The Billionaire's Prize Wife -
Chapter 7 No Escape
"Ouch! My back!"
Hindi na umaarte si Harry this time. Talagang masakit ang likod niya dulot ng pagbagsak niya sa sahig. Nadagdagan ang sakit ng kaniyang likod mula sa pagkakabagsak din niya kanina nang nawalan siya ng ulirat. Pero mas masakit ang katotohanang walang umagapay sa kaniya para makaupo ng sofa. Nakatingin lang ang lahat sa kaniya, inoobserbahan siya. Nalilito naman si Jemima kung ano ang gagawin.
"So, what is it now?" Naiinis na ang kaniyang ama. Halata sa mukha nito ang disappointment. Sablay ang plano nila, o pinlano ni Jemima.
"I'm..." Wala siyang maapuhap na sabihin sa ama. Ayaw din naman niyang mapahiya sa mga Te.
HINDI na naituloy ng dalawa ang pagbabakasakaling makumbinsi ang mga magulang nila na posibleng nagka- amnesia si Harry. Pareho naman kasi silang hindi sanay na umarte o magsinungaling sa magulang kaya hindi nila ito napanindigan.
Habang sakay sila ng kotse para magpaayos sa salon ay maasim ang mukha ng dalawa sa isa't isa habang nakaupo sila sa backseat. Tahimik namang nagda-drive si Ismael, katabi naman niya si Melinda na tahimik lang din. "We could have easily made it if you're not a lousy actor!" Hindi niya maitago ang pagkainis kay Harry sa isipang nawala sa isang iglap ang tsansa nilang makawala sa napipintong pagpapakasal.
"So, you're blaming me? Did you even consider telling me your plan?" Nanunuya niyang tinitigan sa mata si Jemima. Ang babaing ito, siya pa ang sinisisi, e biglaan naman ang plano niya. Tumagilid naman si Jemima ng pagkakaupo patalikod kay Harry. Ni hindi siya umimik habang nakasimangot.
"I remember you saying that you don't need to team with me!" Nang hindi kumibo ang babae at sa halip ay humalukipkip lang ay patagilid na rin siyang umupo patalikod sa babae. Wala sa sariling humalukipkip din siya. "Now, what? Today is my wedding day with a brutal woman named Jemima. We're not yet married but my back is aching."
Jemima just rolled her eyes. 'You deserve it all.'
Lumalala ang pagkainis niya sa babae. Ni hindi niya alam kung bakit tila pinaparusahan siya nito. Kasalanan ba niya kung pumayag siyang magpakasal? Lahat nang ito ay ginagawa niya para sa pamilya niya. Matindi ang kaniyang dahilan kung bakit siya napipilitang pumasok sa ganitong sitwasyon.
Narinig nila ang alumpihit na pagtawa ng dalawang nasa unahan.
"Oy, kayo diyan, ano naman ang tinatawa-tawa ninyo diyan? Akala n'yo ba masarap maikasal sa lalaking 'to? Swap kaya tayo," pag-challenge niya kay Melinda.
Bilang sagot ay isinenyas ni Melinda ang rear view mirror. Sabay na tumingin doon sina Harry at Jemima. Hindi nila inaasahan na pareho na pala sila ng ayos ng pagkakaupo-nakatagilid, nakahalukipkip, at naka- cross legs. Sabay din nilang tinanggal ang pagku- cross legs nila. Sabay din silang sumandal sa upuan, dahilan kaya tinukso sila ni Ismael.
"Uy, ate, mukhang me connection na kayo ni bayaw, ah! Nakakakilig!"
Dahil sa narinig ay hindi napigilan ni Melinda ang matawa habang kinikilig. Pinanlakihan naman agad sila ng mga mata ni Jemima.
"Sorry, ate." Pinigilan na ni Melinda ang pagtawa pero patuloy niyang sinisilip sa rear view mirror ang dalawa. Lalo siyang kinilig sa panonood sa dalawa.
Lihim kasi na nagpasulyap-sulyap sina Jemima at Harry sa isa't isa. Tinitingnan nila kung magkapareho na naman sila ng pagkakaupo. Nagiging conscious na sila sa ikinikilos ng isa't isa.
Nakangiting nagtinginan na lang sina Ismael at Melinda. Ayaw nilang sirain ang moment na ito. Minabuti ni Melinda na i-video ang dalawang nasa likuran.
Ilang oras din silang nag-stay sa beauty parlor at spa. Dahil alam ng mga taga parlor na ikakasal na sila, halos hindi sila tinatantanan ng panunukso ng mga ito.
"Ang guwapo ni sir, at ang yummy!" halos pagko- chorus ng mga empleyadong bakla.
"Hala! Baka pagjojombagin tayo ni ma'am nito. Bagay na bagay pa naman sila."
"Huwag kayong mag-alala, willing akong i-share siya sa inyo. Ganiyan ko kayo kamahal," pa-game niyang sabi sa mga baklang parlorista, dahilan kaya naghiyawan ng matinis ang mga ito. Nakakaintindi pa rin naman ng tagalog si Harry, hinayaan na lang niya ang mapapangasawa sa mga pinagsasabi nito. Pangiti-ngiti na lang siya.
"Ang tanong, willing ba naman si sir na i-share mo siya, madam?" wika ng isa.
"After she gets her hands on me, I doubt it that she can still say that."
Nagtilian lalo ang mga parlorista sa isinagot ni Harry. Kinilig sila ng todo sa dalawang malapit nang ikasal.
Dahil sa mga panunukso sa kanila, hindi nila mapigilang mapasulyap sa isa't isa.
"Ganiyan ang tinginan ng true love. Ayieee!" Mga babae naman sa parlor ang nanudyo sa mga ikakasal.
Dahil natawa si Harry sa pagkakilig ng mga babae ay pinandilatan siya ng mata ni Jemima.
"Naku, tantanan n'yo na nga iyan at baka hindi makaiskor sa honeymoon si sir. Ma-outside the kulambo pa 'yan!"
Nakangiti naman silang sinaway ng manager. "Walang kulambo sa hotel, inday." Nginitian nito si Jemima.
"Madam, pasensiya na sa mga alipores ko dito, ha." Hinagod naman niya ng tingin si Harry, "kaya naman pala hindi mo sinasabi sa amin ang tungkol sa boyfriend mo, madam, kaharbat-harbat naman pala!" Malandi itong nagpa-cute kay Harry habang ngingiti-ngiti lang ang binata. "Pero iyong-iyo na siya, madam. Bagay na bagay kayo."
Sumang-ayon naman ang mga naroon sa tinuran ng manager.
"Ang lambot ng balat mo, madam," wika naman ng nagma-massage kay Jemima. "Tiyak na manggigigil si sir nito sa iyo! Naku, humanda ka talaga, madam! Sa hotel kayo, di ba?" Kinilig ito ng todo sa naiisip.
"Ikaw talaga. Matutulog lang kami doon."
"Ay, oo naman. Magpapahinga, magpapalamig, magkukuwentuhan," ang sabad sa kanila ng manager. Dumagundong na naman ang tilian at tuksuan. Nag- rosy cheeks tuloy si Jemima dahil sa halos hindi sila tinatntanan ng panunukso ng mga nasa parlor at spa.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Sa bahay na ng mga Te inayusan si Jemima para sa kasal nila. Nakabukas lang ang pinto kung saan inaayusan ang bride kaya paminsan-minsan ay sinisilip sila ng mga magulang nito.
Lalong tumingkad ang kagandahan ni Jemima nang lumabas siya sa salas na naka-bridal gown. Napanganga si Harry sa nakitang itsura ng kaniyang bride. Tila hindi ito ang kilala niyang bully na Jemima ang pangalan.
She gradually transformed into a sweet young bride because of her romantic, soft, feminine look. White with blush pink ba naman ang kaniyang ball gown. Naka off-the-shoulder neck siya with floral detail on the bodice. May karugtong pang flowy chiffon and intricate lace. Hindi mo aakalaing madalian ang kanilang kasal dahil sa kabonggahan ng kaniyang gown. Lalo siyang naging sweet looking dahil sa kaniyang floral hair vine at soft pink-toned make-up. Naka soft curls naman ang attention-grabber niyang maitim at malagong buhok. At ang huling dinapuan ng paningin ng groom, kung saan ito higit na natulala ay ang full lips ng kaniyang bride. Natural, pink lipstick lang ang ginamit niya ngunit nakabibighani ang kaniyang ganda.
Tuwang-tuwa naman si Samuel Sy habang pinagmamasdan ang kaniyang anak. "Isn't she gorgeous?"
Tumango lang si Harry sa ama. Gusto niyang kontrahin ang sinabi nito. Gusto niyang sabihing nag make-up kasi si Jemima kaya ito gumanda. Pero hindi niya naibuka ang bibig para magbitiw ng negatibong salita sa harap ng napakagandang dalaga na nasa kaniyang harapan. Tila handang-handa na ito para sa kanilang kasal, samantalang siya ay hindi pa nakasuot ng damit pangkasal.
"So, are you excited to marry her?" pabulong na itinanong ni Samuel sa anak.
Humakbang paatras si Harry. Gusto niyang kausapin ng masinsinan ang ama kaya halos pabulong niya rin itong tinanong. "Dad," he made sure na naririnig siya ng ama kahit mahina ang boses niya, "how did you fix the documents? I mean, come on, we're foreigners."
Sumeryoso ng mukha si Samuel. Tiningnan niya ng mata sa mata ang anak. Madiin ang pagkakasabi niya, "I would like you to promise me that no matter what, my grandchild will be legitimate heir of our businesses from his birth until forever. There will be no annulment. The child will bear our name."
Gustong ipaliwanag ni Harry sa ama ang consequences ng pagmamadali nitong makasal sila ngunit hindi na niya naituloy dahil sinapo ng kaniyang ama ang dibdib nito. "Dad!" Agad niyang inalalayan ang ama. Mabilis naman silang dinaluhan ng mga Te.
"Pare!"
PAGOD na katawan at stress ang ibinigay ng doktor na rason ng pagsakit ng dibdib ni Samuel matapos niya itong ma check-up.
"Kailangan niya munang magpahinga dito sa ospital," ang wika ng doktor.
"No. I will die here. Let me go."
Walang nagawa si Harry kundi ang akayin ang ama patungo sa simbahan na pagdadausan ng kasal nilang dalawa ni Jemima. Kasama nilang pumunta ang mag-asawang Te.
ORAS na ng kasal nila. Nasa simbahan na silang lahat maliban kay Jemima. Nasa waiting room si Harry. Alumpihit siyang tinitingnan ang kaniyang garment bag na naka-hang at hindi pa nabubuksan.
'How can I get out of here? Oh, Father! I just love you very much, Dad! Now, I'm marrying a monster.' Ngunit nang maalala niya ang mukha ni Jemima kanina suot ang bridal gown nito ay napa-pause siya sandali. Nang maalalang number one bully niya ang babae ay ipinilig niya ang kaniyang ulo.
Narinig niya ang bahagyang tension sa loob ng simbahan. He guessed that his bride has arrived kaya binuksan na niya ang garment bag para isuot ang kaniyang tuxedo.
"Holy Molly!" Nagpalatak si Harry dahil naglabasan ang mga ipis mula sa garment bag. Ipis pa naman ang pinaka hate at pinandidirihan niyang nilalang.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Sinundo na ng sakristan ang groom sa waiting room. Nagtaka ito nang wala si Harry doon. Agad itong sumugod sa loob ng simbahan. "Nawawala ang groom! Lumayas!"
Naging maingay sa loob ng simbahan. Nagkaroon ng iba't ibang ispekulasyon ang mga tao. Nakakita ng pagkakataon si Jemima.
"I will replace him!" Hindi pa man siya pinayagan ng mga magulang ay agad siyang lumabas ng simbahan at tumakbo papalayo.
Tahimik namang lumabas ng simbahan si Samuel. Hindi siya puwedeng maghintay na lang kung kailan babalik ang kaniyang anak. Hindi siya papayag na mawalan ng saysay ang lahat. Mahalaga para sa kaniya ang deal nila ni Allan Te. Ngunit ang lahat ng ginagawa niyang pagsisikap ay para sa kaniyang mga anak.
SA HOTEL tumuloy si Jemima. Dito niya nais magpahinga. Babalik din naman siya sa simbahan sakaling makita na ang kaniyang groom. Ayaw niya lang makiisa sa mga naghihintay doon. Never did she wait for any man, lalo at hindi importante sa buhay niya. Not for Harry.
Nang makapasok sa hotel suite ay agad niyang hinubad ang kaniyang wedding gown. Nang mahubad niya pati ang belo ay nag-dive na siya sa kama. May naramdaman siyang kumikilos. Agad siyang umupo. Natulala siya sa nakita. "Jesus!" she exclaimed. Agad niyang tinakpan ng mga kamay ang maseselan niyang bahagi. "I mean, Jesus' enemy".
Napangiwi si Harry sa winika ng babae. Pero tinatablan siya sa halos hubo't hubad na dalagang nasa kaniyang harapan. "Are you seducing me?"
Sa narinig ay hinablot ni Jemima ang kumot at ipinulupot ito sa katawan.
"I never imagined to marry a mummy!" Pinulot ni Harry ang wedding gown at inilapag sa tapat ni Jemima. "Get it on."
"Akala ko cancelled na. I thought I could enjoy this suite to myself."
"You can cancel it, and I'd be your slave for one night." Inalalayan niyang magbihis ang babae habang natatakpan ito ng kumot.
"What good can it do?" Matapos niyang nag-make face kay Harry ay agad niyang itinago ang kaniyang ngiti. Malicious na kasi ang dating sa kaniya ng huling sinabi nito.
Isang maling pagkilos ni Jemima, na-out balance siya kaya muntik na siyang sumubsob sa sahig. Maagap namang ipinansalo ni Harry ang kaniyang katawan. Hindi sila nakakilos nang maglapat ang kanilang katawan.
Nalalanghap ni Harry ang mainit na hininga ni Jemima. Nakatitig siya sa maamong mukha nito. Napa-focus siya sa mga labi nito na bahagyang nakaawang. Tila nag-iimbita ng isang halik ang mga labing iyon. "Are you trying to kiss me?" Her tone was teasing him.
Tinamaan yata sa narinig, agad niya itong binara. "No, I just like the color of your lipstick. It's a symbol of femininity and softness, very... not you."
Hindi agad nakaisip ng pangontra sa binata ang dalaga kaya sinundan ito ni Harry ng pangalawang unday ng pang-aasar.
"Are you enjoying being on top of me?"
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report