The Perfect Bad Boy
Chapter 38 Seen

"Bilisan mo naman, Julia.." Iritable si Kristele habang hinihintay ako matapos na lagyan ng lipstick ang labi ko. Nagtataka kayo? You heard me right. After kong lumabas sa hospital almost four years ago, ay si Kristele ang unang lumapit sa akin. Friends na daw kami, aarte paba ako? Hindi mo nga lang matatanggal na bitch pa din siya.

Graduation na namin ngaun. Kung nandito lang sana siya mas magiging masaya ako. Halos apat na taon na akong walang balita sa kanya. Lahat ng paraan ay ginawa ko para makakuha ng impormasyon sa kanya pero palagi akong bigo. Nawalan din ng contact si Dom sa kanila. Si Mrs. Catindig naman ang nagmanage ng school. Pakiramdam ko nga naiinis na siya sa akin dahil araw araw akong nagtatanong sa kanya kung ano na ang nagyari kay Glen. Hanggang ngaun naghihintay pa din ako sa kanya. Hanggang ngaun umaasa ako na babalik siya. Masamang damo yun eh, kaya alam kong matagal ang buhay niya.

"Umiiyak kana naman? Jusko naman!" Umirap si Kristele. Pinahid ko nalang ang luha ko at nangingiting umiling sa kanya.

"Tears of joy. Graduate na tayo." Sagot ko kaya lalo siyang umirap.

"Tears of joy your face, Julia! Wag nga ako!" Natawa nalang ako kay Kristele. Inborn na talagang bitch yan.

Inubos ko ang oras ko sa pag aaral at pag tatrabaho sa shop ni Dom. Si Glen ang inspiration ko sa lahat ng ginagawa ko. Gusto kong makatapos at makapag ipon para makasunod ako sa kanya.

Nakalipat na pala kami ng bahay. Simpleng apartment lang naman. Mabuti na iyon kesa naman sa dati namin bahay. After nito, mag aaply ako agad para mabilis kong matupad ang mga pangarap ko. Sana nandito na siya.. "Ate, mauna kana.." Ngumiti ako kay Kimmy at kay nanay. Kay Athena kasi Sila sasabay.

"Nanay, alis na kami.." Nagmano si Kristele kay nanay at mabilis akong hinila papasok ng sasakyan niya. I never thought na magiging kaibigan ko siya. Very open si Kristele na tao, napaka vocal pa niya sa feelings niya. Kapag galit siya. Galit talaga siya. Which is ok na din sa akin. Sanay naman talaga ako sa kanya.

Si Trixie naman, hindi ko siya kinasuhan. Inintindi ko pa din siya. Ala na sila sa bansa ngaun. At wala na din akong balita sa kanila. Si JD? I don't know what happened to them. Sila Dom na kasi ang umasikaso sa kanila.

Pagpasok namin sa auditorium ng university ay hindi ko maiwasan mamangha. Hindi pa din ako makapaniwala na natapos ko na.

"Julia, puntahan ko lang sila Becka. 'Dyan ka lang.."

Umirap ako sa pagka dominante ni Kristele. Ganon ba talaga ang mayayaman? "Oo na po nanay." Natatawa kong sabi kaya umirap siya.

"Whatever!" Sabay nalang kami natawa. Naiwan ako dito. Malakas ang kabog ng puso ko na nagpatugtog na ang kanta para sa graduates.

"Congrats Julia.." Napalundag ako bigla ng bigla nalang lumabas si Klaus mula sa likod ko. I smiled at him. Mas lalong naging gwapo at matured ang itsura niya. "Congrats din, Klaus."

Nagpaalam si Klaus na pupuntahan niya ang girlfriend niya. Naiwan na naman ako. Pag mag isa ako ay palagi nalang siya ang naiisip ko. Kelan mo ba ako babalikan? kahit natutupad ko ang pangarap ko, pakiramdam ko pa din ay may malaking kulang sa buhay ko.

"Mrs. Catindig.." Bati ko sa kanya ng dumaan siya sa harap ko. Ngumiti si Mrs. Catindig sa akin. "Congrats, Julia.. Nakatapos ka din.."

I timidly smiled. " ala pa din po bang balita sa kanila? Balita sa kanya?"

"You really love him."malaking ngiti ang binigay niya. "I admire you, iha. But I'm sorry. Ala pa din balita."

Tumango nalang ako. Wala pa din. Wag kang mawalan ng pag asa Julia. Alam ko na babalikan ka niya. Kahit na umaasa ako ay hindi ko pa din maiwasan na malungkot. Hindi ko naman kasi talaga alam kung ano na ang nangyari sa kanya. May hihintayin pa ba ako?

Natapos ang ceremony ng graduation. Malaki ang ngiti ko habang palapit kay nanay, Kimmy at Athena.

"Graduate kana! Congrats.." Yumakap sa akin si Athena. Ganoon din ang ginawa nila nanay.

"Sa shop na tayo mag dinner. Naghanda kami ni Dom." Masayang sabi niya.

"Wow, ang swerte mo talaga ate, kay ate Athena.."natatawang sabi ni Kimmy.

"Mas maswerte ako sa ate mo, Kimmy. She's my bestfriend." Napalingon ako kay Athena. Kinindatan pa niya ako kaya napailing ako.

"Wag muna akong utuin.." Sabay kaming natawa.

Pagdating namin sa shop ay nalaglag ang panga ko, as in pinaghandaan nga nila Athena, nakaka overwheled sila.

"Finally," malaki ang ngiti ni Dom habang palapit sa akin at tsaka ako niyakap. I hugged him back. "Mawawalan na ako ng magaling na crew." Ngumuso si Dom.

"Ano kaba! Malaki ang utang na loob ko sa shop mo noh, kung hindi dahil dito. Baka hindi ako nakatapos ngaun."

"You can stay if you want, though." Seryosong sabi niya kaya natawa ako.

"Basta gagawin mo akong stock holder eh.." Natawa nalang kaming dalawa ni Dom.

Nagsimula na silang magkagulo. Ako naman ay umupo sa gilid habang pinapanuod sila. I have family here. Nagpapasalamat ako sa kanila. Sila ang naging lakas ko simula ng nawala si Glen. Pinilit nila akong lumaban, lumaban ako para sa kanila. Lumaban ako para kay Glen.

Dinukot ko ang cellphone ko para mag message ulit sa kanya. Naging ritual ko na ito. Tuwing may masayang nangyayari sa buhay ko ay kinukwento ko sa kanya.

Halos apat taon ko na itong ginagawa. Umaasa na kahit seen lang gawin niya. Tatlong taon na ang message ko na naipon sa kanya.

Glen Aviel Silverio

Mr. Demons, kamusta kana? Hindi kapa ba gumigising? Namimiss na kita.

January 23, 2013

Mr. Demons, alam mo ba? Syempre hindi. Hindi mo pa sineseen ang message ko. Tignan mo may nakita akong frappe na mas astig sa not so ordinary frappe mo. Sana magkasama tayo dito. Para sabay natin ubusin 'to. Para sabay natin ubusin 'to

March 9, 2014

Mr. Demons, alam mo bang magkaibigan na kami ni Kristele? Nakakagulat noh? Ako nga din nagulat eh.. Gising na. Para hindi na ako magtyaga kay Kristele.

June 8, 2014

Mr. Demons, nag holloween party kami. Alam mo ba ako at si Athena ang gumawa ng food? Tignan mo oh.. For sure magugustuhan mo to. Tara na dito. Miss na miss na kita? Miss na miss na kita?

October 29, 2014

Happy birthday, Mr. Demons. Hindi ka pa din ba gising baby? Miss na miss na kita ah.. Palagi ko ngang tinitignan yung nag iisang picture natin sa phone ko. Tignan mo oh, ang gwapo gwapo mo dito. Tayo na jan.. Ikiss muna ulit ako ng ganito? Ikiss muna ulit ako ng ganito?

October 20, 2015

Today..

Hindi ka pa din ba gising, baby? Ang tagal na ah? Alam mo bang graduate na ako? Tignan mo oh.. Kasama ko Mr. Acosta.

Sorry na kung blurred ah? Longshot kasi yan, haha

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Sorry na kung blurred ah? Longshot kasi yan, haha.. Tapos yung ZNK pa na cellphone ni Kimmy ang ginamit.? Kung tatanungin mo kung bakit hindi ako nakatingin? Kasi gusto kong bumalik kana dito para ikaw mismo ang tumingin sa akin. Ag daya mo eh. Tatlong taon kanang tulog. Hanggang ngaun hinihintay kita at mahal na mahal pa din kita. Kelan kaba gigising? Sige ka, kapag di kapa gumising maghahanap na ako ng iba.

March 29, 2016

Napatitig lang ako sa message ko sa kanya. Halos apat na taon ko na yang ginagawa pero hindi pa din niya nakikita. Hanggang kelan ka ba matutulog Silverio? Naiiyak na naman ako. Hindi ako makapaniwala na nakaya ko yung malupit na tatlong taon ng buhay ko. A part of me still blame myself kung ano man ang nangyari.

Magparamdam ka naman Glen. Sige, na aalis na ako ah? May party kasi sila Athena sa akin. I love you..

March 29, 2016

Isasara ko na sana ang messenger ko ng biglang nanlaki ang mata ko.

Glen's typing....

???????

Glen, ikaw ba 'yan?

Gising ka naba?

Glen..

Baby..

Seen 7:30 pm

Kumalabog ng usto ang puso ko at bigla nalang nagtuluan ang luha ko. Ang tagal ng hindi nagiging ganito ang kalabog ng puso ko. Hinintay ko ulit lumabas na nagtatype siya pero ala na.. All my messages were only seen. Pero ang saya ko. Hindi ko alam kung siya nga yun or ano, bigla nalang akong naiyak kahit nakangiti ako. Almost four years, kong hinintay 'to. Kahit seen lang ok na ako. Basta alam kong gumising siya masaya na ako. Kung si Glen ka man or hindi, gusto ko lang malaman mo na masaya ako. Kahit seen lang. Hindi mo alam kung paano mo binuo ang araw ko. ? baby, kung ikaw nga yan. Balikan muna ako, bumalik kana dito.. Seen 7:45 pm

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report