"Mama, magkaaway po ba kayo ni Tatay?"

Tumigil ako sa pagsusuklay ng buhok ni Chantal nang marinig ang tanong ni Jarvis. Nakabihis na sila at nakahanda na sa pagpasok sa school kaya naman inaayusan ko na ng buhok si Chantal.

Napalunok ako bago humarap sa kaniya. "Hmm? Bakit mo naman nasabi 'yan, 'nak?" tanong ko at tipid siyang nginitian upang itago sa kaniyang nagsisinungaling ako.

"Kasi po, Mama, hindi mo siya ni-kiss kanina saka 'di kayo nag-hug bago po tayo kumain." Sa pagkakataong iyon ay si Chantal na ang sumagot ng tanong ko kay Jarvis.

Malakas akong bumuntong hininga at nagpatuloy na lamang sa pag-aayos ng buhok ni Chantal. Ganoon ba talaga kami kahalata ni Preston? Wala sa sarili akong napailing at kinagat ang aking mga labi. "Mama, inaway ka po ba ni Tatay?"

Agad akong umiling at ibinalik ang aking tingin kay Jarvis matapos marinig ang sinabi niya. "H-Hindi. Bakit naman ako aawayin no'n? Hindi, 'nak. Hindi kami magkaaway, okay?" Mabilis na pagtanggi ko sa kaniya. Pinanliitan ako ng mata ni Jarvis ngunit sinagot ko lamang siya ng tipid na ngiti bago ako kinakabahang nag-iwas ng tingin sa kaniya. Alam kong sa mga oras na 'to, nahahalata na niya na may problema kami ni Preston pero ayaw niya akong piliting magsalita.

Lihim akong bumuntong hininga at mas binilisan pa ang pag-aayos ng buhok ni Chantal. Matapos kong i-braid ang buhok niya ay agad siyang tumayo at kinuha ang backpack na nasa sofa. "Let's go na, Jarvis!" Masiglang sambit niya. Tumayo na naman si Jarvis mula sa kama at kinuha rin ang backpack na nasa sofa. Kapagkuwan ay tumingin siya sa akin at ilang beses na kumurap. Magsasalita pa sana ako ngunit bumukas na ang pinto ng silid ni Chantal.

Pumasok si Preston at takang tumingin sa dalawa. "Papasok kayong dalawa? Hindi ba suspended ang klase?" Kunot-noong tanong niya.

Sa halip na sagutin si Preston ay sa akin tumingin ang dalawang bata. Ilang beses naman akong napakurap dahil sa gulat. Sa huli, wala akong nagawa kung hindi ang mapailing.

"Walang announcement sa TV na suspended ang klase. Saka medyo malakas lang naman ang ulan, wala naman yatang bagyo," malamig na sagot ko sa tanong ni Preston habang hindi siya tinitingnan.

Tumayo na ako mula sa kama at itinali ang aking buhok. Kapagkuwan ay tumingin ako kina Jarvis at Chantal at tipid silang nginitian. "Tara na? Kain na kayo sa baba?"

Sabay silang tumango kaya't mas lalo akong napangiti. Kinuha ko ang magkabila nilang kamay at akmang lalabas na ngunit muling nagsalita si Preston kaya't napatigil kami sa paglalakad.

"I don't have work today. Sasama ako sa paghahatid," sambit niya.

Malakas akong bumuntong hininga at marahang umiling. "Huwag na. Saka andiyan naman si Manong, siya na ang magd-drive sa amin," hindi ko pagsang-ayon sa kaniya.

"But-"

"Ano? Tara na?" Hindi ko na siya pinansin pa at tumingin na lamang kina Jarvis at Chantal. Bakas sa mga maata nila ang pagtataka ngunit hindi ko na iyon pinansin pa dahil baka ma-late na silang dalawa sa eskwelahan. Kakain pa sila at mababagal sila kung kumain kaya naman malapad na lamang akong ngumiti sa kanila.

Sa huli, nagkatinginan lamang silang dalawa at sabay na tumango. Agad naman kaming naglakad palabas ng silid nang hindi pinapansin si Preston. Habang naglalakad pababa ng first floor ay napansin kong nakasunod na sa amin si Preston ngunit hindi siya nagsasalita.

Alam ko namang ramdam niya na nagtatampo pa rin ako sa kaniya. Hindi ko nga alam kung dapat bang mas magalit pa ako o magpasalamat dahil hindi niya ako kinakausap. Hindi ko alam kung ginagawa niya ba 'yon dahil ayaw niya akong piliting makipag-usap sa kaniya dahil galit ako o baka naman ay dahil wala talaga siyang balak na suyuin ako at pinili niyang itaas ang pride sa halip na magsorry siya dahil naglihim siya sa akin.

Malakas akong bumuntong hininga at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Nakahanda na ang mga kakainin sa lamesa nang makababa kami kaya naman agad akong nagpasalamat kay Manang Lerma at nag-sorry dahil hindi ako nakatulong sa kaniya sa pagluluto.

"Pansin kong lagi kang matamlay nitong mga nakakaraang araw, ah?" Sinapo ni Manang Lerma ang noo ko at kunot noo akong tiningnan. "May sakit ka bang iba? Hindi ka naman lagnat, ah?"

Umiling ako at tipid siyang nginitian. "Pagod lang po talaga ako palagi, Manang. Pasensiya na po, hindi na naman ako nakatulong sa inyo ngayon," mahinang sambit ko.

Tumango at ngumiti lamang sa akin si Manang Lerma kaya't nagpaalam na ako at bumalik na sa may dining table kung saan nakaupo na ang tatlo.

"Jarvis, it's cold, right?" Rinig kong tanong ni Chantal kay Jarvis habang yakap ang sarili.

Lumingon sa kaniya si Jarvis at kunot-noo siyang tiningnan. "Malamig nga kasi naulan. Kuha ko ba jacket mo sa taas, Chanty?"

Tumango naman si Chantal kaya't akmang tatayo na si Jarvis ngunit nauhan na siya ni Preston. "Ako na ang kukuha," sambit niya kaya't umayos na lamang sa pagkakaupo si Jarvis. "Babe?"

Nag-angat ako ng tingin nang tawagin niya ako ngunit huli na nang marealize ko na out of character na pala ako-galit nga pala ako sa kaniya kaya dapat, hindi ako nag-angat ng tingin sa simpleng pagtawag niya lang sa akin ng babe. Ang babaw ko naman yata masyado kapag gano-

"Babe?"

"Ano?!" Inis na tanong ko nang tawagin na naman niya ako. Agad naman akong napangiwi nang nag-react na naman ako sa pagtawag niya. Nang tingnan ko siya ay nakataas na ang sulok ng labi niya kaya't umirap ako at umayos ng upo. "Samahan mo ako sa taas. Hindi ko alam kung nasaan ang jacket ni Chantal at Jarvis."

Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko. "E 'di umupo ka nalang diyan. Ako na ang kukuha," naiiling na sambit ko at tumayo na. Hindi ko na siya nilingon pa at dire-diretsong naglakad papunta sa second floor kung saan naroon ang jacket ni Chantal. Hindi naman siya sumunod sa akin kaya't napailing na lamang ako.

Dahil alam ko na naman kung nasaan ang mga damit ni Chantal ay agad kong nahanap ang jacket niya. Masiyado siyang maraming jacket pero 'yong pinakamalaki na lamang ang kinuha ko dahil baka hindi na kasiya sa kaniya ang iba. Naghanap na rin ako ng jacket na hindi halatang pambabae at sigurado akong kakasya kay Jarvis. Hindi kasi ako nakapagdala ng jacket ni Jarvis kaya't hihiramin ko muna ang kay Chantal.

Nang makuha ko na ang jacket na ipapasuot ko sa kanilang dalawa ay saka ako dali-daling lumabas subalit hindi ko pa man tuluyang naisasara ang pinto ay agad din akong natigilan nang makita si Preston na prenteng nakasandal sa dingding at halatang hinihintay akong lumabas.

Malakas akong bumuntong hininga at akmang lalakad na sana palayo ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakahakbang ay agad ko nang naramdaman ang mahigpit niyang pagkayap sa akin.

"Anong ginagawa mo?" Malamig na tanong ko sa kaniya at sinubukang alisin ang kamay niya sa aking baywang. Sa halip na alisin, mas hinigpitan niya pa ang pagkakayap sa akin. "Let's talk."

"Puwede namang mamaya na lamang tayo mag-usap. Papasok ang mga bata, kailangan kong ibigay 'tong mga jacket nila." "Babe, please..."

"Preston," seryosong banta ko nang hindi siya makinig sa akin. Malakas naman siyang bumuntong hininga at isinubsob ang ulo sa aking balikat.

"Sorry na," mahina niyang sabi at hinawakan ang aking baywang upang mas hilahin pa ako palapit sa kaniya. "Babe, I'm sorry, huh?"

Malakas akong bumuntong hininga at marahang umiling. Alam ko naman na marupok ako at isang sorry lang, ayos na sa akin. Ganoon din ako kay Jarvis. Hindi ako mahilig magtanim ng sama ng loob dahil alam kong sa huli, mas lalo lang gugulo ang lahat. Ganoon din naman ang gusto kong gawin kay Preston-gusto ko siyang patawarin.

"Ang problema kasi, nagsosorry ka lang pero hindi mo naman ina-admit ang mali mo. Kasi ako, alam ko na may mali ako, Preston. Mali ako dahil ayaw kong sabihin sa 'yo kung sinong tatay ni Jarvis. Pero kasi, mali ka rin. May mali ka rin... at dapat alam mo muna kung ano 'yong maling 'yon bago ka magsorry sa akin."

"Babe..."

Muli akong umiling. "Kasi Preston, kapag nagsosorry ka, ibig sabihin, nangangako ka na hindi mo na uulitin pa 'yong bagay na hindi mo dapat ginawa. Sa lagay na 'to, paano mapapanatag ang loob ko na hindi mo na uulitin ang ginawa mo kung hindi mo naman alam kung saan ka nagkamali? Mali 'yon, okay?"

Malakas siyang bumuntong hininga kaya't inalis ko na ang kamay niya sa baywang ko. Humarap ako sa kaniya at tipid siyang nginitian. "Sa susunod ka nalang mag-sorry kapag nakapag-reflect ka na sa ginawa mo. Hindi naman ako nagmamadali. Hindi rin naman ako aalis dito dahil lang nag-away tayo nang ganoon. Ang gusto at hinihintay ko lang, ang magsorry ka nang bukal sa loob mo at hindi na maulit pa ang ginawa mo. 'Yon lang naman,” dagdag ko pa at tipid siyang nginitian.

Sa ikalawang pagkakataon, akmang aalis na ako ngunit hinila na naman niya ako palapit. Muli niya akong niyakap na para bang sabik na sabik siyang yakapin ako kaya't kinagat ko ang aking ibabang labi.

"I'm sorry," mahinang bulong niya kaya't magsasalita na sana akong muli at uulitin ang sinabi ko kanina ngunit nauna na siya.

"I'm sorry kung masiyadong mataas ang pride ko dahil hindi kaagad ako nagsorry. Sorry kung naglihim ako sa 'yo. Sorry rin dahil wala akong balak na sabihin sa 'yo kung sinong nanay ni Chantal... kasi babe, hindi na naman 'yon mahalaga. Sa aming dalawa naman ni Margaux hindi na rin 'yon mahalaga dahil wala na kami. I'm sorry if I kept everything a secret from you... hindi ko na uulitin, I promise,” dagdag ni Preston.

Malakas akong bumuntong hininga. "Promise?"

"I promise. I swear on Chantal's name that I'll try to be a better man for the three of you. Pasensya na kung dahil sa akin, naapektuhan din ang dalawang bata..." Humugot siya ng malalim na buntong hininga at napailing kahit na yakap niya ako. "Pati tuloy 'yong dalawa, namroblema dahil sa kagaguhan ko. I'm sorry. I'll be better, huh? I promise."

"How about..."

Hindi ko kaagad naituloy ang dapat na sasabihin ko nang maisip na baka ma-offend siya. "What?" tanong niya, marahil nang mapansin na natigilan ako.

"I-Is it really true that..." Kinagat ko ang aking ibabang labi at malakas na bumuntong hininga. Kung hindi ko itatanong sa kaniya, baka mamatay lang din ako kakaisip. "Totoo bang nag-cheat ka kay Margaux? Nauna kang nagcheat kaysa sa kaniya?"

Natahimik si Preston kaya't napalunok ako. Na-offend ko ba siya sa tanong ko? O baka naman totoo ang nasa isip ko?

Umiling si Preston. "There's no cheating involved here, babe. I promise. It's hard to explain but I swear, I didn't cheat on her. Mamatay man ako sa harap mo ngayon," seryosong sambit niya.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Kung wala, paanong nagka-Chantal? Preston, hindi naman ako ganoong katanga-"

"Ipapaliwanag ko sa 'yo kapag naayos ko na ang lahat, huh? Mahirap ipaliwanag ngayon at mas lalong hindi pa ako handang pag-usapan nag bagay na 'yan. I promise, I'll explain everything to you. Hindi man ngayon pero pangako, balang araw, maiintindihan mo rin ang lahat," pagputol niya sa dapat ay sasabihin ko.

Hindi ko na naman napigilang bumuntong hininga dahil doon. "F-Fine. Kung ayaw mo pang sabihin, sige. Ayos lang. Ganito nalang..."

Bumitiw ako sa yakap niya bago muling tumingin sa kaniya. Nag-angat pa ako ng tingin upang matingnan ko siya sa kaniyang mga mata dahil mas matangkad siya sa akin. Tipid ko siyang nginitian. "Bibigyan kita ng oras na ipaliwanag sa akin ang lahat. Kapag handa ka na, saka ko na rin sasabihin sa 'yo ang tungkol sa tatay ni Jarvis... lahat-lahat. A-Ayos ba?"

Tumango siya kaya't mas lalo akong napangiti. Lumiyad ako para maabot ang labi niya at saglit siyang hinalikan. Agad din naman akong humiwalay kaya't napalabi siya.

He groaned. “God. I miss kissing you, babe. Isa pa?"

Mahina akong natawa at umiling. "Nah. Naghihintay na 'yong mga bata sa baba. Next time nalang, huh? I'll kiss you more next time."

**

"Manong, magcocommute na lang po ako. Dito muna kayo sa school kasi baka mamaya, ma-suspend ang klase nina Jarvis at Chantal para masundo niyo at hindi na kayo magpabalik-balik. Halfday pa rin naman po sila kaya kahit na hindi i- suspend, saglit lang din po kayo rito. Ah, heto nga po pala, pambili ng almusal o meryenda niyo kapag nagutom kayo kakahintay. May café po roon sa may tapat."

Inabot ko kay Manong na family driver ang five hundred pesos na ibinigay sa akin kanina ni Preston at tipid siyang nginitian.

"Pero Ma'am "

"Ay, Kuya. Sa inyo na nga po 'yan. I-text niyo nalang po ako kung sakali mang ma-suspend man ang klase para alam ko po na maagang uuwi ang mga bata," pagputol ko sa sasabihin niya. "Mauna na po ako, Manong. May taxi na. Ingat po kayo ni Chantal at Jarvis, ah?"

Pinara ko ang taxi na daraan sa puwesto namin at laking pasasalamat ko naman nang huminto iyon. Kumaway pa sa akin si Manong at sinabing mag-ingat din ako bago ako sumakay sa taxi.

Medyo naging matagal ang biyahe namin dahil mabagal ang naging pagpapatakbo ng driver. Basa pa kasi ang kalsada dahil sa lakas ng ulan magdamag at maging kaninang umaga ay umambon-ambon din kaya naman hindi ko masisisi si Kuyang driver na mabagal ang pagmamaneho niya.

Nagbayad lamang ako sa taxi driver nang makarating kami sa may tapat ng bahay. May nakaparada kasing sasakyan sa mismong tapat ng bahay kaya't hindi ako saktong nakababa roon. Medyo umaambon pa naman kaya't sinubukan kong takpan ang ulo ko gamit ang aking dalawang kamay.

Madulas man ang daan ay lakad-takbo pa rin ang ginawa ko dahil baka mabasa ako ng ambon ngunit agad din akong napatigil nang makita kung sinong nasa tapat ng bahay ni Preston. Nakatalikod ito habang nakatingin sa bahay ngunit nang mapansin ang presensiya ko ay agad din siyang humarap sa akin.

Kapwa nanlaki ang aming mga mata nang makita ang isa't-isa. Ilang taon na ba nang huli kaming nagkita? Tatlo o apat na taon? Ewan ko. Basta ang alam ko, bigla na lamang siyang umalis nang hindi nagpapaalam sa akin kahit na sinabi niyang tutulungan niya ako sa pagpapalaki kay Jarvis.

Napalunok ako at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Lyana..." mahinang pagtawag niya sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?"

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report