The Perfect Bad Boy
Chapter 20 Reward

Nawalan ng malay si Glen pagdating ng ambulansya. Hindi pa din ako mapakali dito sa nakikita kong pinsala na natamo niya. And damn him for not fighting back.

Nang makarating kami sa ospital ay nilipat agad siya ng mga nurse sa stretcher at mabilis na dinala sa emergency room. Halos mabuwal na ako dala ng panghihina dahil din sa mga sugat na natamo ko. "Miss, tara na at magamot yan sugat mo." Tumango ako sa nurse at sumunod sa kanya. Habang ginagamot niya ang sugat ko ay panay ang lingon ko sa mga nurse na apura ang bulungan sa gilid.

"Ang gwapo nung lalaki sa emergency room, kahit na bugbog ang mukha." Sabi ng isang nurse na may dalang mga gamit papasok ulit ng emergency room. Tama bang pag usapan pa nila si Glen?" Aray naman.." Hindi ko mapigilan ang mairita

sa nurse na ginagamot ang sugat ko. Naiinis ako dahil pinagnanasahan nila si Glen. Tumayo ang nurse ng walang salita kaya naman nagkibit balikat lang ako. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ang pamilya ni Glen. Napasapo ako sa noo ko. Ang tanga! Ala nga pala akong contacts kahit sa kapatid ni Glen.

Nagscroll ako ng contacts at namataan ko ang number ni Dominic. Jusko! Baka alam niya ang number ng kapatid ni Glen.

(Hello..) Narinig ko ang paghalakhak ni Athena sa kabilang linya.

[Dom, alam mo ba number ng kapatid ni Glen?] Nawala ang pagtawa sa kabilang linya.

(Why? May nangyari ba?) Seryosong sagot naman niya.

[Oo eh--] hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng putulin niya ako.

(Nasan kayo? I'll be there.)

Pagkasagot ko ng mga tanong niya ay pinatay ko na ang tawag. Ugh! Sumasakit ang sugat ko sa leeg. Huwag lang talaga magpapakita sa akin ang kulot na lalaki na iyon!

"Ma'am, okay na po ang kapatid niyo. Ililipat na sa private room." Seryosong sabi ng nurse sabay talikod. Duh! Kapatid talaga? Hindi ba pwedeng girlfriend niya? At bakit ba yaan ang naiisip ko? Pasalamat nga ako at hindi ako napagkamalan na yaya niya.

Kumalabog ng husto ang puso ko ng malapit na ako sa private room. Somehow, naguguilty ako sa nangyari. Hindi naman kasi magkakaganyan si Glen kung hindi dahil sa akin. Kaya lang naman nagalit sila JD kay Glen dahil sa pagkaka kick out nila sa school na ako din ang dahilan.

Pumasok ako sa loob. Halos madurog ang puso ko ng makita ko si Glen na nakapikit at madaming pasa ang mukha. Lumakad ako palapit sa tabi niya. Hindi ko alam kung bakit tumulo ang luha ko ng makita ko ang mukha niya na halos hindi na makilala. However, hindi mo maalis sa kanya ang kagwapuhan niya kahit ganyan ang kalagayan niya.

"Julia, ano nangyari?" Lumakad sila papalapit kay Glen. Napatakip pa ng bibig si Athena dahil sa gulat. "Oh- My - God!" Nanlaki ang mga mata niya. Yeah, omg talaga ang nangyari.

"Paano? Bakit? Sino?' Hindi makapaniwalang tanong ni Dom. Yung itsura niya ay parang hindi niya malaman kung bakit nagkaganon si Glen. Huminga ako ng malalim at hinarap siya na nakakunot pa din ang noo.

"It's a long story to tell, Dom." Si Athena naman ay umupo sa tabi ni Dominic habang seryosong nakikinig sa akin. Pakiramdam ko pa ay nahahapo ako. Nakaramdam na din kasi ako ng pagod at gutom.

"I just can't believe na nangyari yan kay Glen, malakas yan. Kahit ilan pa ang nakalaban niyan, never pang natalo yan.." Takang taka pa din si Dom. Ako naman ay lalong nakaramdam ng pag kaguilty. Kaya lang naman hindi lumaban si Glen dahil sa akin diba? Ako ang dahilan. Ako ang kahinaan niya. At hanggang ngaun ay hindi pa din ako makapaniwala.

"Kahit short story lang Juls, or one shot. Para maintindihan namin." Sagot ni Athena kaya naman nagkatinginan kami ni Dom at sabay napangisi.

"Ang tsismosa mo talaga!" Natatawang sabi ni Dom habang naiiling. Agad naman siyang sinamaan ng tignin ni Athena.

"May nakaaway kasi ako noon sa LSU na guy. The worst memory na ayoko ng maalala. Glen kicked them out of the university. Kanina, nasa theme park kami ni Glen--" nahinto ako sa pagsasalita ng bigla nalang sumingit si Athena. "Wait, theme park? So it means nagdedate kayo kanina?" Nakangising sabi niya kaya nag iwas ako ng tingin. Ala manlang kasing preno magsalita si Athena. Pakiramdam ko pa ay namula ang pisngi ko.

Huminga ako ng malalim ng tumahimik sila. Si Dom naman ay napapangisi habang umiiling.

"We saw the guy, may mga kasama siyang alien kaya ayun.." Sagot ko.

"Hindi lumaban si Glen?" Dom asked curiously. Huminto ako saglit. Eto na naman kasi ang guilt feeling ko. Inaatake na naman ako. Umiling ako.

"Damn. Na true love ang gago." Natatawang sagot ni Dom. Ayan na naman ang paghuhurumentado ng sistema ko. Kahit kasi pilitin ko ang sarili ko na huwag maniwala kay Glen, ayan mismong mga ginagawa niya ang nagsasabi na seryoso siya. At ako? Pakiramdam ko ay nahulog na ako sa patibong niya.

"H-hindi naman Dom. Madami lang talaga sila." Takte naman tong si Dominic, lalo tuloy akong naghurumentado. Wag nga siya magsalita! Baka kasi umasa ako nang sobra.

Kumunot ang noo ko ng sabay humalakhak si Dom at si Athena.

"You really don't know his capability when it comes to fights, Juls. Kahit ilan pa yan napaptaob ni Glen yan ng walang hirap. Badboy nga diba?" Natatawa si Dominic habang nagsasalita.

"I just can't believe he can be this selfless. He was the so selfish person I've ever met. He gets what he wants sa kahit anong paraan. Sisirain niya ang gusto niyang masira. Wala siyang pakealam kung may masaktan man sa proseso ng pagkuha niya sa gusto niya." Malaki pa din ang ngiti ni Dom. Kami naman ni Athena ay halos mapanganga na sa pagkukwento niya.

"Maggie was his first love. Mahal na mahal niya si Maggie noon. Pero, hindi siya naging ganyan. I mean, yung tipong kahit sarili ibibigay niya para sa taong mahalaga sa kanya. Kahit kay Maggie pa." Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o maasar kay Dom, matuwa dahil sa ginawa sa akin ni Glen, or maasar dahil sa first love niya. Naalala ko pa nung nakita ko siya sa mall kasama yung Maggie savor na yun habang tumatawa sila. May kung ano kasing kumirot sa puso ko.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"Now I'm sure that he truly lov---" bago pa matapos ang pagsasalita ni Dom ay napasinghap kami ng magsalita si Glen.

"You motherfucker!" Lumapit ako agad kay Glen na nakangiwi ngaun marahil ay sa sakit.

Maga ang kanan panga niya. Tapos kirat ng kaonti ang kaliwang mata niya. Yung labi niyang mapula ay may maliit na cut. But still, ang gwapo pa din niya. Ugh!

"Talagang kwinento mo ang talambuhay ko?" Uupo sana si Glen pero napabagsak siya. "Let me help you.." Nahihiyang sabi ko. Saglit ay tinignan niya ang benda sa leeg ko.

"That jerk will pay for this!" Hahawakan niya sana ang leeg ko pero hirap pa siyang iangat ang kamay niya. Lumapit ako sa kanya para alalayan siyang makaupo.

"Hahaha! Hindi kasi ako makapaniwala na nangyari seyo yan." Natatawang lumapit siya kay Glen. "Sign of aging?" Sagot niya. Hindi kumibo si Glen pero ang sama ng tingin niya kay Dom. "Don't look at me like you want to kill me. Hindi mo kaya." Apura pa din ang tawa ni Dom. Kaya si Glen naman ay nagpakawala ng maraming mura.

"Find those bastards." Malamig na sabi ni Glen kay Dom.

"Ano ba naman Glen! Hindi kapa magaling." Pagsingit ko. Huminga siya ng malalim tsaka hinawakan ang kamay ko na ikinanigas ko.

"I'm fine. Hindi ako papayag sa ginawa nila seyo! No one ever tried to touch my girl." Madiin sabi niya. Ang puso ko ay lumulundag na naman kaka my girl niya.

"Ano naman gagawin mo aber? Just stop. Okay? Ayos naman ako." Sagot ko sa kanya.

"Anong gagawin ko, Glen?" Pagsingit ni Dom. Ngumiti si Glen. Yung ngiti na nakakatakot. One fucking smirked pero tumayo ang balahibo ko.

"You will do nothing, Dom." Napabuntong hininga ako. Akala ko ano na. "Coz, I will kill them myself." Madiin sabi niya. Yung tipong seryoso at walang makakapigil sa kanya. Napahalakhak naman si Dom.

"Oryt."

Nanlaki ang mata ko at bahagya ko siyang nahampas. Nanlaki din ang mata ni Athena at Dom nang mamilipit sa sakit si Glen. Omygash! Nataranta akong hinimas yung tinamaan ko.

"Ah- bili muna kami ng pagkain." Nagmamadaling lumabas si Athena at Dom. Ako naman ay naiwan dito na kabang kaba. Sorry naman! Eh kasi naman! Napaka warfreak talaga nang lalaki nato!

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"What the fuck!!" Ngumiwi si Glen at iniinda pa din ang sakit." Are you trying to kill me?" Magkasalubong ang kilay niya. Hindi ko maiwasan mapangiti. Malalaks nga siya at okay na. Normal na siya eh. Badboy na ulit. "Sorry na.." Napayuko ako. Hindi ko naman talaga sinasadya. Rinig ko na huminga ng malalim si Glen.

"Where's my reward?" Serysong sabi niya.

"Huh?" Takang takang tanong ko.

"Anong huh? I almost died para lang mapagtanggol kita. Tapos nananakit kapa! Ala manlang akong reward?" Seryosong sabi niya. Ako naman ay nalaglag ang panga.

"Sinusumbat mo ba? Hindi ko naman sinabi na huwag kang lumaban ah? Kaya ko sila! Kaya ko ang sarili ko!" Napairap ako.

"Unbelievable." Inis na sagot niya. Seryoso ba talaga ang nangyayari sa amin? Talaga bang nag aaway na naman kami? Ano ba kasi gagawin ko. May reward pa kasing nalalaman si Mr. Demon.

"Ano ba gusto mo?" Malambing na sagot ko. Tutal may utang naman talaga ako sa kanya. Kaya ano ba naman kung humiling siya minsan diba?

"Sagutin mo na ako." Seryosong seryoso siya. Tinitigan ko pa siya kung may bakas ng biro pero ala talaga.

"Paano kita sasagutin? Ala ka naman tanong." Inosenteng sagot ko. Nakita ko ang pag irap niya. Sobrang naiinis siya ngaun kaya natatawa ako. "Okay, forget it! Iba nalang." Iritableng sabi niya.

"Ano na naman?" Natatawang sagot ko.

Ngumisi si Glen at biglang pumikit.

"Kiss me."

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report