Three months later Nevada, USA

"WE CAN keep fooling ourselves or we can keep trying so hard to work this out, Maggy. You choose. Dahil kung ako lang ang mamimili, hindi na kita pakakawalan uli. Handa akong magbulag-bulagan kahit na alam kong tuwing kasama mo ako, sa ibang tao napupunta

ang isip at puso mo."

Mula sa nilalaro lang na pagkain sa kanyang plato ay nag-angat ng mukha si Maggy at pinagmasdan ang anyo ni Levi. Mula nang bumalik siya sa Nevada ay gusto na rin nitong bumalik sa buhay niya. Kasalukuyan nang ipinoproseso ang divorce nito kay Denise. Hindi nag-work out ang marriage nito. Anuman daw ang gawin ni Levi ay hindi na nito kayang lokohin pa ang sarili dahil siya pa rin daw ang mahal nito.

"Something happened to us while I was drunk. Isang araw, sinabi niya na lang sa akin na buntis siya kaya kinailangan ko siyang pakasalan. She was my friend, after all. Palagi siyang nandiyan. She was constant in my life... unlike you. I made myself believe that I love her," naalala niyang paliwanag pa ni Levi sa kanya halos tatlong buwan na ang nakararaan.

"You can call me a jerk but I was thinking about you on our wedding day. Hanggang sa isang araw, nalaman kong hindi pala talaga totoong buntis si Denise. Mahal niya raw ako kaya niya nagawa 'yon pero hindi ko na magawang pakisamahan pa siya. Dahil ikaw talaga ang mahal ko, Maggy." Bumakas ang sincerity sa mga mata ni Levi. "And I knew whether you come back to me or not, she and I just had to part ways. I was just waiting for you to come back... from your mission."

Hindi na rin alam ni Maggy kung ano ang iisipin. Pumapayag lang siya na lumabas-labas kasama si Levi para ma-distract niya ang sarili kahit alam niyang mali iyon. Kung ito ay pinoproseso na sa korte ang divorce, siya naman ay nananatili pa ring nakatali kay Austin. Nagpadala na siya ng abogado sa Pilipinas ilang araw matapos niyang makabalik sa Nevada. Dala ng abogado ang pirmado niya nang annulment papers pero nagmatigas umano si Austin. Hinding-hindi raw ito makikipagtulungan sa pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal. Bumuntong-hininga siya.

Wala siyang mapagsabihan ng mga saloobin dahil isang linggo matapos nilang makauwi nina Radha at Yalena sa Nevada ay bumalik ang huli sa Manila para umano sa misyon nito. Hindi ito nakinig sa kanya nang pigilan niya. Ipinakita niya na sa kapatid ang mga papeles na nagsasaad ng paglilipat sa kanya ni Austin ng shares nito sa McClennan Corporation.

Ipinadala iyon ni Austin sa abogada niya dahil nakalimutan niya raw iyong dalhin sa kanyang pag-alis noon. Pero hindi nakontento roon si Yalena. Her sister wanted more... more than the company shares, more than the money and more than the properties Austin was willing to offer. She wanted Benedict.

Kahit nakita at nalaman na ni Yalena ang kalagayan ng matandang lalaki nang magpunta ito sa kanyang kasal ay wala itong pakialam. Hindi niya na alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng kakambal dahil hindi niya na ito nakausap pa. Nang huli itong tumawag may dalawang buwan na ang nakararaan ay para ipaalam lang sa kanya na nadakip na ng mga kinauukulan sa Pilipinas si Lester.

Wala nang communication pa si Maggy kay Clarice. Ayaw niyang makibalita rito tungkol sa mga pangyayari sa iniwang lugar. Hiningi niya lang sa kaibigan gamit ang electronic mail ang ginawa nitong reports sa nakalipas na mga buwan na ito ang nag-asikaso ng YCM. Nang ipadala iyon ni Clarice sa kanya ay hindi niya na ito sinubukang kausapin pa. Iniiwasan niya na munang magkaroon ng kaugnayan dito. Ang kinikita ng YCM ay dumederetso na lang sa bank account nito.

Sa ngayon, ang gusto niya na lang ay ang makalimot. Pero ilang beses niya mang lunurin ang sarili sa pagtatrabaho, hindi niya pa rin magawa iyon.

"I have no right to choose, Levi," sa wakas ay sagot ni Maggy. Sa ilang sandali ay napuno ng pagsisisi ang puso niya. Kung hindi sana siya umalis noon, sila siguro ni Levi ang ikinasal at masaya ngayon. Hindi na sana niya nakilala pa si Austin. Hindi na sana siya nagmahal pa ng iba. Pero huli na. Bukod doon ay duda rin siya kung papipigil ba siya kay Levi noon na umalis kung sakali mang hindi sila nagkahiwalay at hindi ito nagpakasal sa iba.

Isa pa ay kakaiba ang nararamdaman ni Maggy para kay Austin. And she knew that even with the knowledge of Levi waiting for her, she would still have fallen for Austin. Mabibigo pa rin siya sa kanyang misyon. Ang consolation na lang niya ngayon ay ang katotohanang sinubukan niyang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang.

Pareho na sila ngayon ni Clarice na may kontrol sa McClennan Corporation. Si Ansel na lang ang hindi pa nakakaalam ng tungkol doon. Kung ibebenta lang nila ni Clarice ang shares nila ay walang dudang magkakapera sila nang husto pero hindi nila kahit kailan gagawin iyon. That was their family's legacy.

Ang kanilang mga ama ang orihinal na nagtayo ng malaking bahagi ng kompanya. And by keeping in touch with the company, they can somehow keep in touch with their fathers' memories. Sa ngayon ay nasisiguro ni Maggy na si Austin ang pansamantalang umuupo sa puwesto niya roon para hindi mabuko ni Ansel ang katotohanan, katulad na rin ng nakapaloob sa maikling note na isinama ni Austin sa mga dokumentong ipinadala nito sa kanya sa pamamagitan ng abogado niya.

Alano and Austin wanted Ansel to replace out the truth on his own. Sa tatlong magkakapatid, ang huli ang mas tumitingala sa ama ng mga ito. Ansel seemed to be his father's avid fan. Ayon na rin sa nakalap ni Radha na impormasyon noon ay ang panganay na McClennan daw ang notorious na pinakamahirap kalabanin na negosyante. People tagged him as the shark in the business world. In short, Ansel was dangerous.

But then again, with rage as Yalena's number one motivation, who was also their father's number one admirer, the latter could be as dangerous as well.

Muling bumuntong-hininga si Maggy sa naisip. "Wala tayong kailangang i-work out dahil hindi naman tayo. I'm sorry, Levi." Nagbaba siya ng mga mata nang makita niya ang pagguhit ng kirot sa gwapong mukha ng lalaki. "I may not have the ring on my finger right now but I'm still married unless Austin decides to cooperate in our annulment."

"We could replace a way." Sa kabila ng lahat ay sinabi pa rin ni Levi. "I could talk to him." Inabot nito ang kamay ni Maggy na nasa ibabaw ng mesa. "Baka closure lang ang kailangan n'yo pareho. Baka 'yon ang dahilan kaya nahihirapan kang buksan ang puso mo para sa akin."

"Hindi ko alam, Levi. Hindi ko na alam."

Bago umalis si Yalena ay inisa-isa na muna nito sa kanya ang mga grounds for annulment. Yalena said she can use fraud against Austin or mental illness which was even worse. Madali na raw palabasin ang bagay na iyon. Ito na daw ang bahala basta sumang-ayon na lang siya. Pero hindi niya kayang gawin iyon, hindi sa lalaking hanggang ngayon ay nagmamay-ari pa rin sa puso niya. Ayaw niyang umabot pa sa korte ang lahat at dungisan ang magandang pangalan ni Austin. Sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan ay ayaw niyang lalo itong masaktan nang dahil sa pagsasampa niya ng kaso.

"I'm really sorry but I think I have to leave now." Bumitaw si Maggy mula sa pagkakahawak ni Levi pagkatapos ay walang lingon-likod nang naglakad palayo sa restaurant na iyon. Pero bago iyon ay ipinaalala niya sa sarili na hindi na siya muli pang makikipagkita sa binata. Ayaw niya na itong paasahin pa sa isang bagay na walang kasiguruhan.

Dahil coding ang kotse niya sa araw na iyon ay nagmamadaling pumara na lang siya ng taxi. Nang makasakay ay napapagod na ipinikit niya ang mga mata. Ilang sandali pa ay narinig niyang bumukas ang pinto ng sasakyan. Naramdaman niya ang pag-upo na iyon ng kung sino sa kanyang tabi.

Her senses immediately activated. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang pabangong nalalanghap. Nagmulat siya ng mga mata. Umawang ang bibig niya nang malamang hindi nga siya nagkakamali. The man beside her was really... Austin.

"No matter how much you hate me or my family, the fact still remains. Mag-asawa pa rin tayo, Maggy," pormal ang anyong pagbirada ni Austin nang umandar na ang taxi. "That's why you have no right to date anyone else but me." "Excuse me for a while," anang driver na mukhang may lahi ring Pinoy base sa anyo at sa matigas na pananalita nito ng sinabing Ingles. "Where to?"

"Just keep driving and never let anyone else in. I'll just pay you afterwards," ani Austin bago nito muling binalingan si Maggy. "Damn it, sweetheart. Gustong-gusto kong magalit sa yo ngayon. You didn't know the hell I've been through the past months only to catch you here dating your ex." Nagtagis ang mga bagang ni Austin. "But heck, I miss you so much." "YOU ARE actually leaving everything here just for one girl?" Habang nakatitig kay Maggy ay naalala ni Austin ang hindi makapaniwalang sinabi na iyon sa kanya ng Kuya Ansel niya halos isang linggo na ang nakararaan.

"Yes, I'm really leaving everything for one girl... who holds my entire world in her hands," sagot niya habang patuloy sa pag-eempake ng mga dadalhin papunta sa Nevada.

Binalewala ni Austin ang lahat ng

mga tanong ng mga taong

nakapaligid sa kanya nang bigla na lang hindi makita ng mga iyon si Maggy ilang oras matapos ang kanilang kasal. Sinikap niyang ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng paghihirap ng puso niya. Pero walang araw na dumaan na hindi niya naalala ang asawa. Nakatatak na sa kanyang isipan ang magandang mukha nito. Her scent was all over him. And her smile was in his every dream. Kaya halos mabaliw siya nang totohanin nito ang tungkol sa pagpapadala ng annulment papers nila. Kahit

nagmatigas siya ay naroroon pa rin ang takot at kaba sa puso niya.

He was so afraid that their chance might never come.

Kaya pagkaraan ng halos tatlong buwan ay sinundan na ni Austin ang asawa sa Nevada. Nagrenta siya ng apartment hindi kalayuan sa hotel na pinamamahalaan nito. Sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang buhay ay iniwan niya ang kompanya. Sa kasalukuyan ay ang Kuya Ansel niya ang sumalo sa trabaho niya roon sa kabila ng mga reklamo nito.

Iniwan niya ang kanyang pamilya. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mahagilap sa kanyang puso kung ano ang dapat na maramdaman sa mga magulang. He felt like he was carrying their mistake straight from the past and it wasn't fair.

Tinalikuran ni Austin ang lahat sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya para lang masaksihan ang asawa na nakikipagkita sa dating boyfriend nito. Gabi-gabi ay nakikita niya ang mga ito na magkasama. He would watch them from afar though his heart felt like exploding every time. Pero ngayong gabi ay hindi niya na natiis na muli ay pagmasdan na lang ang dalawa. Quota na sa pagseselos ang puso niya.

Damn it! Siya pa rin ang asawa.

"I know how you feel," mayamaya ay walang emosyon na sagot ni Maggy. "I was once a human, too, before your father turned me into a monster."

"Maggy..." may halong paghihinagpis na naibulong ni Austin. Inabot niya ang mga kamay ng asawa. Ang kahihiyang nakamit niya nang iwanan nito matapos ang kanilang kasal, kaya niyang sikmurain iyon. Ang pakikipag-date nito sa iba, kahit kulang na lang ay lamunin na ng inggit at selos ang kanyang puso ay kinakaya niya iyon pero ang ganitong paulit-ulit na sakit, ang ganitong paulit-ulit na pagpapaalala nito sa kanya sa kasalanan ng kanyang ama na wala naman siyang kinalaman, kasalanan na siyang humaharang palagi sa kanilang relasyon, ay sobra-sobra na.

"Wag mo naman akong isama sa mga kasalanan ni Papa sa pamilya mo, utang-na-loob. He was a jerk. Heck, he was even more than that." Naihilamos ni Austin ang isang palad sa kanyang mukha. "Kung kaya ko lang bigyan ng hustisya ang nangyari sa inyo noon, ginawa ko na sana. Hindi ko ito-tolerate ang bagay na ito. But he's old now and he's suffering from Alzheimer's disease, for crying out loud! Sa kabila ng hindi makatarungang ginawa niya, sa kabila ng mga kasalanan niya, Maggy, ama ko pa rin siya." How I wish that I could tell you it's all in the past but I was never good at lying and baby, since you asked...

Naipilig ni Austin ang ulo nang iyon ang bigla na lang marinig mula sa stereo sa loob ng taxi na siyang binuksan ng driver.

I don't want to hear that song again from the night we first met. I don't want to hear you whispering things I'd rather forget. I don't want to look into your eyes 'cause you know what happens next. We'll be making love and then, I fall all over again... Mariing naipikit ni Austin ang mga mata. Good Lord, the lyrics of the song was exactly how he felt.

"IF I HOLD you in my arms you know, I'd never let you go. But this ain't the time or place to get emotional...""

"Turn off the damn thing, please!" halos sabay pang sinabi nina Maggy at Austin sa driver ng taxi na sinasabayan pa ang kanta. Kahit mukhang nabigla ito sa lakas ng boses nila ng asawa ay kaagad pa rin itong sumunod.

Napahugot si Maggy ng malalim na hininga. Mayamaya ay pilit na inalis niya ang mga kamay mula sa pagkakahawak ni Austin pero ayaw siya nitong pakawalan.

"Let me go," pinipilit patigasin ang boses na sinabi niya.

"Paulit-ulit na sinasabi sa akin ni

Kuya Ansel na nagpapaloko lang daw ako sa 'yo. Pero mali siya," sa halip ay sagot ni Austin. Nang magmulat itong mga mata ay hindi nakaligtas kay Maggy ang kakaibang lungkot na masasalamin sa mga iyon. “Because I'm just a naman ako

nerd, Maggy. Pero hindiJusta. P

utuuto. Walang makakapilit sa akin nagawin ang isang bagay na hindi ko gusto. What happened to us was natural. Nagkita tayo. Nakilala ko ang totoong pagkatao mo. At minahal kita. You had amnesia and I had the chance to get to know you more. I fell in love with you more. Yes, you left. But that love kept growing in my heart. Pwede bang humingi ng pabor sa 'yo kahit ngayon lang?"

Pumatak ang mga luha ni Austin. "Can't we just leave the past behind? lyong mga nangyari sa nakaraan, sa mga magulang natin, hindi ba pwedeng sa kanila na lang 'yon? Iba sila, iba tayo. God... Maggy," Bumakas ang matinding frustration sa boses nito. "Iba ang noon sa ngayon. Nagmamahalan tayo, ilang beses ko bang kailangang ipaalala iyon sa 'yo? Can't we just forget everything for once in our lives and just fight for our love?"

"Austin," Maggy whispered in agony. "Gustong-gusto ko ring gawin iyon." Nabasag ang boses niya kasabay ng pamamalisbis din ng kanyang mga luha. Dinig na dinig niya ang pag-iyak din ng puso niya. "Kung puwede nga lang, gusto kong magising isang umaga na may amnesia uli. Kahit na hindi ko na makilala ang sarili ko, tatanggapin ko na para makalaya na uli ako, para puwede na uli tayo, para makalimutan ko na rin ang lahat ng sakit. Dahil mahal na mahal kita."

Nang muling magtangkang kumawala ang mga kamay ni Maggy mula sa pagkakahawak ni Austin ay pinakawalan na nito iyon. Masuyong hinaplos niya ang mga pisngi ng asawa. Sobra din siyang nangulila rito. At sa ibang pagkakataon siguro ay sasang-ayunan na lang niya ang lahat ng mga sasabihin ng asawa.

"But my heart is in so much pain. My

heart and soul are still stuck

somewhere in the past. Gusto kong sabayan ka sa paglimot sa nakaraan pero paano ko gagawin 'yon kung ang mismong nakaraan na 'yon ang nag-uugnay sa atin sa kasalukuyan? It already hurts that I wasn't able to give my parents justice. And to stay with you... would hurt so much more. Paulit-ulit ko lang maaalala sa pamamagitan mo ang sinapit ng mga magulang ko... ang sinapit ko. Paulit-ulit lang din kitang masasaktan at ayoko nang mangyari 'yon." Nanlalabo na ang mga mata niya dala ng patuloy na

pag-agos ng mga luha.

“Naiintindihan mo ba ang rason ko?”

"Naiintindihan ko na kahit paano ngayon," halos pabulong na sagot ni Austin. Sandaling nag-iwas ito ng mga mata kay Maggy. "But I'll still stay here... until my heart can finally take everything in." Tumawa ito pero walang buhay iyon sa pandinig niya. "Can I ask you one thing, though?"

"Sure," sagot ni Maggy sa paos nang boses.

"If McClennan didn't happen to be my surname, would you have given me a chance? Would you have... fought for me?"

"Yes," nagsisikip ang dibdib na sagot ni Maggy. "With all my heart."

Muling humarap sa kanya si Austin. Bahagya na itong ngumiti sa pagkakataong iyon. "God... that was more than enough."☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report