HABANG mag-isang naglilimi-limi ay naisipan ni Chester Singh na tawagan ang kaniyang sekretarya. "Cancel all my appointments for tomorrow."

Inamin ni Harry sa kaniya na maaaring mahal na nito si Jemima, bagay na hindi niya inaasahang gagawin ng pinsan. Hindi tipo ni Harry ang nagbubukas ng kaniyang saloobin sa kanila, lalo na sa kaniya.

Lumaki silang magpipinsan na hindi sila gaanong nagkukuwentuhan ng mga personal na bagay, lalo na pagdating sa deep emotions. Sabagay, pareho sila ni Harry na walang kinikilalang best friend. Pareho sila ni Harry na ibinuhos ang panahon para sa pag-unlad.

Ang pagkakaiba nila, buo ang pamilya ni Harry habang siya ay nag-iisa na lang.

Tinanong siya kanina ni Harry tungkol sa damdamin niya. Siguro ay pinagdududahan siya nito. Si Jemima nga lang naman ang babaing dinikitan niya bukod sa mga naging karelasyon niya ng panandalian. Napapailing siya ngayon sa naisip. Saglit siyang pumikit.

....

DUMIRETSO si Harry sa kanilang malaking bahay. Agad niyang hinanap ang ama para sa isang sagot na gusto niyang makamit.

Kung tutuusin ay hindi naman siya lubusang nabigo sa pagpunta niya sa India. Nagkaroon ng direksyon ang hinahanap niyang kasagutan sa pamamagitan ni Chester. "So, you're back!" Masaya siyang sinalubong ni Cholo.

Nag fist fight ang magkapatid. Agad siyang humakbang, naghahanap.

"Where's Dad?"

"In his office."

Agad na tinungo ni Harry ang opisina ng ama sa loob ng bahay. Kanugnog lang ito ng sala.

Tiningnan lang ni Cholo ang iniwang bagahe ni Harry sa may pintuan ng bahay at nagkibit ng balikat.

Masakit ang ulo ni Harry pero sa pakiramdam niya'y lalong sasakit ang ulo niya kung hindi niya itutuloy ang pagtatanong sa ama.

Matapos niyang kumatok ay pumasok siya sa loob ng opisina ng ama. Hindi na siya nagtataka na abala pa rin ito sa pagtatrabaho kahit na weekend naman ngayon.

"Father!" Nakita niyang bahagyang nagulat ang ama nang pumasok siya.

"Harry!" boses iyon ni Benita.

Nilingon ni Harry ang ina. Niyakap niya ito.

"Just when did you arrive?"

"Just..." hindi niya inaasahang makikita rito si Jemima, "a while ago." Nilapitan niya ang asawa at hinalikan sa pisngi. "I..." pakiramdam niya ay hindi maganda ang timing ng pagpunta niya rito pero determinado siyang makuha ang hinahanap na kasagutan.

"What is it?" Naramdaman ni Benita ang pagkaligalig ng anak. "You sit down first. You're tired." Tumalima naman sa kaniya ang anak.

"I called your wife to come here so we could plan our shopping schedule tomorrow."

Tumango-tango si Harry. "Mom, I'm starving. Could you help me with some food?"

"Let's call the maid," ang sabi ni Samuel.

"No, I miss mom's magic touch." Niyaya ni Harry ang ina palabas ng opisina. Sumunod naman sa kaniya ang ina.

Habang nasa labas ng opisina ay pinakiusapan niya ang ina. "Mom, I need to talk to Dad. Please give me time."

"O-okay."

Nang muling pumasok si Harry sa opisina ay ang asawa naman ang hinarap niya.

"Hon,--"

"I got to help Mom." Nagmadali itong nagpaalam sa kanilang mag-ama. Nauunawaan naman niya ang nais mangyari ng asawa.

Nang makaalis na ang dalawang babae ay tumikhim si Samuel Sy. "So, what is it?"

Nag-ipon muna ng lakas ng loob si Harry bago nagsalita. "Dad, please tell me, what is the truth behind the ten billion dollar deal? Why did you merge?"

Tinitigan siya ng ama.

"I'm no mind reader, Dad."

"And it's no brainer! Don't you know that any business with same goal and aspirations can merge? How about two companies of two best of friends for a long time merging with one goal which is to achieve greatness? Isn't it impossible? It's not, because we can achieve our goal. Of course, we can!" Binuksan niya ang cabinet at muling nagsalita habang nakatingin sa kaniyang files. "What air did you breathe out there?"

Sa loob ng dibdib niya ay tila nagrarambol ang sari-saring emosyon. Bigla itong huminto nang huminto sa pagsasalita ang kaniyang ama. Naiwan ang parang isang bagay na dumadagan sa dibdib niya.

"Dad, I'm tired. I came straight here not for the things I already know. I know you know what I mean. Please don't let me chase for it. I need the truth. I need it to be able to come up with the right solution. If you want the award, tell me the things I have to know."

HABANG nag-aasikaso ng meryenda ang magbiyenan ay parehong abala ang kanilang isipan. Nagtatanong ang kanilang isipan kung ano ang pakay ni Harry sa ama, kung bakit kinailangan nitong makausap ng sarilinan ang kaniyang ama. "I guess we'll postpone our shopping spree since Harry has arrived," pauna niya para magkaroon ng light atmosphere sa kanila. Alam niyang pareho silang naku-curious ng kaniyang manugang sa pakay ni Harry sa ama.

Ngiti at tango ang isinagot ni Jemima sa biyenan. Inaapuhap niya sa sarili ang sasabihin dito.

"It might be better if you spend time with each other more of4ten. He looks so tired, he might need some massage and fresh air." Gusto niyang idugtong na ilayo muna nito ang anak at dalhin sa isang paraiso upang ma-relax, pero hindi niya sigurado kung posible ito. Mukhang nakatuon ang atensyon ng anak sa trabaho. Nagmana pa naman ito sa ama sa pagiging workaholic.

Bahagya silang nagulat nang maramdaman nila ang paglapit ni Harry.

"Halika na, uwi na tayo."

Napatulala ang magbiyenan sa halos nakasimangot na si Harry. Alanganin namang sumunod si Jemima sa asawa.

"We're leaving, Mom." Hindi na niya matagalang titigan ang ina ngayon. May nararamdaman siyang sakit sa dibdib habang nakatingin siya sa mukha ng kaniyang ina.

"I thought you're starving-"

Hindi na umapela pa si Benita nang humakbang na palabas ng bahay ang anak kasunod ang asawa nito. Apologetic na nilingon siya ng manugang. Tinanguan na lang niya ito.

Wala na ang dalawa ay nanatili pa rin sa pagkakatayo ang babae. Malumanay na dampi ng kamay ni Cholo sa kaniyang balikat ang tila gumising kay Benita.

"I'd like to taste what you've made, Mom. Let's eat."

Tumalima naman siya sa anak. Sa pagkakataong ito ay nahagip ng kaniyang paningin ang kaniyang asawa na nakatayo sa labas ng opisina nito. Pinukulan niya ito ng nagtatanong na mga tingin. Wala itong naging reaksyon kundi ang bumalik sa loob ng opisina nito. Disappointed siya sa ginawi ng asawa.

"Hmmm... it tastes great!" Naka- thumbs up pa si Cholo habang kumakain.

Napangiti siya nang makitang sarap na sarap si Cholo sa pagnguya sa ginawa nilang lasagna. Paborito ito ng kaniyang mga anak. Pero hindi pa rin nawawala sa kaniyang isipan ang ginawi ng kaniyang panganay. Mukhang may dinaramdam

ito.

....

SA LOOB NG KANILANG KUWARTO, pinagmamasdan ni Jemima ang asawa. Nakaupo ito habang nag-i- scroll sa kaniyang laptop. Napansin niyang kapag wala siya sa harap ng asawa ay tila nakatitig lang ito sa monitor pero walang ginagawa. Kanina, habang kumakain sila ng hapunan ay hindi umiimik si Harry. Nakadalawang subo lang ito ng pagkain. Halos nilamon na ito ng iniisip.

"Kumusta, naging successful ba ang lakad mo sa India?"

Isang buntunghininga lang ang isinagot sa kaniya ng asawa. Inabot niya ang suklay at nagsuklay sa harap ng asawa.

"When I was a little girl, I dreamed of visiting that country and marrying one of the royalties there so I could have a palace made of gold and everlasting love." "It's not too late," mahinang sagot ng lalaki.

"Are you kidding? No prince would get a big-bellied woman for a wife." Ibinigay niya rito ang suklay para suklayan siya. Tumalima naman ito kahit tila wala sa sarili. Inililis ni Jemima ang suot na damit. Huminto sa pagsusuklay sa buhok ng asawa si Harry. Nagpakiramdaman sila sandali.

"I'm cold, Harry."

Tumayo ang lalaki para i-off ang aircon. Iniabot niya sa hubad na asawa ang kumot. "You could catch flu."

Napalunok ng laway si Jemima. Pinigilan niya ang sariling mairita sa asawa. "Aren't you going to put some liniment on my back? I can not reach it." Hindi siya nagtagumpay sa kaniyang diverting tactic. Naiinsulto siya dahil tila hindi tinatablan ng kaniyang kahubaran

"Say what you want. I'm no mind reader," aniya habang nilalagyan ng liniment ang likod ng asawa. Agad niyang iniabot dito ang hinubad nitong damit na nasa sahig para ipasuot sa asawa. Ini-off niya ang laptop at humiga sa kama, patalikod

sa asawa.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Napakunot ng noo si Jemima sa coldness ngayon ni Harry. Hindi naman niya pinlanong makipagtalik sa asawa pero paghuhubad sa harap nito ang naisip niyang solusyon para mahinto ang asawa sa pag-iisip ng malalim. Walang imik na tumabi siya ng pagkakahiga sa lalaki, patalikod dito. Nakasimangot na kinuha niya ang bahagi ng kumot na nakapatong sa tiyan nito.

Marahil ay nabigo si Harry sa ipinunta nito sa India. Marahil ay malaki ang nawala o mawawala sa kumpanya dahil sa pagkabigo nito. Pero bakit ito dumiretso sa kaniyang ama? Bakit tila hindi lang pagkabigo ang nababanaag niya sa itsura nito? Isang mapait na damdamin ang nakita niya sa mga mata ni Harry kanina. Mukhang may malalim na dinadala ang kaniyang asawa. Lalo tuloy siyang nagugulumihanan sa mga pangyayari.

Ano ang nangyari sa India? Sino ang mga taong kinausap ni Harry doon? Ano ang kinalaman ng mga babae sa litratong ipinadala sa kaniya?

May gumuhit na sakit sa kaniyang dibdib nang maalala ang larawang iyon. Nagtataksil ba sa kaniya si Harry? Ibang babae ba ang dahilan kaya ni hindi ito natinag kahit na naghubad siya sa harapan nito? Napakagat siya ng labi sa itinakbo ng kaniyang isipan. Nilamon na siya ng pangit na imahinasyon. Napasinghot siya sa pag-iyak.

Bagamat nakapikit ay hindi pa tulog si Harry. Ayaw yata siyang dalawin ng antok. Narinig niya ang pagsinghot ng asawa. Napaisip siya. Ini-rewind sa kaniyang isipan kung ano ang ginawa niya na ikinaiyak ng kaniyang asawa. Nanlaki ang mga mata niya sa naging konklusyon.

Kunwari ay tulog na tulog siya na bumiling ng pagkakahiga patihaya, kapagkuwa'y paharap sa asawa. Ipinatong niya ang kamay sa bewang ng babae. Naramdaman niya ang tila paghinto ng babae ng paghinga.

Pinakiramdaman ni Jemima ang asawa. Nang hindi na ito muling kumilos ay inisip niyang tulog na tulog ito. Naisip niyang kaya lang siya nito nayayakap ay dahil tulog at hindi alam ang ginagawa. Dahil dito ay muli siyang napasinghot. Dahil sa muling pagsinghot ng asawa, ikinilos ni Harry ang kamay. Dumako ito sa dibdib ng asawa. Muli ay napahinto ng pagsinghot ang babae. Nang ma-realize ni Harry ang parte ng katawan ng asawa na pinatungan ng kaniyang kamay ay napamulat siya. Agad siyang pumikit. Nagpasalamat siya dahil hindi siya nabisto ng asawa.

Nagkunwari siyang nananaginip. Bumigkas siya ng mga hindi malinaw na salita habang bumibiling patihaya. Ngumanga pa siya ng bahagya at nagkunwaring humihilik.

Pinunasan ni Jemima ang kaniyang ilong. Inakala naman ni Harry na umiiyak na naman ang asawa. Muli siyang bumiling paharap sa babae. Pero dahil hindi niya agad naipatong ang kamay sa katawan ng asawa, nag- feeling awkward na siyang ikilos ito.

Pinagmasdan naman ni Jemima ang mukha ng asawa. Malungkot ang mukha nito, sa tingin niya. Naaawa siya sa asawa. Dahil naramdaman niya ang pagkilos ng nasa loob ng sinapupunan niya ay hinaplos niya ang sariling tiyan. Naisip niyang baka nami-miss ng kaniyang anak ang ama nito. Pero paano kung manatili pa rin ang coldness nito bukas at sa mga susunod na araw? Napasinghot siya sa naiisip.

Dahil muling narinig ni Harry ang pagsinghot ng asawa ay muli siyang kumilos. This time ay sabay niyang iniunat ang kaniyang kamay at paa para idantay sa katawan ng asawa. "Harry!"

Agad na nagmulat ng mata ang lalaki. "What? Are you crying?"

"Get off!"

"Why? No, you're crying." Napansin niyang muling dumako ang kaniyang kamay sa dibdib ng asawa. "You want sex?"

"Just because I cried, I want sex? How ridiculous!" Tinabig niya ang asawa. "Take off your shoes!"

"I can do it with my shoes on." Saka lang niya napansin ang suot na sapatos at na-realize niya ang kaniyang kalutangan.

Pinipigilan niya ang mapangiti sa nakitang pagkapahiya ng asawa habang nagtatanggal ito ng sapatos. Nakaramdam siya ng awa para rito. Mukhang masyadong malalim ang iniisip ni Harry ngayon. "I... I got no shoes now," aniya na halos hindi makatingin sa asawa.

"Yeah."

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report