The Perfect Bad Boy
Chapter 33 Makakaya ko rin

Last day na ng klase ngaun. Hindi pa din ako makapaniwala na nakasurvive ako sa loob ng isang linggo. Tahimik ang issue. Ala nang bumatikos sa akin. Bigla nalang nawala. Plano kong magfull time sa shop ni Dom. Para makaipon na din ako para sa enrolment sa next sem. Kahit naman kasi scholar ako ay may iba pa din akong pinag kakagastusan. Sa araw araw ng ginawa ng diyos, araw araw akong gumagawa ng paraan para maayos kami. But still, alang nabago sa kanya. Hindi ko na din alam ang gagawin ko.

"Julia, sabay na tayo sa school?" Bungad sa akin ni Athena. It's kinda weird na normal na ulit ang trato niya sa akin. Well, ayos din naman iyon. Mas nasasaktan kasi ako kapag may awa silang nadadama para sa akin. Niligpit ko ang mga cups at hinubad ang cap na suot ko. "Sige.."

Pumasok ako sa locker at nagpalit ng damit. Pwede naman kasi mag civilian ngaun dahil last day na. Tsaka inaya ako ni Athena sa Boolshoi Booze mamaya. Pumayag ako. Para naman makalimot ako kahit ilang oras lang. "Ano plano mo sa sembreak?" Pilit akong kinakausap ni Athena habang naglalakad kami papunta sa university. I shrugged. Ala naman talaga akong plano eh. "Baka mag fulltime ako sa shop." Sagot ko.

Nang makarating kami sa university ay naghiwalay kami ng landas. Sa kabilang building kasi ang kila Athena.

Pagpasok ko sa room ay maingay. Sa likod na nga ako dumaan para hindi ko makita sila Kristele. Tahimik akong naupo sa likod.

"Heard may holloween party sa Bulshoi ah? Si Glen daw ang nag organized." Nakuha ni Trixie ang atensyon ng magsalita siya. Napatingin ako sa kanya at nahuli ko siya na nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko. Mabilis siyang nag iwas ng tingin.

Mamaya kami pupunta sa Bulshoi ah? Alam ba ito ni Athena?

"Sarap talaga kapag ka age lang natin ang president, he knows what we want." Masayang sabi ni Kristele at pumapalakpak pa.

"Excited na kami.." Sabay sabay na sabi ng alipores ni Kristele. Huminga nalang ako ng malalim ay nagfocus sa nirereview ko. Kailangan ko matapos at maipasa ito.

Ganyun pa man, hindi maalis ang isip ko sa sinasabi nilang holloween party. Bakit hindi ko alam yon?

"Julia, pupunta ka mamaya?" Napatingin ako kay Klaus ng bigla itong nagsalita. Oryt, hindi ko manlang napansin na siya pala ang katabi ko. "I'm not sure.." Pagsisinungaling ko. Pupunta ako. Nandun si Glen eh. At tsaka talagang pupunta naman kami ni Athena.

"Ganon? Sayang.." Dismayadong sabi ni Klaus kaya napatingin ako sa kanya. In the end wala nang nagsalita sa amin hanggang dumating na yung prof namin. Mabilis kong nasagutan ang exam. Mabuti nalang talaga at nagreview ako. Naglakad ako sa hallway ng mag isa. Panay pa nga ang huntahan ng mga studyante about the party.

Pupunta na ulit ako sa shop ni Dom. Ala naman kasi akong gagawin dahil may isa pang subject si Athena. The usual, dumaan ulit ako sa main building kung nasaan ang office. Wala doon ang Vios ni Glen. Maybe his busy with the party. Ang tanga ko ba? Ako kasi ang habol ng habol sa kanya. Minsan nga gusto ko nang mapagod. Pero hindi eh. Hindi ko maramdaman ang pagod. Mas nangingibabaw pa din sa akin na mahal ko siya.

"Julia, are you coming tonight?" Bungad sa akin ni Dom. Ok na ulit si Dom. Hindi na mainit ang ulo niya. Dati kasi palaging mainit ang ulo niya sa akin. Akala ko pa nga tatangalin niya ako sa trabaho. Naiintindihan ko naman siya. He's Glen's friend after all.

"Not sure.." Tipid na sagot ko. Umupo muna ako saglit dahil sa hingal at init. "You already have a holloween dress, so you have no choice." Napatingin ako sa kanya at nanliit ang mata. Alam nila talaga? So ako lang ang hindi alam tungkol sa party na yan.

"Do I have a choice?" Tumayo ako para pumasok sa locker room. Magpapalit na ako ng pangtrabaho. Tumawa si Dom.

"No, you don't.." Natatawang sabi niya kaya napailing ako. "Sana di muna ako tinanong." Natawa nalang din ako. Wait? Natawa? Oo nakakagulat. Simula kasi ng magkandaleche leche ang buhay ko ay hindi ko na makuhang tumawa. So it's kinda new to me.

"Wooowww!" Laglag ang panga ko sa ginawa sa akin ni Athena. Binihisan niya ako ng gown kaya nagmukha akong prinsesa. "Ang ganda.." Mangha mangha ako. Kinulot kasi ni Athena ang wavy na buhok ko. "That's perfect, Julia. Hindi ka naman mukhang nakakatakot!" Ngumuso si Athena sa akin. Nailing nalang ako. Siya kaya ang gumawa sa akin nito.

"Seriously, Dom?" Literal na natawa ako sa gulat na gulat na reaksyon ni Athena kay Dom. Hindi talaga nila alam? Sinundo na kasi kami ni Dom sa condo ni Athena. Naka Catwoman si Athena na bagay na bagya sa kanya. Hindi din naman siya mukhang nakakatakot. Mukha siyang hot chick. Tapos si Dom kahit naka mask dahil Batman ang costume niya ang gwapo gwapo din.

I smiled bitterly. Ano kaya ang suot ni Glen? Parang nagtambulan bigla ang puso ko sa excitement at lungkot. Kahit naman ano pa kasi iyon. Hindi pa din mababago ang fact na galit siya sa akin.

"Ano kaya ang suot ng iba? Naeexcite ako.." Pumapalakpak pa si Athena habang inaayos ang dulo ng kulot na buhok ko. "Ano ba naman princess Julia, bakit nakabusangot ka?" Natawa nalang si Dom ng inirapan ko si Athena. Habang papalapit kami ng papalapit sa Bulshoi ay papalakas ng papalakas ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o takot. Haaays!

Bumaba kami sabay sabay sa sasakyan. Hindi ko mapigilan mamangha sa ganda ng ayos ng Bulshoi. Ginawang parang hunted house ang lugar. Tapos naka costume din ang mga tao. Nakakatawa pa nga kasi may pitong dwarfts sa labas na sumasalubong sa mga guest. Ang galing!

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Nang pumasok kami sa loob ay bumalot ang ingay ng banda. Nakakatuwa nga kasi nakacostume din ang banda.

"Westbound ba yan?" Tanong ko kay Athena, na ngaun ay iindak indak na sa music. "Oo, ang gwapo ni Gabrielle noh?" Natatawang sabi ni Athena. Napailing nalang ako. Biglang nawala si Dom sa tabi namin. Nagkibit balikat nalang ako. "Drinks?" Napaatras ako bigla kaya natawa si Athena. Paano naman may accent pa ng zombie yung may hawak ng drinks na naka costume din ng zombie. Kumuha ng shots si Athena. Kumuha din ako. Wala naman masama kung iinom ako diba? Kahit ngaun lang.

Nawala bigla si Athena sa likod ko. Naiilang pa ako dahil may ibang nakatingin sa akin. Inikot ka ang paningin ko sa paligid. Ang galing talaga.

Halos maistatwa ako ng makita ko si Glen. God! Naka Knights na costume siya. Ang gwapo niyang tignan sa suot niya. He's certified dropped dead gorgeous. Natauhan ako ng makita kong nakatingin siya sa akin. Nakipagtitigan lang ako sa kanya. I want to run over him pero hindi ako makagalaw. Nawala ang ngiti ko ng tumalikod siya bigla. Ano ba kasi ang akala mo Julia? Na, tatakbo siya na parang Knight in shinning armour mo?

Okay, relax..

Naglakad nalang muna ako. Medyo nahihilo na ako dahil nakakatatlong shots na ako. Malaki ang Bulshoi kaya imposibleng mahanap ko agad si Athena.

Natigilan ako ng makita ko si Kristele kasama ang mga alipores niya. Fuck! Napamura nalang ako bigla. Magkamukha kami ng suot! As in! Umiwas nalang ako sa gawi nila. Alam ko naman na hindi maganda kung lalapit pa ako doon. "Julia." Para ba akong nanigas ng marinig ko ang boses niya. Ang galit sa dibdib ko ay bigla nalang umosbong bigla.

"Julia--" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla ko siyang sinampal ng malakas. Napasinghap ang mga taong halos katabi lang namin. Binigay ko talaga lahat ng makakaya ko para sa sampal na iyon.

"Ang kapal ng mukha mo, Simon!" Sigaw ko sa kanya. Napalibutan na kami ng tao. Wala na akong pakialam kung magkagulo.

"It's not what you think.." Nag igting ang kanyang panga. Umiling ako. Marahas kong pinahid ang luha sa mga mata ko.

"Eh ano? You used me? Hindi ko alam kung ano nangyari pero ikaw lang ang kilala kong gagawa non, Simon. Ang sama sama mo! Sinira mo ako kay Glen. Sinira mo kami! alam mong wala akong ginawang masama!" Sa lakas ng boses ko ay literal ng natahimik ang mga tao. Kahit malakas ang music ay nagtigilan ang mga tao sa gawi namin.

"Julia, huminahon ka.." Alam kong si Athena iyon pero hindi ko pinansin. Kailangn kong ilabas lahat ng galit at sama ng loob ko.

"It's not what you think, okay? I kissed you because you were like a little sister to me. Yung pagtulong ko sa nanay mo alam mo naman kung bakit diba?" Kalmado lang si Simon. Umiling ako. Sunod sunod na iling.

"I don't believe you!! Alam mo bang ayaw na sakin ni Glen? Galit siya sa akin dahil sa ginawa mo! Yung video? Bakit may video? Hindi ko alam na demonyo ka pala!" Hysterical na talaga ako pero ala na akong pakialam. "Kung malinis ang intensyon mo bakit may video?" Nanghihina ako. Panay na ang iyak ko.

"Julia, stop." Napatingin ako kay Glen na nag igting ang panga at puno ng otoridad. Natigilan ako bigla. Alam niya na ang totoo?

"Alam mo na ang totoo?" Puno ng pait ang boses ko. Umiwas siya ng tingin sa akin kaya napangiti ako ng mapait. He knew it! but he chose to hurt me? I can't believe this. Ako pala dapat magalit dito! Ginawa nila akong tanga! "Ano kaba, Julia! My goodness! You're ruining everything. Ano ba kasi ginagawa mo dito? It's pretty obvious that you don't belong here.." Parang punyal iyan na tumama sa puso ko. Malakas na sampal ang ginawa sa akin ni Kristele. Panay na ang mura ni Athena habang nakahiga kami ni Kristele sa floor at nag sasabunutan.

"Leave.." Napasinghap ako ng biglang sumigaw si Glen sabay hablot kay Kristele. May kung anong nawasak sakin ng bigla akong naiwan mag isa sa floor, si Kristele ang tinulungan niya. Napatingin ako sa kanya, kitang kita ko ang gulat sa mukha niya. Lalo na nung nakita niya na si Kristele ang hawak niya. Napayuko ako ng mapagtanto ko na lahat sila ay pinagtitinginan ako habang nakasalampak pa din ako sa floor.

"Leave!!" Sigaw ulit ni Kristele na parang nanalo sa isang patimpalak. Hindi ko akalain na mas mawawasak pa pala ako. Akala ko kasi, wasak na wasak na ako.

"Take my hand.." Inabot ko ang kamay ko kay Athena. Pag kaabot ko ay nagmamadali akong tumakbo palabas. Pakiramdam ko ay pinag kaisahan nila akong lahat. Pakiramdam ko ay pinag kaisahan ako ng mundo.

Panay ang luha ko patakbo ng biglang may humatak sa akin. Halos matumba ako sa sobrang panghihina na nadadama ko.

"What are you doing, Glen?" Malamig ko siyang tingnan. All along guilty ako dahil sa video na yun kahit hindi naman dapat. I swallowed everything kahit alam kong wala akong kasalanan. Pero ngaun? Alam niya naman pala ang totoo pero pinili niya pa din saktan ako? Tama nga siguro si Kristele. I don't belong here. I don't belong to him.. Ang sakit lang.

"Julia--" hindi ko siya pinagsalita. Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya. Nag igting ang kanyang panga. Meron na naman siyang blood shot sa mata niya, wala na akong pake. Mas masakit ang nadadama ko ngaun. "Simula ngaun, sasanayin ko na ang sarili ko na wala ka. Dahil kung nakaya mo, makakaya ko din.."

I left him. Tumakbo ako ng tumakbo habang umiiyak. Alam ko makakaya ko na wala ka Glen. Ugh! I shouldn't let myself fell for the badboy.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report