Alexander's Pov

Hapon na ngayon at nandito na ako sa kotse ko at nagpasundo ako kay manong Henry pauwi sa palasyo.

Noong gabing matanggap ko ang larawan ni Sky at Ash na magkatabing matulog habang nakahiga ay nagpasya na talaga ako na kailangan ko ng umuwi dahil alam kong may hindi magandang nangyayari. Kakarating ko lang ngayong hapon sa Airport at eto na nga at lulan ako ng kotse ko at diretso agad kaming palasyo.

Kinakabahan ako at hindi ko alam kung ano ba ang madadatnan ko sa palasyo, sana ay hindi totoo ang lahat ng larawang natanggap ko dahil kapag totoo iyon ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naiwan pa si Khalix doon sa ibang bansa dahil tatapusin niya ang pagpupulong at naiintindihan naman daw ako nito kaya hindi niya na ako pinigilan pang umalis.

Matapos ang kalahating oras na biyahe ay nakarating na kami sa palasyo, pagbaba ko pa lang sa kotse ay parang sumikip na ang dibdib ko at gusto ko na lang wag ituloy to pero wala na akong choice at isa pa gusto ko ng makita si Sky. "Manong kayo na pong bahala sa mga gamit ko ha" wika ko kay manong pagkababa ko ng kotse.

"Opo prince Alexander ako na po ang bahala doon" sagot nito sa akin kaya lumakad na ako papasok sa palasyo.

Pagkapasok ko sa loob ng palasyo ay napatingin agad sa akin ang mga katulong at tila nagulat naman sila sa biglaang pagdating ko.

"Nasaan si Sky?" agad kong tanong sa kanila pero ni isa ay walang sumagot sa akin.

"Asaan si Sky!" sigaw ko sa kanilang lahat.

Ramdam ko na natatakot sila sa akin pero wala akong paki dahil gusto ko ng makita si Sky.

"Ah mahal na prinsipe mabuti po ang mga magulang niyo na lamang po ang tanungin niyo tungkol sa bagay na iyan" lakas loob na sagot sa akin ng isang katulong.

Ano naman ang kinalaman ng aking mga magulang kung nasaan si Sky? Hindi ko na ito pinansin at dumiretso na ako patungo sa trono ng Hari at Reyna.

Mukhang nagulat naman sila sa biglaang pagdating ko at napatigil sila sa pag-uusap pero nagulat din ako dahil nandito si Thyra.

"Alexander! Andito ka na pala" masayang sabi ni Thyra at tumakbo patungo sa akin.

Bigla naman ako nitong niyakap at wala akong nagawa kundi ang pabayaan siya.

"Bakit hindi mo sinabi na darating ka pala ngayon edi sana naghanda kami"  nakangiting sambit sa akin ni Thyra. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.

"Grabe ka naman Alexander hindi mo man lang ba ako babatiin ng Hi or Hello" maarteng sagot nito sa akin.

"Pero nandito ako kasi binisita ko lang ang palasyo dahil namiss ko ito" sabi ni Thyra.

Agad akong tumingin sa aking mga magulang at hindi ko na kinibo pa si Thyra dahil wala naman akong paki sa kaniya.

"Ina, Ama nasaan po si Sky?" magalang na tanong ko sa kanilang dalawa at napansin kong natigilan sila bigla at napatingin sa isa't isa.

"Bakit hindi po kayo makasagot? Ang sabi ko nasaan si Sky? May nangyari ba sa kaniyang masama na hindi ko alam?" nag-aalalang tanong ko sa kanila.

"A-anak patawad pero wala na dito sa palasyo si Skyler" sagot sa akin ng aking ama.

Nagtaka naman ako dahil doon

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Ano pong wala? Dito siya nakatira kaya dapat nandito siya sa palasyo!" may diing wika ko sa kanila.

"Anak ang totoo kasi niyan ay pinala-" naputol ang sasabihin ng aking Ina ng biglang sumabay si Thyra.

"Lumayas si Skyler kasama si Ash" pagsabat ni Thyra.

"Lumayas? Kasama si Ash?" Naguguluhang tanong ko.

"Tama Alexander, noong mga panahong wala ka dito sa palasyo ay nagplano ang dalawa na magtanan kaya kung mapapansin mo wala na silang dalawa dito sa palasyo" biglang kumirot ang aking puso sa mga narinig ko. Magagawa ba yon ni Sky? Naguguluhan na ako hindi ko alam kung maniniwala ba ako, napatingin naman ako sa aking mga magulang.

"Totoo ba iyon?" tanong ko sa kanila.

Tumingin muna sila kay Thyra bago muling tumingin sa akin.

"Ah-oo totoo ang sinasabi ni Thyra nagtanan si Skyler at Ash, hayaan mo na sila anak dahil hindi ka totoong minahal ni Skyler" ang sakit marinig ng mga sinabi ng aking Ina.

So totoo pala lahat ng mga larawang natatanggap ko? At sa kaniya pa mismo nanggaling ang lahat ng iyon, ang kapal ng mukha niyang lokohin ako!

"Huwag kang mag-alala Alexander andito naman ako" banggit ni Thyra at hinawakan ang braso ko.

"Hindi kita kailangan!" sigaw ko sa kaniya at dali dali akong tumakbo patungo sa silid ko.

Bakit Sky? Ano bang pagkukulang ko sayo? Hindi pa ba ako sapat at nagawa mo pang maghanap ng iba!

Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha at unti-unti na itong bumuhos mula sa aking mga mata.

Pagkapasok ko sa silid ko ay agad kong sinarado ito at pinagtatapon ko ang mga bagay na mahahawakan ko.

Sobrang sakit sa puso, hindi ko inakalang kayang gawin ni Sky sa akin ang lahat ng ito, mahal na mahal ko siya kaya ako nasasaktan ng ganito.

Dapat pala hindi na lang ako umalis patungo sa ibang bansa edi sana kasama ko pa ngayon si Sky.

Sobra akong nalulungkot dahil gusto ko siya ang maging una at huli ko pero anong nangyari? Niloko niya lang ako.

Ni hindi ko nga alam sa sarili ko na magkakagusto ako sa mga tulad niya tas ngayon katulad din pala siya ng iba na manloloko.

Sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa mapagod ako at umupo na lang ako sa isang tabi habang nakasandal sa pader.

Paano mo nagawa sa akin to Sky? Minahal naman kita ng totoo pero bakit ganun? Sobra mo akong sinaktan.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumitig sa kwarto kong magulo dahil sa mga pinagtatapon ko. "Pagbabayaran niyong dalawa ang sakit na ginawa niyo sa akin!" seryosong sabi ko sa sarili ko.

P*tang Ina niyong dalawa!!

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa maubos ang lakas ko at unti-unti na akong nilalamon ng dilim.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report