The Crazy Rich Madame
Chapter 63: Like Mother, Like Son.

PINATONG ng isang lalaking naka business suit ang briefcase niya sa counter table, inalis ang suot na sunglasses at binigyan ng matamis na ngiti ang kahera. Habang ang dalawa pa ang sinimulan na ang manutok ng baril at isa isang nililimas ang pera, alahas at gadgets ng mga empleyado at customers na noon ay walang magawa dahil sa takot.

Balot ng takot ang mga tao sa loob ng salon, walang pag-aalinlangan na isa isang hinahalungkat ng tatlong holdaper na may disenteng pananamit. Na kahit sino ay hindi mag-iisip na mga holdaper pala ang mga ito dahil sa maayos na itsura at gwapong mga mukha.

Isa-isa ng mga ito na tinutok ang kanilang baril sa mga customer at tauhan ng salon para manakot habang sinasamantala ang kahinaan ng mga tao doon.

"Ilagay mo lahat ng mga pera niyo sa bag na ito. Walang magtatangkang kumilos ng masama kung ayaw nyong barilin ko kayo." Maayos na sabi ng isa na para bang walang ginagawang pang ho-hold up. Habang pasimpleng nakatutok ang baril sa mga naroon.

Dahil sa takot na masaktan, wala ni isa sa mga tao doon ang nagtangkang magsalita o kumilos. Pigil ang hininga ng mga ito na nakayuko at walang maglakas ng loob na tumingin.

"Sir, if you are done taking all of their money and stuff, please put your gun down to avoid fear towards us, especially us, children...it's not appropriate to point a gun to children, or you may cause trauma to us." Vlad's son, Drak politely asks as he looks straight to the man who seems to be the lead of the three thieves. With no sense of fear in its eyes. "Please consider my request, sir?"

The man who's aiming the gun to the people look at the boy who is not showing any glint of fear in his eyes, but emerging a strong personality enveloped the whole being of the boy which made the thief feel uneasy by looking at the young boy's dauntless eyes.

"Y-you!" The thief pointed the gun to Drak, who now tried to keep a cold look at the man who showed fear.

"Hey man! Hawakan mo yang bata! Inglesero siguradong mapapakinabangan natin yan." Anang isa na halos pabulong lang ang pagkakasabi.

"Dun ka!" Singhal ng lalaking kinakausap ng batang si Drak sabay tulak sa nito sa bata papunta sa isang sulok. Lihim na sumulyap ang batang si Drak sa batang si Cheya at nag-aalalang sinenyasan ito na mag tago lang sa ina. Pero dahil sa takot ng paslit. Bigla na lang itong kumawala sa pagkakahawak ng ina at tumakbo sa batang si Drak at yumakap ng mahigpit.

"Kuya Dak... Okay ka lang po?" Humihikbing tanong ni Cheya kay Drak dahilan para lalong mag-alala ang batang lalaki sa huli.

Hindi na naawat ng ina nito kahit takot na takot na sinubukan habulin ang anak. Ngunit tinutukan ito ng baril kaya napabalik sa kinauupuan habang walang patid ang luha at pagmamakaawa.

"Wag niyo po isama si Kuya Dak mabait po siya..." umiiyak na pakiusap ng bata sa mga lalaki.

"Cheya, you shouldn't come to me it's dangerous!" Mariing sabi ni drak. Nakatitig ito ng masama sa batang babae pero lumambot din agad saka nilagay sa likuran niya si cheya. "Please... sir?"

"Ang drama niyong dalawa, halika sama kayo sa'kin!"

"No!"

"Sabing sumama kayo sakin eh!"

Pilit hinihila ng lalaki si cheya para dalhin din ito dahilan para itulak ng batang si Drak ang lalaki para ilayo ito kay cheya dahilan para pareho silang matumba sa sahig.

Hindi nagustuhan kaya ikinainit ng ulo ng lalaki ang ginawa ng batang si Drak. Tinutukan nito ng baril ang mga bata at magtatagis ang bagang na nakatingin ng masama. Nabalot ng matinding takot ang mga tao doon para sa mga bata. Lalo na para kay Drak.

"Maawa po kayo! Wag niyong saktan ang mga bata "

"Tahimik!" Singhal ng lalaki sa nanay ni Cheya. Kaya natigilan ito.

"Ipapahamak pa kami ng mga batang to kaya mas mabuting unahin ko na ang mga ito!"

"Pero mga bata lang sila! Maawa po kayo!" Anang isang customer na nag-aalala sa mga bata. "Sabing tahimik!"

"Parang awa niyo na po! Pabayaan niyo na ang mga bata!"

"Kapag di kayo tumahimik babarilin ko kayong lahat!"

Kinabitan ng lalaki ng silencer ang baril niys saka muling itinutok sa mga tao doon.

"Walang makaka-alam na kahit sino kapag binaril ko kayo lahat ng walang ingay, kaya manahimik kayong lahat!" Nauubusan ng pasensya na sigaw ng isa sa mga holdaper.

Pigil ang pag-iyak ng mga tao habang natetensyon na tumahimik. Sa pag-aalalang baka nga sila barilin ng mga ito.

Habang nagmamadali ang iba sa pag-limas ng mga gamit ng mga tao sa salon.

"Hindi ko gusto yang tingin mo bata, masyado kang matapang para salubungin ang tingin ko ng ganyan! Ang mabuti pa unahin na kita dahil nakakainis yang tingin mo..."

"I'm just trying to read your facial reactions and it seems that you are more threatened, even your hands are shaking. You have no guts to pull that trigger, cause if so, you should've done it earlier. "

"Tantanan mo ko ng pang e-english mo, baka maubos lalo pasensya ko sa'yo!"

"I just wanna voice out what I noticed, sir. But, if I were you, I won't let that gun be aimed at a kid like me, especially if you don't know who my parents are, or even my mom is... you wont like it if she caught you pointing a gun at me, sir... put that down. I suggest..."

"Buwisit kang bata ka! Inuubos mo talaga pasensya ko! Magpaalam ka na sa magulang mo!"

The man angrily said as he pulled the trigger and a faint sound of a gun shot was heard between the silence, followed by terrified gasping of shock.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report