The Billionaire's Prize Wife -
Chapter 59
HABANG inihahanda ang delivery room ay magkasama sa isang sulok sina Harry at Jemima. Inilipat kasi doon ang kama niya. Si Harry lang ang pinayagang sumama sa loob.
Napansin ni Harry na kinakabahan ang asawa. "Be strong, Jemima, pabulong niyang sabi rito.
"I'm scared!" pabulong din nitong sagot.
"No. You can do it. Be a strong mother. I won't be with you anymore."
Natigilan naman si Jemima sa narinig sa asawa.
"I will do as you said. I will replace my own happiness. I will replace someone who is afraid to lose me."
Tumulo ang luha ni Jemima sa bigat ng naramdaman.
Siya namang paglapit sa kanila ng doctor. "It's time."
Lumabas na si Harry ng delivery room. Sabay ng paghilab ng kaniyang tiyan ay ang sakit na kaniyang nararamdaman sa dibdib. Humiyaw siya na may luha sa mga mata. "Aaaahhh!" Umiri siya ng malakas. Nataranta naman ang doctor na nag-aasikaso sa kaniya. "No, no, no! Hintayin mo ang instruction ko, misis."
Naunawaan niya kung paano niya sinaktan ang asawa. Hindi kasi siya nito naunawaan. At ngayon ay nararamdaman niya ang sakit dulot ng ginawa niya rito, ngayong handa na itong iwanan siya. "Push!"
"Harry!" Sabay ng pagsigaw niya ng pangalan ng asawa ay ang malakas niyang pag-iri.
Sa labas ng pinto ay nanatiling nakatayo doon si Harry. Tahimik siyang umiiyak. Naririnig niya ang lahat sa loob ng delivery room.
Nakaantabay naman si Chester at ang pamilya ni Jemima malapit sa kaniya.
Ilang sandali pa ay nakarinig na sila ng pag-uha ng sanggol. Bumuhos ang mga luha ng katuwaan sa kanilang mga mata.
"Thank God!" ang bulalas nila. Nagyakapan silang lahat. Mahigpit ang naging pagyakap ni Allan kay Harry.
"Thank you, son. We really appreciate all the things you did for our daughter."
Napaluha naman si Harry sa tinuran ng biyenan. Tumango-tango siya sa mga ito. Hindi niya kasi kayang bumigkas ng salita. Nasasaktan ang puso niya.
....
BABAE ang sanggol na ipinanganak ni Jemima, Gaya ng inaasahan nilang mag-asawa. Hindi nila iniwan ang mag-ina sa hospital room ni Jemima.
"Ang cute naman ng Baby Phoenix namin!" ani Melinda habang nilalaro-laro ang mga daliri ng sanggol na karga ni Zorayda.
"Mana kasi sa Lola."
Nagtawanan sila. Humirit naman si Allan. "Look at her eyebrows, mana sa akin."
Mas natawa sila sa naging claim ng lalaki.
"Ang aga naman para I claim mo ang kilay," aniya sa kaniyang asawa.
"Ang mga Lolo at Lola talaga, humihirit pa. E, love child iyan nina ate at kuya, siyempre mana sa kanila iyan."
"Well,... hindi ako kokontra diyan. But I'm sure na lalaking maganda itong apo ko, kasi lalaki siyang masaya. Lalaki kasi siyang kasama ang parents niya who love each other." Inumpisahan na nina Melinda at Ismael ang panunukso kina Harry at Jemima.
"Baka may kapatid agad ito, ha," panunukso ni Melinda kay Jemima.
"Naku, bayaw, you have my permission to give me one volleyball team," ani Ismael kay Harry. Tinapik pa niya sa balikat ang bayaw niyang pangiti-ngiti lang.
"But, before having that volleyball team, Chester should produce a referee," si Chester naman ang naisipang tuksuhin ni Ismael. Tumawa lang din si Chester. "I have no plans, but let's see." "Oh, don't rush," seryoso namang sabi ni Allan kay Chester. "It will come to you."
"Well, yes. There's no rush."
Nang pumasok ang babaing nurse ay tila naubo si Ismael. Nagpa-cute siya rito. "Hi!"
"Hi!" Matapos niyang sumagot ng matipid ay sinuri niya ang temperature ng bagong panganak.
Habang abala ang nurse ay sinenyasan ni Ismael si Chester. Bahagya naman itong natawa.
Nang nagpaalam na sa kanila ang nurse ay lumapit naman dito si Chester. "Hi!"
"Hi!"
Hindi na muling nagsalita si Chester.
"Are you guys looking for a date? I'm sorry, I'm asexual."
"That makes the two of us!"
Napangiti naman ang nurse sa maagap na pagsagot ni Chester sa kaniya.
....
HINDI pumayag ang mag-asawang Te na bumalik agad ng Singapore si Harry. Kailangan daw ng bata ang ama nito, kahit ilang linggo lang. Namili sila ng mga gamit ni Harry dahil wala itong dinala patungong Pilipinas. Dumating naman ang mga magulang ni Harry. Agad nilang tinungo ang condominium unit nina Jemima kung saan naroon ang pamilya.
Masayang nagbeso ang magkaibigan.
"Zorayda!"
"Mare!"
Nagmano naman si Jemima sa mga biyenan.
"Where's our little angel?" Agad na nilapitan ni Benita ang anak. Karga nito ang sanggol. "Oh, dear! You're so cute!"
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Lumapit din agad si Samuel sa sanggol. "She got my strong grip."
Sumang-ayon naman si Benita sa asawa. "And she got my smile."
"Pagbigyan n'yo na ang matatanda, natatawang bulong ni Ismael sa kapatid. "Basta minana niya sa akin ang galing sa Math."
"Isa ka pa, e," pasikong biro at saway naman ni Jemima sa kapatid.
Masayang nagkuwentuhan ang magkakaibigan. Hindi sila nauubusan ng pagkain. Nabuhos naman sa sanggol ang atensyon nilang lahat nang umiyak ito. "Is she hurt?"
"Is she hungry?"
"Maybe she's thirsty."
"The little angel would like to know if who wants to change her diaper?"
Natatawa namang nag decline ang matatanda. Ang mag-asawa pa rin ang nag-asikaso sa sanggol.
Bago umuwi ng probinsiya ay nag request muna ng picture taking ang mag-asawang Te.
"Let's have a family picture," ani
Sa bawat larawan ay kasama nila sina Harry, Jemima, at ang sanggol. May pictures din na ang tatlo lang ang kinuhanan.
Inihatid ni Jemima ang mga magulang sa may lobby. Doon siya inakbayan at binulungan ng kaniyang ina.
"Anak, sana huwag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo. Kontrolin mo ang sarili mo, anak." "Opo, Ma." Yumakap siya sa ina.
Mahigpit namang yumakap si Zorayda sa anak. Hinaplos niya ang pingi nito. "Be happy. Claim it."
SA loob naman ng kuwarto ay kinausap ni Benita si Harry, habang nagpapatulog ito ng sanggol. "Son, are you happy being a father?"
Ngumiti naman si Harry sa ina. "Yes, mom. She's like my energizer."
Tumango-tango naman ang ina sa narinig. "I'm so happy for you. I hope you will not let anything to break your daughter's heart. Let her grow in a happy family." Napaisip naman si Harry sa sinabi ng ina. Nagyakap silang mag-ina.
"Don't let any bad idea take over in your family. Be wise."
Tumango-tango naman si Harry sa ina.
Nang makabalik sa unit si Jemima ay nagpaalam na ang mag-asawang Sy. "We're not staying here. We have to go."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "Harry, I'm sorry to say this but you have to report on Monday."
"I'll be there, dad."
Inihatid naman ni Melinda ang mag-asawa palabas ng building. "So,..."
"I'll go pack my things," aniya sa malungkot na boses.
Sinundan naman siya ni Jemima sa loob ng kuwarto.
"Harry, you take good care of yourself."
"Yes, I will. Don't worry," aniya na hindi lumilingon sa asawa.
"You have to make sure that Phoenix will hear your voice everyday."
"Y-yeah. I will." Malungkot niyang tinapunan ng tingin ang anak na nasa kuna nito.
"You should take your vitamins daily."
"Does it matter?"
"Yes. I have to make sure of that."
Humarap na siya sa asawa. May pagkayamot sa boses niya. "You can't monitor me, Jemima."
"I can. I will. We will be there with you," aniyang naluluha habang nakatingin sa mukha ni Harry.
Tila hindi makapaniwala si Harry sa narinig. "I'm confused."
"You were right. We're not just sex partners. We love each other. And we can be strong together." Tuluyan na siyang naiyak sa harap ng asawa na naiiyak na rin.
"For good?"
"Yes. For good."
Ngumiti ng matamis si Harry sa asawa. "When we get there, let's marry again. This time, it will be according to our plan."
"Yes, my husband. My king."
At nagyakap sila nang mahigpit.
Biglang umiyak ang sanggol. Nagkatinginan ang mag-asawa.
"You change her diaper."
"Why me? Nagtatanong man ay natatawa naman ang babae.
"I'm your king now."
END
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report