The Possessive Prince -
CHAPTER 41
Skyler's Pov
Minulat ko ang aking mga mata at umaga na pala, narito ako ngayon sa silid ni prince Alex at dito na ako natutulog ngayon habang wala siya.
Yakap ko ang mga unan niya ng matulog ako at iniisip ko na siya iyong kayakap ko.
Unang araw pa lang na wala si prince Alex ay namimiss ko na agad ito pero hindi naman ito ang dahilan para hindi ako kumilos at tumunganga na lamang dito sa silid niya.
Kailangan kong gawing abala ang sarili ko upang hindi ko siya mamiss kaya tumayo na ako at tumungo sa banyo upang maligo.
Gusto kong maligo ng maaga para tutulong na lang ako dito sa palasyo buong araw, pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako at pinuntahan si manang.
Nakita ko naman si Manang na nasa Kusina at nagluluto ito marahil ito ang kakainin ng mahal na hari at reyna ngayong araw.
"Manang tulungan ko na ho kayo diyan" pag-alok ko sa kaniya
"Naku iho malapit na akong matapos dito eh, mabuti pa ay puntahan mo si Ash sa guest room sa itaas dahil nililinis niya ito at mayroon tayong bisita mamayang tanghali" sambit sa akin ni manang "Bisita? Sino pong bisita?" takang tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko rin alam iho basta ipinalilinis lang iyon ng mahal na Reyna" sagot nito sa akin.
"Sige po manang akyatin ko na po si Ash" sabi ko at lumakad na papuntang guest room.
Pagkarating ko doon ay naabutan ko si Ash na nagwawalis ng silid kaya nilapitan ko agad ito.
"Tulungan na kita diyan" sabi ko at hindi naman to umangal at binigay agad sa akin ang walis at dustpan.
"Salamat Skyler ha, kanina pa ako naglilinis dito dahil may bisita tayo mamaya" wika nito sa akin.
"Nabanggit na iyan sa akin ni manang, kilala mo ba kung sino ang bisita mamaya?" tanong ko sa kaniya, tumingin ito sa akin ng ilang saglit at iniwas niya agad ito.
"Ah-eh hindi ko kilala" utal na sagot nito sa akin
"Ganun ba? Mabuti pa ay maglinis na lamang tayo at tutal naman makikilala rin natin ito mamaya" sambit ko sa kaniya
"Tama ka, tapusin na natin ito at baka mapagalitan tayo ni inay haha" sabi niya at natawa din ako dahil doon.
Pinagpatuloy namin ang paglilinis sa silid na iyon at sinigurado naming talagang malinis ito, pinalitan namin ang bedsheets at punda ng mga unan, sinigurado din namin ni Ash na walang kalat pati sa ilalim ng kama upang hindi naman kami mapahiya sa magiging bisita mamaya.
Pagkatapos namin maglinis ay sakto namang dumating si manang sa silid kung nasaan kami.
"Tapos na ba kayo diyan?" bungad na tanong sa amin ni manang
"Ah opo inay tinulungan po ako ni Skyler" sagot ni Ash sa nanay niya.
"Mabuti kung ganun dahil narito na ang bisita natin, sumunod kayo sa akin at tulungan niyo akong sunduin siya sa bungad ng palasyo" wika ni manang na ikinagulat namin. "Manang akala ko po ba mamaya pa po siyang tanghali darating?" takang tanong ko sa kaniya
"Yan din ang akala ko iho pero napaaga ito kaya wala tayong magagawa kundi ang asikasuhin siya, sumunod na kayong dalawa sa akin" sabi ni manang at bumaba na ito. Nagkatinginan lang kami ni Ash at bumaba na rin kami ni manang papunta sa bungad ng palasyo.
Malapit na kami roon at sa nakikita ko babae ang bisita namin at nakatalikod ito sa amin kaya hindi ko makita kung sino ba ito.
Unti-unting lumingon ang babae paharap sa amin at nagulat naman ako ng makilala kung sino ito, binigyan niya lang ako ng isang ngising ngiti at tila ba nang-aasar. "Th-thyra?" utal na sambit ko
"Oh wrong! That should be princess Thyra" sagot nito sa akin
"Anong ginagawa mo rito? Wala dito sa palasyo si Alex" sambit ko sa kaniya
"I know SKY, gusto ko lang manatili dito ng ilang araw dahil namiss ko ang palasyong ito" sagot nito sa akin at idiniin pa talaga ang pangalang tawag sa akin ni Alex.
Kung nandito lang si Alex ay magagalit ito kapag narinig niyang tinawag ako ng ibang tao sa pangalang Sky dahil gusto niya siya lang ang tatawag sa akin sa ganung pangalan.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"At isa pa bakit mo ba tinatanong? Eh katulong ka lang naman dito, mabuti pa ay buhatin mo na lang itong maleta ko papunta sa magiging kwarto ko" mataray na sambit nito at wala naman akong naisagot at yumuko lang ako. Nauna na itong lumakad papunta sa itaas at kasama niya si manang habang kami ni Ash ay naiwan lang dito sa baba.
"Pagpasensiyahan mo na si princess Thyra ha alam mo naman yun" sabi sa akin ni Ash pagka-alis nila.
"Kilala ko naman ugali niya Ash hayaan mo at titiisin ko ang mga panlalait niya sa akin habang nandito siya sa palasyo" sagot ko kay Ash at pilit na ngumiti
"Tama yan Skyler, tara na at baka mapagalitan ka na naman niya" wika ni Ash kaya hinila na namin ang maleta na dala ni princess Thyra at tumungo sa guest room.
Pagkarating namin doon ay priming naka-upo lang ito sa kaniyang kama at tila ba hinihintay ang aming pagdating.
"Ang tagal niyo naman baka may nawala na sa mga gamit ko diyan mamahalin pa naman yan" nagpintig naman ang tainga ko sa sinabi nitong bruhang to.
"Mawalang galang na princess Thyra pero hindi naman po kami magnanakaw at isa pa mabigat po ang mga dala niyong gamit kaya natagalan kami" paliwanag ko rito at napatayo naman ito.
"Wala akong paki kung mabigat yang mga maleta ko trabaho niyo yan kaya dapat ayusin niyo hindi yung puro reklamo kayo" sigaw nito sa amin pero sa akin lamang ito nakatingin. "Hindi naman po kami nagrereklamo" banggit ko sa kaniya
"Whatever! Umalis na kayong dalawa dahil magpapahinga pa ako at ayaw ko ng mga DUMI sa paligid ko❞ mataray na saad nito at tumingin sa akin.
Sasagutin ko pa sana ito kaso pinigilan na ako ni Ash at hinila niya na ako palabas.
Mukhang hindi at magiging maganda ang mga araw ko habang wala si Alex sa palasyo ah!
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report