The Crazy Rich Madame
Chapter 68: Who's using his name?

Tahimik na nakaupo si Vladimyr sa mahabang sofa habang naghihintay kay Ethan na magsalita. Humugod siya ng wet wipes sa box para punasan ang mga kamay bago dinampot ang envelope na inilapag ni Ethan sa tapat niya. Napapaisip na kinuha ni Vladimyr ang envelope at binuksan iyon saka isa-isang tiningnan ang mga naka sulat.

Nagtaas siya ng tingin kay Ethan, na nakatayo at nakapamewang habang nakatingin din sa kaniya.

"Mga proof of shipping transaction ito galing sa...Mexico?" Nagtataka niyang tanong kay Ethan. Tumaas ang dalawang kilay ni Ethan bago sumagot sa tanong ni Vladimyr.

"Yeah. And the name of the recipient is from Africa."

"Ang layo ah." Ani Vladimyr na di makapaniwala.

"And look at all the names of the recipients."

"Kay Luvien lahat naka pangalan ang mga to." Hindi makapaniwalang sambit ni Vladimyr.

"That's right. So we dig more regarding to that information. At may mga nalaman pa kami."Noah said.

Muling ibinaling ni Vladimyr ang atensyon sa mga papeles at may napansin siyang ikinagulat at ikinataka niya.

"September 13... teka kelan lang to ah?" Nakakunot ang noo ni Vladimyr na tumingin kay Ethan. "Imposibleng si Luvien ang umorder nito dahil lagi kaming magkasama nitong September." Dagdag pa niya.

"Yeah. At isa lang ibig sabihin niyan," Suddenly Leon said. "That someone is using your ex's name... And it's not really him who is causing threats against you, Vladimyr..."

Ibinalik no Vladimyr ang mga papeles sa loob ng brown envelope at napapaisip na sumandal sa backrest.

"Kung sino mang hudas ang gumagamit sa pangalan ni Luvien para mahulog ako sa bitag nila, pwes, ako mismo ang lalapit para di na nila pahirapan ang mga sarili nila sa pagtatago." Naiinis niyang sabi habang nakatingala sa kisame. "Wag kang magpadalos-dalos Vladimyr, baka nasa paligid lang din sila at nagmamasid sa iyo." Ani Leon at tangkang dadampot ng piraso ng bayabas pero tinampal ni Vladimyr ang kamay nito at sinamaan ng tingin.

"Kumuha ka ng sayo. Akin to!" Aniya sabay kuha ng bowl na pianglalagyan ng bayabas. Binuhos ang bagoong at hinalo ng kaniyang daliri.

Napapailing na natawa si Ethan habang si Leon naman at nangunot ang noo sa inasal niya.

"So, posibleng hindi nga ang mga kapatid ni Donya Luz ang nagtatangka sa buhay ko nitong mga nakaraang taon?" Tanong niya kay Ethan.

"They tried, but, according to my source," umupo si Ethan sa isang sofa bago sumagot." Hindi natuloy dahil nalaman nila na nalulugi na ang kompanya at plantasyon ni Don Gregorio." Napataas ang kilay ni Vladimyr.

"Pero may ilan taon na rin akong parang nakapatong ang ulo sa sangkalan. Threats are always coming..."

"At ito pa ang nalaman ko, biglaan ang mga nangyayaring pagka bankrupt ng kompanya ni Don Gregorio."

Sa sinabing iyon ni Ethan, agad na dinampot ni Vladimyr ang cellphone niya at tinawagan ang secretary niyang si Jillian Stefan.

"Jillian?"

"Yes, Madam?"

"I need all the financial report of the VLADMOON Company, these passed six years, the vice president background, and other officer's informations. I'm giving you ten minutes." "Yes Madam."

Pagkatapos kausapin ang secretarya. Tinawagan naman ni Vladimyr si Atty. Enriquez.

"Yes, Miss Dela Claire?"

"May traydor sa VladMoon Company, Ikaw na bahalang kumaladkad sa hudas na yan, Atty. Enriquez..."

"Consider it done, Vladimyr..."

"Good."

Pagkatapos kausapin ni Vladimyr ang dalawang pinagkakatiwalaan niyang tao. Muli niyang hinarap sina Ethan. "Proceed." Utos ni Vladimyr.

Tumango si Ethan at may isa pang inilapag sa harap ni Vladimyr na mga listahan.

"Ano ang mga ito?"

"Alam kong hindi ka pamilyar sa mga yan Vlad," seryosong wika ni Ethan. "Mga sangkap yan sa pag gawa ng bomba." "Bomba?"

"Wag mong sabihin na nagtatangka silang bombahin si Vladimyr?" Nag aalalang sabat ni Noah.

"Posible yan..." Ethan.

"Ganun sila ka determinado na pabagsakin ka Vladimyr?" Leon asked.

Tahimik na napabuntong hininga si Vladimyr at nag iisip. Ilang segundo din siyang naka ganoon at hinayaan nan siya nina Ethan, Noah at Leon. Batid ng tatlo ang problemang pinagdadaanan ni Vladimyr at mga panganib na hinaharap nito mapanatili lang ang kaligtasan ng pamilya niya.

Kaya lang may pagka-reckless ito kaya madalas napapahamak. Pero matalino rin at sobrang lakas ng loob kaya kinakapitan ng swerte.

"siguro nga ganoon ka laki ang epekto ko sa kanila kaya kapit bomba na rin sila para burahin ako sa landas nila." Ani Vladimyr at tagusan na naka tingin sa lamesa. Napalatak si Leon dahil sa sinagot ni Vladimyr, hindi manlang mabakasan ng pag aalala sa mukha.

"Hindi ka ba nag aalala sa mga nalaman mo?" Leon tsked irritatingly. "Desperado na ang mga iyon at sigurado akong kumikilos na sila para wakasan ka, Vladimyr...nag aalala ako para kay Charlie at sa mga bata." Napatingin si Vladimyr kay Leon na magkasalubong ang mga kilay. Hindi sa pagka irita, kundi pagtataka.

"At sino naman ang nagsabo sayo na hindi ako nag aalala?" Kaswal na sagot ni Vladimyr.

"Syempre nag-aalala ako. Sobra-sobra ang pag aalala ko Leon. Hindi para sa sarili ko, kundi para sa pamilya ko. Sa mga kapatid ko at lalo na sa mga anak ko. Pero kung ipapakita ko 'yon, walang maititulong iyon sa ating lahat." Ani Vladimyr na may pagkadismaya. Bumuntong hininga siya at muling nagsalita.

"Kung makikita niyong nag aalala ako, mag aalala din kayo. Kung makikita niyong napanghihinaan ako ng loob, baka mawala kayo sa focus. At ayokong mangyari yon." Seryoso niyang sabi at isa isang tiningnan ang tatlo na puno ng determinasyon sa mga mata.

"Kaya kong lumaban basta nandyan kayong lahat. Para akong isang baril at kayo ang bala. Hindi ako kumpleto kung wala kayo at hindi ko hahayaan na mawala kayo." Hindi makapaniwalang napatitig si Leon kay Vladimyr. Sa isang iglap ang mga pag aalala niya ay nabura dahil sa sinabing iyon ng huli.

Pakiramdam niya siya pa itong lalaki perk siya pa itong nilalamon ng takot imbis na dapat maging matapang siya para sa anak niya at para sa babaeng minamahal niya.

"I'm sorry, Vladimyr. I don't really mean it..." Nahihiyang sambit ni Leon at napahilamos.

Tinapik nina Ethan at Noah ang balikat ni Leon bilang pakikisimpatya sa nararamdaman nito. Napabuntong hininga din si Leon at iwinaksi na lang muna ang mga pag aalala. Alam niya na kailangan din niyang maging matapang para sa lahat. Para sa magiging pamilya niya.

Muling napapikit si Vladimyr ng lang segundo upang kalmahin ang sarili.

Hindi siya makapaniwala habang unti unting napagtatanto habang pinag tatagni tagni ang mga sinabi ni Ethan.

Sa gitna ng nakakabinging katahimikan, malutong na halakhak ni Vladimyr ang bumasag at sumakop sa buong living room at umaalingawngaw na para bang nakarinig ng pinaka nakakatawang biro sa buong buhay niya. Nagtatakang nagkakatinginan ang tatlong lalaki sa naging reaksyon ni Vladimyr hanggang sa humupa ang mga halakhak nito na at huminga ng malalim.

"Sorry ah...pero hindi ko talaga mapigilan na matawa dahil sa mga nalaman ko. Alam mo ba?" Aniya sa mga ito, na di pa rin mahulaan ang iniisip niya.

"Ngayon ko lang na-realize na, tinuturing na pala nila... Na ganoon ako ka-laking banta para seryosohin nila ng masyado ang existence ko..." aniya at muling napakhalakhak.

Kunot noo na nakatingin sa kaniya sina Ethan, Noah at Leon dahil sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin..." kuryosong tanong Leon kay Vladimyr.

"Di mo ba napansin?, For seven years of being the new Madame of Dela Claire Clan, the Fourth boss of the Phoenix Org., I never envisioned my self as a big threats to those unnamed enemies out there..." Nakangisi niyang sabi sabay tingin sa tatlong lalaki, na napapantastikuhan sa kaniya.

"But look at how determine those idiots out there to crush me?...a simple woman..." Napahalakhak na naman si Vladimyr bago muling nagsalita.

"Ang sarap pala sa pakiramdam na ituring kang banta ng mga di mo kilalang kalaban." Napangisi na naman siya. "I feel fantastic!"

"Nababaliw ka na Vladimyr..." Asik ni Noah.

Nagkibit balikat lang sya at muling nilantakan ang prutas.

"Matagal na Noah..."

"Ibang klase ka talaga...nakakatawa ka pa kahit sa ganitong sitwasyon?" tanongLeon.

"Dapat ba umiyak ako?" Nakangiting ani ni Vladimyr. "They are playing hide and seek, and I'm the seeker. Siguraduhin lang nilang nagtatago sila ng mabuti. Dahil kapag nakita ko sila, pasensyahan na lang~" Vlad grins wickedly. Leon, Noah and Ethan were devastated by what Vladimyr said. Plus the intimidating aura coming from her.

"Vladimyr...nakakatakot ka na-" Leon said.

"C'mon Leon, hindi ko ugali na magmukmok, mamoroblema o iyakan ang mga bagay na dapat tinatawanan ko lang... those things won't give me any help." She simply said and munch a slice of guava and say, "-while lauging or smiling makes me feel alive and energetic..." dagdag niya pa pagkatapos lunukin ang kinain at sumubo pa ng isang hiwa. "Plus, those dick doesn't deserve my fear..."

"Wow. What a great nickname they got..." Ethan chuckles. "Let's be more careful. Sigurado akong kumikilos na ang mga iyon."

"Yeah. Those dickhead and a pussy one...too scared to show themselves to a woman like me..." napangisi na naman si Vladimyr mg malapad. "Iniisip yata nila na mayayanig nila ang sistema ko sa presensya nila?" Nakangising ani ni Vladimyr. Bumaling si Vladimyr kay Noah at nagsalita, "Noah, dig more of the info's about the Sevilla's actions, phone calls or bank transactions." Seryoso utos ni Vladimyr. Agad kumilos si Noah at magsimulang tumipa sa laptop niya. "I'm sure may makukuha tayong information na pwedeng makapagbigay ng clue sa tunay kong kalaban...." She said and grins creepily. "Sisimulan ko nang makipag laro..."

"Minsan ayokong nakikita kang nakangiti eh..." Noah.

"Anong ibig mong sabihin dyan?"

"Cuz you have the most killer smile Vladimyr..." Noah.

"Dahil sobrang ganda ng ngiti ko?"

"Not really..."

"Then what?"

"You have the most killer smile that they won't wish to see."

"Hmm?"

"Dahil sa lahat ng killer smile yang sa'yo hindi nila nanaisin makita. Dahil kapag ngumiti ka, literal...dapat kabahan ka na."

"A killer's smile, you mean?"

"Yeah! You got it right, General."

"D*mn!"

"Ang sama ng ugali mo no?"

"I am just stating the f*ck!"

"Isusumbong kita kay Reika. Sabihin ko wag kang paiisahin." Asik ni Vladimyr kay Noah.

Sinamaan ng tingin ni Noah si Vladimyr at ambang babatuhin ng unan.

Mabilis na tumakbo si Vladimyr sa likod ni Ethan at nagtago habang tumatawa ng malakas. Dahilan para matawa naman ito at hayaan siya doon. "Saka bakit ka ba kain ng kain niyan? Akala ko ba hate mo ang bayabas?"

"Anong hate? Masarap kaya!"

"Ang aga aga iyang ang kinakain mo, daig mo pa ang naglilihi-teka...wag mong sabihin na buntis ka?"

Biglang na tahimik si Vladimyr at nakatingin kay Noah dahil sa tinuran nito. Saka nagbaba ng tingin sa bowl ng hiniwang bayabas na halos mauubos na.

"Daddy!"

Sabay sabay na napatingin sina Vladimyr kay Grusia na tumatakbo pa lapit sa dereksyon nila. Gayundin ang iba pang mga anak ni Vladimyr na may dalang supot ng fast foo". Napangiti si Vladimyr pagkakita sa dumating ngunit ang mga mata nitong gulat na gulat at bakas din ang pagkalito.

"Anong ibig sabihin nito, Vladimyr?"

"Luvien?"

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report