The Perfect Bad Boy
Chapter 27 Love and Loyalty

Maaga akong nagising. Nagkulong ako maghapon after akong matauhan sa paghalik ko kay Glen. Hindi na nga ako lumabas kahit na inaaya ako nila Athena. Pag naman pumapasok si Glen, nagpapanggap ako na tulog. At kahit nagpapanggap ako. Hindi na niya ako ginambala. Mabuti naman. Dahil masasapak ko siya kapag pinaglaban na naman niya yung karapatan na yan.

Nang gumising ako ay wala na si Glen. Ang aga naman yata niyang nawala? Tumingin ako sa wall clock sa room. Napamura ako agad ng mapagtanto kong late na ako para sa activities. Waahh! Terror pa naman ng onti si Mrs. Catindig. Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit. Medyo napahawak pa ako sa sikmura ko ng maramdaman ko ang gutom. Hindi na pala ako nakakin kagabi. Kasalanan kasi ni Mr. Demons ito eh.

Pagbukas na pagbukas ko ng lift ay tumambad agad sa akin si Athena at si Dom. Lumapit ako sa kanila.

"Good morning.." Ngiti ko sa kanila.

"Julia, tapos kana matulog?" Ngumiti si Athena at halata ang pang aasar sa kanya. "Masama kasi ang pakiramdam ko kahapon." Pagdadahilan ko.

"Nakakasama pala ng pakiramdam ang manghalik noh?" Ngumuso si Athena kaya naman tinakpan ni Dom ang bibig niya. Tapos ako naman ay napayuko. Bakit nila alam? Sinabi ba ni Mr. Demons? Haaaays!! Nakakahiya. Hindi ko alam na madaldal pala siya.

"Sinabi yan ni Mr. Demons?" Halos umusok na ang ilong ko sa sobrang iritasyon at pagkapahiya. Sasapakin ko talaga siya! At speaking of Mr. Demons, asan ba siya?

Natawa naman si Dom. "You're cute, Julia. Hindi noh. Hindi naman madaldal si Glen. Tsismosa lang talaga si Athena." Sagot ni Dom kaya naman bahagya akong napangiti. Si Athena kasi ay sobrang sama na ng tingin sa kanya.

"Ano naman masama kung sinabi ko? Karapatan ko naman yun.." Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig nang mapagtanto na si Glen iyon. At ayan na naman yung karapatan niya. Uso mag move on. Nasa love and loyalty na tayo nasa kabilang chap pa siya? At nakakahiya kaya.

"Saglit lang, Juls.." Pagsingit ni Athena tsaka sila lumabas ni Dom. Nasa lounge lasi kami ng hotel. Tumango lang ako.

"Pag hindi mo tinigil yan kaka- karapatan mo sasalaksakin ko yan ngala ngala mo." Yumuko ako ng humarap siya sa akin. My gosh! Naka sando naman siya ngaun at naka itim na short. Tapos ang gulo ng buhok niya. Nakakainis! Lalo akong nagutom.

Tumawa si Glen at umiling. "Good morning din, baby.." Inakbayan niya ako at hinila papasok sa reastaurant ng hotel. Layo nga ako ng layo sa kanya tapos hila naman siya ng hila. Ang clingy niya.

Ayun umorder siya nang pagkain para sa amin. Hindi na ako nagreklamo kasi naman madami nang gutom ang naipon ko. Habang sumusubo ako nakatingin lang si Glen sa akin. Ang weird.

"Bakit di ka kumakain?" Tanong ko sabay inom ng tubig. Ngumiti lang siya."Ano pa kakainin ko?" Sarkastikong sabi niya. Napatingin ako sa plato sa harap namin. Tapos napaiwas ako ng tingin. Waahh! Naubos ko pala yung pagkain. Eh kasi naman gutom na gutom talaga ako. Tapos nanlaki pa ang mata ko ng bigla akong dumighay.

"Sorry.." Nahihiyang sabi ko sabay peace sign. Si Glen naman napailing nalang. "Ibang klase ka talaga."

Lumabas kami ni Glen sa tabing dagat. Maaga pa lang pero ang dami ng tao para maligo. Namangha pa nga ako kasi may mga nag susurf at tsaka jetski. Tapos meron din nag sumasakay sa bangka para mag island hopping. Tumigil ako saglit ng makita ko sila Kristele.

"Bakit?" Tanong ni Glen. Napahampas agad ako sa noo ko. Ay tanga! Na carried away ako masayado sa sobrang gutom. Nakalimutan ko na may activity pala kami ngaun.

"Walanghiya ka, Glen! Nilibang mo ako eh. May activity kami ngaun. Palibhasa graduate kana!" Naiinis ako at lumakad pasunod kila Kristele.

Halos matanggal yung romper na suot ko kasi hinila ako ni Glen. Tignan niyo! Tignan niyo! Alang modo talaga!

"Bakit ba?" Nagpipigil na ako. Kasi nakakainis siya.

"You're not required to join them." Nalaglag ang panga ko. "Ano! Bakit?" Manghang tanong ko sa kanya. Ayoko din naman sumama talaga. Mas gusto ko magexplore sa lugar. Iniisip ko lang yung grade ko sa activity. Umirap si Glen at pumamameywang sa harap ko." Stupid! Ako kasama mo, bakit nagtataka ka pa?" Oo nga naman si Glen Aviel Silverio the demonyo ang kasama ko. Bakit nagtataka pa ako. Okay na sana eh, kaso may stupid pa. Nag walk out ako sa harap niya ng namataan ko sila Athena. Papunta kasi sila sa diving board na nasa tuktok ng rock formation sa may kabilang side.

"Babae ka! masisiraan ako ng bait seyo!" Putak ni Glen habang nakasunod sa akin. Bahala ka jan masiraan! Stupid pala.

Nang makarating kami sa tuktok ng rock formation ay panay ang picture ni Dom at Athena. Si Glen naman ay nasa gilid ko na at naka akbay na sa akin.

"Do you know how to swim?" Halos kilabutan ako ng bulungan ako ni Glen. Napalunok pa nga ako ng bahagya.

"M-medyo lang.." Nauutal na sabi ko. Kasi ang taas taas naman nung babagsakan. Pakiramdam ko kapag lumundag ako mula dito sa tuktok dirediretso na ako sa ilalim ng tubig. Tsaka first time ko to. Natatakot ako. Humalakhak si Glen. " that's fine. I can pull you up when you get drown." Sinamaan ko siya ng tingin. Ang sama sama talaga!

May dumating na dalawang lalaki na may dalang life vest. Naghubad si Dom at Glen ng pang itaas kaya naman nagkabara bara na ang lalamunan ko sa dami ng laway na nalulunok ko. Ang abs nila. Waahh! Bakit parang edited na pics yung mga katawan nila? Tapos si Athena hinubad na din yung romper na suot niya. Sumipol pa nga si Dom kaya naman sabay silang natawa ni Glen. Ako naman eto nakanganga sa mga katawan nila. Isinuot na nila yung life vest.

"What are you waiting for?" Natatawang lumapit sa akin si Athena. Waahh, nahiya ang boobs ko sa boobs niya. Naalala ko pa ang pang aalipusta ni Simon na flat chested daw ako. Si Glen naman ay nasa gilid kasama si Dom na nakatingin lang sa akin. Butil butil na nga ang pawis ko.

"Hubadin muna yung romper mo." Masayang masaya si Athena. Lalo akong pinawisan. Hindi naman kasi ako sanay sa ganito.

"Wag na, kayo nalang.." Mahinang bigkas ko.

"Ano kaba naman!" Nagulat ako ng hablutin ni Athena yung romper ko. Napapikit nalang ako habang hinihintay yung pang iinsulto na gagawin nila. Mali talaga na sinuot ko yung two piece pang loob. Maling mali.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Dahan dahan kong dinilat ang mata ko. Nalaglag ang panga ko ng tinatakpan ni Glen ang mga mata ni Dom gamit ang kamay niya. Apura ang mura at tawa ni Dom pero magkasalubong lang ang kilay ni Glen. "My gosh! Bagay na bagay seyo yung two piece mo. Yung red bikini mo bumagay sa maputing kutis mo." Kinindatan ako ni Athena. Si Glen naman nagmamadaling lumapit sa akin tsaka isinuot yun vest. "Tsss, pwede na." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Medyo flat lang.." Natatawang sabi niya kaya binatukan ko siya. Grabe ha!

"Teka nga, napaka mapanakit mo! Abuso kana ah!" Nakakatakot siya. Para na naman mangangain yung tingin niya.

Ayan na.. Pumila na kami dun sa board. Waah sigurado ba ako sa gagawin ko? Si Dom at Athena magkahawak pa ang kamay. Binigay pa nga ni Dom yung cellphone niya kay Glen para mapicturan sila. "Baka mabasa yan." Bulong ko kay Glen na hinahanda yung camera. Patalon na kasi si Dom at si Athena.

"Saan bundok kaba naglagi, Julia? may water proof na camera na ngaun.." Ang sungit niya. May stick pa nga siyang hawak na may nakasulat sa taas na Go Pro. Okay. Eh ano magagawa ko kung di ako techy? Panay ang tawa namin ni Glen na biglang niyakap ni Dom si Athena at biglang tumalon sa board. Tili lang ng tili si Athena hanggang bumagsak na sila sa tubig.

Nagkatinginan kami ni Glen. Nakangisi siya kaya naman napalunok ako.

"It's our turn, baby..." Malambing na sabi ni Glen. Kumunot ang noo ko. Yung tono ni Glen na malambing na mas lalo akong kinabahan.

Hinila niya ako palapit sa board. Pantay ang pwesto namin ni Glen.

"don't be scared, baby.. I'm here.." Malambing talaga ang tono ni Glen kaya kinakabahan ako lalo.

Hindi ako makasalita. "Count of three, sabay tayo tatalon ah?" Lalong lumambing ang boses niya. Lumunok ako at nag sign of the cross tsaka tumango. Nagsimula nang magbilang si Glen. Hinawakan niya na ang kamay ko. "One..."

"Two.."

"Take care, Julia!"

Waahh napatakip nalang ako ng mukha ko ng bigla akong tinulak ni Glen. Parang nag slow motion sakin ang paligid habang pabagsak ako sa tubig. Lahat nang mura ay nasigaw ko na sa ngalan ni Glen! Hayop talaga!

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Panay ang ubo ko ng umahon ako sa tubig. Mga isang timba yata ang nainom ko sa sobrang gulat ko. Medyo nataranta pa ako sa tubig kaya nakalimutan kong isara ang bibig ko. Hindi ko mapigilan maluha. Pakiramdam ko ay mamatay ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Si Ahtena naman at si Dom ay tawa ng tawa.

"Are you okay?" Ubo pa din ako ng ubo. Hinapit ni Glen ang beywang ko pero ala na akong lakas magprotesta pa. Naiiyak talaga ako sa halo halong emosyon ko.

"Ang sama mo.. Ang sama sama mo talaga.." Kumawala na ang luha ko. Biglang natigilan si Glen. Hindi siya makaimik. Panay ang mahinang hampas ko sa dibdib niya.

"That went well, though." Natatawang umahon si Dom at Athena.

Hindi makapagsalita si Glen. Kitang kita ko ang gulat at halo halong emosyon niya.

"Baby, I'm sorry.. Hindi ko naman talagang intensyon na itulak ka. I did it for purpose." Sobrang sincere ng boses ni Glen kaya naman natigil ako sa pag iyak.

"Sorry if I scared you.." Seryosong seryoso siya talaga.

"If you're scared to get drown. I wont let that happen, baby.." Malumay na sabi niya. Ewan ko ba bigla kasi akong kumalma.

"But you almost did." Sagot ko habang nanginginig. Nasa sistema ko pa din yung takot at sobrang kaba.

"Fuck! Napaiyak kita. I'm so damn guilty, baby.. I'm so damn sorry.." Parang maiiyak na siya sa sobrang sincere niya. "No, you're wrong. How can I drown you if you're the air that I breathe. Sorry for the stance, baby. Hindi ko na uulitin. I just want to surprise you.."

Surprise? Talagang nasurprise ako. But somehow, kumalma ako. Sobrang seryoso kasi niya at parang tagos sa puso ang pagbigkas niya ng salita.

"Do you trust me?" Malambing ulit na sabi niya. I instantly nodded. Kahit gago yan at nuknukan ng kasamaan, alam kong hindi niya ako ipapahamak. "Lulubog tayo ng sabay sa tubig ah." Hinawakan niya ang kamay ko kaya naman unti unti akong tumango.

Pag lubog namin sa tubig. May inilabas siya na heavy duty flash light na hindi naman niya hawak kanina. Kahit nasa ilalim ako ng tubig ay parang maiiyak ako. Binuksan niya ang flash light at tumambad sa akin ang malaking formation ng bato sa ilalim. Happy first month baby.. Iloveyou

Naiiyak ako ng umahon kami. Natutuwa kasi ang puso ko. Hindi ko alam na may matamis pala na side si Glen. I mean, effort kung effort. Kaya pala maaga siyang nagising or kahapin niya pa ito ginawa? Kaya pala tinulak niya ako agad. Tengene! Ikakamatay ko talaga ang pagmamahal niya.

"Hindi ka masaya? Hindi mo ba nagustuhan? bakit naiiyak ka?" Alalang alala siya na yumakap sa akin. Hindi niya alam kung paano niya ako napapasaya kahit ang sama niya. Hindi niya alam kung paano ako nagpapasalamat kasi minahal niya ako.

"How can I pay you for all the things that you've done to me?" Nao-overwhelmed kasi ako sa kanya. Pakiramdam ko hindi ako karapatdapat sa effort niya. Sino ba naman ako diba? Lahat binibigay niya sa akin, eh ako? Ano ba ang naibigay ko para sa kanya? Alam ko naman na one month na kami ngaun. Pero diba hindi pa ako nag kakaboyfriend? Kaya hindi ko alam na ganito pala ka big deal ito. Hindi naman kasi ako nagbibilang. Tinetreasure ko yung araw na napapasaya niya ako. At sobrang pinataba ni Glen ang puso ko ngaun.

Nakita ko ang relieved sa mukha niya. Hinalikan niya ang noo ko. "All you have to give me is your love and loyalty, Julia."

Tumulo ulit ang luha ko at tumango sa kanya." I love you, Glen.."

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report