The Possessive Prince -
CHAPTER 27
Skyler's Pov
Nang matapos kaming kumain nila prince Claude, prince Zamuel at prince Alex ay napansin kong umakyat na sa stage na nasa harapan ang hari ng kaharian na ito at si prince Khalix. "Magandang gabi sa inyong lahat!" wika ni Haring Gregor tatay ni prince Khalix.
Lahat ng mga bisita ay napatingin sa harapan dahil sa pagbati ng hari.
"Ngayong gabi ay isang napaka-espesyal na gabi para sa kaharian ng De Mayor" panimula ng hari.
"Dahil ngayon ay masasaksihan niyo ang pagputong ko ng korona sa aking anak" pagkasabi niya nun ay umupo si khalix sa upuan na nasa gitna ng stage.
"Sa ngalan ng aking pagiging hari ng kahariang ito, binabasbasan ko ang aking anak na si Khalix De Mayor na ngayon ay maging ganap ng isang prinsipe!" saad ng hari at dahan dahang pinatong ang korona sa ulo ng kaniyang anak. Nagpalakpakan naman ang mga tao rito sa hardin at kitang kita ko sa mukha ni prince Khalix na masaya ito at isa na siyang ganap na prinsipe.
Tumayo si prince Khalix at nagsalita.
"Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa kaarawan ko at pinapangako ko na magiging mabuti akong prinsipe ng kahariang ito" nakangiting sabi ni prince Khalix.
"Pero sa ngayon ay magsaya muna tayo!" dugtong pa nito at biglang nagpalakpakan ang mga tao.
Bumaba na sila sa stage at kinausap ang kanilang mga bisita, simple lang ang pagtitipon pero talaga namang makahalugan ang mga naganap.
"Hi Alexander!" nabigla naman ako ng biglang sumulpot sa lamesa namin ang isang babae, maganda siya at sa tingin ko ay isa itong prinsesa.
"Anong kailangan mo Thyra?" walang ganang sagot nito sa babae.
"Bakit ganiyan ka? Hindi ka ba masaya na nakita mo ako ulit?" wika ng babae.
Sexy siya sa suot niya at kung titingnan ko ito ay napaka perfect niya.
"Just tell me kung anong kailangan mo sa akin?" sabi ni prince Alex
"Pwede ba tayong sumayaw?" malanding tanong nito at lumapit pa kay prince Alex
"Ayoko sumayaw" pagtanggi ng prinsipe sa kaniya
Ganiyan nga prince Alex huwag kang papayag sa gusto niya kundi maiinis ako!
"Dali na saglit lang" pilit ng babaeng to at talagang nilalapit niya ang dibdib niya kay prince Alex.
"Pagbigyan mo na pre minsan lang naman yan eh" sambit ni prince Zamuel kay prince Alex
"No ayokong sumayaw" sagot ni prince Alex.
"Ayaw mo ba talaga o gusto mo lang makasayaw si Sky-" naputol ang sasabihin ni prince Zamuel ng magsalita si Alex.
"Stop! Fine let's dance" banggit ni prince Alex at tumayo ito.
Kitang kita ko naman ang ngiti sa mukha ng babaeng ito.
"Dito ka lang Sky ha babalik agad ako" tinanguan ko naman ang sinabi nito bago sila umalis nakita kong tinarayan ako ng babaeng kasama niya bago sila umalis, may galit ba siya sa akin? "Sino ho ba yung kasama niya?" tanong ko sa dalawa
"Uy nagseselos" asar na sabi ni prince Zamuel na ikinahiya ko.
"Zamuel tigilan mo yang pang-aasar mo❞ seryosong saad ni prince Claude sa kaniya at tumigil naman ito.
"Siya si Thyra Bolivia ang prinsesa ng kaharian ng Bolivia, halata namang may gusto iyon kay Alexander pero hindi siya gusto nito" nalungkot naman ako sa sinabi ni prince Claude. Maganda na siya at prinsesa pa kahit sinabi niyang walang gusto si Alexander doon ay hindi malabong magkagusto siya doon balang araw dahil nasa kaniya na ang lahat maliban sa ugali. "Gusto mo bang sumayaw?" alok nito sa akin
"Ah hindi na hihintayin ko na lang si prince Alex dito" sagot ko sa kaniya
"Ok sige pero sasamahan muna kita rito" sabi pa niya.
Nagpaalam naman si prince Zamuel at pupuntahan niya raw si prince Khalix para batiin.
Mabilis na lumipas ang mga oras at lumalalim na rin ang gabi, ang dami naming napagkwentuhan ni prince Claude at masasabi kong masaya siyang kasama.
Hindi pa rin bumabalik si prince Alex at ayun ang nagpapalungkot sa akin dahil mukhang nakalimutan niya na ata ako.
"Salamat ha" sabi ko kay prince Claude
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Para saan naman?" tanong niya sa akin
"Sa pagsama mo sa akin dito" wika ko
"Ok lang yun, hindi ko nga alam kung bakit di pa bumabalik yung lalaking iyon eh ang mga taong katulad mo hindi dapat pinaghihintay" saad nito sa akin. "Hahahaha paano ba ako makakabawi sayo?" tanong ko
"Di na kailangan no pero kahit yakap mo lang ok na ako" sabi niya
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at niyakap ko siya dahil nagpapasalamat talaga ako at di niya ako iniwang mag-isa rito.
"Don't touch him!" napabitaw kami sa yakap ng biglang magsalita si prince Alex.
"Prince Alex mali ka ng iniisip" paliwanag ko rito
"Uuwi na tayo!" may diing sabi niya at hinila ang kamay ko pero pinigilan kami ni prince Claude.
"Bitawan mo siya Alexander" sabi ni prince Claude
"Huwag kang gumawa ng eksena rito Claude!" sambit ni prince Alex
Tiningnan ko naman si prince Claude at sinenyasan ko siyang ok lang ako kaya binitawan niya rin ako.
Hinila ako ni prince Alex palabas at wala siyang paki sa mga taong nadadaanan namin.
Hindi ko alam kung anong problema ng lalaking to at bakit niya ako hinihila palabas.
Pinapasok niya ako sa kotse at nagulat naman si Manong Henry dahil naroon agad kami.
"Prince Alex uuwi na ho agad tayo?" tanong ni manong Henry
"Oo manong at pakibilisan po!" seryosong sagot nito.
Pinaandar niya na ang sasakyan at nilisan na namin ang kaharian nila prince Khalix.
"Alex wala kaming ginagawang masama" mahinahong sabi ko sa kaniya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "Mamaya ka na magpaliwanag Skyler!" alam kong galit talaga siya dahil tinawag niya ako sa totoo kong pangalan.
Mabilis kaming nakarating sa palasyo at agad niya akong hinila pababa at paakyat sa kaniyang silid, ang higpit ng hawak niya sa braso ko at totoong nasasaktan talaga ako. "Alex ano ba nasasaktan ako!" wika ko at inalis ko ang kamay niya sa braso ko.
Narito kami ngayon sa tapat ng kaniyang silid.
"Diba sinabi ko sayo ayaw na ayaw kong may humahawak sayong ibang lalaki? Pero ano nakikipagyakapan ka pa sa kaibigan ko!" sigaw nito sa akin.
Parang tinutusok ang puso ko sa mga naririnig ko pero kailangan kong tatagan ang loob ko.
"Nayakap ko lang siya dahil sinamahan niya ako at hindi niya ako iniwan doon mag-isa" sagot ko
"Anong gusto mong palabasin? Kasalanan ko yun kasi iniwan kita?" galit na tanong niya sa akin.
"Hindi naman sa ganun prince Alex" wika ko
"Ganun yon Skyler! Sinamahan ko lang si Thyra tas maabutan na kitang may kayakap na iba!" nainis naman ako sa sinabi nito, kung alam niya lang ang tagal niyang nawala dahil sa pagsama doon sa babaeng iyon pero wala siyang narinig sa akin. "Ano bang pakialam mo prince Alex? Bakit nung sumama ka ba sa babaeng yun at iniwan mo ako may narinig ka ba sa akin?" di ko na napigilan ang sarili ko na sabihin iyon.
"Anong paki ko? May paki ako Skyler kasi ayaw kitang mapahamak" sagot nito sa akin
"Kaya ko na ang sarili ko Alexander at may sarili akong buhay kaya wag mo akong pakialaman!" saad ko dito
Hindi ako iiyak sa harapan niya dahil magmumukha na naman akong mahina.
"Yan ba ang gusto mo ang hindi kita pakialaman? Pwes simula ngayon hindi na kita papakialaman!" sambit nito at dali daling pumasok sa kaniyang silid.
Naramdaman ko na unti-unti ng pumapatak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Ang sakit masigawan ng taong mahal mo, kasalanan niya naman ito kung hindi lang sana niya ako iniwang mag-isa.
Pumasok na rin ako sa silid ko at humiga sa kama.
Parang dinudurog ang puso ko sa mga sinabi niya, tingin niya na lang lagi na nakikipaglandian ako sa iba.
Umiyak lang ako buong gabi hanggang sa lamunin na ako ng antok.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report