The Crazy Rich Madame
Chapter 27; Break it!

Another group of teenagers approached her asking for a selfie.

Di napigilan ni Vladimyr ang matawa pero pumayag na rin siya tutal bata lang naman ang mga ito.

Bago umalis ang mga kabataan, niyakap muna siya ng mga iyon bago nagpaalam.

Nang mauhaw siya, dumeretso siya sa malapit na convenience store para bumili ng energy drink, ignoring the disdainful gaze from the other customer.

Dumeretso siya sa fridge ng convenience store para kumuha ng gusto niyang energy drink, then kumuha na rin siya ng sandwich saka dumeretso sa counter.

Habang busy siya sa pag i-scroll ng sa profile niya sa socmed, di nya maiwasang di marinig ang malisyosong bulungan ng ibang customer.

"Ano ba yan? Wala man lang kahihiyan itong babaeng to pagala gala dito sa labas naka bra lang?" Sabi ng isa.

"Oo nga eh, tingnan mo kaya maraming nare-rape eh dahil sa mga ganyang manamit! Halos kita na kaluluwa!" Dagdag ng isa pa.

Napailing si Vladimyr sa mga ito. Nagbubulungan pa pinarinig din sa kanya?

'Damn people!' natatawa niyang bulong.

Nang hindi na natiis ni Vladimyr ang sinasabi ng mga ito, hinarap niya para sitahin pero bago pa siya makapag salita, bigla na lang may nagtakip ng suit sa harapan niya at sa malulusog niyang dibdib. "......" She's stunned.

......

Magtaas siya ng tingin at nakita niya ang guwapong mukha ni 'Luvien' sa harap niya. Naktingin ito sa kaniya na parang naiinis.

"You can't wear such clothes in a public place, it's not safe...." Agad nitong awat sa sasabihin niya.

Di na nakapagsalita si Vladimyr dahil nakakatakot ang mga titig ni 'Luvien' sa kanya na parang nagliliyab na mata ng isang leyon.

'Anong drama to?'

Napa iling si Vladimyr sa ginawa ni 'Luvien'. Nagtataka siya kung bakit ito narito. At bigla bigla nalang susulpot.

"Anong ginagawa mo dito" inis niyang tanong at sinubukang hubarin ang suit nito sa kanya. Pero hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya at hinila pa-labas ng convenience store. Binuksan ang kotse at sapilitan siyang pinasok doon. "Teka nga! Ano bang ginagawa mo?"

"Stay there, I'll pay those items"

Biglang sinara ni 'Luvien' ang kotse at umalis. Sinubukan noyang buksan iyo pero naka lock naman ito.

"Open it!" Utos niya sa driver.

"Sorry ma'am kase ako malilintikan kay master kapag binuksan ko yan."

Napa irap si Vladimyr sa hangin.

Useless kung magpipilit siya sa malumanay na paraan.

Umurong si Vladimyr sa dulo ng backseat, tinaas ang dalawang paa sabay sipa ng malakas sa salamin ng kotse.

Nagkadurog durog at nagtalsikan sa kalye ang basag na salamin na ikinagulat ng husto ng driver.

"Maam! Ano pong ginawa niyo?" Gulat na napatingin si Casper kay Vladimyr. Nginisihan lang ito ni Vlad at tinaasan ng kilay.

Kabadong at di makagalaw si Casper habang di makapaniwala na nasaksihan kung paano walang kahirap hirap na dumadaan ang huli sa bintana. Na para bang gamay na niyo ang ganoong gawain.

Nginisihan muli ni Vladimyr ang driver na vmbakas ang pagka mangha sa ginawa niya. Pero bago pa tuluyang makaalis si Vladimyr, nahawakan na siya agad ni 'Luvien' sa braso para pigilan.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report