OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 13: NEW PARTNER
DASURI
"Argh. Ang sakit ng ulo ko." hindi na ko iinom ulit. Grabe pala kapag tinamaan ka ng hang-over. Tapos wala pa kong maalala sa mga nangyari kagabi? Bakit ganon?
Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit ngi-ngiti-ngiti sa akin si Kai habang kumakain kami ng almusal kanina. May kalokohan ba kong ginawa kagabi? Aist. Nakaka-frustrate naman 'to. "Dasuri!" napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko.
"Oh. Sora, good morning." Bati ko rito.
Kasalukuyan na kasi kaming naglalakad papasok sa building namin. Assual, sangkatutak na naman ang bitbit nyang mga libro. Hindi ko na lang pinansin pa 'yon at minabuti na lang ang pagmasahe sa ulo ko. Ang sakit kasi talaga. "Good morning din. Kamusta na 'yung paghahanap mo ng club? May tumanggap na ba sa'yo?" nakangiti nitong tanong. Napahinto naman ako bigla.
Napahinto rin naman si Sora at nilingon ako, "Bakit? H'wag mong sabihing.... wala ka pa ring nahahanap hanggang ngayon?" inosente nitong tanong.
Ngumiti naman ako nang may pagkaalanganin. "Lagot. Haha." sabay takbo nang mabilis papasok.
ANAK NG BUDA!! Nawala ata 'yung hang-over ko 'don. Kumaripas ako ng takbo papunta sa Post-it Board ng university. Takte. Bakit kailangang ang mahahalagang bagay pa ang MAKALIMUTAN KO?? Grrr. Malalagot ako kay Ms. Soo nito e. Tigre pa naman 'yon kung magalit.
"Tabi! Tabi!"
"Makikiraan lang. Excuse."
"Paraan po,"
Halos hawiin ko na 'yung mga estudyante sa hallway. Haharang-harang kasi kitang nag-aagaw buhay na 'yung tao. Hingal-kabayo ako nang makarating sa tapat ng Post-it board ng University. Dito kasi nila inilalagay 'yung information ng mga clubs na nagkakaroon ng opening slots for new members.
"Jong Ina! Nasaan na 'yung mga 'yon?" bulalas ko nang mawala na sa board 'yung mga advertisement ng iba't-ibang clubs. Nung isang araw lang halos mapuno na 'to nang tungkol 'don tapos ngayon? Waaaaah!!
Para na kong baliw na naghahalukay sa basurahan sa ginagawa ko. Hindi ako makakapayag na mawala 'yung mga 'yon. Kahit anong club pa 'yan, kahit SCIENCE CLUB sasalihan ko na. Utang na loob, h'wag lang po kong matodas ni Ms. Soo. Habang busy ako sa panghahalukat, napansin ko ang pagdaan ni L. joe sa gilid ko. Hinablot ko ang braso nya para pahintuin 'to. Nilingon naman nya ko.
"Ano... may tanong ako,"
Napapalunok pa ko habang nakatingin sa kanya. Pakiramdam ko nakasalalay sa sagot nya ang kinabukasan ko. Sana pareho lang kami ng kalagayan, sana!
Huminga ko nang malalim at hinarap sya. Kailangang maging matibay ang loob ko sa mga ganitong panahon.
"You are wasting my time." Walang kaemo-emosyon nyang wika. Sinubukan nya pa kong layasan pero pinigilan ko agad sya.
"Ay, teka lang naman. Excited? May lakad?" Kumukuha lang ng lakas 'yung tao eh. Muli ko syang hinarap at nilakasan ang loob.
"Ano.. tatanong ko lang sana... may... may tumanggap na sa'yong club?" napapapikit pa ko dahil sa sobrang kaba.
Hindi naman nya ko sinagot. Sa halip ay hinila ang braso nya sa akin at may kinuhang papel mula sa bag nya. Binuklat nya ito at ipinakita sa akin.
"Application form for Basketball Team. Name: Lee Byung Hun." L. joe's real name. Pakiramdam ko biglang nanghina ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko pinagsakluban ako nang langit at lupa.
Diyos ko! Ano po ba ang kasalanang ginawa ko? Bakit po ko napunta sa ganitong sitwasyon? Kasalanan bang gumawa ng paraan para akitin ang sariling asawa? Kasalan bang maging maganda? AHHHH. Tulungan nyo po ko. Pakiusap. Habang nagdadrama pa ko sa harap ni L. joe. Bigla namang dumating si Sora na hinihingal pa. "Dasuri, ugh, Bakit bigla mo kong iniwan. Uhmm. May sasabihin pa naman ako sa'yo."
Umayos ako nang tayo hinarap sya. Nagsmirk naman si L. joe sabay alis sa tabi namin. Edi sya na. Sya na ang may mapupuntahang club. Ang yabang!
"Bakit magkasama kayo?" saad pa ni Sora nang makarekober na sa hingal nya. Nagkibit-balikat lang ako.
"Wala. Ano ba 'yung sasabihin mo?"
Wag na lang kaya kong pumasok sa mga klase ko ngayon? Baka lalo kong mapahamak kapag pinasukan ko pa si Ms. Soo. Baka matodas na nga talaga ko nang wala sa oras. Tss. "Hoy, Dasuri. Nakikinig ka ba?" untag sa'kin ni Sora. Natauhan naman ako.
"Ha? Ah. Sorry. Ano ba 'yung sinasabi mo?"
Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Sabi ko may pag-asa ka pa. May isang club pang tumatanggap ng new members hanggang ngayon. 'Yung Music Club, sa Saturday 'yung audition nila."
Bigla kong nabuhayan. Anong araw ngayon? Wednesday? Tapos wala kong klase para bukas? Edi may oras pa ko para magpraktis?
"Waaah! Hulog ka talaga nang langit Sora. Salamat, Salamat." Nagtatalon pa ko sa tuwa habang hawak-hawak ang kamay nya.
"Teka, marunong ka bang sumayaw? Mga dancers lang kasi 'yung tinatanggap nila." huminto ko sa pagkikinsot at kampanteng ngumiti sa kanya.
"Hindi ko ba nasabi sa'yo? Hindi lang ako basta asawa ng lead dancer ng Exo. Kasing galing din nya ko sa pagsayaw. Ahihi." KPOP FAN kaya 'to. Syempre, nasubukan ko na ring sayawin 'yung mga dance step nila 'no. Name the song and I'll show you. Hoho.
"Mabuti naman para sa'yo. Kaya lang, may isa pang problema e'" halata sa mukha nya ang pag-aalala. Ano ba 'yan. Hindi na matapos-tapos 'yung problema nya.
"Ano ba 'yon? Sabihin mo na kaya ng diretsyo." Medyo inis kong wika. Hinarap naman nya ko't tinitigan sa mata.
"Duo kasi 'yung hinahanap nila. So, kung mag-o-audition ka, kailangan mo ng partner." Simple nitong saad.
"ANO?!" gulat kong tanong. Seryoso ba 'to?!
ΚΑΙ
"Nakabisado nyo na ba 'yung scripts nyong dalawa? Sa isang university ang shooting nyo ngayon." Panimula ni noona habang bumabyahe kami papunta sa location ng shooting. Nakaupo sya sa tabi ng driver. Habang magkatapatan naman kami ni Sehun.
Tumigil si Sehun sa pagta-tablet at sumagot, "Oo naman. Ako pa ba?"
"Yeah," sagot ko rin.
"Good. May time pa naman para makapagprepare mamaya pero mas maganda na 'yung ready na kayo."
Habang nakatingin ako sa labas ng van. Pinilit kasi ako ni Noona na h'wag kong gamitin ang kotse ko at sumakay na lang sa van kasama nila. Napansin kong familiar sa'kin ang daan na tinatahak namin.
"Sandali noona, kung hindi ako nagkakamali. 'Yung university na pupuntahan natin ngayon, sa Seoul National University ba?"
Nilingon naman nya ko't tumango-tango, "Oo, bakit may problema ba 'don?"
Huminga ko nang malalim at nag-isip sandali, "Si Dasuri kasi, doon sya nag-aaral." Napalingon sa'kin si noona at Sehun na para bang sinasabi ng mga mukha nito na, 'Seryoso?' "Waaaaaah!!!!!! Kai! Sehun!!!!"
"Exo!!!"
"Oppa! Kyaaaah!!!"
Pagkababang-pagkababa namin ng van, bumungad agad samin ang mga estudyanteng kanina pa nag-aabang sa pagdating namin. Ngumiti ako para batiin silang lahat. Gumawa naman ng paraan ang mga staffs at guards ng school para may madaanan kami.
Sandamak-mak narin ang mga reporters ang nakasunod at nakasubaybay sa bawat kilos namin. Habang naglalakad, isa-isa kong pinagmamasdan ang mga estudyante sa paligid. Nagbabakasakali ako na makita ko si Dasuri.
Hindi ko kasi akalain na sa eskwelahan nya pa pala mismo ang susunod na location ng shooting namin. Ngunit hanggang sa makarating na kami sa isang kwartong magiging dressing room namin. Hindi ko parin nasisilayan maski anino ng asawa ko.
That's so unlikely of her. Basta kasi may chance na mapunta kami sa iisang lugar. Bigla na lang 'yung susulpot sa tabi ko na parang kabute.
"Himala, wala atang sasaeng na umaaligid-aligid sa paligid?" sita pa ni Sehun. Maski pala sya, napansin 'yon.
"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo. Itigil mo na ang pagtawag nang sasaeng sa asawa ko. Hindi magandang pakinggan." Sermon ko dito. Dinilaan lang ako nang loko.
"Ewan ko sa'yo." Sabay upo nito sa tabi. Kinuha ko naman ang cellphone ko at nagsimulang magdial.
Gusto ko lang makasiguro kung okay lang ba ang lagay nya ngayon. Naninibago kasi ako sa mga nangyayari. Medyo matagal-tagal rin bago nya sinagot ang tawag ko. Pero ang talagang ikinagulat ko ay nang boses nang lalaki ang sumagot. "Hello? Who's this?"
Natameme ako sandali at napaisip, The heck! May kasama syang ibang lalaki?!
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report