The Crazy Rich Madame -
Chapter 60: Wild Animal.
"MA'AM tapos na po."
Nagmulat ng mata si Vladimyr matapos marinig ang magalang na sabi ng dalawang nail tech. attendant na nag ayos ng kuko niya.
Inangat ni Vladimyr ang mga kamay at sinipat ang kuko na para bang nais masiguro na talagang pulido ang pagkakagawa. Sumilay ang malugod na ngiti sa kaniyang labi nang makita na pulido ang pagkakagawa sa bagong kulay ng kuko niya.
Pati na ang paglalagay ng nail extension na may light shade of tan color at sa dulo ay may maliliit na swarovski stones na nagmistulang diamond sa dulo ng mga kuko niya.
Sa gitna naman nito ay paint ng flower arts at may munting mga white diamond like stones pero alam naman niyang palamuti lang iyon pero natuwa pa rin siya. Ganun din ang design at color ng nasa paa niya pero di niya pinalagyan ng stones dahil lagi siyang naka sapatos.
"Thank you guys." Vladimyr said with a wide smile at the two women who were smiling at her.
Dahil tuyo na ang mga polish sa kuko ni Vladimyr at ramdam na niya ang pagblower sa buhok niya. Dumukot si Vladimyr ng pera sa wallet at ibinigay agad iyon sa dalawang attendant.
"Ate ito oh para sa inyong dalawa." Sabay abot ng pera sa dalawa na agad ikinabilog ng mga mata nito at nakatulala sa kanya.
It was ten thousands bill. Na basta na lang dinukot ni Vladimyr sa kaniyang wallet na di na binibilang at basta na lang inabot sa dalawang attendant.
Halos pambayad na sa isang buong service sa kaniya.
"M-madame! Ang laki po nito!" Hindi makapaniwala na sambit ng may katabaang babae. Mahaba din ang buhok nito pero bakas ang pamumutla at pagod sa itsura. Halata sa mga mata nito ang hinaharap na problema. Umiling si Vladimyr at nakangiting sinabi. "Nah, it's okay ate since maganda naman ang gawa niyo sa kuko ko."
She shows them her lovely nails. Sparkling with white tiny gems on it's tips. "Super fabulous di ba? I really love it!" She said wearing a cheeky grin while staring at her pretty shade and designed nails.
"P-pero-"
"-nako ate Tabs tanggapin mo na yan at baka nagbago pa isip nitong si Madam V! Jusko blessing yang di dapat tinatanggihan." Salo ng baklang hair stylist na umaayos sa buhok ni Vladimyr kaya natawa naman siya. "She's right, ate. Take it. Hati na lang kayo ha?"
"O di ba, tinawag niya akong 'she'?" The gay giggles.
"Thank you ma'am thank you! Malaking tulong ito sa pamilya ko." Mangiyak ngiyak na sabi ng babae na umaliwalas ang mukha.
"It's okay ate. You're welcome, mukhang may naka line-up na susunod na ia-assist niyo." Awat ni Vladimyr sabay turo sa babaeng pumasok pero natigilan din siya kaagad at napapailing na nakangisi pero di na niya pinansin at mukhang hindi din siya nito nakita. Dahil kung nakita siya nito, baka mag-eskandalo na naman ito. Nakakahiya.
Ang liit talaga ng S City para magkita ulit sila dito.
"Alam mo Madam, yan si ate Tabs naku ang daming problema niyan... paano ba naman kase yung mga anak niyan jusko walang mga pasaway." Panimulang pagkukwento ng bakla habang maingat na pinaplantsa ang buhok niya. "Talaga? Hayst baka kasi mahirap lang talaga makahanap?" Simpatya naman niya.
"Anong hirap jusko Madam! Ewan na lang ah." Sabi pa nito habang kumakampay ang kamay sa bawat kwento.
Natatawa na inabot ni Vladimyr ang magazine sa ilalim ng maliit na mesa sa gilid at binuklat iyon.
"So, anong nangyari Baks?" Tanong niya habang nakatingin sa mga magazine. Gusto niyang malibang habang naghihintay matapos ang ginagawa ng bakla sa buhok niya.
"So ayun nga Madam, si ate Tabs lang yung nagtatrabaho tapos yung anak niyang lalaki adik jusko! Sakit sa bangs!"
Nilingon ni Vlad ang bakla sabay sabi. "May bangs ka ba?"
"Ay! wala pala nakalimutan ko." Nagkatawanan sila ng bakla.
"Kawawa naman pala si ateng ano?"
"Ay naku sinabi niyo pa Madam!"
"Tapos, kamusta naman siya?"
"Ayan paspas sa trabaho kasi ang kaisa-isang anak niyang babae baby pa. Ang cute nga eh! Ang bibo!" "Talaga? Parang si Grusia?"
"Oo Madam parang si baby Grusia kaso mas bata yata iyon eh, nasa limang taong pa lang."
"Oh! Two years older si baby Grusia."
"Yes Madam kaya nga hinahayaan na lang namin na isama niya yung batang yon dito eh kase wala daw mapag iwanan. Kung sa kapit bahay daw natatakot siyang baka kung ano ang gawin. Alam mo naman sa panahon ngayon di ba? Wala nang mapagkakatiwalaan."
"May punto ka diyan."
"Isa pa sayang masipag yan si ate Tabs. Walang angal yan kahit pagod na pagod na kaya bilib ako diyan."
Nakaramdam ng kurot sa puso sa Vladimyr. Naalala na naman niya ang mama niya noong bata pa siya. Madalas din siyang kasama nito lahit saan magkaroon ng trabaho. Nasaksihan niya kung paano maki-usap ang mama niya sa mga amo nito na kung maaari ay hayaan nalang siyang kasama sa pagtatrabaho dahil walang mapag iiwanan sa kaniya. May ibang pumapayag may hindi. Naalala niya iyon walong taon palang siya kahit pagod na ang mama niya sa trabaho, kapag tumingin ito sa kanya laging naka ngiti na parang ayos lang ang lahat.
Hanggang sa maging highschool siya doon niya lang nakilala ang tunay niyang ama na si Lorenzo Ramirez. Isa palang CEO ng VR Foods Company.
Nang malaman iyon ang ama niya, kinuha siya nito kahit labag sa loob nila ng mama niya, ay pumayag na rin siya para makapag-aral at mabawasan ang problema ng mama niya.
Pero sa pagdaan ng mga araw. Pinamumukha sa kanya ni Pristina kung ano siya at walang araw na 'di siya nito sinasaktan. Pisikal at psychological.
Napabuntong hininga si Vladimyr dahil sa mga pangyayaring naranasan niya sa poder ng madrasta niya noon. Noong mahirap pa lang sila. Kaya alam niya ang pakiramdam ng maging mahirap. Kaya nung umangat siya sa buhay, isa iyon sa mga naging goal niya.
Five years ago itinayo ni Vladimyr ang 'Mother's Love Institute.' Dito tumutulong siya sa mga single parents na 'di makapag trabaho dahil may mga maliliit na anak.
Dito pwede nilang iwan ang mga anak nila habang nagtatrabaho. At susunduin nalang kapag uuwi. Para itong isang school na tumatanggap hanggang 13 years old na bata at tinuturuan ng mga bagay-bagay.
May mga teachers din dito at mga volunteer parents na nag-aalaga sa mga bata kung day off nila at pinapasweldo naman niya ang mga ito. May mga scholars din siya mula sa mga mahihirap na probinsya na hindi kayang mag-aral. Lalo na ang mga bata para matulungan din ang mga ito.
'Pero tapos na iyon. Kahit paano naka move on na ako, at ako naman ang tutulong sa mga nangangailangan.'
Bumuntong hininga siya at napapaisip na tumingin sa labas. Naalala na naman niya ang mga taong kumakalaban sa kaniya na di niya alam kung sino, maliban sa lead na si 'Luvien' ang tinuturo. Pero malakas ang pakiramdam niyang may ibang gumagamit ng pangalan nito. Hindi lang siya sigurado kung sino at anong dahilan.
Nagpakalap na rin si Vladimyr ng mga impormasyon kina Lisa at Malia. Inutusan din niya sina Sebastian at Arcadius kasama ang pinili ng mga ito na tauhan na makakasama para magmasid sa mga pinaghihinalaan niyang posibleng magtangka sa buhay niya.
'Kung hindi ang pamilya ni Donya Luz, sino pa bang pwede....'
Muling pumikit si Vladimyr para kumalma. Pero 'di pa siya nakakatagal ng ilang segundo ay narinig na niya ang nakakairitang salita ni Gazali.
'tsk! Wala talagang kadala-dala ang babaeng 'to. Gusto yata masubukan ang pasensya ko...'
"Nawalan na pala ako ng ganang magpa-ayos dito. May ahas palang pagala-gala sa salon na 'to" pang-iinsulto nito at naramdaman pa ni Vladimyr ang malapit na presensiya ng babae.
"Hindi ba kayo tatawag ng wild animal control? May ahas dito bawal ang mga ahas dito..." dagdag pa nito.
Hindi pinansin ni Vladimyr ang pagsisimula ng eskandalo ni Gazali. Nanatili siyang nakapikit para damhin ang pagpapahinga habang inaayos ang bubok niya. Purple and silver hombre ang nagustuhan niyang kulay. At dahil matagal itong gawin, aabutin pa siya ng ilang oras doon kaya ayaw niyang ma-stress sa pag e eskandalo ng asawa ni Ethan.
"Ma'am mag hunus dili po kayo, nakakaabala po tayo sa ibang pang customer."
Dinig ni Vladimyr ang magalang na awat ng babaeng sa tanda niya, ay ang receptionist na nag-assist sa kanila kanina.
"I dont care!" Galit na singhal ng asawa ni Ethan. "Just throw this bitch away from this salon or else I will do my best to terminate your contract with just one call!"
Ramdam ni Vladimyr ang tensyon na namumuo sa pagitan ng receptionist at ni Gazali. Alam niya na siya ang tinutukoy nito na ahas.
Wala sana siyang pakialam sa opinyon nito pero ang idamay ang mga nananahimik na naghahanap-buhay dahil sa kawalan nito ng disiplina, ay di na tama.
Malalim na napabuntong hininga si Vladimyr saka walang ganang nagmulat ng mata.
"Wait lang beks, may tuturuan lang ako ng leksyon na kulang sa tamang aruga.." nakangisi niyang sabi sa bakla na noon ay walang nagawa kundi ang pumayag kahit di pa tapos ang ginagawa sa buhok. "Sige po Madam V. Pasensya na kayo ganyan talaga yan kapag may di siya gusto... wala kaming magawa kase asawa ng General.."
"Ah... ganun ba?"
Malungkot na tumango ang bakla.
"Don't worry, this will the last time she'll act like this..." Ngumisi si Vladimyr. Ngisi na nagpatayo ng balahibo ng baklang hairstylist. Kasabay ang paglunok nito.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report