OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 48: BE TRUE TO YOURSELF
ΚΑΙ
Sa loob ng ilang araw, wala kong ginawa kundi ang amuhin at magmakaawa kay Dasuri na pansinin nya ko. Ngunit kahit ganon, bigo pa rin ako. Halos mabaliw na nga ko kakaisip kung ano pa ba ang dapat kong gawin? Kahit lumuhod sa harap nya gagawin ko bumalik lang sya. Pero mukhang kahit gawin ko 'yon, wala parin magbabago.
Alak.
'Yan ang mga naging sandalan ko sa gabi-gabing naalala ko ang asawa ko. Yung bahay namin na dating puno ng masasayang alaala. Ngayon ay isang madilim na lugar na lang na lalong nagpapaalala sa'kin ng mga sinayang ko. Masakit. Masakit tanggapin na kaya ko nasasaktan ngayon. Kaya ko nag-iisa...... ay dahil din sa kagagawan ko.
I want to stop the time. I want to go back on the past para makasama ko muli ang babaeng mahal na mahal ko.
"Kai! Jong In! Hoy! Gising!" may naramdaman akong tumatapik-tapik sa balikat ko. Bahagya akong gumalaw at sinulyapan kung sino ito. Nasilaw ako sa nakabukas na ilaw kaya medyo nahirapan akong maaninag kung sino nga ba iyong taong nasa harapan ko.
"N-Noona?" saad ko ng makilala ito.
"Ako nga. Sino pa ba ang inaasahan mo? Hala. Tumayo ka nga dyan at mag-usap tayo ng matino." Utos nito sa akin. Wala sana kong balak syang sundin ngunit naisip kong hindi rin nya ko titigilan kaya minabuti kong sumunod na lang. "What are you doing here?" walang sigla kong pahayag. Umupo naman ito sa upuan sa gilid ko.
"Ako? Tinatanong mo kung bakit ako nandito? C'mon Kai! Ilang araw ka nang nowhere-to-be-seen. Hindi ko nga alam kung nakikipaglaro ka sa amin ng hide and seek. Kaso wala kong time para sa mga kalokohang ganyan. Kaya pinuntahan na kita rito para tangunin...." she pauses for a while bago nagpatuloy.
"Gusto mo pa bang maging idol?" napaangat ako ng mukha at napatitig rito nang marinig ang kanyang naging tanong. Gusto ko pa bang maging idol?
"Base kasi sa mga kinikilos at pinapakita mo sa amin ngayon para bang gusto mo nang i-give up ang pangarap mo. Alam ko namang may pinagdadaanan ka ngayon at hindi 'yon ganon kadali. But Kai I want to remind you, hindi lang sa'yo umiikot ang mundo. Kung hindi mo kayang paghiwalayin ang trabaho at personal mong buhay. Kailangan mong I-let go ang isa." Naiintindihan ko ang ibig sabihin ni noona kaso anong gagawin ko? Pakiramdam ko unti-unti na kong namamatay sa tuwing naaalala ko ang asawa ko. Sa kanya na umiikot ang mundo ko.
"Sorry." Yan lang ang nasagot ko matapos kong magbuntong-hininga nang malalim. Mukhang naintindihan naman nya ang kalagayan ko't binawi ang sinabi.
"Wag kang mag-alala, hindi naman kita pipiliting mamili. Ang sa'kin lang wag mo namang pabayaan ang mga pinaghirapan mo dahil lang nasawi ka sa isang aspeto ng buhay mo. Look at yourself, ikaw pa ba 'yung Kai na kilala ko?" she looks at me intensely.
"Kung talagang gusto mong balikan ka ng asawa mo. Bigyan mo sya nang dahilan para gawin 'yon. Hindi 'yung magmumukmok ka dito sa bahay nyo. Nakapatay ang lahat ng ilaw at magdamag na mag-iinom. Ang kilala kong Kai, hindi sumusuko hangga't hindi nakukuha ang gusto nya. Get up and fix your mess."
Tumayo na sya't inabot sa akin ang isang brown envelope. Inilapag nya 'yon sa tabi ko at saka muli akong hinarap, "Isinama kita sa isang reality show, isa 'yong show kung saan ang mga artistang kalahok ay gagampanan ang trabaho ng isang ordinaryong tao sa loob ng isang linggo. Nasa loob ng envelope na 'yan ang profile ng taong gagampanan mo. Basahin mo iyon nang mabuti para makapaghanda ka ng husto. Wag muna sanang pairalin ang katigasan ng ulo mo. Sumunod ka na lang." then she start walking. Hindi pa man sya nakakalayo ay muli nya kong nilingon.
"Uhh, by the way. Nakalimutan kong i-mention, sa Seoul National University nga pala ang trabaho ng subject mo." Ngumiti pa ito sa'kin nang bigla kong mapatitig sa kanya. Mukha ito nga ang inaasahan nyang reaksyon ko. "Good luck!" saad pa nya bago nagpatuloy. Bahagya naman akong napangiti.
Salamat noona, pangako. Hindi ko sasayangin itong pagkakataong ibinigay mo sa'kin. Gagawin ko ang lahat para..... bumalik na sya sa akin.
Pagpasok ko pa lang sa bukana ng gate. Sangkatutak na estudyante na ang sumalubong sa'kin. Agad din naman silang hinarangan ng mga staff ng show.
"Tumabi muna kayong lahat!"
"Saka na kayo magpapicture at humingi ng autograph! Kailangan ng pumasok ni Kai sa klase nya!"
"Oppa!! Notice me please!"
"Waaah! Ang gwapo mo po talaga!"
Kahapon ko pa nakausap through phone ang principal ng school na 'to. Binanggit nya sa akin ang araw-araw na schedule ng professor na gagampanan ko ng trabaho. Hindi naman ako mahihirapan dahil may background naman ako sa subject nya. And isa pa, nagsimula rin akong magbasa-basa kagabi to recap my knowledge.
"This way Kai, dito ang first class mo. Don't worry, hindi mo pa naman kailangan magsimula ng lesson agad. Siguro mag introduce to yourself muna kayo para maging familiar kayo sa isa't-isa." Pahayag nung isang staff ng show habang naglalakad kami patungo sa first class ko.
"Ganon po ba? Dahil reality show 'to. At ako ang tatayong parang host ng show, nasa sa akin kung paano ko patatakbuhin ang unang episode nito?" mapangahas kong tanong. Nag-isip pa ito sandali bago sumagot.
"Hmm, parang ganon na nga. Ikaw ang gagawa ng paraan para mas maging kapaki-pakinabang ang mga magaganap." Napangiti naman ako nang marinig ang isinagot nya.
"Sure. Leave it to me." Then smiled.
Matapos akong ayusan ng personal make-up artist ko. Kinuha ko na ang mga props kong maliit na kwaderno. Isang ballpen and of course isang reading glass na mas nakadagdag sa porma ko. Naglakad ako sa hallway na hinahangaan ng mga estudyante. Makikita mo sa mga mata nila kung gaano nila ko kagustong lapitan at yakapin. Ngunit hindi nila magawa dahil nagsisimula na ang shooting.
Huminto ako sa tapat ng isang kwarto kung saan nasa loob na ang mga estudyante para sa una kong klase. Kumatok ako ng dalawang beses sa pinto dahilan para magsiaayos ng pwesto ang mga nasa loob.
As the moment I entered the place. Walang ginawa ang mga estudyante kundi ang tumili at maghiyawan. Nataranta naman ang staff dahil masisira nito ang show. Ibinaba ko ang mga gamit ko sa teacher's table at hinarap sila. I look around and found my subject.
Hinarap ko muna ang buong klase at pinagsabihan ang mga ito. "Quiet please, hindi na kayo mga bata. Be matured enough when someone is on your front. Now may I introduce myself?"
Natahimik ang lahat at sumunod sa inutos ko. Muli kong sinulyapan ang asawa ko na nakaub-ob parin sa desk matapos ang mga nangyari. Talaga bang ganito ang attitude nya kapag nasa eskwelahan?
Maliban sa kanya napansin ko rin ang kaibigan nyang nakaupo sa tabi nya. Halatang nagulat ito nang makita ito. Titig na titig naman sa akin si L. joe na nakaupo sa bandang dulo. Hindi ko sya pinansin at napatuloy sa aking ginagawa, Natuon naman ang atensyon ko sa babaeng unti-unting umaayos ng upo. Dahan-dahan nitong iniaangat ang kanyang mukha habang iminumulat ang kanyang mata. Sinulayapan ko naman sya't nginitian.
"Good morning, everyone. My name is Kim Jong In, and I will be your substitute p. e teacher for few days. Be good to me." Nagpalakpakan ang mga estudyanteng halatang nagpipigil sumigaw. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Dasuri nang makita ko. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil roon.
Finally, nakuha ko na rin ang atensyon mo.
DASURI
Takte! Nanaginip lang ba ko? Talaga bang si Kai 'tong nasa harapan ko? At anong sabi nya? S'ya ang aming S-SUBSTITUTE TEACHER?!!
Nilingon ko si Sora habang gulong-gulo ang utak ko. Pansin kong maski sya ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Napapailing na lang ako habang nagsi-sink-in sa akin ang buong pangyayari.
"Hindi. Hindi 'to pwede." Saad ko at saka padalus-dalos na tumayo mula sa upuan ko. Napatingin naman sa'kin lahat ng mga kaklase ko.
"Hala. Problema nyan?"
"Gagawa ata ng eksena."
Hindi ko sila pinansin at saka nagpatuloy sa pagalis sa pwesto ko. Kinuha ko pa 'yung bag ko para ipakitang wala na kong balak bumalik pa. Kitang-kita ko ang naging reaksyon ni Kai. Napatulala sya habang nakatitig sa'kin. Halatang gustong- gusto nya kong pigilan pero wag na nyang subukan pa dahil mapapahiya lang sya.
"Dasuri!"
"Dasuri! Wait!"
Isang boses ng lalaki ang naririnig ko habang naglalakad ako sa hallway. Hindi nagtagal ay may humablot na sa braso ko para pigilan ako sa paglalakad. Iniharap nya ko sa kanya at saka hinawakan ako sa magkabilang balikat. I lower my face.
Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Are you crying?" tanong nito nang magkaharap kami. Umiling-iling naman ako bilang sagot.
"Look at me." Hindi ko sya sinagot at sa halip ay pinunasan ang mga luha ko habang nakayuko parin.
"Liar." Nagulat ako nang bigla nya kong higitin at yakapin ng mahigpit. Hinawakan nya ang likod ko at saka hinimas-himas 'to.
"Stop crying. People might think that we are fighting. Mamaya masira pa ang image ko." Bahagya kong natawa nang marinig ang tinuran ni L. joe.
Loko talaga 'tong si mokong. Hobby nang pinapatawa ko sa kalagitnaan ng pag-iyak ko.
"Okay na ko. Salamat." Saad ko sabay hiwalay sa yakap nya. Nginitian lang naman nya ko.
"Sana di mo na ko sinundan, baka mamaya bumagsak ka pa dahil sa akin." Pahayag ko pagkarating naming sa garden ng school. Napagpasyahan kasi naming dito muna tumambay since di pa tapos yung first subject naming. "Okay lang. At least kung uulitin ko 'yung subject na 'yon. Kasama kita." He gave me genuine smile na nakapagpagaan sa loob ko.
"Ano ba. Tama na nga ang pagpapakilig, mamaya mainlove na talaga ko sa'yo nyan nang tuluyan e." biro ko sabay hampas dito. Nilingon naman nya ko't tumingin sa'kin ng seryoso,
"Bakit, hindi pa ba?"
Natameme ko't napatitig sa kanya sandali. Wala kahit anong letra ang lumabas sa bibig ko. Pakiramdam ko'y nahuli ako sa akto na gumagawa ng isang kasalanan. Pilit nila kong pinapaamin sa ginawa ko ngunit hindi ko magawa. Nakahinga lang ako nang maluwag nang si L. joe na ang unang kusang umiwas sa tinginan namin.
"Just kidding." Saad pa nya.
Hindi ako nagsalita at nanahimik lang sa isang sulok. Bakit kasi bigla na lang akong natameme sa tanong nya. Psh.
"Oo nga pala Dasuri, bakit bigla kang umalis kanina? Why you left our class just because our substitute professor is your husband? Nagtataka lang ako." Umarko ang kilay ko nang marinig ang tanong nya.
"Anong nakakapagtaka 'don. Ayoko nga syang makita diba? At isipin ko pa lang na nasa iisang kwarto kami for few hours? Parang hindi ko na maimagined. Ganon ako kagalit sa kanya. Maski marinig lang ang pangalan nya ay naiinis na ko." Pagtatapat ko rito.
"Really? Hmm, but you can't avoid him. He's our professor now, hindi pwedeng iwasan mo na lang sya lagi habang nandirito sya sa school. Hindi tatanggapin ng school ang reason mo dahil ano man ang alitan nyong dalawa, labas na sila roon."
"Now come to think of it. Ano bang napapala mo sa tuwing iniiwasan mo sya? Sino ba ang mas talo sa inyong dalawa? Sya na iniisip na naaapektuhan ka pa rin sa kanya? O ikaw na nababaliw sa ideyang he's near at you?" napaasip ako sa naging pahayag ni L. joe. Sino nga ba ang mas nahihirapan sa ginagawa kong pag-iwas?
"Argh. Ano bang dapat kong gawin? Gulong-gulong na ko e." I sound so frustrated.
Nag-inat naman si L. joe at saka ko nilingon, "Simple, be true to yourself."
Magpakatotoo... ako?
"Sorry kung bigla po kaming umalis kanina. Is it okay to still join your class?"
Gulat na gulat ang reaksyon ng mukha ni Kai nang muli kaming makita ni L. joe na bumalik sa klase nya. Hindi nya magawang itago 'yung sayang nadarama nya. Samantalang ako, hiyang-hiya. Hindi ko alam kung paano ko itatago 'tong mukha ko.
Oo, we decided to go back. May gusto kasi akong patunayan sa sarili ko. Gusto kong patunayan na.... hindi ko na talaga sya mahal.
"Simple, be true to yourself." Nilingon ko si L. joe na nakakunot ang aking noo.
Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Magpakatotoo? Paano?"
Umayos naman ito ng upo at hinarap ako, "Alam mo, there are two reasons why you keep avoiding your husband. First, because you hate him and you don't want to see him anymore. Second, you hate him because every time you saw him, he always makes you realized how much you love him."
"Now Dasuri tell me, which one is your reason?"
"Sure. No problem, you can go back on your seat now." Nakangiting pahayag ni Kai. Hindi ko na sya pinagkaabalahang sulyapan pa. Nagmamdali akong bumalik sa pwesto ko. Rinig ko pa ang bulungan ng mga kaklase ko.
"Talaga naman. Bumalik pa ang bruha! Di naman makapal ang mukha nya."
"Palibhasa, asawa nya kaya malakas ang loob."
"Dapat di na sya bumalik, ang saya na ng usapan natin saka ni Sir. Kim e. Tss."
"Panira ng moment."
"Wag mo na lang silang pansinin. Wala lang talagang magawa ang mga 'yan." Naulinigan kong pahayag ni Sora. Ngumiti naman ako sa kanya, "Alam ko."
Umayos ako nang upo at humarap na sa kinaroroonan ni Kai. Mukhang mas dumoble ang sigla nito nang bumalik kami ni L. joe sa kwarto.
"Okay class, since bumalik na 'yung dalawang classmate nyo. I guess to be fair enough to everyone. Kailangan din nilang pumunta dito sa harapan to introduce their self and tell us something that they regret from the past." Napaismid ako nang marinig ang pinapagawa nya sa amin ni L. joe. Nananadya ba sya?
"Mr. lee, ikaw na ang mauna." Tumayo naman si L. joe at sinunod si Kai. Pumunta sya sa unahan at nagsimulang magpakilala.
"L. joe is the name. Regrets? I don't have that on my past. But on the future? It looks like I will have one." 'yon lang ang sinabi nya at saka nya muling bumalik sa upuan nya.
Nagbulungan naman ang mga kaklase namin dahil sa matalinghaga nyang pahayag. Mukhang maski si Kai ay napaisip sa binitiwan nitong pahayag ngunit minabuti nitong manahimik na lamang.
"Salamat sa partipasyon mo. Mrs. Kim, can I call you now?" hindi ko alam pero sa tuwing tititigan ako ni Kai. Bakit parang bumibilis yung tibok ng puso ko? Hindi. Hindi 'to maaari.
Tumayo ako sa upuan ko at dahan-dahang lumapit sa kanya. Pansin kong hindi tinatanggal ni Kai ang mga titig nya sa'kin hanggang sa makapunta na ko sa tabi nya. Natahimik ang lahat at tinuon ang atensyon samin. Ako lang ba ang nag-iisip nito. O talagang nababasa ko sa mga mata ni Kai na miss na miss na nya ko?
Huminga ko nang malalim at hinarap ang mga kaklase ko. Sinulyapan ko pa si Sora at L. joe para kumuha sa mga ito ng lakas ng loob.
"Ako si Dasuri Kim at ang talagang pinagsisisihan ko sa nakaraan ko ay...."
"Naniwala ko sa cinderella love story. Naniwala ko sa happy ending."
"Dasuri..." I heard Kai whisper my name.
He tried to hold my hand pero umalis na agad ako sa pwesto ko para hindi nya magawa 'yon. Nakakalungkot lang isipin na ang prinsipeng pinapangarap ko noon, kinamumuhian ko na ngayon.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report