OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS
CHAPTER 14: DESPERATE

DASURI

Matapos kong malaman ang tungkol sa pinakahuli kong pagasa para manatiling buhay, wala na kong ginawa kundi ang mag-isip. Sino kaya ang pu-pwede kong makapareha? Aist. Bakit ba kasi kailangang duo pa? Bakit hindi na lang solo? Pinapahirapan pa ko e. Tsk.

Si Kai kaya?

Sigurado magiging daebakk ang audition ko kapag si hubby ang mismong nakapareha ko. At sigurado ring pag-uusapan 'yon. Hoho.

Mabilis din naman akong napailing, Hindi. Hindi pwede, hindi naman sya estudyante dito kaya imposible 'yon. At saka, ayoko namang abalahin pa sya. I'm sure naman na sobrang busy nya rin sa panahong ito.

Luminga-linga ko sa paligid, nagbabakasakaling baka may mahanap akong solusyon sa problema ko. Kanina pa dapat nagsimula ang klase namin kay Ms. Soo, kaso hindi parin sya dumarating. Hindi kaya absent sya? Awee. Sana nga huwag na muna syang pumasok. Hindi ko alam kung paano ko haharap sa kanya e.

Napabuntong-hininga ko, may solusyon pa kaya 'tong problema ko? Ipinagpatuloy ko ang pamamasid sa paligid. Kanya-kanya ang mundo nila. Ang iba pa nga'y nagbabalak nang umalis.

Bakit? Anong oras na ba? Tinignan ko ang oras mula sa screen ng phone ko. Ah. Kaya pala, lagpas 30 minutes na kasing late si ma'am, it means considered na syang absent at pwede nang umalis ang mga estudyante nya. Habang iginagala ang paningin ko, napadako naman ang aking mga mata sa isang lalaking nakaupo sa tabi ng bintana. Nakahead phone lang ito habang nakatanaw sa bintana.

Sya lang naman ang naiisip kong pwede kong makapareha. Sya lang naman kasi ang transferee dito kagaya ko.

Hmm. Nakawin ko kaya 'yung application nya sa basketball team? Kapag nagkaganon mapipilitan syang makipagpartner sa'kin para magkaroon ng club na sasalihan. Palihim akong ngumiti. Pwede..... basta maexecute ko lang 'yon ng tama, for sure mawawalan na ko ng problema. HAHAHAHA.

Tumayo ako sa upuan ko't lumapit sa kanya. Kinuha ko 'yung isang upuan sa tapat nya at hinila 'yon para makaupo ako sa harap nya.

"Ehemp," pagkuha ko sa atensyon nya.

Nilingon naman nya ko, "What?" emotionless nitong tanong.

Ngumiti ako, "Wala naman. Naisip ko lang, parang bigla kong ginustong makipagkaibigan sa'yo. Ang cool mo kasing titigan habang nandoon ako sa upuan ko kanina. Para kang leading man sa mga soap opera." "Grabe! Ang lakas talaga ng dating mo. Hindi na ko magtataka kung marami sa'yong nagkakagustong mga kaklase natin. Hehe." Kahit anong mangyari kailangan ko sya mauto, by hooks or by crooks. Tinitigan naman ako nito na para bang may kaharap na isang unknown specie na sinusuri nyang mabuti. Pero kahit ganon hindi ko mabasa ang iniisip nya, masyadong emotionless ang mukha nya. Bakit ganon?

Hindi rin naman nagtagal ay napansin ko ang pag ismid nya dahil sa sinabi ko. Napairap tuloy ako dahil sa pagkadismaya. Ano bang problema nito?

"Ah' friend, musta na nga pala 'yung application form mo sa basketball team natin? Napasa mo na?" tanong kong muli.

Sana hindi. Sana hindi. Please.

"Why are you asking?" saad nya habang hindi ako nililingon.

EH?? Nabigla ko sa naging tanong nya.

"Ahh.. kasi..." paninimula ko. Bahala na nga, magsasabi na lang ako ng totoo.

"Ang totoo nyan, gusto ko sanang humingi ng favor sa'yo. Parang awa muna pumayag kanang maging kapartner ko." hinablot ko ang kamay nya at hinawakan 'to nang mahigpit. Napapitlag naman sya dahil 'don. "Yung music club na lang kasi yung pwedeng tumanggap sa akin ngayon. Kaya lang duo ang hinahanap nila. Kaya please naman...." Hindi na nya pinatapos ang sagot ko't binawi ang kamay nya. "No," aniya sabay alis sa harap ko.

Natulala pa ko saglit nang marealized ang nangyari. Wow! Just wow! Nilayasan nya lang ako bigla?! Ganon nya ba i-treat ang crush nya? Argghhh! Ang yabang talaga!! Sinipa ko 'yung upuan nya dahil sa sobrang inis. Pero hindi, hindi ako dapat sumuko. Tandaan mo Dasuri, sya na lang ang nag-iisang pagasa mo. Kapag sinukuan mo sya, wala ka na talagang mapapala sa buhay mo.

"Argh. Ang sakit nya sa ulo. Kung hindi ko lang talaga sya kailangan, hindi ko pagtitiisan ang asungot na 'yon e." kinuha ko ang bag ko atsaka sumunod sa kanya sa paglabas.

Tiis-tiis lang, Dasuri. Dadaloy rin ang ginhawa.

Paglabas ko ng room. Hinanap agad ng mga mata ko si L. joe. Nakita ko rin naman agad 'to na naglalakad sa hallway. Hindi na ko nagsayang ng oras, isinukbit ko 'yung bag sa aking balikat at patakbong sumunod sa kanya. Kahit magmukha kong tuta na sunod ng sunod sa kanya gagawin ko para lang makamtam ang matamis nyang OO.

"Uy, friend! Bakit mo naman ako nilayasan bigla? Hindi pa tapos 'yung sinasabi ko sa'yo e." saad ko pagkalapit sa kanya.

"I'm not interested." Basag nya agad sa'kin. Talaga naman. Porket crush nya ko, feel na feel nya 'yung panghahabol ko sa kanya? Psh.

"Grabe ka naman. Para namang hindi mo ko crush nyan. Hahaha." Pinalo ko pa sya sa balikat dahilan para mapatitig 'to sa'kin ng masama. Natameme ko bigla. Hala sya. Nagalit?

Binawi rin naman nya ang tingin at pumasok sa loob ng cafeteria. "Woooh! Natakot ako 'don ah." komento ko bago pumasok rin sa loob.

Pagpasok ko, bumungad sa'kin ang sandamakmak na estudyanteng nakapila para makabili ng makakain nila. Nakita ko naman si L. joe na nakatayo sa di kalayuan. Nakatitig lang sya sa pila at mukhang pinag-iisipang mabuti kung pipila rin ba sya o hindi.

"Ang haba ng pila 'no? Pero may alam ako paano makabili ng pagkain ng mabilis. Ano ba gusto mo? Bibili kita." Ngiting-ngiti kong suhestyon. Kailangang magkaroon sya ng utang na loob sa'kin para sa susunod na tanungin ko ulit syang maging partner ko. Magkakaroon sya ng dahilan para sumagot ng OO.

Grabe, ang talino ko na talaga. Hoho.

Nilagpasan lang naman nya ko't lumabas na ng cafeteria. "Aish, mas hard-to-get pa pala sya kaysa sa iniisip ko." bulong ko.

Makalipas ang ilang minuto, pumunta ko sa garden ng school. And gotcha! Nandoon nga ang subject. Nakaupo sya mag-isa sa isang bench habang nakikinig sa headphone nya. Bahagya ko syang nilapitan habang may dala-dalang energy drink at isang sandwich. Hindi nya napansin ang presensya ko dahil bigla nyang tinanggal ang headphone sa ulo nya at idinikit naman ang phone sa kanyang tenga. Mukhang may tumatawag rito. "Yeah, But I don't have plan to see him. Why should I?" kitang-kita ko ang biglang pagsalubong ng mga kilay nya. Mukhang mayroon silang pinagtatalunan ng kausap nya.

"I don't care. So, what if he'll die? He's already dead to me." Napahinto ko nang marinig ang sinabi nya. Geez. Hindi ko ata dapat narinig 'yung pinag-uusapan nila. Kailangan ko munang umexit. "Let's stop here. Don't ever call again if you will just ask the same question. Bye."

Tumalikod na ko sa kanya at handang maglakad palayo nang maulinigan syang magsalita, O

"Hey! Did you hear everything?"

"If you missed something, come here and ask me."

Napalingon ako nang marinig ang puno ng sarcasm nyang mga salita. Prenteng-prente pa syang nakaupo habang nakatingin sa'kin. Kapal talaga! Lumapit ako para ipakitang hindi ako tinamaan sa mga sinabi nya. Hindi naman kasi ako nakikinig. NAGKATAON LANG!

"I'll give you 5 minutes to ask." Saad nya pagkatapos tumingin sa relo nyang nasa kaliwang braso nya. I rolled my eyes.

"Hindi ka rin mayabang 'no? oh." Sabay abot ko sa kanya ng mga dala ko. Napatitig naman sya 'don. Mukhang pinag-iisipan pa nya kung tatanggapin ba ang binibigay ko o hindi.

"Kunin mo na, binili ko talaga 'yan para sa'yo." Saad ko pa.

"No. Thanks." Sagot naman nito sabay ignore sa akin.

"Ashush. Nahiya pa," kinuha ko ang isa nyang kamay at inilagay dito ang mga 'yon.

"H'wag ka nang mag-inarte gumamit pa ko ng connection para dyan. Kaya kahit naiinis ako sa'yo dahil ang yabang mo, kunin mo na. Masasayang kasi 'yung effort ko kapag hindi mo tinanggap." Sabay upo ko sa tabi nya. Wala naman syang nagawa kundi tanggapin na lang 'yon. Good Boy. Hoho.

"How did you know......" hindi ko na pinatapos ang tanong nya. Hinarap ko na agad sya't sumagot.

"Na 'yan yung gusto mo? Tinanong ko 'don kay ateng tindera. Sabi nya 'yan daw lagi 'yung binibili mo. Tapos sinuhulan ko sya ng autograph ng asawa ko para paunahin nya ko sa pila."

"O' diba ang galing? Ganyan ang nagagawa ng pagkakaroon ng asawang idols." Nakatitig lang sya sa akin habang nakangiti naman ako sa kanya. Mukhang natawa rin sya sa reaksyon ko. "Are you proud for that?" medyo natatawa nyang tanong.

"Naman, hindi kaya lahat sinuswerteng mapangasawa ang bias nya. Akalain mo sa libu-libong mga fans ako ang napili nya? Daebbak! Para lang akong si Cinderella sa modernong panahon." Hindi pa natatapos ang litanya ko nang tumayo na naman ito dala 'yung mga pagkain na binigay ko.

"Good for you. Anyway, thanks for the treat but my answer is still a no." sabay lakad nito palayo.

Tss. Suplado talaga.

Tumayo na lang din ako at bumalik sa building namin. Mukhang wala nga talaga kong mapapala sa isang 'yon. Ang mabuti pa siguro maghanap na lang ako ng isang taong papayag sa gusto ko. Habang naglalakad, tumunog 'yung phone ko dahilan para kunin ko ito. Meron akong na-received na video galing kay Sehun. Binuksan ko iyon at binasa ang mensaheng kasama nito.

*Hoy! Sasaeng! Salamat sa mainit na pagtanggap mo sa'min kagabi. Eto nga pala 'yung thank you gift ko sa'yo. *evil-laugh*

Inopen ko 'yung video at pinanood. Biglang namula ang magkabilang pisngi ko dahil 'don.

"Tama na 'yan. Lasing kana." Tumayo naman si Kai at sinubukang awatin sya sa pag-inom. Tinulak nya lang ito palayo sabay sabing, "Hindi! Bitawan mo ko. Isa ka pa e. Isa ka pa!" tinuro-turo pa nya ang asawa habang pagewang-gewang.

Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Lalo namang nagulat ang lahat nang biglang maging emosyonal si Dasuri. Humikbi-hikbi pa ito habang nagsalita. "KASI NAMAN EH..... NAG-EFFORT TALAGA KO NGAYONG GABI! NAGLUTO AKO KAHIT HINDI AKO MARUNONG. HAHAHAHA. TAPOS SABI NG BWISET NA 'TO, HINDI DAW MASARAP? HA. KAPAL NG MUKHA." Itinuro pa nya si Sehun na halatang nasa-shock sa mga pinagagagawa nya.

"INAYOS KO 'YUNG LAMESA. NAGLAGAY PA NGA KO NG KANDILA AT WINE KASI SABI KO... PARA ROMANTIC. KASO ANONG GINAWA NYO? TINABUNAN NYO LANG NG MGA PAGKAIN NYO. AYAN OH. HINDI NYO BA NAKITA? BULAG BA KAYO?? TSS.... WALA NA 'TONG KWENTA." Sinipa nya 'yung lamesa dahilan para matapon ang mga pagkain 'don.

"Oh. Oh. Dasuri." sabay-sabay na saad ng lima nang muntikan na itong ma-out of balance. Kahit parang natatakot na ang mga ito sa inaasal nang ating bida. Sinusubukan parin nila itong alalayan.

"HINDI NAMAN AKO NAGAGALIT SA INYO. OKAY LANG NAMAN NA BUMISITA, KASO BAKIT SA DINAMI-DAMI NG ARAW.......... BAKIT NGAYON PA??? NGAYON PANG GAGAWA KAMI NG BABY NI KAI?? UWAAAAAAAH!!! NAKAKAINIS NAMAN KAYO EH!! HUHUHU." Humalandusay si Dasuri sa sahig at saka nag-iiyak.

Halos lamunin na ko ng lupa matapos mapanood 'yon. Langya talaga 'yung Sehun na 'yon. Talagang nagawa pa kong video-han? Kaya pala ngi-ngiti-ngiti sa'kin si Kai kanina. Arrrgh. Nakakahiya.

Dinelete ko 'yung video at saka pumasok sa building namin. Pagkarating ko 'don, nagulat ako nang makitang nagkakagulo ang mga estudyante. Teka, Anong meron? May sunog ba? Aligagang-aligaga kasi silang lahat pero ang nakakapagtaka hindi takot kundi excitement ang makikita mo sa mukha nila. Sila lang ata ang nakita kong excited sa sunog? Ang weird ata ng mga tao ngayon.

Pinigilan ko 'yung isang estudyante sa pagdaan sa harap ko, "Sandali lang Miss, bakit nagkakagulo kayo? Anong meron?"

"Hindi mo ba nabalitaan? Dito daw magsu-shooting si Kai at ilang cast ng drama nya. Ang balita nga, nasa isang kwarto na ng school natin sina Kai at Sehun. Kaya nagkakagulo ang lahat. Sige na, hahanapin ko pa 'yung room na 'yon eh." ANO?! Kung kailan naman ayaw kong makita ang kahit sino sa myembro ng Exo. Ngayon pa sila napadpad dito? Talaga naman! NANANADYA BA KAYO?!! Aishh! Naman eh. Napapapadyak pa ko dahil sa inis.

"O' Diba ikaw 'yung asawa ni Kai?" tanong sa'kin nung babaeng nakapony ang buhok. Kumunot naman ang noo ko. Mukhang namukaan nya ata ko.

"Guys! Eto 'yung nababalitang asawa ni Kai. Tanungin natin sya, baka alam nya saang room nagtatago si Kai." Sigaw nito. Naglingunan naman 'yung mga estudyante sa hallway.

Two words. Haha. Lagot!

Matapos ang nakakalokang pakikipagpatintero ko sa mga estudyante ng eskwelahan namin. Himala namang nabuhay pa ako. Grabe! Halos isang daang beses ko nang sinabing 'HINDI KO ALAM. WALA AKONG ALAM' Inusig parin ako ng mga 'yon. Wala silang mga puso. Paano nila nagawang pagsamantalahan ang inosenteng katulad ko?!

"Uhh...mabuti pa. Dito muna ko." saad ko sabay sandal sa pader.

Umakyat ako sa rooftop ng school para makatakas sa mga nagwawalang estudyante. Bakit ba nila ko hinahabol? Hindi naman ako idol kagaya ng asawa ko. Tsk.

Habang nagpapahinga nakarinig ako nang pagstring ng gitara. Napatingin ako sa pinto papasok sa loob ng rooftop. Nakasarado kasi 'yon kaya hindi na ko nagtuloy.

"May tao sa loob?" idinikit ko pa 'yung tenga ko sa pinto para pakinggang mabuti 'yung tunog. Doon nga talaga nanggagaling 'yung tunog ng gitara. Hinawakan ko 'yung doorknob at pinihit 'to.

"Di pala nakalock," komento ko.

Itinulak ko 'yung pinto pabukas at agad-agad sinilip ang loob nito. Napatitig ako sa lalaking nakaupo sa sulok habang nag-gigitara. Napatulala pa ako sandali. Hindi ko alam pero parang ang sarap nyang titigan mula sa pwesto ko. Para kasing ang bait-bait nya mula rito. Hindi ko akalain na marunong din pala syang gumamit 'non? Sa sobrang galing nya, kahit titigan ko lang sya, nararamdaman ko agad 'yung gustong iparating ng tugtog nya. "Staring at people are bad habits."

Natauhan ako nang marinig ang sinabi nya. Huminto sya sa pagtugtog at nilingon ako. Bigla tuloy akong nahiya, bakit ba lagi na lang nya kong nahuhuling nakatitig sa kanya? Kainis. Nilapitan ko naman sya, "Bakit ka huminto? Akalain mong marunong ka pa lang mag-gitara? Wala kasi sa itsura mo e."

"Yeah, but I don't play when someone is around." Napaismid naman ako sa naging sagot nya. Kaya ba sya biglang huminto nang dumating ako? Yabang talaga. Umupo ako sa gilid nya.

"Why are you here? Still following me?" tanong nya.

"Hindi 'no. Suko na ko. Alam ko namang kahit anong gawin ko. No pa rin ang isasagot mo sa akin. Napadpad lang ako rito kasi nagtatago ako sa mga fans ng asawa ko. Kanina pa nila ko kinukulit kainis na." Narinig ko syang magsmirk. Hindi ko na lang pinansin pa 'yon.

"Ano 'yung title nung tinutugtog mo? Mukhang maganda kaso malungkot pakinggan."

Hindi naman nya ko nilingon pero narinig ko syang magsalita, "Everything has a positive and negative part. And being an Idol's wife is not an exception." Huh? Layo nang sagot nya a.

"Alam ko. Hindi naman ako nagrereklamo, slight lang. Haha."

"Is he your first love?" napalingon ako sa naging tanong nya. Busy parin sya sa pagkalikot ng gitara nya.

"Sino?" inosente ko namang tanong.

Tinigil nya ang kanyang ginagawa at lumingon sa'kin. "Your husband, I want to know, how you fell for him? And how much you love him?" sabay titig sa akin.

Bahagya naman akong napangiti. Binawi ko ang tingin sa kanya at tumingin nang diretsyo.

Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Paano ko nahulog sa kanya? Gaano ko sya kamahal? Hmm. Paano nga ba? Hihi. Ano ba bakit kinikilig ako? Bakit kasi bigla-bigla kang nagtatanong ng ganyan. Hindi ako prepared. Hihi." hindi ko maitago 'yung mga ngiti ko habang iniisip ang mga moments namin ni Kai.

Ganito ba talaga pag-inlove? Marinig ko lang ang pangalan nya namumula na agad ako at parang nakastappler ang mga labi ko kaya hindi mapigilang mapangiti.

"You don't have to answer me. It's already written all over your face." Naramdaman ko ang pagbawi nya ng tingin sa akin.

"Talaga? Hindi naman." Pagtanggi ko habang sapo-sapo ang aking magkabilang pisngi. Bakit parang uminit bigla ang mga 'to? Nakakaloka. Ibinalik naman nya ang kanyang atensyon sa gitara.

"Kung ako ba sya?"

Napalingon ako nang marinig ang sinabi nya.

"Ha? A-Anong sabi mo?" Gulat kong tanong. Dahan-dahan naman nya kong nilingon. Tama ba 'yung pagkakarinig ko?

Nang magtagpo ang mga mata namin, sa hindi malamang dahilan, bigla kong nailang. Bakit kasi ganyan sya makatingin sa'kin. Para bang may gustong ipahiwatig ang mga tingin nya. Para bang may mga sinasabi 'to na hindi ko maintindihan. Oo, sinasabi kong crush nya ko pero half jokes lang naman 'yon. Pangaasar lang kumbaga.

"That's the title of the song I played."

Natauhan ako matapos nyang magsalita.

"Ahh..." saad ko habang tumango-tango. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin sa aming dalawa.

"Oo nga pala, nagtanong ako kanina. Ha-ha. Salamat sa pagsagot." Nakakahiya! Ano ba 'yung pinag-iisip ko? Baliw Dasuri! Baliw ka!

"Sure. No problem." Sagot naman nito sabay balik sa dating ginagawa.

Nginitian ko na lang sya nang may pagkalanganin. Ilang minuto rin kaming walang imikan. Nagpatuloy lang sya sa paggigitara samantalang ako, palinga-linga lang sa paligid. Hanggang maari, iniiwasan kong magtagpo ang mga mata namin. Nahihiya kasi talaga ko sa mga inisip ko kahit pa hindi nya alam ang tungkol 'don.

Tinignan ko 'yung oras, mahigit isang oras na rin pala kong naririto. Siguro pwede na kong bumaba. Wala na siguro 'yung mga estudyante sa hallway. Iniisip ko pa kung paano ba ko makakapagpaalam sa kasama ko nang biglang tumunog ang ringtone ng cellphone ko.

Sabay kaming napalingon sa bulsa ko. "Uhh... sagutin ko lang ha?" saad ko.

Hindi ko na hinintay ang tugon nya. Kinuha ko na 'yung phone ko at inalam kung sino 'yung tumatawag.

"Hala! Si hubby!" bulalas ko.

Siguro nagtataka na 'to kung bakit hindi ako nagpapakita sa kanya. Alam nya kasing isang subject lang ang meron ako ngayon at tapos na rin 'yung time para 'don.

"Your phone is still ringing. Any plan to answer it?" komento nang katabi ko.

Aish. Nag-iisip pa nga kasi ako kung sasagutin ko ba o hindi. Sigurado kasing papagalitan ako nito. Siguradong napansin na nyang sinasadya kong iwasan sya. Bwiset kasing Sehun 'yon eh. Talagang nagsend pa ng video. Asar!

I was shock nang hablutin nya ang cellphone sa kamay ko. Tumayo pa ito saka sinagot 'yung tawag. Namilog naman ang dalawang pares ng aking mata nang marealized ang kanyang ginawa.

"Yah! Bakit mo sinagot?!" bulalas ko. Sinenyasan naman nya kong manahimik.

"Who's this?" napanganga ko dahil sa sinabi nya.

Nahihibang na ba sya? Bakit nya sinabihan ang asawa KO nang ganon? At talagang gamit pa ang cellphone KO? Wow! Ang kapal ng mukha.

"Ibalik mo nga sa akin 'yan! Ano ba!" sinusubukan kong agawin 'yung cellphone sa kanya. Kaso masyado syang matangkad para sa akin.

Ipinatong pa nya ang kanyang kamay sa noo ko sabay tulak sa'kin palayo. Hindi tuloy ako makalapit sa kanya. Pinipigilan ako nung kamay nya eh. Kainis naman! Grrr.

"I'm your wife's classmate and we're here in the rooftop. Only two of us." Nakita ko ang pagngisi ng mokong. Loko 'to. Inaasar pa ata 'yung asawa ko.

"Hoy! Snatcher ng cellphone. Ibalik mo nga sa'kin 'yung phone ko!" singhal ko rito.

"I'm glad that you call. At least now, you can hear what I am going to say to your wife. She's a slow person, so, explain it for her" Ano bang sinasabi nito? Talagang bisyo nyang laitin ako nang harap-harapan 'no? Bwiset! "Dasuri, listen," napahinto ko sa pagpupumiglas nang muli na naman nya kong lingunin. Ipinagtagpo nya ang aming mata at tinitigan ako gaya nang kanina. Ano ba 'to. Bakit ba lagi na lang nya kong tinitignan nang ganyan? Hindi nya ba alam na......naiilang ako sa ginagawa nya?

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report