The Crazy Rich Madame
Chapter 67: Surprised by Visit.

Hindi makatulog magdamag si Lucien dahil sa mga nangyari noong nakaraang araw. Madaling araw na nang maka uwi siya mula sa bar na pinuntahan niya para maglibang at makalimutan ang naganap sa salon habang kasama niya si Vladimyr.

Hindi niya inaasahan na mati- trigger na naman ang ganoong ugali niya dahil sa mga magnanakaw na yon.

Ten hours earlier, "wag!"

Napasigaw sa sobrang gulat si Lucien nang makita ang isa sa mga hold-upper na dinampot ang nakakalat na baril sa sahig kahit namimilipit na ito sa sakit habang hawak ang sikmura.

Humangos ng takbo at halos talunin ni Lucien ang pagitan nila ng lalaki na may ilang hakbang din ang pagitan upang pigilan ang ano mang masamang binabalak nito. Nanlaki ang mga mata ni Lucien kasabay ang panlalamig ng buo niyang katawan matapos maiputok ng lalaki ang baril bago niya pa ito nahawakan. Kaagad napalingon si Lucien sa direksyon kung saan nakatutok ang baril at 'di napigilang mapasigaw. "No!"

Umalingawngaw ang putok ng baril kasunod ang mga sigaw ng pagkasindak at singhap ng mga tao sa loob ng salon. Hindi nila inaasahan ang isa sa mga hold-upper ay pupuntiryahin ang batang si Drak. Na noon ay katabi nina Cheya at ng ina nitong sinusubukang protektahan sila.

"Drak!"

Halos tumalon ang puso ni Lucien dulot ng sobrang kaba na agad lumukob sa kanya pagkakitang nakatutok ang baril sa mismong anak ni Vladimyr na si Drak. At walang pag-aalinlangan na kalabitin ng lalaki ang gatilyo ng baril na hawak nito. Halos liparin ni Lucien ang direksyon at pagitan niya at ng mga bata para subukang iligtas ang mga ito. Ngunit hindi niya inaasahan ang sunod na magaganap.

Tila ba huminto ang oras at tanging nakakabinging katahimikan ang lumaganap sa buong paligid. Binasag ng mahinang tunog ng balang walang habas na tumagos sa katawan ng ina ng batang si Cheya. Matapos itulak nito ang anak ni Vladimyr. Bago pa tumama ang bala sa bata.

Agad umakayat ang nag-uumapaw na galit sa dibdib ni Lucien. Sinugod niya ang lalaking bumaril sabay hila sa damit nito at binanatan ng malalakas na suntok. Mula sa solido niyang kamao. Na halos kaya nang dumurog ng mga buto, dahil sa matinding galit na lumulukob sa katinuan niya.

Tila pinakawalan ng lalaking ito ang nakatagong halimaw sa kalooban ni Lucien ng mga sandaling iyon.

Blangko na ang isip niya dahil sa galit.

Binuhat ni Lucien ang lalaki sa ere saka buong lakas itong ibininato sa pader ng walang pag-aalinlangan.

Sa sobrang galit na lumulukob sa katinuan niya, hindi na niya magawang kumalma. Nakita niya na lang si Vladimyr sa harap niya na napakalapit.

Malapit na halos magdikit na ang kanilang mukha at unti-unti niyang nararamdaman ang malabot na bagay na nakalapat sa kaniyang na a tila bloke-blokeng yelo na unti-unting nagpapahupa sa naglalagablab niyang galit. "Baby...kalma."

Paulit-ulit niyang nadidinig ang mga katagang iyon na parang isang tinig na nanunuot sa kaniyang isip at nagpapabalik sa kaniya sa katinuan. "Baby..."

Tuluyang kumalma si Lucien at nakita ang magandang mukha ni Vladimyr, bigla siyang napaluha at niyakap ng mahigpit ang huli.

"I'm sorry... I'm sorry baby..."

"Ayos lang... ayos lang yan baby..."

Nalilitong napatitig si Lucien kay Vladimyr na tila nagsisisi sa biglang pagbabago ng ugali niya at agad nanlaki ang mga mata nang maalala ang nanay ng batang si Cheya na tinamaan ng bala. At ang anak nitong si Drak. "Where's Drak?" Kinakabahan niyang tanong kay Vladimyr. "Where's your son?"

"He's fine... he's in the car now, baby."

"F-Fuck!"

"Pero si ate tabs ang tinamaan ng bala. Kaya dinala na siya sa ospital ngayon."

"Ano daw ang lagay niya?"

"Sa tiyan siya tinamaan, hindi pa ako sigurado..."

"And the thieves? Where's that man?"

"Hindi ko alam kung mabubuhay pa yon, hindi maganda ang lagay eh, dinala na rin ng tunay na mga pulis." Naiiling na sagot ni Vladimyr saka muling tumingin sa kaniya. Present time,

Umaga na ay di pa rin dalawin ng antok si Lucien kaya nagpasya na lang siyang bumangon at puntahan si Vladimyr para dalawin at kamustahin.

Tumayo si Lucien mula sa kaniyang kama at dumiretso sa banyo para maligo. Agad siyang nagbihis ng simpleng itim na tshirt at regular cut ng asul na pantalon at Snickers. Pagbaba niya mula sa kaniyang kwarto, sinalubong siya ni Casper na may hawak na tasa ng kape. Kasunod ang ilan pang katulong at bagong tagaluto. Para bumati sa kaniya. Bahagyang natigilan si Lucien at gumala ang paningin. Hinanap ng mga mata niya ang taong nag-alaga sa kaniya. Pero nadismaya din agad nang maalala na pinaalis niya ito. Matapos malaman ang katotohanan kung paano tinrato ng mga ito, noon si Vladimyr. Noong dinadala nito ang ikatlong henerasyon ng mga Ezquillon.

Natakot siya nang nalaman niya na di man lang inisip ng mga ito na maaaring ikapahamak ng mga inosenteng bata sa sinapupunan ni Vladimyr ang kanilang ginawa. Kahit alam pa ng mga ito na totoong anak ni Luvien ang mga batang iyon. Para kay Lucien, walang kapatawaran ang ginawa ng mga magulang niya kay Vladimyr. Gayun din at nakisali pa ang mga katulong sa pang-aapi noon.

"Master Lucien, nagpahanda na ako ng agahan, pwede na kayong mag almusal muna." Ani Casper na nakatingin sa kaniya.

Walang gana na tumanga si Lucien na bumaba ng hagdan at dumeretso sa dining room.

Pagpasok niya doon, nalanghap niya agad ang mabangong amoy ng pagkain, na naging dahilan para makaramdam siya ng gutom.

Humugot ng silya si Lucien at maingat na umupo habang ang mga katulong niya ay abala sa pag-aasikaso sa kaniya.

Pinaupo ni Lucien ang iba pang katulong upang sabayan siya ng mga ito sa pag-aalmusal.

"Don't hesitate, let's eat together! the food is for everyone." wika pa niya kaya kumain na rin ang mga ito.

"Vladimyr says we need to treat everyone in our house like a family. Not just a servant or employee." Masigla niya pang sabi.

"Talaga Master? Sinabi ni ma'am Vladimyr yon?"

"Yes." Sagot niya. "In her house, everyone has their tables to eat breakfast with her family."

"Ibig sabihin hindi maselan si ma'am Vladimyr? Kung ano ang oagkain nila, ganun din ang pagkain ng mga tauhan niya?"

Tumango si Lucien na may ngiti.

"Uhm."

"Ewan ko Master ah, pero tuwing pupunta tayo sa mansion ni ma'am Vladimyr, pakiramdam ko nasa kastilyo ako at napaka lawak ng bakuran niya. Tapos yung mga tauhan niya napakarami, kahit saan ka bumaling may mga bantay." "I don't know but I guess, she has more or less five hundred personal men in her mansion."

"Grabe Master! Ganoon ka dami?"

"Not really sure."

"Hindi ko alam na ganoon ka yaman ang girlfriend mo sir!"

"Well..."He chuckles and smiles brightly.

"Not just rich but has a good heart."

'actually wise and incredibly tough...' His inner self added while smiling ear to ear.

"Lapad ng ngiti mo sir! Halatang inlove na inlove ka na dyan kay ma'am Vladimyr..."

"I won't deny it. I love her head over heels."

"Eh kailan ba ang kasal, sir? Para naman makahigop ng sabaw?"

Nangunot ang noo ni Lucien kay Casper.

"Gusto mo ng sabaw?"

"Oo sir!"

Tumango-tango si Lucien saka kinuha ang bowl na may beef soup at inabot kay Casper.

"Here's the soup. Its beef I guess."

Natawa naman ang huli sa ginawa ang amo pero kinuha na rin ang bowl.

"Hindi ito ang ibig kong sabihin sir."

"You said you like some soup?"

"Isa iyong matandang bukang bibig tuwing may magaganap na kasal o selebrasyon."

"You mean, an expression?"

"Oo sir ganun na nga."

Tumango ulit si Lucien.

"I see. I thought you are asking for a soup.'

Tumawa si Casper sa reaksyon ni Lucien. Palibhasa ay lumaki ito sa ibang bansa. Wala itong alam na mga bukambibig ng matatanda dito sa bansa. "By the way,"

Nag-angat ngvtingin si Lucien kay Casper.

"I'm going to visit Vladimyr today." He said after having a sip on his Coffee.

"Tumawag si Diana sir, may meeting daw kayo ngayon ng board members."

Kumunot ang noo ni Lucien sa sinabi ni Casper.

"Meeting with who?"

Tumango naman si Casper bago nagsalita.

"hindi ko alam Sir."

"Cancel it. And tell Diana if the members complained about my decision, kick them out of my company."

"Yes Master Luvien."

"Wala akong panahon mag aksaya ng oras sa mga pansarili nilang reklamo." Walang gana niyang sabi.

"I'm not trying to keep the EZ company for those swines. Kung hindi nila gusto ang pamamalakad ko, they are free to leave." Dagdag pa niya saka tumayo.

"I gotta go now."

Nagmamadaling tumayo si Casper para sumunod kay Lucien. Agad silang dumeretso sa car park saka sumakay ng kotse. "Daan muna tayo sa fastfood, gusto kong pasalubungan ang mga pamangkin ko."

"Yes sir!"

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report