalita.
Kumunot ang noo ni Chester. "Are you betraying your husband? What is it all about? It doesn't sound like you."
Sinikap ni Jemima na mai-relax ang paghinga bago siya sumagot. "No, you're taking it wrong." Lumunok siya ng laway. "Harry,... Harry is looking for his mother. And he will be a father soon. We will need his undivided time and attention," pag-a-alibi niya, pero ramdam niya ang kirot sa dibdib.
Mataman siyang tiningnan sa mukha ng lalaki. Buong sikap niyang sinalubong ang mga mata nito. "Apart from you and Harry, I don't think that there's anybody who deserve that position. I'm rooting for you."
Hindi naging malinaw sa kaniya ang saloobin ni Chester sa naging pag-uusap nila kanina. Ngayong kaharap niya ang asawa habang kinakain nito ang binili niyang steak ay randam niya ang guilty feeling dahil sa ginawa niya kanina. "Are you sure you don't want to eat? It's flavorsome," aniya habang sumusubo.
"I'm full." Pakiramdam niya'y mahihilo na siya sa harap ng asawa. Tila lumalabo ang kaniyang paningin. Umayos lang ang pakiramdam niya nang hinaplos ng asawa ang kaniyang kamay.
"It's all right, I'm still glad that you bought this."
Sinisikap niyang magantihan ng ngiti ang pagngiti ni Harry pero nginangatngat ang puso niya ng guilt at awa para rito.
"Don't think too much, Jem. I know, you were with Chester. I'm fine with you eating with him if it's what our child would want. But I still want it to be me, though. Please tell our child to choose me." Lalong nahabag si Jemima sa asawa nang makita ang lamlam sa mga mukha nito. Napahaplos siya sa dibdib pero agad siyang umubo.
HABANG nakahiga sa kama ay hinihintay ni Harry si Jemima, pero hindi pa rin ito lumalabas ng banyo. Pinuntahan niya ito. "Jemima?"
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! Nagitla siya nang makita ang asawa na nakaupo lang sa loob at tahimik na umiiyak. Hilam na ng luha ang mukha nito. Agad niya itong dinaluhan.
"Why are you crying?" Niyakap niya ito at inakay palabas ng banyo.
Nang makaupo sila sa kama ay pinahid niya ang luha ng asawa. "What happened?" Hinaplos niya ang likod at mga braso nito. "You're cold." Inabot niya ang bote ng liniment oil.
"I did wrong, Harry," at hindi na niya pinigilan pa ang pag-iyak.
Niyakap siya ng asawa at hinagkan sa ulo. "If you did, let's talk about it. But don't do it again. Don't do this again." Pinahiran nito ng liniment oil ang likod ng asawa.
"I'm bad. I deserve to be punished!"
Tinitigan ni Harry ang mukha ng asawa. Bakas dito ang lungkot at disappointment. "I will punish you then. But promise me, you will never punish yourself. And you might did wrong, but you're not bad, Jemima." Lalong nakaramdam ng guilt si Jemima sa nakitang concern sa kaniya ng asawa. Nahihiya na tuloy siyang lalo sa asawa. Ayaw na niyang makipag-usap dito. Humiga siya patagilid at nagtago sa loob ng kumot. Bumuntunghininga si Harry. Hindi niya maaaring pagbigyan ngayon ang asawa. Hindi pa niya napapahiran ng liniment oil ang tiyan nito.
Tinanggal niya ang kumot sa asawa. "Don't do this, our baby might get uncomfortable." Pinahiran niya ng liniment oil ang tiyan ng asawa na sumisinok-sinok pa at namumula ang mga mata dahil sa kaiiyak. "If you did something wrong, you may flick your nose. If you've said something wrong, you may bite your tongue. If you've thought something wrong, you may pull your hair. But you must promise me," tiningnan niya ng mata sa mata ang asawa, "don't do anything that will endanger you and our child."
Nang hindi pa rin kumikibo ang asawa ay idinikit niya ang kaniyang noo sa noo nito.
"Yes," mahinang sagot ni Jemima sa asawa.
Tila huminto ang pag-inog ng mundo para kay Jemima nang tinitigan ni Harry ang labi niya. Kusang naghiwalay ng bahagya ang mga labi niya nang inilapit ni Harry ang labi nito. Napapikit siya nang inilayo ni Harry ang katawan nito sa kaniya at kinumutan siya nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.
Humiga siya sa tabi ng kaniyang asawa. Patalikod. Susupilin muna niya ang pananabik kay Jemima. Hihintayin niya ang araw na gusto na naman nitong makipaglambingan sa kaniya.
Narinig niya sa iba na kapritso lang ng babaing buntis ang mga pinaggagawa nito. Pero hindi niya minamasama ang mood swings ng asawa.
"Harry,..."
Nilingon ni Harry ang asawa. Nang hindi na ito muling nagsalita ay kinabig niya ito paharap sa kaniya. "What is it?"
"I'm glad that you're being considerate on my mood swings, but feel free to act as you should. Maybe you can let baby feel you." Ito ang naiisip niyang paraan para makabawi sa asawa. Agad namang hinaplos ni Harry ang tiyan ng asawa.
Tila may nawalang tinik sa dibdib ni Jemima. Sa paghaplos ni Harry sa tiyan niya ay tila puso niya ang hinahaplos nito. Napangiti siya sa lalaki.
Hinagkan naman ng lalaki ang noo niya. "Goodnight."
Nakapikit na sila nang muling nagsalita si Jemima. "Harry, do you consider living in Malaysia?"
"Why? You want to personally oversee your plantation there?"
"No. Only Papa is Malaysian citizen." Bumuntunghinga siya. "I just... I'm just curious if you'd consider living away from here."
"If the situation leads us to it, then we can consider it." Hinawakan niya sa baba ang asawa, "as long as we're together."
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report