OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 47: SUBSTITUTE PROFESSOR
DASURI
"Aray! Saglit lang naman. Nakakaladkad mo na kaya ko," bulalas ko pagkarating namin ni L. joe sa labas ng ospital. Ang bilis nya kasing maglakad kala mo walang kasamang buntis. Hmp. Natauhan naman ito at huminto sa paglalakad.
"Sorry," mahina nyang pahayag.
Napansin ko agad ang pagbabago sa mood nito. Bakas sa mukha nya ang pagkabalisa. Hindi man masyadong klaro sa akin kung ano 'yung namamagitan sa kanilang dalawa ni Manong sungit. Mas mabuti siguro kung pagaangin ko na rin 'yung kalooban nya.
"Aww. Sad sya..." saad ko habang nakatitig rito.
Napalingon naman sya sa akin. "Hmm, bakit sad si baby? Wag kana sad. Mas cute ka kaya kapag nakasmile. Gaya nito." Ngumiti ako habang may nakatusok na dalawang daliri sa magkabilang pisngi ko at pakurap-kurap sa harap nya. Bahagya naman syang napingiti dahil 'don. "Argh. Dasuri, why so cute?" saad nya habang hindi mapigilan ang pag ngiti dahil sa aking ginawa. Natuwa naman ako nang mapabalik ko 'yung sigla nya.
"Actually, hindi ko rin alam e. Inborn na kasi 'yon. Hehe." Pagbibiro ko pa.
"Okay, fine. Sabi mo e. I won't argue because I would never win over you. Si Dasuri ka e." matapos nyang sabihin 'yon ay pareho lang kaming nakatingin sa isa't-isa. Pansin ko sa mga mata nya, na kahit nakangiti sya ngayon sa harap ko. May bahid parin iyon mga lungkot.
Inihakbang ko ang mga paa ko at bahagya syang nilapitan. Napapitlag naman ito nang maramdaman ang biglaang pagyakap ko rito. Halatang hindi nya inaasahan ang ginawa ko.
I place my head on his chest while embracing his whole body. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa naririnig kong sobrang bilis na tibok ng puso nya. Niyakap ko sya nang mahigpit bago nagsimulang magsalita,
"Hindi porket isa kang Knight, ibig sabihin wala nang pwedeng magprotekta at magpasaya sa'yo. Nandito kaya ako. Kahit ano pa 'yung problemang dinadala mo." Iniangat ko 'yung mukha ko para tumingin sa mga mata ni L. joe. Gusto kong maramdaman nya through my eyes, kung gaano ko kaseryoso sa mga sinasabi ko.
As our eyes met, ngumiti pa ko rito bago nagpatuloy sa pagsasalita, "Handa akong makinig, dumamay at magpasaya rin sa'yo."
Napangiti naman sya dahil roon. "Thank you." He whispers.
Umiling-iling naman ako bilang sagot. "Wala 'yon. Hehe."
Nakangiti pa kami sa isa't-isa nang may bigla magbusina sa gilid namin. Sabay kaming napalingon ni L. joe sa gumawa 'non.
Nawala ang mga ngiti sa labi ko nang makilala ang lalaking nasa loob nang kotseng bumisina sa amin kanina. Nakatitig ito sa amin habang nakahawak sa manubela nya. Naramdaman ko naman ang bahagyang pagtulak sa akin ni L. joe upang magkalayo kami sa isa't-isa. Napasulyap tuloy ako sa kanya saglit.
Hindi naman nagtagal ay lumabas 'yung lalaking nasa loob nang pulang kotse at lumapit sa amin. Mataman nya kaming tinitignan lalo na si L. joe na nasa tabi ko. Sinamaan ko naman sya nang tingin.
"Pwede ko bang makausap ang asawa ko?" maotoridad nyang pahayag.
Bahagya namang napaisip si L. joe. Sumulyap pa ito sa akin bago nagsalita,
"I'll wait for you on my car. In case na gusto mo pa ring magpahatid sa akin." Saad nya at saka umakmang aalis na.
Agad-agad ko rin naman syang pinigilan. I grab his hand and look at Kai, "Dito ka lang. Wala na naman kaming dapat pag-usapan pa kaya hindi mo na kailangang umalis." matigas ko ring pahayag.
Nawala naman ang inis sa mukha ni Kai at napalitan nang lungkot. Sinubukan pa nyang hawakan ang kamay ko pero hindi ko pinayagan 'yon. Wala na tuloy syang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga na lang. "Wifey.... Please... don't do this to me. Let's talk." bakas sa tono ni Kai ang pagmamakaawa. Maski sa mga mata nito ay mababanaag mo ang kagustuhan nyang makausap ako.
Pero HINDI.
Hindi ko ibibigay sa kanya ang gusto nya. Hindi na ko papayag na makinig pang muli sa mga kasinungalingan nya.
"Pwede ba Kai, tama na? Sinabi ko na naman sa'yo ang sagot ko. AYOKO NA. Pagod na ko. Kaya kahit maglulupasay ka pa dyan sa harap ko, hindi na 'non mababago ang desisyon ko. Ang pinaka mabuti sigurong pwede mong gawin sa ngayon..." medyo nagdalawang-isip pa ko kung tama bang ipagpatuloy ko ang sasabihin ko.
Pero sa huli, nanaig ang galit ko at muling nagsalita, "Kalimutan mo na lang na nakilala mo ko."
I hold L. joe's hand and walks with him. Iniwan namin si Kai na nakatulala sa kawalan. Mukhang hindi nya matanggap ang mga salitang binitiwan ko. Kitang-kita ko 'yon sa reaksyon ng mukha nya.
"Are you thinking of your husband again?" natauhan ako mula sa pagkakatulala sa labas ng bintana ng kotse ni L. joe. Kasalukuyan na kaming pabalik sa bahay ng mga magulang ko nang marinig ko syang magsalita. Napabalikwas ako nang tingin patungo sa kanya.
"Huh? Hindi." Tanggi ko agad.
"Liar. I can see it on your actions."
Hindi na ko nagabalang makipagtalo pa. Alam na naman pala nya ang sagot. Bakit kailangang magtanong pa? Tss.
"Iniisip ko lang kasi, napasobra ba ko sa huling sinabi ko sa kanya? Tama nga lang ba na hilingin ko sa kanyang kalimutan na ko? Pati na yung lahat ng pinagsamahan namin? Hindi ba ko masyadong naging oa sa part na 'yon?" Nakatitig lang sa akin si L. joe at hindi sumasagot. Mas lalo lang tuloy nitong pinagulo ang isipan ko.
"Aist. Wag na nga. Ayoko nang malaman 'yung sagot mo." Sabay balik na naman sa dati kong pwesto.
Bakit kasi ganito. Nagtatalo yung puso't isipan ko. Alam kong tama lang ang ginawa ko kung talagang gusto ko nang layuan na ko ni Kai. Ngunit bakit sa tuwing naiisip kong hindi ko na nga sya makikita pa.... bakit para bang sumisikip ang dibdib ko?
JAMIE
"Si Kai, nakontak nyo na?" pang sampung beses ko na atang tanong 'yan sa mga kagrupo nya. Simula nang may masamang mangyari sa baby nila ni Dasuri biglang nagbago ang attitude ni Kai.
Kung dati, kahit sabihin pang may hindi sila pagkakaintindihan ng asawa nyang si Dasuri. Nagagawa nya parin gampanan ang mga responsibilidad nya sa trabaho. He's the most professional among the rest when it comes on works. Pero mukhang sa pagkakataong ito.... nagkamali ako.
"Wala noona, out-of-coverage talaga. Hindi naman namin matawagan si Dasuri. Masama parin ata loob 'non sa amin e." pahayag ni Kyungsoo matapos tawagan ang phone ni Kai.
"Mahirap talagang makontak ang taong ayaw magpakontak." Komento naman ni Sehun sa tabi habang naglalaro sa cellphone nya. Kung makapagsalita talaga 'tong batang 'to. Hindi naman nakakatulong tss. Umalis ako sa pwesto ko at nilapitan ang leader nila. Nilingon naman nya ko bago pa man ako makalapit rito nang tuluyan, "Suho, naaalala mo pa ba 'yung inoffer ko sa'yong casting ng isang reality show?" "Opo noona, bakit?"
"Okay lang ba kung ibigay ko na lang 'yon sa iba? Don't worry, may isa pa namang project na nakaline-up para sa'yo. Kailangan ko lang talagang bawiin 'tong isa, baka kasi may mabaliw na kapag hindi ko ginawa 'to." Umiiling-iling pa ko habang sinasabi 'yon. Nagkaroon naman ng isang malaking question mark ang mukha ni Suho.
"Anong pinagsasabi mo noona? Hindi kita magets." Saad pa nya. Hinawakan ko naman ang balikat nya bago umalis sa harap nito.
"Wala. Wag mo nang alamin kung ayaw mong sumakit ang ulo mo. Sige na, aalis muna ko. Ikaw na muna bahala sa mga kagrupo mo. Just text me if you need something." Sinundan pa ko ni Sehun ng tingin habang palabas ng dorm nila. Tatahi-tahimik lang ang batang 'yon pero ang daming alam. Isa syang dakilang silent-creeper. Tss.
Madilim na sa paligid bago pa ko makarating sa paroroonan ko. Ipinarada ko 'yung dala kong kotse sa tabi at saka nagdoorbell. Nag-antay pa ko nang ilang minuto pero wala paring nagbubukas nung gate. Napansin kong patay pa pala ang lahat ng ilaw sa bahay.
"Wala ba sya rito? Pero nandito na 'yung kotse nya," pahayag ko habang nakatitig sa isang red Lamborghini sa loob ng gate ng bahay na pinuntahan ko.
Inilabas ko 'yung phone ko at sinubukang kontakin ang telepono sa loob. Ngunit ring lang ito ng ring at walang sumasagot.
"Ano ba 'yan! Nasayang pa ata 'yung gas at oras ko. Pasaway talaga!" sa sobrang inis ko. Hindi ko napigilang sipain 'yung gate.
Nagulat naman ako nang mapansing bumukas ito nang kaunti. "Ay, bukas naman pala. Nag-antay pa ko rito. Nagmukha pa tuloy akong tanga." Wala na kong sinayang pang panahon.
Binuksan ko 'yung gate at nag dire-diretsyo sa pinto ng bahay. Nakakagulat man pero gaya ng gate ay bukas rin maski ang pinto nang bahay. Ngunit sobrang dilim sa loob. Wala kasi kahit isang ilaw ang nakabukas rito.
"Teka nga! Dapat na ba kong tumawag ng 911? Nanakawan na kaya 'tong sila Kai?" Kukunin ko pa lang sana 'yung phone ko nang bigla kong matisod sa mga nakakalat na bote sa sahig.
"Aray! Ano ba yan!" angal ko pa. Hindi na ko nakatiis kaya hinanap ko 'yung switch ng ilaw. At hindi naman nagtagal ay nagliwanag na rin sa buong paligid.
Namilog naman ang aking mga mata sa nasaksihan kong ayos ng bahay. Puro nakakalat na bote ng alak ang nasa sahig. Hindi lang 'yon. May mangilan-ngilan rin basag na baso at kung anu-ano pang gamit ang nasa paligid. Hindi ko maisip na eto yung dating bahay nila Kai at Dasuri. It was so different. 'Yung atmosphere and such, ang laki ng pinagbago. Nakakapanghinayang lang.
Pumasok pa ko sa loob at bumungad sa'kin si Kai na nakahiga sa sofa habang halatang langong-lango sa alak. Napapailing na lang ako habang nakatitig rito. Sobrang laki ng pinagbago nya. Dati, kahit gaano kabigat ang problema, hindi sya nagpapakalasing ng sobra-sobra. He often wants to be alone pero hindi 'yung kagaya ngayon.
He looks so devastated.
"Kai! Jong In! Hoy! Gising!" tinapik-tapik ko ito habang ginigising. Gumalaw-galaw naman ito at saka unti-unting iminumulat ang kanyang mga mata.
"N-Noona?" saad nya habang nakatingin sa'kin habang naga-adjust sa liwanag na nanggagaling sa ilaw ng sala.
Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Ako nga. Sino pa ba ang inaasahan mo? Hala. Tumayo ka nga dyan at mag-usap tayo ng matino." Sinunod nama nya ko kahit halatang labag sa kalooban nya.
"What are you doing here?" walang sigla nyang pahayag habang nakatungo sa sahig. Umupo naman ako sa kabilang upuan at nagcrossed-arm.
"Ako? Tinatanong mo kung bakit ako nandito? C'mon Kai! Ilang araw ka nang nowhere-to-be-seen. Hindi ko nga alam kung nakikipaglaro ka sa amin ng hide and seek. Kaso wala kong time para sa mga kalokohang ganyan. Kaya pinuntahan na kita rito para tangunin...." I pause for a while bago nagpatuloy.
"Gusto mo pa bang maging idol?" napaangat sya nang mukha at napatitig sa akin nang marinig 'yon.
"Base kasi sa mga kinikilos at pinapakita mo sa amin ngayon para bang gusto mo nang i-give up ang pangarap mo. Alam ko namang may pinagdadaanan ka ngayon at hindi 'yon ganon kadali. But Kai I want to remind you, hindi lang sa'yo umiikot ang mundo. Kung hindi mo kayang paghiwalayin ang trabaho at personal mong buhay. Kailangan mong I-let go ang isa." Diretsyahan kong pahayag. Napabuntong-hininga naman sya dahil roon. "Sorry."
"Wag kang mag-alala, hindi naman kita pipiliting mamili. Ang sa akin lang wag mo namang pabayaan ang mga pinaghirapan mo dahil lang nasawi ka sa isang aspeto ng buhay mo. Look at yourself, ikaw pa ba 'yung Kai na kilala ko?" tinitigan ko pa sya mula ulo hanggang paa.
"Kung talaga gusto mong balikan ka ng asawa mo. Bigyan mo sya nang dahilan para gawin 'yon. Hindi 'yung magmumukmok ka dito sa bahay nyo. Nakapatay ang lahat ng ilaw at magdamag na mag-iinom. Ang kilala kong Kai, hindi sumusuko hangga't hindi nakukuha ang gusto nya. Get up and fix your mess."
Tumayo na ko't inabot sa kanya ang isang brown envelope. Inilapag ko 'yon sa tabi nya at saka muli syang hinarap,
"Isinama kita sa isang reality show, isa 'yong show kung saan ang mga artistang kalahok ay gagampanan ang trabaho ng isang ordinaryong tao sa loob ng isang linggo. Nasa loob ng envelope na 'yan ang profile ng taong gagampanan mo. Basahin mo iyon nang mabuti para makapaghanda ka ng husto. Wag muna sanang pairalin ang katigasan ng ulo mo. Sumunod ka na lang." then I start walking. Hindi pa man ako nakakalayo ay nilingon ko na syang muli. "Uhh, by the way. Nakalimutan kong i-mention, sa Seoul National University nga pala ang trabaho ng subject mo." Ngumiti pa ko rito nang bigla syang mapalingon sa akin.
Mukhang nakuha na nya ang ibig kong ipakahulugan.
"Good luck!" I said then walks away.
Iyan na lang 'yung maitutulong ko sa'yo. Kaya sana wag mo nang sayangin. Gawin mo na ang lahat para bumalik na sya sa iyo. DASURI
Oras na naman para maging estudyante.
Matapos ang isang araw na pagsama sa akin ni L. joe para i-pacheck-up ang baby ko. Ipinasya kong wag munang lumabas ng bahay kinabukasan. Nagkulong lang ako sa kwarto ko maghapon.
Tinatanong ako nila papa kung may problema daw ba. Sabi ko wala naman, pero ang totoo ayoko lang lumabas kasi natatakot akong baka magkita na naman kaming muli ni Kai.
Ayoko.
"Oh? Anong ginagawa nya rito?" pagbaba ko kasi nang hagdan. Bumungad sa akin si L. joe na nakaupo na sa sala namin. Kausap nya sila mama at papa.
"Dinidiskartehan mo ba ang anak ko?" naulinigan kong tanong ni Papa.
"Ho?" gulat namang pahayag ni L. joe.
"Tinatanong kita. Nililigawan mo ba ang anak ko? Tinanong kita kanina. Sabi mo gusto mo sya and alam mo rin ang mga nangyari sa kanya. So, I assume na kaya ka pumunta rito sa bahay namin at nagpakilala is because you want to court my only daughter." Mahabang litanya ni Papa.
Hindi naman maipinta sa ang mukha ni L. joe sa kaba. Hindi ko tuloy mapigilang matawa.
"Papa naman! Wag nga kayong ganyan, tinatakot nyo si L. joe e. Hahaha." Bumalik ang kulay sa mukha ni L. joe nang makita ko. Para bang nakahinga na ulit sya nang maayos.
"Eto kasing papa mo Dasuri, sinabi nang kaibigan mo lang itong si cutie. Panay ang insist na manliligaw mo raw. Hay naku! Palibhasa, hindi kayo dumaan ni Kai sa ganyang stage kaya naghahanap 'tong papa mo e."
Natameme ako nang muling marinig ang pangalan ni Kai. Bigla tuloy akong nailang sa mismong mga magulang ko. Pinandilatan naman ni Papa si mama. Napayuko lang naman ito.
"Ah, Mr. and Mrs. Choi, okay lang po ba kung umalis na kami ng anak nyo? Anong oras na rin po kasi baka malate na kami." Singit ni L. joe. Sa pagkakatang ito, sya naman ang naging savior ko. "Salamat ha." Saad ko pagkalabas namin ng bahay.
Minsan talaga, hanggang ngayon hindi parin maiwasan na nababangit nila sa'kin si Kai. Hindi ko rin naman sila masisi.
"Don't thank me. Quits lang tayo." Kininditan pa nya ko habang naglalakad. Tinawanan ko lang sya.
"Baliw."
"But seriously, your dad is kinda scary. Panay ang tanong nya sa akin nung hindi ka pa bumababa. Akala ko nga hihimatayin na ko."
"Haha. Grabe ka naman. Mabait kaya 'yon. Ganon lang talaga sya kahit kinikilatis nya 'yung mga lalaking lumalapit sa princess nya." Depensa ko naman.
"I hope he also did that to Kai," napalingon ako kay L. joe nang marinig 'yon. Hindi na ko nakapagtimpi at nasabihan sya,
"Ano ba! Pati ba naman ikaw? Aist." Nilayasan ko sya't naunang maglakad.
Pagkarating namin sa bukana nang school. Nagtaka ko sa kinikilos ng mga estudyante. Nagkalat sila sa paligid at parang iisa lang ang pinaguusapan. "Napanood mo ba 'yung trailer ng show kagabi? Daebbak! Sino kaya 'yung star na tinutukoy nila. Hehe."
"Kahit sino pa man 'yon, I'm so excited to see him."
"Me too!"
Hanggang sa makapasok na ko ng room pare-pareho lang ang bukambibig ng mga tao. Nagtataka na nga ko kung sino ba 'yung secret star daw na dadalaw sa school namin para sa isang reality show. Hindi naman ako interesado kaya hindi na ko nagtanong-tanong pa nang ibang detalye.
"Good morning." Bati ko pagpasok ko ng room.
"Aba! Aba! Napapadalas ata na nakikita ko kayong magkasama nung gago sa sulok." Komento ni Gain pagdaan ko sa harap nya.
Kahit kasi hindi ko pinapansin si L. joe. Nakasunod parin sya sa'kin mula kanina. Hindi ko naman ininda 'yon at nagtuloy sa pwesto ko. Wala ko sa mood makipagtalo ngayon. Inaantok kasi ako.
Oo. Ang aga-aga pero inaantok na naman ako. Sabi ni L. joe dahil daw 'yon sa pagbubuntis ko. Hayst. Siguro, tamad 'yung baby sa dyan ko. Lagi gusto natutulog e.
"Good morning, Dasuri. Nabalitaan mo na ba 'yung pinagkakaguluhan ng mga estudyante ngayon?" tanong ni Sora pagkaupo ko sa tabi nya.
"Hmm, hinde e.." saad ko sabay ub-ob sa desk sa harap ko.
"Sabi na e. Pero aware ka sasabihin ko na sa'yo. Yesterday may ipinakitang trailer video ang isang network sa bago nilang reality show. 'Yung reality show na 'yon ay may limang guest artist kung saan gagampanan nila ang iba't-ibang trabaho ng iba't-ibang ordinaryong tao. Like lawyers, doctors, guards, police or even professors. At bali-balita na ang isa sa napili nilang subject ay professor ng school natin. Kaya nababaliw ang mga estudyante kakaisip kung sino nga ba ang sikat na guest star na 'yon. Well, wala naman talagang hint na ibinigay kaya wala kong maisip na personalidad. Ikaw? May naiisip ka ba?"
Wala talaga ko sa mood makipag-usap ngayon kaya dinedma ko lang si Sora. Narinig ko pa ang pag'tss' bilang pagkadismaya sa reaksyon ko.
Ilang minuto pa ang lumipas at hindi ko na namalayan. Unti-unti na pala kong nakatulog ng mahimbing. Naputol lang ang tulog ko nang marinig ang hiyawan sa paligid.
"WAAAAAAAAH!!!"
"KYAAAAAAHHH!!
"ANG GWAPO SHET!!!!"
"ANG SWERTE NATIN!!!"
Naalimpungatan ako't bahagyang nag-inat. Ginalaw-ginalaw ko pa ang aking ulo at saka dahan-dahan iniaangat ang aking mukha. Mabagal ang pagmulat ng aking mga mata dahil sa nakakasilaw na liwanag sa gilid ko.
Una kong napansin ay ang isang katawan nang lalaking nakatayo sa unahan. Nakasuot sya nang damit na nakaayon para sa mga professor. Iniangat ko ang tingin ko mula sa paa nya patungo sa mukha nito. Namilog ang aking mga mata nang makilala kung sino ang lalaking ito. Lalo na nang lingunin nya ko at saka ngumiti.
"Good morning, everyone. My name is Kim Jong In, and I will be your substitute p. e teacher for few days. Be good to me."
Takte! Anong kalokohan 'to?
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report