The Crazy Rich Madame -
#Chapter 33; how dare you!
Pagsakay niya ng Lamborghini agad niyang kinontak ang secretary niyang si Jillian Steffan. "Madam?"
"Jill.... kamusta na si Aurelius?"
"He's still on the island Madame' he's taking care of the Sunflower Resort"
"Did he leave for at least a day?"
"Not a chance Madame. He's very hands on for taking good care of Your resort"
Napatango si Vladimyr sabay lingon sa lalaking nasa may gate pa rin.
"How's the investigation about him, is there any progress?"
"Madam, our agent, found out that Mr. Aurelius is once a reigning business tycoon in the apparel and jewelry industry after gaining the business from his parents who passed away 4 years ago before you found him on the shore. And his real name is Victor Devera. 31 years old, married to Ms. Leona Anilla, has a son, and lives in Sky Oasis Residences, one of the luxurious real estate in Southland."
"I see.... did he have a brother, a twin brother maybe?"
"According to our source, Mr. Aurelius is an only child. Therefore, he is the only Heir of the Devera Holdings"
Tumaas ang kilay ni Vladimyr.
Eh sino ang lalaking nakilala ko?
"Did he remember anything about him?"
"No madam. Not any single info about him."
"Okay"
Ini off na ni Vladimyr ang call. At tinawagan naman si Noah. Ang ama ng anak niyang si Cadis.
"Noah"
"Finally, tumawag ka kamusta na ba?"
"Humihinga pa, so anong balita doon sa pinata-trabaho ko sayo?"
"Masyado kang nagmamadali pero sige, punta ka dito at di safe na kung saan saan ka tumatawag."
"On the way na ko"
Pagkasabi niyon ay ini-off na rin ni Vladimyr ang call. Pina harurot ang sasakyan. Tinahak ang direksyon papunta sa Black Rose Residences.
Isa itong Semi-Luxury Real Estate na pag aari niya. Ang mga unit dito ay di bababa sa halagang 80 million plus dahil sa mga VIP class ng bawat unit. At meron itong 150 villa units and another hundred units na under construction pa. Kaya kahit walang preno mag waldas ng pera si Vladimyr sa mga importanteng bagay, di siya mauubusan. O di siya mababalisa dahil halos kuko lang ng kayamanan niya ang nababawas. She has Trillions and still counting. Pagdating niya sa bungad ng gate ay agad siyang pinapasok ng guard. Malaki ang ngiti nito at sumaludo sa kanya na para bang isa siyang Reyna.
"Goodmorning Madame!"
"Good morning kuya Arthur! Kamusta po!"
"Napakabuti mo madame!"
"That's great!" She smiled.
"Kamusta po si misis?"
"Nako magaling na po siya madame!" Masiglang sagot ng guard.
"Masipag nga po mag asikaso sa tindahan namin!" Dagdag pa nito habang nangingislap sa galak ang mga mata.
"Siya nga po pala, pinadala niya itong steam na sugpo sa inyo! Nabanggit po ma'am Reika na pupunta kayo dito kaya dinala niya agad itong sugpo!" Inabot ng guard ang kulay puting tupperware na naka balot sa cling wrap. Mainit init pa ito ng hawakan ni Vlad.
"Wow! Thank you kuya masarap itong sinigang sa kalamansi!" Malapad niyang ngiti.
Paborito kase ni Vladimyr ang suwahe at sugpo. Lalo na kung inihaw o sinigang sa bayabas o sa kalamansi.
"Naku wala po yan sa lahat ng naitulong niyo sa pamilya ko malaki po ang utang na loob namin sa inyo kaya kahit diyan po gusto namin makabawi"
Parang maiiyak na sabi ng guard.
"Aww.... thank you very much po kuya Arthur take care na rin po! Pupunta pa ako kila Noah eh."
Aniya at nilagay sa upuan ang tupperware na pinaglalagyan ng seafood. Saka siya nag drive ulit papunta sa villa nila Noah.
"Vladimyr!"
Napa takip ng tainga si Vlad sa lakas ng tili ng asawa ni Noah na si Reika. Halos mag talsikan ang eardrums niya pagpasok niya pa lang sa bahay ng mga ito. Pinapasok agad siya ng guard at maid dahil kilala na rin siya dito. Isa pa, binilin din ng mag asawa ang pagdating niya
"Ampu**! Ano ba yang boses mo Reika muntik na mabasag ang eardrums ko para kang sirena ng bumbero!" Nakangiwing sita niya sa asawa ni Noah.
"Eh kase naman sisteret namiss kita sobra tapos nag aalala ako sayo dahil sa nangyari tapos di kita madalaw dahil kay Eriz!" Nakangusong sabi nito habang nakahawak sa braso niya.
Si Reika ay dati nang may gusto kay Noah na naging matchmaker siya para mapangasawa ito ni Noah.
"Kamusta ka na ba? Ano? May masakit pa ba sayo?" Kunwaring napaiyak ito at niyakap na naman siya.
"I miss you so much sisteret"
Napapa iling na pilit itinutulak ni Vlad ang babae palayo sa kanya dahil nabibinge na siya sa lakas ng boses nito.
"Okay naman na ako" nakangiwi niyang ngiti.
"Si Noah?"
"Aw yung baklang yon? Nasa computer room niya, kanina kapa hinihintay, go kana dun kukuha lang ako ng meryenda" Lumakad na rin ito palayo.
"Siya nga pala may gift ako sayo later! Poems yon kaya sana basahin mo agad ah!"
Nangunot ang noo niya dahil alam naman nito na di siya mahilig magbasa kung di related sa trabaho.
'Seriously? Poem?' Wirdong aniya sa isip.
Tumango siya at agad na pumunta kay Noah.
"Noah.... hmm?"
Pagpasok niya sa computer room ni Noah ay may nakita siyang aninong dumaan bukod sa lalaking nakaupo at nakaharap sa computers.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report